RAVEN Dahil walang stock na kape si Zeke sa tinutuluyan niyang apartelle ay nauwi sa beer pong ang coffee session sana naming tatlo. Mabuti na lang ay nakabili ako ng beer pong set nang magpunta ako ng S&R bago ako tumulak papuntang Javier. Magkatulong na sinet-up nina Asher at Zeke ang isang pahabang mesa sa sala ng apartelle na tinutuluyan ng huli habang ako naman ay kumuha ng beer sa reef na tinuro ni Zeke at saka isa-isang sinalinan ang beer pong cups. “Tulungan na kita,” alok ni Zeke nang makita niyang bahagya akong nahirapang buhatin ang tray na naglalaman ng mga cups. Si Asher naman ay nakita kong prenteng nakaupo sa sofa habang matamang nakatitig sa aming dalawa ni Zeke. Hindi ko alam kung ano ang naglalaro sa utak niya nang mga oras na `yon. “Dahil tatlo tayo, ang mabuti pa a

