RAVEN Finally, natapos rin kita… Sa isip-isip ko matapos kong i-edit ang mga eksenang pinapalitan sa `kin ni direk. Nasa kasagsagan na ng pagshu-shoot ng mga eksena si direk pero paminsan-minsan ay may pinapapalitan o kaya ay may ipinapadagdag siyang eksena sa script ng Midnight Lover na nakakatulong naman upang mapaganda ang kwento. Isang beses ko pa iyong pinasadahan ng basa at pagkatapos ay ipinadala ko na sa email ni direk Joey. Naghikab-hikab muna ako at akmang papatayin ko na ang laptop ko nang maalala kong may pinapagawa nga pala sa `kin si Asher. Kaninang umaga ay may ibinigay siyang USB sa `kin at naroon daw ang resume niya. Gusto niyang i-edit ko dahil maghahanap daw siya ng trabaho habang nandito siya Manila para raw may mapag kaabalahan siya. Kung ako lang ang masusunod a

