MISYON

3056 Words
RANDAL DE JESUS | MISYON NAGISING akong nasa isang bahay na. Hindi ko man lang namalayan halos na nakalabas na pala ako sa hospital kung saan ako naroon. Sa tulong ni Juliana ang lahat ng 'to. Mukhang maabilidad ang babaeng 'yon. Tanda ko rin ang ginawa niyang pakipag-usap para tuluyan akong mailabas mula sa bahay pagamutan at heto nga dito ako dinala ni Juliana at Gabay sa isang maliit na bahay. Hindi ko rin matandaan kung bakit wala na akong kahit na ano'ng maalala maliban sa dalawang taong kasama ko. Blangko na ang lahat ng nakaraan--- maliban lang sa isang pagkakataon na kailangan kong pahalagahan. Ayon sa kanila nandito daw kami sa isang probinsya sa norte--- Ilocos daw kung tawagin ito. "Nagugutom ka na ba?" tanong sa akin ni Juliana. Bigla-bigla na lamang ito sumusulpot sa harap ko at hindi ko man lang namamalayan kung saan galing ito. Wala itong pinagkaiba kay Gabay. Baka magkamag-anak pa yata ang dalawang 'to at may lahing super saiyan. Ito ba ang makakasama ko rito? Mukha yata akong mahihirapan. Hirap na ako sa batang si Gabay, nadagdagan pa ng babaeng 'tong hindi ko alam kung ano ang tunay na kailangan sa akin. May misyon kaya ito sa katulad ko? Mukhang wala naman yata. Ayon dito at ang natatandaan ko may ibang misyon itong kailangan pero hindi sa akin. Baka isang asungot lang talaga ang papel nito sa buhay ko. "Busog pa naman ako, halos kakakain lang din naman natin," tugon ko sa kaniya. Umayos ako ng pagkakaupo. Mabuti na lamang at may malambot din naman na kutson akong ginagamit. Totoo naman ang sabi kong busog pa ako at maayos naman. Gusto ko lang ngayon ang magpahinga. Wala naman akong kahit na ano'ng nararamdaman pa. Himala nga at kagagaling ko lamang ng hospital pero wala man lang akong kahit na anong gamot ang siyang nireseta sa akin. Baka mamaya maisipan ko rin kumain at may dala naman si Juliana. Um-order ito kanina bago kami nakauwi. Iniwan lang ako sa sasakyan gan'on din si Gabay para bumili sa isang fastfood chain. Hindi na ako bumaba pa at kung may ano lang akong nararamdaman sa sarili ko. Mas gusto kong mapag-isa at heto nga mas pinili kong nandito sa silid ko. Ayaw ko muna mag-isip ng kahit na ano ngayon. Mahirap na mag-isip ng kahit na ano'ng bagay. Ang gusto ko lamang mangyari ngayon ay hayaan na lang si Gabay--- ito lang naman ang nakakaalam ng lahat. Natandaan ko ang sabi niya sa akin noon na magugulat na lamang ako at nagawa ko na ang lahat ng misyon ko sa lupa. Baka sakaling mangibabaw sa akin ang lahat ng ala-ala kung nasa sitwasyon na ako ng nakaraan. "Gusto mo ba munang iwan kita?" untag nito sa akin. Nang wala akong kibo sa kaniya. "Napansin ko kasi na gusto mo pa magpahinga. Baka gusto mo pa mapag-isa, nasa labas lang ako at kung kailangan mo ng tulong tawagin mo lang ako. Ipahinga mo ang sarili mo at kailangan mo pa 'yan," sambit nito. Hindi ko naiwasang mapangiti sa kaniya. Mabuti na lamang at naiintindihan din nito ang sitwasyon ko. Baka kanina lang ito makulit at ngayon hindi na. Ipagpapasalamat ko kung sakali 'yon. Lumabas na ito nang hindi ako tumugon sa kaniya. Maingat nitong sinirado ang pinto ng silid ko. Narinig ko ang papaalis nitong yabag. Pinili kong ihiga ang katawan ko sa malambot na kutson na para sa akin. Pinikit ko ang mga mata ko ng maramdaman ang namimigat kong talukap. Gusto ko munang magpahinga kahit sandali habang wala pang makulit na bata sa tabi ko. --- F L A S H B A C K PAST LIFE OF RANDAL AS RODRIGO VICENTE "Doc, marami na pong pasyente ang kailangan ng presensiya niyo. May ilang regular patients na rin na hinahanap kayo," ani ng inaasahang kong nurse sa clinic na pagmamay-ari ng asawa kong si Miranda. Ito si Rose. Matagal na itong nagtratrabaho sa akin, hindi pa kami kasal ni Miranda. Hindi ako makasagot agad dito. Wala akong gana makipag-usap kahit kanino. Paano ba naman at nag-away na naman kami ni Miranda nagdaang gabi. Hindi ko kasi lubos na maintindihan ang topak ng babaeng 'yon. Basta-basta na lamang siya naghahanap ng away at dala ng pagod ko sa trabaho hindi ko rin siya napipigilang patulan. "Okay ka lang ba, Dok?" ilang sandaling tanong sa akin ni Rose. Ngumiti ako sa kabilang linya at kung pagiging tahimik lang ang nagiging tugon ko alam kong, alam na nito ang ibig kong sabihin. Masama ang loob ko kagabi kay Miranda. Bukod kasi sa wala man lang akong pagkain na nadatnan sa bahay--- wala pa akong kahit na anong damit na nakahanda sa maghapon kong trabaho. Mukhang hindi niya yata nararamdaman ang pagod na mayroon ako. Samantalang ito sa bahay lang at kasamang nagsusugal ang mga kaibigan nitong madalas pumunta sa amin. Iwan ko nga ba sa babaeng pinakasalan ko. Mas may oras pa ito sa ibang tao kaysa mismo sa aking asawa nito. Naiinis ako sa kanya. Pero wala akong magawa at alam kong makakarating lang ito sa pamilya namin pareho. Ayaw kong mangyari iyon, iniiwasan ko ang bagay na iyon. Dahil alam ko ang pweding mangyari. Doble lang ang sermon na mahihita ko sa kanilang lahat--- ako pa rin ang mali kahit na si Miranda ang palaging naghahanap ng gulo sa pagsasama naming dalawa. Iniisip ko na lamang na siguro dala lang ito ng pagbubuntis nito kaya ganoon ito. Kung hindi ko lang sana sinunod ang pamilya ko n'ong pilitin ako na ipakasal rito. Hindi nangyaring magiging asawa ko si Miranda. Sabagay matagal ko na rin namang kasintahan si Miranda bago kami nagpakasal. "Sigi-sigi! Susunod ako agad d'yan. Mas aasikasuhin lang ako sa bahay. Salamat sa paalala mo Rose. Don't worry! Papasok ako para matingnan sila," tugon ko rito. "Naku! Salamat naman, Doc Rodrigo. Hindi ko rin kasi alam ang gagawin ko at kailangan ka nila rito. Inform ko na lang ho sila na makakapasok ka naman mahuhuli lang," sambit naman nito sa akin. Malaking bagay na may isang Rose sa clinic ko. Lagi itong alerto sa mga kailangan kong gawin. Kung wala ito hindi ko rin alam halos ang magagawa ko. Mabuti na lang sa kabila ng lahat nandito pa rin ito para sa akin--- maswerte pa rin ako. "Sigi na. Ibaba ko na tong tawag, Dok. Aasahan ko na lang kayo rito para naman matapos na 'to at makapagpahinga ka na rin.." "Sigi. Salamat ulit, Rose. Inform mo na lang mga tao d'yan. Pupunta ako. Huwag kako sila mag-alala at parating na ang superhero nila.." natatawa kong sabi kay Rose. Narinig ko rin ang tawa nito sa kabilang linya. Masayahin ang batang 'to. Isa mga bagay na mas lalo kong nagustuhan sa kaniya. Kahit madalas nakakapagod akong maging amo-- nandiyan pa rin siya at nanatiling magiliw sa akin man o sa mga pasyente kong madalas na nagawi sa clinic. Kaya na nga ni Rose i-handle ang lahat. Ang mahirap lang ang panghuhusga ni Miranda na animo may mali kaming ginagawa n'ong tao. Iba rin kasi ang isip ng asawa ko minsan, lalo na ang pagdududa nitong wala naman sa lugar. Nagpasya na akong ayusin ang sarili ko at kailangan ko ng puntahan si Rose. Baka nga marami na ang tao sa clinic ko at kailangan nito ng presensiya ko r'on. Ayaw ko na rin na maabutan ako ni Miranda dito sa bahay at baka magtalo na naman kaming dalawa. Iiwasan ko muna ito kahit na ilang oras lang, dahil sa pag-uwi ko alam kong magkikita na naman kami at muling magbabangayan sa walang kwentang bagay. Hinanda ko na ang sarili ko. Maliligo na muna ako. --- P R E S E N T RANDAL DE JESUS "KANINA pa kita pinagmamasdan habang natutulog ka." Halos mapapitlag ako sa pagbangon ng matamaan si Gabay sa tabi ko. Nakatunghay ito sa akin. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Mukhang napahimbing pa yata at hindi ko man lang naramdaman ang pagpasok nito sa silid ko. Umupo ako at sinandal ang likod ko sa headboard ng kama. "May dala akong pagkain sa'yo, kaibigang Randal, sabi kasi ni kaibigang Juliana hindi ka man lang kumain nang magpahinga ka," anito pa. Walang paalam itong umupo paharap sa akin. Sinundan ko ng tingin ang dala-dala nitong pagkain na sinasabi nito. Puno ang isang plato ng prutas at sa kaliwang bahagi naman may isang tinapay na hindi ako pamilyar--- mukhang hindi pa yata ako nakakatikim n'on at bago lang sa aking paningin ang tinapay na 'yon o baka naman sa buhay ko hindi pa ako sumubok n'on. Naisip kong mahirap din pala 'yong wala kang masyadong alam sa nakaraan mo maging sa nangyayari sa'yo at sa misyon na mayroon ka. Napakahirap naman ang sitwasyon kong 'to, aniya sa isip ko. Hindi ko mawari kung bakit ako umabot sa ganito. Naitanong ko sa sarili ko kung naging mabait ba ako sa mundong mayroon ako n'on at bakit kailangan kong maranasan ang lahat ng 'to. "Tahimik ka na naman kaibigan," untag sa akin ni Gabay. "M-may iniisip lang. Ikaw kumain ka na ba?" ganting tanong niya rito. "Iba ang kinakain ko. Hindi ko pa magawang kumain ng pagkain ng tao," sagot nito. Bahagya akong nabulunan ng tuyong laway ko sa sagot sa akim ni Gabay. Hindi ba nito naisip na halos wala na rin kaming pinagkaibang dalawa? Hindi na rin naman ako normal na tao katulad nito. Para naman walang alam si Gabay sa nangyayari sa akin o wala talaga itong alam? Napailing na lang ako sa naging turan niya. "Baka may papasyalan ka na naman. Umalis ka na, hayaan mo na lang ako rito. Mukhang gusto ko pa kasing magpahinga.." "Kuh! Palagi ka na lang nagpapahinga, Kaibigan. Hindi ka pa napapagod? Wala ka bang balak gawin ang misyon mo sa mundong 'to para makatawid ka na sa lagusan tulad ko?" sabi nito sa akin. Napakunot ako rito. Ibig sabihin may alam ito sa nangyayari. Ang hindi ko lang alam kung bakit ayaw nito sabihin ng direkta ang misyong mayr'on ako sa lupa? Napasinghap ako. Ilang beses ko pa bang pipilitin na umamin sa kung ano ang mayroon? Parang tulad lang ito ni Juliana. Kung tatanungin mo walang alam. Bakit nga ba sa akin napunta ang dalawang 'to? Pwedi ba mag-request ng bantay at gabay kay sundo? Mukha kasing mahihirapan akong makatawid sa lagusan kung ito ang makakasama ko sa misyong mayroon ako. Mahirap. "Tinataboy mo na ba ako, Kaibigan? Baka nakakalimutan mong hindi kita pweding iwan at ako ang magiging gabay mo sa lahat ng pwedi mong gawin, Kaibigan," anito pa sa akin. Umayos ako ng pagkakaupo sa kama ko. Tuluyan na akong nagising agad kong tiningnan ang oras ng relo sa may tabi ng higaan ko. Pasado alas kwatro na rin pala ng hapon. "Wala ka man lang bang panaginip?" tanong nito sa akin. Bigla naman ako nakaramdam ng hiwaga sa tanong nito kung ano ba ang ibig sabihin ng panaginip na sinasabi nito sa akin. "Tungkol saan?" "Tungkol sa mga bagay-bagay.." "Tulad ng?" "Hindi ko alam. Ikaw dapat ang may alam at panaginip mo naman 'yan hindi ba." "Nahihiwagaan ako sa'yo kung ano ang sinasabi mo.." "Kalimutan mo na kaibigan. Huwag mo na akong intindihin." Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa lumabas ng walang paalam. Iba rin ang gabay kong to napakamisteryuso pwedi niya naman sabihin sa akin ang lahat ng dapat kung malaman, sadyang may balak pa talaga yatang ilihim sa akin ang lahat. Nagpasya akong tumayo para lumabas ng silid ko. Napansin ko agad ang silid na konektado sa silid ko sa gilid ng isang malaking salamin. Minsan iniisip kong isa itong lagusan ni Gabay sa kung saan man ito nagmumula. Paglabas ko ng silid agad kong nakita ang maliit na sala at sa gawing bahagi n'on nandoon ang main door ng bahay. Sa kaliwang bahagi naman ang pinto papasok sa isang kusina na una kong pinasukan kanina nang dumating kami dito. Kumpleto sa lahat ng kagamitan ang bahay na 'to; may T.V, Radyo at isang stand fan sa gilid lang ng telebisyon. Umupo ako sa sala. Wala naman akong ginawang iba kundi tiningnan lang ang repleksyon ko sa salamin. "Je ne comprends rien à ce qui se passe autour de moi, " bulong ko sa aking sarili na ang ibig sabihin--- 'Wala man lang akong naiintindihan sa nangyayari sa paligid ko.' Gusto ko man mag-imbistiga hindi ko talaga alam kung saan magsisimula. "Malalim na naman yata ang iniisip mo, Randal," untag sa akin ni Juliana. Hindi ko namalayang nasa likuran ko ito nakatayo sa main door. Mukhang sa labas yata ito nangggaling. Nakapantalon itong maong at isang t-shirt na plain white, nakapusod ang buhok at may salamin sa mga mata nito. Kung titingnan ang ayos mukhang may pinuntahan yata. "Vous ne comprenez pas non plus ce que je pense," sagot ko sa kaniya. Hindi alintana na may kakayahan nga pala itong basahin ang laman ng isip ng isang tao--- normal man ito o hinding tulad ko ngayon. "Tu ne peux pas tout me cacher. Quoi que ce soit, je peux encore le découvrir.." Bilib na talaga ako sa kakayahan nito. Hindi ko rin akalaing nakakapagsalita ito ng france at kayang basahin kahit 'yon na ang iniisip ko. "Pinapahanga mo ako, Juliana.. Iba ang kakayahang mayroon ka. Pero hindi ko nanaisin sigurong magkar'on niyan." "Bakit naman ? Hindi ka ba natutuwa na kaya mong basahin ang isipan ng ibang taong nasa harap mo?" "Hindi ko alam. Siguro dahil ayaw kong malaman ang nilalaman ng isip ng ibang taong nasa paligid ko, Juliana.." "B-bakit?" Kunot-nuong tanong nito sa akin. Umupo patabi sa akin. "Hindi ko alam.. Ramdam ko lang na hindi ko magugustuhan. Ayaw kong maging malungkot kung sakali mang malungkot yong taong mababasa ko ang laman ng isip. Siguro dahil pakiramdam ko mayroon akong hindi maipaliwanag na emotional attachment.. If you know what I mean.." turan ko. Napangiti sa akin si Juliana. "Hindi mo mapipili kung ano ang gustong ibigay sa'yo ng taas, Randal. For me it's a gift na kailangan mong tanggapin buong puso mo't kaluluwa, dahil kung hindi mababalewala ang muli mong pagbabalik sa lupa.." sabi nito. Pambihira! bulong ko sa sarili ko. Sa ayaw at gusto ko mukhang magkakaroon pa yata ako ng di normal na kakayahan gaya ng babaeng to sa harap ko. "Sa labas na kayo d'on na tayo kumain, para naman magsalo-salo tayong tatlo," untag sa amin ni Juliana. Nagpatiuna na itong lumabas at sumunod naman si Gabay. Wala na akong nagawa kundi sumunod sa mga ito. Hindi ko na inabalang ayusin ang sarili ko. Kumakalam na rin ang sikmura ko at gusto ko ng kumain muna. Mukhang masarap pa naman ang pagkaing dala ni Gabay. Mas mainam din na sa labas na lang kami kakain para magsalo-salo kami at magkaroon pa ng pagkakataon para makilala ko ang dalawang kasama ko. Naabutan ko ang mga itong nakaupo na sa isang bilog na mesa; may plato na rin at ilang kubyertos. "Tara na. Pagsaluhan na natin 'to," aya ni Juliana. Nahihiya pa akong lapitan sila at nandoon pa ang pangangapa sa pagkilala sa mga ito. "Ito para sa'yo. Kuha ka lang ng kung ano ang gusto mo," alok ni Juliana. Tumango-tango ako sa kaniya. Mukha naman itong mabait. Kung tutingnan mo lang din ng mabuti makikita mo ang magandang kalooban sa mga mata nito. "Salamat---" anito sa akin. Napakunot-nuo ako. Bakit ito nagpapasalamat sa akin? Wala naman akong sinabi sa kaniya ng kahit na ano para ipagpasalamat nito sa akin. "Nababasa ko ang isip mo at ang sabi mo may mabuti akong kalooban," kumpirma nito. Napayuko ako kasabay ang ngiting sumilay sa labi ko. "Iyan ang tingin ko sa'yo at alam kong hindi ako nagkakamali." "Kaya nga ako nagpapasalamat sa 'yo. Akala ko kasi weirdo na ang tingin mo sa akin." "At sa akin din," sabat naman ni Gabay. Natawa ako sa kanilang dalawa. Ngayon pakiramdam ko magkakasundo naman kami. Dapat pa siguro namin kilalanin ang isa't isa, pero sa nakikita ko mukhang mababait at matitinong tao ang dalawang 'to. "Kumain ka na. Kanina ka pa walang kain. Masarap 'tong binili namin.." Isang plato ng pansit at puto kasama ang tinapay na ngayon ko lng nakita ang binigay ni Juliana sa harap ko. "Salamat dito---" "Walang anuman, Randal. Kumain ka lang ha. Huwag kang mahiya at mangamba," sabi ni Juliana. "Mukhang masarap nga at gutom na rin ako. Inantok lang ako kanina kaya mas pinili ko munang magpahinga. Salamat dito." Tukoy ko sa mga pagkaing nasa harap ko. Sabay-sabay na namin pinagsaluhan ang pagkain sa harap namin. Tahimik kaming kumain. Hindi ko man alam kung ano ang gagawin namin pagkatapos nito--- bahala na siguro. Kung uumpisahan man namin ang misyon namin walang kahit sino makakapagsabi. Napatingin kami sa isa't isa ni Juliana. Ngiti ang naging ganti ko sa matamis na ngiti na ginawad nito sa akin. Sa sarili ko ngayon, tanggap ko na at sila ang makakasama ko. Mas mainam na rin 'to kaysa sa iba kung sino man. "Pag naiinip ka rito, pwedi kang manuod ng TV kung gusto mo o 'di kaya pwedi kang lumabas sa labas, habang hinihintay pa natin ang pwedi nating gawin o kung ano ang pwedi nating gawin.." untag sa akin ni Juliana sa ilang sandaling katahimikan na namutawi sa aming tatlo. "Ano ang ibig mong sabihin, Juliana?" "Sa ngayon kasi blangko pa ang lahat para sa'yo, Randal. Ayaw kong pilitin mo ang lahat--- dadating lang ang dapat mong gawin. Habang wala pa ito, libangin mo muna ang sarili mo rito sa bahay at isang araw dadating na lang ang kailangan mong gawin," mahabang sabi nito. "Sana hiling ko sa lalong madaling panahon madiskubre ko na ito. Ayaw kong magtagal sa mundo at gusto ko rin na matahimik kayo o makaalis na sa mundong 'to kung ako ang dahilan kung bakit kayo narito." "Wala kang dapat alalahanin sa amin, Randal. Alam namin ang ginagawa namin ni Gabay. Siguro ang maitutulong mo na lang ay hayaan mong dumating ang araw na 'yon. Huwag natin pilitin dahil kusa 'yon." "Oo, Randal. Nagtitiwala ka naman sa amin ngayon hindi ba?" Tumango-tango ako. Sa sarili ko alam kung mahirap kunin ang tiwala ko, pero iba na yata sa pagkakataong 'to ngayon. Mas nakakasama na ako--- makakasama na matatawag kong mga kaibigan at karamay sa lahat ng sandaling mananatili ako rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD