RANDAL DE JESUS | KAKAYAHAN
DR. RODRIGO VICENTE.
"AALIS ka na naman?" bungad na tanong sa akin ni Miranda. Katatapos ko lang maligo at aalis na sana ako, ito kung titingnan ko mukhang kauuwi lang nito.
"Saan ka na naman galing? Baka nakakalimutan mong buntis ka," untag ko sa kaniya.
Halos araw-araw na lamang itong nawawala sa bahay. Iniisip ko na baka kung wala ako rito--- ganoon din ang oras na wala ito.
"Hindi ko nakakalimutang buntis ako, Rodrigo. Hindi mo naman kailangan paulit-ulit na sabihin sa akin 'to. Ikaw ang tinatanong ko kung saan ka pupunta at mukha yatang bihis na bihis ka," nakataas kilay nitong tanong sa akin.
"Nakalimutan mo na bang may trabaho ako? Doktor ako, Miranda--- ipapaalala ko lang sa'yo kung nakakalimot ka na."
Paismid itong tumawa.
"Hindi ko nakakalimutan, Rodrigo."
"Then. Alam mo kung saan ako pupunta. Sa clinic ako pupunta."
"Sabado? Ganoon ka na ba kasipag na pati ang oras na dapat kasama ka namin ng anak mo ipagpapaliban mo pa ha?" galit na sambit nito.
Nilingon ko si Miranda. Ayaw kong mag-away kami nito. Gusto kong iwasan ang bagay na 'yon kahit ngayon lang at ang sabi nga ni Rose maraming naghihintay sa akin sa clinic ko. Sa boses ni Miranda alam kong naghahanap na naman ito ng gulo.
"May sasabihin ka pa ba? O kung wala na baka kailangan ko ng umalis. May trabaho ako, Miranda at alam mo kung gaano ako kakailangan sa trabaho ko hindi ba? So. Please! Hayaan mo muna ako ngayon."
"So! Bakit parang kasalanan ko pa ha? Nagtatanong lang ako, Rodrigo at gusto ko lang masiguradong sa trabaho nga ang punta mo at hindi sa kung sino-sino."
Liningon ko itong may inis sa mga mata.
"Talaga ba, Miranda? Of all people! Ako pa ang pag-iisipan mo ng mali? Nakakasigurado ka ba sa mga iniisip mo? O, baka nagkakamali ka lang? Kilala mo ako, kapag trabaho--- trabaho lang ako at walang kahit na ano ang pweding umabala ron."
Natigilan ito. Ganito naman talaga si Miranda. Kung alam niya sa sarili niyang mali siya, hindi na ito sumasagot pa.
"Kailanhan ko ng umalis, Mirenda. Babalik na lang ako mamaya ng maaga pa. May mga pasyente na ako na kailangan ng presensiya ko. I'm sorry!" Mabilis kong kinintalan ng halik ang pisngi nito.
Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at tumuloy na ako. Naghihintay na sa akin si Rose ganoon din ang mga pasyente ko at hindi ko sila pweding paghintayin ng matagal.
--
RANDAL DE JESUS
NAGISING ako dahil sa matinding kirot ng ulo ko. Ala-una pasado na pala ng madaling araw. Hindi ko namalayang nakatulog na rin pala ako. Gan'on pa rin ang posisyon ko kung paano ako natulog kanina. Mas lalo yata sumidhi ang kirot ng ulo ko ngayong gising na ako. Parang may kung anong tumutusok dito na hindi ko maintindihan.
Lumingon ako sa paligid ng silid ko. Ramdam ko ang lamig na simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko. Bukas pala ang bintana sa may kaliwang bahagi kung saan naroon ang kama ko.
Hindi man lang ako ginising ni Gabay para isarado 'to. Nakalimutan ko rin tumayo kanina. Akma sana akong tatayo nang may narinig ako.
"Mabuti gising ka na.."
Muntik na akong matumba ng may narinig akong boses sa likuran ko. Iyon na lamang ang gulat na naramdaman ko nang nabungaran ko si Juliana--- kalalabas lang nito sa isang silid kung saan para sa kanilang dalawa ni Gabay.
"I mean.. Nagising ka na.." bawi nito.
"Nasaan si Gabay?" tanong ko.
Liningon ko ang likuran nito at hindi nito kasama ang batang 'yon. Baka tulog pa ito. Sabagay madaling araw pa lang naman.
"Natutulog pa. Maaga pa naman. Bukas pa gising n'on para magliwaliw naman. Kamusta ang tulog mo bakit ka nagising?"
Mukhang hindi yata nito nahulaan kung bakit ako nagising. Tiningnan ko siya sa mga mata niya. Maganda ang babaeng 'to. Minsan gusto ko rin tanungin kung ano ba talaga ang nangyari dito.
"Nasabi ko na ba sayong wala kang maililihim sa akin, Randal?" untag nito sa akin.
Natawa na lang ako. Oo nga pala. Minsan na nga pala ilang ulit na pala nilang nasabi sa akin iyon. Nakakalimutan ko rin minsan mag-isip ng mga bagay na posibleng mababasa nito sa akin.
"Ikaw bakit gising ka pa? Hindi ba dapat nagpapahinga ka na?" balik tanong ko sa kaniya nang makabawi ako.
"Hindi rin ako makatulog.."
Humalikipkip ito sa harap ko. Nilingon niya ang silid na konektado lang sa silid ko, sa silid nilang dalawa ni Gabay.
"Mabuti pa si Gabay, kahit na hindi normal na tao nakakapagpahinga. Ikaw nahihirapan ka rin ba?"
"Hindi naman. Nagising lang talaga ako. Medyo naramdaman ko lang ang lamig ng hangin na nagmumula sa labas kaya siguro nagising ako.."
Tiningnan ako ng mariin ni Juliana.
"Wala ka bang alam sa mga nakaraan mo? I mean--- wala ka man lang bang maalala tungkol sa nangyari sa'yo?" tanong nito sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya. Dahil ang totoo nakalimutan ko talaga ang lahat o sadyang hindi ko lang maalala ang mga bagay na dapat kong alalahanin sana.
"Pwedi ka naman umupo kung gusto mo makipagkwentuhan," sabi ko sa kaniya.
Hindi naman ito nag-atubili at agad na umupo sa sofa na nandoon. Umupo rin ako sa paanan ng kama ko paharap dito.
"Kung ako nga ang masusunod gusto ko sanang may maalala ako. Mahirap din kasing ganito, Juliana. Hindi ko alam kung saan ako nagmula, kung ano ang nangyari sa akin kung bakit umabot sa ganito ang sitwasyon ko."
Ngumiti ito sa harap ko. Hindi ko alam kung para saan ang ngiting iyon, hindi naman kasi ako tulad ng mga itong nakakabasa ng laman ng isip.
"Alam mo bang ganiyan din ako dati. Wala akong maalala, hindi ko alam kung ano ang kailangan kong gawin, hindi ko alam kung para saan ang lahat, kung ano nga ba ang misyon mo. Na tulad mo gusto ko rin malaman kung saan ako nagmula, kung may pamilya pa ba ako," mahabang kwento nito sa akin.
Nakaramdam ako ng habag sa mga sinabi nito sa akin. Hindi ko akalain na ganito pala ang pinagdadaanan niya. Kung ano pala ang nararanasan ko ngayon, naranasan din nito noon.
"Pero alam mo ba kung paano ko sila naaalala? Kung paano ko nalaman kung saan nga ba ako nagmula?"
"S-saan?" interesado kong sagot dito.
Narinig ko ng bahagya ang pagtawa nito.
"Pag natutulog ako.. Kapag nakakatulog ako, sumasagi sila sa isip ko. Nakikita ko ang nakaraan ko, nalalaman ko ang nangyayari sa akin at kung ano ang nangyari sa akin.."
Napakunot-nuo ako sa harap ni Juliana. Sa isip ko nandoon ang mga katanungan kung paano mangyayari iyon? E, tulog nga siya. Paano pa siya makakapag-isip ng ganoon kung sakali. Parang ang hirap naman yatang paniwalaan ang mga sinasabi nito sa akin.
"Hindi ka naniniwala sa akin? Ako rin, Randal, halos hindi ko rin maintindihan kung paano nangyari 'yon. Kung paabo ko naiisip ang lahat habang tulog ako. Pero dahil may puso tayo, may puso ako gaya ng normal na tao--- kaya ko nararamdaman sa puso ko ang lahat ng panaginip ng nakaraan ko. Subukan mo at masasabi mong totoo lahat ng mga sinasabi ko."
Napayuko ako. Kasabay ang paglunok ko ng tuyong laway. Sa isip ko nandoon ang lahat ng katanungan kung paano ko magagawa ang mga sinasabi sa akin ni Juliana.
Nand'on din ang lungkot na baka ito lang ang may kakayahan at wala siya. Na baka mas pinili talaga si Juliana kaya nito naranasan at nararandaman ang lahat ng iyon.
"Nagkakamali ang tinatakbo ng isip mo. Dahil mayroon ka rin n'on at baka kung ano man ang misyon na mayroon ako o kakayahan na binigay sa akin, baka mas makabuluhan sa'yo at mas makakatulong sa mga mortal na kailangan ang tulong mo.."
"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong kong hindi napigilandl dito. Humalikipkip ito at napatingin sa kawalan.
"Minsan naiisip kong binibigyan tayo ng pangalawang pagkakataon para mabuhay dahil sa ilang misyon na magligtas ng buhay.. Naniniwala akong mayroon ka rin n'on, Randal. Hindi mo lang siguro alam kung paano malaman 'yan sa ngayon... Pero umaasa akong isang araw na 'to, matatagpuan mo na lang ang sarili mo na may ibang kakayahan tulad ko.."
Tumayo si Juliana sa harap ko kasabay ang ngiting hindi nawala sa labi nito.
"Matulog ka na.. Baka pagpikit ng mga mata mo, may matgpuan ka sa puso mo na bahagi ng nakaraan mo, Randal.." bilin nito sa akin bago ito tumalikod.
Napangiti ako sa kaniya nang sundan ko siya ng tingin. Binaling ko ang tingin ko sa malambot kong kama. Nakatulog din ako kanina pero wala naman akong maalalang may binalikan akong nakaraan na pwedi kong maramdaman. Parang ang hirap naman ng sinasabi sa akin ni Juliana.
Laglag balikat akong muling nahiga sa kama.
Hindi ko rin magawang alisin ang tingin ko sa kisame--- hindi pa rin mawala sa isip ko ang lahat ng sinasabi sa akin ni Juliana. Para naman kasing may hiwaga ang lahat.
Paano ko ba magagawa 'to? Totoo bang may kapanyarihan ako tulad ng sinasabi nito? O, kung mayroon man ano kaya ito? Huwag naman sana tilad ni Juliana hindi pa ako handa para mabasa ang laman ng isip ng ibang taong kaharap nito.
Napailing na lang ako kasabay ang pagpikit ng mga mata ko at sa t'wina hindi ko man lang namalayang nakatulog na pala.
---
F L A S H B A C K
RODRIGO DEL VALLE
"DOK, mabuti naman at naisipan mong pumasok. Kanina pa ang mga pasyente sa emergency room. Hinihintay ka nilang sadya para ikaw daw ang tumingin ng pasyente at more on mga bata," salubong sa akin ni Rose. Halos nasa hallway pa lang kami marami na itong nabanggit sa akin.
Hindi ko tuloy alam kung ano ba ang isasagot dito at abala ang isip ko sa ibang bagay.
"Dok, si Mr. Clemente gusto niya raw mauna sa pila at may sakit ang apo niya--- Diarrhea daw ho, dalawang araw na.."
Napahinto ako sa paglalakad kasabay ang pag-ayos ng kurbata ko. Hindi ko nagustuhan ang sinabi nito sa akin tungkol kay Mr. Clemente ang negosyanteng lolo ng madalas kong batang pasyente.
"Sabihin mo kay Mr. Clemente na may sinusunod kang schedule. Ngayon kung ayaw niyang makinig sa'yo bahala siya kako sa buhay niya at wala akong pakialam kung sino pa siya, Rose. Nagkakaintindihan ba tayo?" inis kong turan dito. Gusto kong ipaalala kay Rose na wala akong pakialam sa kahit na kanino. Gagawin ko ang trabaho ko sa abot ng makakaya ko at hindi ako pweding diktahan na kung sino mang Poncio Pilato.
"P-pero, S-Sir.. Ang sabi kasi ni Mr. Clemente marami pa raw siyang appointments at mga meeting kaya kailangan nyong unahin ang apo niya," takot na sabi sa akin ni Rose.
Singkit ang mga matang muli akong napatingin sa kaniya.
"Sundin mo kung ano ang gusto ko, Rose! I'am telling you, wala akong pakialam kung sino pa siya. I'm the doctor here at ako ang masusunod. Now! Go to your work at ayusin mo ang pila depende kung ano ang schedule nila. Comprende, Rose?"
"Je Comprens, Dok," mabilis nitong isagot sa akin na ang ibig sabihin ay naiintindihan niya ang lahat ng sinabi ko sa kaniya.
"Good. It's all clear. Mag-aayos na ako. Pupuntahan ko na sila. Salamat."
Tumalima na ako para pumunta sa clinic ko. Ito ang simula ng araw ko ngayon bilang si Doctor Rodrigo Vicente at hindi bilang Rodrigo na asawa ni Miranda.
Napasukan kong marami na ngang pasyente ang clinic ko. Hindi nga nagbibiro si Rose at halos mapuno na ang hallway papasok sa pribado kong opisina.
"Dok Vicente, mabuti naman ho at pumasok kayo," salubong sa akin ng isang nanay na nand'on.
"Papasok naman ho talaga ako, Misis. Na-late lang ako at may ilang bagay na inasikaso lang. Kamusta ho? Ano ba ang atin?" nag-aalala kong tanong dito.
Nilingon ko ang batang naiwan sa kung saan ito nakaupo kanina.
"Tatlong araw na pong may lagnat ang Angela ko, Dok at hindi ko na alam ang gagawin ko kaya sinugod ko na siya rito," halos maiyak-iyak naman nitong tugon sa akin.
Hinintay kong makapasok si Rose ng clinic. Sa sarili ko lihim kong pinangako na lahat ng mga batang nandito ngayon ay titingnan ko sa abot ng aking makakaya. Gusto ko silang maging maayos lahat. Nandoon ang pag-aalala at pangamba sa puso ko na baka lumala pa ang kalagayan ng mga ito kung ano man ang nararamdaman nila.
"Dok, magiging okay ba ang anak ko?" untag nito sa akin.
Nilapitan ko ang anak niya sa record ko anim na taon pa lamang ito. Halos suki ko na rin ito at madalas talaga itong sinusugod dito.
"Magandang umaga, Dok. Ito na ang reports nila." Tinanggap ko ang chart na binigay sa akin ni Rose.
"Manang, huwag ho kayong mag-alala at ako ang bahala. Magiging maayos ho anak mo. Lagnat laki lang sana 'to! Hihintayin ko lang si Rose para ma-eksamin ko na siya," tugon ko kay manang.
Hangga't maaari pinapangako ko sa sarili kong magiging maayos ang lagay ng kahit sinong pasyente na nakaatang sa akin.
"Pila lang ho tayo, Manang ha. Aayusin ko lang gamit ko," paalam ko rito.
Inikot ko ang tingin ko sa ilan pang taong nand'on at halos kalahati yata mukhang mga bata ang pasyente ko.
Tumalima na ako sa aking opisina. Hinanda ko na ang ilang gagamitin ko. Naramdaman ko ang siyang pagsunod sa akin ni Rose sa opisina ko.
"Titingnan ko lang 'to at magpapasok ka na ng pasyente, Rose."
"Okay, Dok. Masusunod ho.."
"Salamat. Sandali lang 'to. Para matingnan na sila at matapos na, gusto ko na rin na hindi na magtagal pa ang mga pangamba nila."
"Oo nga, Dok Rodrigo. Mga bata rin ang ilan sa kanila at ang pag-aalalang nararamdaman ko ay nandoon."
Tiningnan ko si Rose. Iba talaga ang puso ng assistant kong 'to, laging nasa bata. Sabagay may nag-iisang anak itong nakilala ko na rin--- si Johan madalas ko rin itong nakikita noong sakitin pa ito at mabuti na lang dahil ayon kay Rose hindi na ito ganoon kahina ang resistensiya nito, kaya hindi na rin kami halos nagkikita.
Sinundan ko ng tingin si Rose hanggang sa pag-upo nito sa sarili nitong table paharap sa desk stop nito.
Napangiti ako sa sarili ko para kay Rose; responsable ito. One of the best thing about her--- maliban sa pagiging mabait na nanay nito para kay Johan.
"Dok, okay na ba?" untag na tanong sa akin ni Rose. Nahuli pa yata ako nitong nakatingin sa kaniya.
Muli ko ng binalik ang tingin ko sa ginagawa ko. Naisip ko na naman ang pagkakaiba ni Minerva at Rose--- bagay na madalas kong iniisip at ipagkumpara. Magkaiba sila sa kahit na anong aspeto man tingnan, lamang pa rin si Rose kung pagpapahalaga sa sarili, trabaho at kalusugan ang basehan. Malayong-malayo ito kay Minerva na hindi ko lubos maisip kung kailan ba ito magbabago o ang tanong kung may paraan pa ba para magbago ito.
"No! Ayaw ko muna siyang isipin," bulong ko sa sarili ko.
Masisira lang ang araw ko at hindi lang ako makakapagtrabaho ng tama kung si Miranda pa rin ang laman ng isip ko dahil mula sa bahay siya na--- hanggang ba naman dito sa trabaho kong isa sa mahalaga sa akin. Bukod sa magiging anak namin.