RANDAL DE JESUS | PANGITAIN
NAGISING ako sa bango ng amoy na nagmumula sa labas. Mukhang may hinahanda yatang pagkain si Juliana at Gabay. Napabalikwas ako ng bangon para tingnan kung ano ang ginagawa ng dalawa, naririnig ko rin kasi ang ingay nila.
"Gising ka na pala, Randal," ani ni Gabay sa akin. Nakasilip pa lang ako sa pinto ng silid ko. Napansin kong nasa ibabaw ito ng lababo habang nakamasid sa ginagawa ni Juliana.
"Ang aga niyo naman gumising. Ano'ng oras pa lang ah," sabi ko sa kanilang dalawa. Sabay tingin sa relong nasa dingding paharap sa akin. Pasado alas-otso na rin naman ng maaga. Late na rin pala ang gising ko kung tutuusin. Tuluyan na akong lumabas ng silid ko para lapitan sila.
"Mukhang nagutom ka kasi at parang naglakbay ka sa nakaraan," makabuhang sagot sa akin ni Juliana.
Nilingon ako nito at agad ding binaling ang pansin sa ginagawa.
"Hindi naman. Naamoy ko lang niluluto niyo kaya ako napabangon agad," tugon ko sa kanilang dalawa.
"Ang sabihin mo gutom ka na, Kaibigan," sabi sa akin ni Gabay.
Hindi na ako umalma pa sa sinabi sa akin ng batang 'to. Umupo ako paharap sa mga ito. Naghihiwa pa rin ng sibuyas si Juliana, gusto ko sanang tulungan ito pero huwag na raw ako mag-abala at kaya na nito ang ginagawa.
"Tapos na ako magsangag. Kung nagugutom ka na mauna ka na lang kumain, Randal at susunod na lang lami ni Gabay. Mukhang nabusog pa kami sa tinapay na binili ko kanina sa kanto para makain," ang sabi naman sa akin ni Juliana.
Hindi pa naman talaga ako nakaramdam ng gutom. Hihintayin ko na lamang sila at kaya ko pa naman.
"Magkakape na lang muna ako. Kayo ba?"
"Tapos na," mabilis na sagot ni Juliana.
"Kailangan na rin kumain ng maaga para maka-alis tayo at ang usapan namin ni Gabay, mamimili tayo sa palengke ng ilang gagamitin mo. Mukhang wala ka kasing damit gaano," ani ni Juliana.
Tama nga naman ang sinabi nito sa akin. Halos tatlong t-shirt at isang pares ng pantalon lang ang mayroon ako. Wala rin akong kahit na anong sapatos na gagamitin kung sakali man magsimula ako sa misyon na naka-atang sa akin.
"Saan naman kayo maghahanap ng pera para may magamit?" tanong ko sa babaeng nasa harap ko. Isa 'yon sa mga bagay na pinagtataka ko. Imposible kasing mamuhay lang kami ng ganito pero wala man lang kahit na anong perang gagamitin. Mukhang malabo 'yon at kahit na wala akong maalala--- alam ko ang galaw ng bawat tao sa mundong 'to; pera at pera lang ang isa sa pangunahing pangangailangan dito.
Umikot ito sa kalan at mabilis na nilagay ang sibuyas sa hindi ko napansing kawali na nakasalang na.
"Ako ang bahala, Randal, may ilan naman akong perang natabi at isa pa may trabaho ako. Kahit naman hindi ako normal na taong tulad ng mga ka-trabaho ko wala namam nakakaalam kahit na sino. Normal pa rin akong nakakakilos." Oo nga naman at naalala kong nurse nga pala ito sa kung saang ospital ako dinala.
Alam naman niya ang sinasabi nito. Matagal nya na itong nahalata mula n'on. Para nga naman normal na tao si Juliana, ang hindi niya lang alam ngayon kung nababasa rin ba nito ang laman ng isip ng ibang tao.
"Oo. Nababasa ko rin ang isip nila. Madalas dahil sa gift ko, hindi nangyayari ang mga masasamang nais nilang gawin dahil kahit papano naaagapan ko ang lahat. Minsan nagtataka nga sila kung bakit ko nalalaman--- nagsisinungaling na lang din ako at sinasabi kong jackpot lang," kwento nito sa akin.
Bigla ko na naman nakalimutan na hindi nga pala ako pwedi maglihim dito at hindi ito makakaligtas sa kaniya.
"Walang problema sa lahat ng iniisip mo, Randal!" natatawang turan nito sa akin.
"Ano ba kasi ang dapat gawin para hindi mo malaman ang iniisip ng tao? Is it normal if you still reading our mind. Para kasing hindi kami malaya at walang naitatago sa'yo," sabi ko sa kaniya.
Tiningnan lang ako ni Juliana. Maluwag na ngiti ang siyang naging tugon ko mula rito. Parang wala naman yata itong planong sagutin ako sa lahat ng tanong ko sa kaniya. Ayaw ko na rin umasa at alam kong hindi naman ito sasagot sa akin.
"Malalaman mo rin, Randal. Huwag mong madaliin ang sarili mo. Malay mo tulad ng sinabi ko sa'yo, baka isang umaga pag-gising mo mangyari na ang siyang hiling mo at may kasagutan na sa lahat ng tanong mo."
Hindi na ako nagsalita pa. Hinayaan ko na lamang itong gawin ang ginagawa. Napatingin naman sa akin si Gabay at sinalubong ko ang tingin nito.
"Ang sabi pa kumain ka na muna ng sinangag, Randal, para habang hinihintay natin ang ginisang tinapa ni Juliana. Masarap daw 'to, tiyak na makakalimutan mo lahat ng katanungan d'yan sa isip mo," sabi naman nito sa akin. Wala naman maraming katanungan ang isip ko.
"Nababagot ka na ba?" tanong nito sa akin.
"Hindi naman. Nasasabik na nga akong malaman kung ano ang misyon ko para magawa na natin at makatawid ka na rin," tugon ko sa kaniya.
Nilingon ako ni Juliana na may ngiti sa labi.
"Huwag mo masyadong madaliin ang sarili mo. Pasasaan ba't matatapos din ang lahat. Hindi naman nagmamadali si sundo na sunduin ka, isa pa malay mo kung tuluyan ka nga bigyan ng pagkakataon para mabuhay ulit.." anito.
Natigilan ako sa sinabi sa akin ni Juliana. Sa isip ko nandoon ang katanungan kung posible nga bang mangyari ang bagay na 'yon. Maaari kaya ako mabigyan ng pagkakataon para harapin ulit ang buhay bilang isang normal na tao? Sana naman.
Natahimik ako. Pero paano kung hindi pala talaga maganda ang buhay na nakagisnan ko? Mas pipiliin ko pa kayang mamuhay sa pangalawang pagkakataon kung marami naman ang hindi ko magugustuhan. Parang huwag na lang at malabo kung ganoon ang lahat.
"Luto na, pwedi na tayong kumain," untag ni Juliana.
Tulad nga ng sabi ni Gabay, ginisang tinapa at sinangag ang hinain nito sa plato. Mukhang masarap ito--- amoy pa lang. Kung magiging ganito lang din palagi ang pagkain namin mukhang magiging malusog naman talaga yata ako sa mundong 'to.
"Maghuhugas lang ako ng kamay," paalam ko silang dalawa at tinungo ang kusina.
Mapapalaban yata kaming tatlo sa kainan at tamang-tama pa dahil mainit pa ang kanin; mas masarap ito lalo na sa mainit na kape. Parang wala rin palang pinagkaiba sa normal na tao ang buhay ko ngayon. Ang masama lang hindi ko literal na kilala ang mga taong kasama ko, kaysa aa pamilya kong nananabik na akong makita at makasama.
Sino kaya ang mga ito? Hindi ko rin alam kung may pamilya ba ako at kahit sino wala naman makakapagsabi kung oo nga. Ang dalawang kasama ko ngayon ay mukha naman walang sabihin ang personal kung buhay n'ong nabubuhay pa ako.
Natigilan ako sa biglang sumagi sa isip ko. 'May isa raw pamsaherong van ang nabangga sa isang lugar kung saan napakaraming tao at may maraming iba't ibang tinda na kung hindi ako magkakamali posibleng palengke ang nakita ko.
"Randal, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Gabay.
"Bigla ka kasi natigilan kaya nag-aalala ako sa'yo," dugtong pa nito.
Napalunok ako sa naging tugon ko sa kaniya. Gusto ko man isipin ulit kung ano ang mga naisip ko kanina hindi ko alam kung ano nga ba ito. Bigla-bigla na lamang ako natigilan.
"Ang mabuti pa, uminom ka muna ng isang basong tubig." Tinanggap ko ang inabot nitong baso sa akin. Minadali kong ininom ito dahil na rin sa sinabi nito sa akin.
Muli akong napaupo sa silya ko kanina. Mabuti na lamang at wala na roon si Juliana dahil nagpaalam ito sa amin na mag-aayos para sa lakad naming tatlo.
Tiningnan ko ng mariin si Gabay--- gusto ko man maalala ang mga naisip ko kanina hindi ko talaga lubos na makuha. Malabo talaga ang lahat sa akin. Ngunit ang kaba na naramdaman ko ay nanatiling nandoon sa dibdib ko, mukhang may hindi magandang mangyayari.
Huwag naman sana, aniya ko sa sarili ko. Hindi ko matatanggap sa sarili ko na baka may mangyaring hindi maganda sa dalawang imortal na taong kasama ko ngayon. Gusto ko silang alagaan at protektahan sa abot ng aking makakaya. Hindi ko maaatim na may mangyari sa kanilang masama lalo pa't kasama ko sila o nasa pangangalaga ko silang dalawa.
"Okay lang ba kayo?" tanong ni Juliana.
"Bigla na lamang kasi natigilan si Randal---" mabilis naman na sagot ni Gabay dito.
Umayos ako ng pagkakaupo at hinintay na makalapit si Juliana.
"Basahin mo ang laman ng isip ko. May nababasa ka ba, Juliana? May nakikita ka ba?"
Kunot-nuo ang naging tugon sa akin ni Juliana kasabay ang mabilis na pag-iling nito ng sunod-sunod sa akin.
"Bakit wala? Hindi ba dapat mayroon, Juliana? May sumagi sa isip kong hindi ko alam kung ano. Basta na lamang mayroon at wala akong maalala, Juliana. Tulungan mo ako, tulungan mo akong maalala 'to!" pakiusap ko sa kaniya.
Umiwas ng tingin sa akin si Juliana. Samantalang si Gabay tahimik lang na nakamasid sa amin.
"Juliana.. Juliana, ano? May nakikita ka ba? Mayroon ba?" paulit-ulit kong tanong sa kanya.
Isang iling ang pinagkaloob sa akin nito habang nanatiling nakayuko. Binaling ko ang tingin ko kay Gabay na punong-puno ng katanungan at pagtataka kung paani nangyaring walang mabasa si Juliana tungkol sa akin.
"Huwag mo sabihin sa aking wala ka ng kakayahan, Juliana. Halos kanina lang nababasa mo lahat hindi ba? Pero bakit ngayon wala kang mabasa? Juliana, sigurado ako--- panganib, may panganib dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon," pagpupumilit ko rito.
"Hindi ko alam, Randal. Hindi ko alam. Wala akong mabasa mula sa'yo, patawarin mo ako pero yon ang totoo!" sagot nito sa akin..
Hindi na ako nagpumilit pa ng hawakan ni Gabay ang mga kamay ko. Wala na akong nagawa kundi hayaan na lamang si Juliana. Baka nga hindi nito mabasa ang mga bagay na sadya ko ring nakalimutan.
"Mauna na ako. Sumunod na lang kayo sa akin sa labasan. Hihintayin ko kayo." Mabilis na tumayo si Juliana. Sinundan ko ito ng tingin, hanggangbsa makalabas na ng pinto. Tulad ng bilin nito hihintayin daw kami nito sa labasan.
Oo nga pala at may usapan kaming pupunta ng bilihan ngayon ng mga pangangailangan namin.
"Huwag ka na mag-isip gaano kaibigan. Nagtitiwala akong maaalala mo rin lahat," sabi nito sa akin.
Iyon din ang isa sa mga hiling ko ngayon na sana maalala ko ang mga naisip ko kanina. Sumama talaga ang loob ko at kahit na anong pilit ko hindi ko alam kung paano isipin 'yon.
Tumayo na ako nang sumunod na si Gabay kay Juliana. Laglag balikat akong sumunod sa labas--- naabutanbko ang mga itong nandoon nakatayo at ako na lamang ang hinihintay.
Sinirado ko ng mabuti ang pinto ng bahay at sumunod na sa kanila.
"Okay ka na?" tanong sa akin ni Juliana. Hindi ko alam kung lungkot nga ba ang siyang nababasa ko sa mga mata nito.
"Okay lang. I'm sorry! Pinilit yata kita kanina," mahina kong sabi sa kaniya sa gitna ng paglalakad namin.
Kapwa namin hinayaan ang pagpapatiuna ni Gabay sa paglalakad. Nagkaron din kami ng pagkakataon ni Juliana na makapag-usap.
"Sorry din. Kahit na anong pilit ko hindi ko magawang basahin ang laman ng isip mo, Randal. Kaya pasensiya na talaga!"
"Juliana no! Ako nga ang dapat humingi ng pasensiya sa'yo at pinilit kita. Sorry talaga!"
"Gusto kitang tulungan. Wala lang akong magawa."
"Huwag mo ng alalahanin ang sarili mo, Juliana. Okay lang ako. Wala naman siguro 'yon."
Narinig ko ang paghigit nito ng mahabang buntong-hininga. Gusto ko man pagaanin ang loob nito hindi ko magawa--- dahil kasalanan ko ang lahat. Nahihiya ako sa sarili ko para kay Juliana. Inabala ko ang kakayahan na mayroon ito sa mg bagay na wala naman sigurong kwenta.
"Pipilitin ko pa rin tulungan ka kung ano 'yang pangamba ang mayroon ka sa puso mo, Randal."
"No. Okay na ako. Salamat! Huwag mo na alalahanin pa at ayaw ko na rin maalala pa. Ang mabuti pa, mag-focus na lang tayo sa kung ano ang kailangan natin. Baka wala lang 'yon at hindi mo rin mabasa muli sa akin. Oa lang ako!"
Nilingon ako ni Juliana. Ngumiti ako sa kaniya at unti-unti kong nakita ang ngiti sa labi nito--- bagamat pilit alam kong sa kaniya wala na rin 'yong nangyari kanina, tulad sa akin na pinipilit kong gawin.