TRAHEDYA

1015 Words
RANDAL PAGKATAPOS namin kumain agad na nagyaya si Gabay at Juliana papunta sa isang palengke. Sumama naman agad ako sa kanila dahil wala naman gagawin sa bahay at tulad nga ng sabi ni Juliana ibibili niya raw ako ng ilang gagamitin ko sa bahay at kung sakali man may mapuntahan kami. Hindi naman ako nahihiya umutang kay Juliana at baka mayroon din naman itong extra. Pati kasi salawal man lang ako nang kahit na ano. Siguro dahil biglaan din naman ang pagkamatay ko. "Randal, ito maganda ang shorts na 'to," tawag sa akin ni Gabay. Nasa isang estante ito na puro shorts naman ang binibinta. Samo't saring shorts ang nandoon, halos mix lang din at ang okay nito sa kabila ay puro naman t-shirts ang nandoon. Napalingon ako sa isang manang at nagtatanong ang mga mata nito at alam ko ang dahilan dahil sa bigla kong pagtingin kay Gabay na parang may kinakausap. Hindi nga pala ito nakikita ng kanit na sino. "May nakita ka na ba?" tanong ni Juliana. Bigla naman itong sumulpot sa tagiliran ko. Napansin ko ang paglapit ni Gabay sa tabi ko. "Gabay, huwag ka masyado magsalita at baka sabihin ng tao kung sino ang kinakausap ko," sabi ko sa kaniyang mahina lang habang ang mga tingin ay na kay Juliana. "Huwag kang mag-alala. Pwedi ko naman sabihin sa akin ang nababasa ko kung sakali iyon ang isipin nila sa'yo," nakangiting tugon nito sa akin. "Oo nga naman, Randal. Huwag mo pansinin ang sinasabi ng ibang tao ang mahalaga may cute kang gabay sa buhay mo," sabi nito sa akin. Alam kong biro lang nito ang sinabi nito sa akin. Natuwa na lamang ako at ang gaan lang talaga kasama ang mga taong 'to, aniya sa isip ko. "Mamili ka na ng gusto mo at ako ang bahala sa'yo. May nakahanda akong pambayad dito, sagot kita, Randal." "Paano ako makakabayad? Wala akong alam na trabaho na pweding pagkakunan ng ibabayad sa'yo, Juliana.." "Huwag mong alalahanin yon. Kaya ko pa naman kumita ng para sa atin, hindi ako mawawalan. Basta kapag sinabi kong ako ang bahala, ako talaga, Randal.." muling sambit nito sa akin. Parang gusto ko na nga maniwala kay Juliana na hindi ito mawawalan. Nahihirapan lang ako sa sitwasyon ko kaya naisip ko sigurong wala man ibang natutulungan si Juliana kaya siguro todo suporta ito sa amin ni Gabay. "Salamat, Juliana. Makakabawi rin ako sa lahat ng ginagawa mo para sa akin. Huwag kang mag-alala." "Ang sabi ko nga sa'yo huwag mo na isipin ang mga bagay na 'yan. Magtiwala ka lang." Nagpalitan kami ng ngiti sa isa't isa. Nagbaba ako ng tingin kay Gabay, maluwag din ang ngiting pinupukol nito sa akin. May hiwaga. "Sigi na. Mag-ikot-ikot ka lang sasamahan ka ni Gabay at ganoon din ako. Tawagin niyo na lang ako kung may kailangan na kayong bayaran." Sinundan ko ng tingin si Juliana. Mabuti na rin hindi ko ito kasama sa pamimili. INAKAY ko si Gabay sa gawing bahagi kung saan maraming tao ang nandoon. Hindi naman siguro mahahalata ng mga ito kahit may batang nasa tabi kong ako lamang ang nakakakita. Balak ko kasing bumili ng mga t-shirt. Mas komportable ako sa ganoon, aniya ko. "Nandoon ang mga t-shirt," untag sa akin ni Gabay. Para talaga itong si Juliana minsan, tingnan niya lang ako sa mata kabisado niya na kung ano ang gusto ko sa isip ko. "Sigi d'on. Maganda kasi at t-shirt lang ang kailangan ko." "Bagay nga sa'yo pareng, Randal kung ano ang suot mo. Mas lalo kang naging pogi ngayon magaling ka na ng tuluyan," sabi pa nito sa akin. "Salamat, Gabay at lagi kang nandiyan sa tabi ko. Totoo, hindi ko talaga alam kung saan magsisimula kung wala ang isang katulad mo." "Sus! Wala 'yon, Kaibigan. Hangga't maaari sasamahan kita sa mga bagay na kailangan mong gawin para matagpuan mo rin ang katahimikang hangad ng puso mo. Iyon ang tanging hiling ko sa'yo." Inikot ko ang tingin ko sa paligid. Naisip ko kung ang past life ko ba ganito? Maingay, magulo, maraming tao ba sa paligid ko? Ano ba ang buhay na mayroon ako bago ako napunta sa tadhanang to. "Malalaman mo rin lahat. Huwag ka ng malungkot pa, Randal," nagbaba ako ng tingin nang sabihin niya ito sa akin. Ngiti na lang ang siyang naging tugon ko sa kaniya at alam kong totoo ang mga sinabi nya. Babawasan ko na muna mag-isip mula ngayon. Pagkakatiwalaan ko na lang si Gabay at Juliana na magiging maayos ang lahat at malalaman ko rin kung ano ba ang buhay na mayroon ako at kung bakit ako napunta rito. Sa ngayon isa sa mga bagay na kailangan kong tanggapin ay ang katotohanang wala na akong buhay na nandito lang ako dahil sa isang misyon na wala pang nakakaalam. KABA ang unang sumagi sa puso ko nang lumingon ako at walang gabay na nasa tabi ko. Nandito ako ngayon sa pwesto ng mga puting t-shirts na sadya ko. Kanina lang halos nakasunod ito sa akin. Isa pang ikot ng paningin ang pinakawalan ko at iniisip na baka tumingin-tingin lang ito. "Gabay.. Gabay.. Gabay.." mahina kong tawag sa pangalan niya. Napalunok ako ng halos ilang beses at kahit si Juliana hindi man lang matagpuan ng tingin ko. Nandito na ako ngayon sa bahagi ng malaking highway kung saan sa gilid ng daan--- nakahilira ang mga pwesto at maraming mga taong sa pareho gilid ko. Nagbaba ako ng tingin sa balikat ko pansin ko agad ang mga balahibo kong nagsisitayuan. Napatingin ako sa papunta-paroon ng pampublikong sasakyan. Tila pamilyar sa akin ang mga pangyayaring 'to, tila nakita ko na ito sa bahagi ng isip ko. Isang lingon pa ang pinakawalan ko ng hindi ko naramdaman ang mabilis na pagsalpok ng isang pampasehong jeep sa may poste ilang dipa mula sa kinatatayuan ko. Sigawan, iyakan ang narinig ko sa paligid mula sa mga taong nandoon na nakasaksi sa madugong banggaan na kung hindi ako nagkakamali nakita ko na sa aking balintanaw. Huling tanda ko ang ilang taong tumilapon at dugong nagkalat bago ako natumba at tuluyang nawalan ng malay tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD