AKSIDENTE

1181 Words
RODRIGO | PAST LIFE "YOU can't do this to me, Rodrigo! Sa tingin mo ba magugustuhan ni mama at papa ang ginagawa mo sa akin? No! They don't! Kaya if I we're you magsisimula na akong magbago.." galit na singhal sa akin ng asawa kong si Miranda. Ilang linggo palang ang nakalipas mula ng ikasal kami nito, pero ang inaasahan kong ugali nito oras na maging asawa kami ay nangyari na. Puro singhal lamang ang napapala ko rito. Iba talaga ang ugali ni Miranda. Alam kong noon pa man sadyang spoiled na ito mula sa mga magulang nito. Ang hindi ko lang inaasahan ay dalhin nito ang ugaling iyon kahit na kasal na kaming dalawa. "Walang masama sa mga sinabi ko sa'yo, Miranda! Habang maaga gusto ko lang matigil ka sa kung ano man iyang ginagawa mo. Doktor ako kaya alam ko kung ano mas nakakabuti o makakasama sa'yo!" bulyaw ko rito. Tiningnan ako ng mariin nito. Binaba ang tingin sa alak na sinadya kong itapon sa basurahan. Matagal ko ng pinagbawal to sa kaniya, kahit na magkasintahan palang kaming dalawa. Sadyang matigas lang talaga ang ulo nito at hindi ko magawang matigil ang lahat ng nais ko para dito. "Hindi ikaw si papa! Hindi kita magulang para sundin ko ang lahat ng gusto mo!" "I'm your husband, Miranda! Baka nakakalimutan mo na gusto ko lang ipaalala sa'yo at buntis ka, baka gusto mo rin maalala at pahalagahan yang batang dinadala mo!" singhal ko sa kaniya. Natigilan si Miranda, alam kong hindi naman ito manhid para hindi niya maramdaman ang lahat ng sinasabi ko sa kaniya. "Kailangan ko na umalis, Rodrigo. I don't want to hear anything from you. Pagod na akong pakinggan ang kahit na ano'ng sasabihin mo." Hindi ko na ito nagawang pigilan. Sinundan ko na lang ito ng tingin hanggang sa maka-akyat ito sa ikalawang palapag ng bahay namin kung nasaan naroon ang silid namin mag-asawa. Naiinis ako kay Miranda dahil hindi man lang nito naisip ang maghapong pagod ko sa trabaho. Ang inaasahan kong asawa na ihahanda ang lahat ng maaari kong gagamitin sa aking pag-uwi ay hindi man lang nito nagagampanan ng maigi. Mas inuna pa nito ang makipagdaldalan sa kahit na sinong kaibigan nito and worst ang bote ng mga alak na nakita ko sa sahig. Napailing na lang ako sa sitwasyon ko sa babaeng pinili kong pakasalan dahil sa kagustuhan ng aming magulang. ISANG mahabang buntong-hininga ang aking pinakawalan. Ayaw ko munang sundan si Miranda sa aming silid at baka kung saan pa humantong ang aming pag-aaway. Mas pinili ko na lang dumiretso sa aking opisina para pag-aralan ang sakit ng aking mga pasyente. Pakiramdam ko kasi yon ang mas mahalaga--- kaysa ang atupagin ang tantrums ni Miranda. Siguro kasalanan din ng magulang niya kung bakit lumaki itong walang kinatatakutan kahit na kasal na silang dalawa--- matigas pa rin ang ulo ni Miranda. Natigilan ako ng mapunta ako sa f*******: time line ko. Hindi nakaligtas sa akin ang balitang nasagap ng mata ko. Isa itong banggaan mula sa isang palengke na nabanggit sa flash report sa isang news page na lagi kong sinusundan. Maraming nagkalat na mga tao sa daan--- malaki ang banggaang naganap, nakumpirma ito ng mga dugong nasagap ng kaniyang tingin. --- RANDAL | PRESENT LIFE "MABUTI gising ka na.." bungad sa akin ni Juliana. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata nasa silid ko na ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin. Wala man lang akong matandaan. Ang naalala ko lang nasa palengke kami at magkakasamang bumili kanina at heto nga nagising na lang akong nandito ngayon sa silid ko. "Ano ang nangyari?" agad kong tanong kay Juliana. Napa-upo ako ag sinandal ang aking likod sa head board ng kama ko. "Wala kang maalala?" tanong ni Juliana sa akin. "Hindi ko alam. Malabo ang lahat sa akin, Juliana. Hindi ko alam kung bakit nandito na ako sa kwarto, ang huling natandaan ko ay magkakasama tayong sa palengke hindi ba?" tugon ko sa kaniyang naguguluhan. Napansin kong nagtitigan ang mga ito. "Dumating na ang araw ng hinihintay mo, Randal," ani naman sa akin ni Gabay. Napakunot-nuo ako at patuloy na naguguluhan sa naging tugon nito sa akin. Anong hinihintay ko ang sinasabi nito? "Katulad namin ni Gabay, dumating na ang kakayahan mo na ikaw lang ang tanging nakakaalam, Randal," sambit ni Juliana. Mas lalo akong naguluhan sa mga sinabi ng mga ito sa harap ko. Naguguluhan pa rin ako at hindi ko nga alam kung bakit kami nakarating dito. "May mga pangitain ka.." Natigilan ako sa pag-iisip ng marinig ko ito kay Juliana. "Pangitain?" "Pangitain.. May mga bagay o pangyayari kang nakikita na maaaring mangyari pagkatapos mo itong makita sa isip mo, Randal," kumpirma sa akin ni Gabay. Lumipat ang tingin ko kay Juliana. Gusto kong maging malinaw ang lahat ng paliwanag sa akin ni Gabay kung ano ba ang sinasabi nitong pangitain na mayroon ako. "Iyong aksidente kanina sa palengke. Alam kong nakita mo sa isip mo 'yon, Randal! N'ong nakita kitang nawalan ng malay sa gitna ng maraming tao sa unahan ng ilang mga biktima ng banggaan sa palengke.. Nangyari lahat ng iyon sa isip mo, bago mangyari iyon mismo sa harap mo at iyon ang kakayahan na mayroon ka, Randal. Mga pangitain na posibleng mangyari sa'yo.." Hindi ako halos makapaniwala sa mga sinabi sa akin ni Juliana. Naalala ko na ang mga bagay na sinabi nito. Bago kami umalis--- nakita ko sa isip ko ang isang malakas na salpukan at mga dugong nagkalat ng mga taong nakahiga sa daan. Ang hindi ko lang akalain ay sa harapan ko mismo ito nangyari. Pero bakit ako nawalan ng malay na hindi ko man lang namalayan? "Dahil naubos ang lakas mo, naubos ang lakas mo sa pagtangkang mailigtas ang mga tao, Randal, at nangyari ang lahat ng 'yon dahil balita ko ligtas sila at walang malubhang nangyari sa lahat.." sagot ni Juliana sa katanungang lumakbay sa diwa ko. "Paano nangyari? Wala akong ginawa.." "May ginawa ka. Hinayaan mong makawala si Gabay sa tabi mo, para sa ganoon magawa niya ang bagay na kailangan niyang gawin. Hindi mo siya hinanap, kaya mas napigilan niya ang mas malalang pweding mangyari." Nakangiting napatingin sa kaniya si Gabay. Kaya ba ito biglang nawala sa tabi nya sa gitna ng pamimili nilang dalawa? "Nailigtas mo sila.... At iyon ang misyon mo. Ang mailigtas mula sa kapahamakan ang mga taong hindi pa oras para mawala sa mundong 'to. Binabati kita, Randal.." Pambihira! Wala man lang pala thrill ang pagbabalik ko sa lupa. Mayabang kong bulong sa aking sarili. Madali lang pala ang misyon ko sa mundo--- superhero pala ako sa pangalawang buhay na mayron ako, aniya pang natatawa. "Gago! Hindi ka superhero. Nakalimutan mo nga agad at tulog ka pa.." untag sa akin ni Juliana. Napaismid itong tinalikuran kami ni Gabay--- pagtataka naman ang nararamdaman ko sa naging turan nito sa akin. "Nakatikim ka tuloy ng sermon, Kaibigan.. Pasensiya ka na! Sadyang mainit ang ulo ni kamahalan.." sabi sa kaniya ni Gabay. Sinundan namin pareho ng tingin si Juliana. Sinirado nito ng mahina ang pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD