KUTSILYO

1120 Words
RANDAL KANINA pa ako tulala rito sa labas ng bahay namin. Wala ngayon si Juliana at Gabay--- nagpaalam ang mga ito sa akin na may pupuntahan lang daw. Hindi na ako nagtanong pa kung saan, kahit na tinanong naman nila ako kung gusto kong sumama. Tumanggi lang ako sa kanilang dalawa at wala akong gana sa kung saan man pupunta. Baka maulit lang din ang nakita kong banggaan sa palengke. "Gusto ko ng matapos ang lahat ng 'to! Kung pwedi lang agad ko ng malaman ang bagay na kailangan kong gawin ginawa ko na. Nahihirapan na rin ako sa sitwasyong nangyayari sa paligid ko. Kahit na alam kong hindi na normal ang lahat ng 'to! Gusto ko ng maging malaya.." bulong ko sa aking sarili sa aking tunay na nararamdaman ng mga sandaling 'yon. Kung sana nga ganoon na lang kadali ang lahat. Pero hindi dahil sa tingin ko magtatagal ang lahat ng 'to dahil paunti-unti ko pa lang nalalaman ang sadya ko. Actually! Hindi pa nga ganoon kalinaw--- magulo pa rin para sa akin. Kung makakausap ko lang sana ulit si Sundo. Natanong ko na sana sa kaniya ang lahat ng nais kong malaman sa nangyayaring to. Kung ito nga falaga ang misyon ko. Bakit kailangang may mamatay pa o masaktan? Hindi ko magawang tanggapin ang mga bagay na 'yon. Paano pala kung hindi ko magawang pigilian? E, 'di kawawa iyong mga taong hindi pa naman nila oras pero mawawala na sa mundong to ng ganoon kaaga. Pakiramdam ko nga hindi ko rin oras n'ong bawian ako ng buhay. Kaya nga siguro ako nakabalik sa lupa para ipagpatuloy ang lahat. Ang hindi ko lang magawang maintindihan talaga ay kung bakit kailangan ko pang mabuhay sa ibang pagkakataon? Bakit hindi na lang ako mabuhay sa kung sino ba talaga ako? Hindi pa sana ako nagtatanong ng ganito sa sarili ko. Mahirap. Inikot ko ang tingin ko sa paligid; naganda naman ang lugar kung nasaan kami. Tahimik. Walang gaaanong tao dito. Isa, o dalawa lang yata ang bahay sa paligid may kalayuan pa ito sa amin. Sabagay pag probinsiya nga nanan talagang tahimik ang lugar. Dito naman talaga maganda tumira. Naitanong ko na naman tuloy kung ano ba ang mundong tinitirhan ko. Sana naman isang araw may makakilala sa akin at masabi kung sino talaga ako. Wala naman kaming telebisyon dito para sakali malaman ko kung may naghahanap ba sa akin o wala. Naiintindihan ko naman na hindi ko dapat minamadali ang lahat. Maghihintay na lang din siguro ako ng pagkakataon na matapos ko 'to, wala rin naman mangyayari kung patuloy akong magtatanong at mag-iisip sa isip ko. Ako lang din ang mahihirapan. Tumayo ako at nagpasyang ipaghanda ng makakain ang dalawa. Hindi man ito gutom sa kung saan ang mga ito pumunta. Mainam na rin iyong nahanda niya ang para sa mga ito. Mabilis lang naman ang iluluto niya, tinolang manok itong gustong-gusto ni Gabay. "Magandang gabi, Randal," bati sa akin ni Gabay at Juliana. Sabay na pumasok ang mga ito. Sa tantya niya namasyal talaga ang mga ito. Nabitin siguro sa ginawa naming pasyal nagdaang araw. Sino nga ba naman ang hindi mabibitin d'on e, may nangyari pang aksidenteng hindi nila inaasahan--- I mean nakita ko na siya sa gunita ko. Hindi ko lang talaga napaghandaan. "Pinuntahan namin 'yong mga nasangkot sa aksidente," sambit sa kin ni Juliana. "Maayos naman ang lagay nila. Wala tayong dapat ipag-alalang lahat." "Sigurado ka ba?" "Oo. Nakausap ko rin ang pamilya nila. Everything is settled na. Nagbigay na rin ako pinansyal para sa pangangailangan nila at ayaw ko rin sila pababayaan kahit papano may maitulong man lang tayo sa kanila," balita sa kaniya ni Juliana. Gumaan ang loob na nararamdaman niya. "Kung gusto mo sila magpakita, walang problema, Randal," dugtong pa. Gusto niya rin sanang mangyari iyon. Nag-aalangan lang siya at baka may mangyari naman na hindi maganda kapag nagkataon. Baka magkaroon na naman ng gunita sa isip nyang, bagay na iniiwasan niya. Kawawa lang ang mga taong malalagay ang buhay sa panganib kung sakali man wala siyang magawa na paraan para iligtas ang mga ito. "Hindi ka naman dapat kabahan, Randal. Wala ka naman ginawang masama at hindi mo naman kasalanan ang nangyari. Kahit naman maaga mo ito nakikita--- mangyayari at mangyayari pa rin iyon at may mga tao pa rin na malalagay sa panganib." "Hindi ko alam, Juliana. Sa isip ko tumatakbo ang mga bagay na hindi ko alam kung paano ko na mapipigilan sa susunod." "Kaya nga kami nandito para maging gabay at bantay mo. Hindi naman namin hahayaan na may mga inosenteng taong mapapahamak kung pwedi naman agapan 'di ba?" Malaki ang tiwala ko kay Juliana. Nagiging sira na itong plaka dahil ayaw pa rin pumasok sa isip ko na sakaling mangyari man ulit ang lahat ng 'yon, nandoon naman ito at si Gabay para tulungan akong maging maayos ang lahat. Pinangako ko rin sa sarili ko na--- kung pwedi maagapan ko siha sa gunita ko. "Hindi mo kasi kontrol ang kakayahan mo, Randal, kahit pigilan mo pa ito tulad ng mga iniisip mo hindi ka pa rin magtatagumpay gawin 'yon." "Ganoon ba talaga 'yon?" "Oo. Maniwala ka sa akin. Yan din ang naramdaman ko noon, kahit na anong pilit kong pigilan ang laman ng isip ng kahit na sino hindi ko magawa. Mahirap, Randal." "Kahit ako. Nahihirapan ako kung paano ko ba magagampanan ang magiging Gabay mo para magawa kong pigilan ang disgrasya't kamatayan ng mga trahedyang nakikita mo sa isip mo, Kaibigan," ang mahabang sabi sa akin ni Gabay. Buti pa ito at ni Juliana, madali lang ang naging misyon nilang dalawa--- nakakabasa lang ng isip ang kayang gawin ng mga ito. Hindi tulad ko na trahedya yata ang mga posibleng mangyayari. " "Mukhang masarap yang niluluto mo ah," untag sa akin ni Juliana. Masarap naman talaga iyon at native ang manok na isasahog nya. Hindi niya nga alam kung bakit may ganoon si Juliana sa ref nila. "Huwag kang mag-alala galing sa malinis na paraan ang manok na yan," biro sa akin ni Juliana. Ang mahirap dito lagi na lamang nito binabasa ang laman ng isip ko. Kinuha ko ang kutsilyo para sana hiwain ang sibuyas na gagamitin ko sa pag-gisa. Hindi ko namalayan napapikit ako habang hawak-hawak ang kutsilyo at sa isip ko mayroon dalawang tao ang nagsaksakan sa isang establisyementong hindi malinaw sa isip niya. Wala siyang ibang nakikita kundi dugo--- maraming dugo na nagkalat sa sahig. "Randall... Randal.." Niyugyog ni Juliana ang balikat ko. Wala na akong maalala maliban ng ako ay mapatumba sa dalawang balikat nito--- dahil sa biglang pagsakit ng ulo kong hindi ko man lang magawang maintindan kung para saan ang tulad ng karayom na parang tumusok-tusok sa aking bumbunan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD