RANDAL
"AYOS ka lang ba?" bungad sa akin ni Juliana nang gumising ako. "Masakit ang ulo ko," sagot ko sa kaniya.
Naramdaman ko naman ang sobrang kirot nito. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin ang tanging natandaan ko ay may nakita ako sa gunita kong hindi ko magawang ipaliwanag kung ano ito.
"Nagkaroon ka siguro ng pangitain, kaya nakatulog ka. Pero sandali lang naman nagising ka naman agad," sabi ni Gabay. "May naalala ka ba?" tanong naman sa akin ni Juliana.
Gusto kong isagot sa mga itong wala akong maalala. Na wala naman talaga akong maalala sa nangyari. Pinasadahan ko ang tingin sa paligid ko. Nasa sala lang pala ako.
"Ang mabuti pa kumain na tayo. Tinapos ko na ang ginagawa mong tinola kanina. Naghanda ka pala para sa amin ni Gabay.." nakangiting turan nito sa akin. Umayos ako sa pagkaka-upo tuluyan naman na akong nagising at nawala na nang tuluyan ang sakit ng ulong nararamdaman ko.
"Pasensiya na kayo. Baka nagutom pa kayo ngayon ng dahil sa akin." "Hindi naman, Randal. Ayos lang. Sigurado ka na bang maayos ka na rin?" tanong nito sa akin. Tinapunan ko ng tingin ang munting kusina namin. Luto na nga nga ang pagkain. Maayos na itong nakahain sa lapag. Ang plano kong ipaghanda sila ay hindi ko nagawa, gawa nang nakatulog ako dahil sa isang pangitain sa isip ko.
"Mag-aayos lang ako ng sarili para makakain na rin tayo," paalam ko sa mga ito. Mabilis akong tumayo at hindi na hinintay pa ang pagtugon nilang dalawa. Ayaw ko ng mabasa pa ni Juliana ang laman ng isip ko ngayon, dahil pinipilit ko pa rin maalala ang tungkol sa nangyari kanina. Hindi ako basta-basta makakatulog na lang kung hindi seryoso ang siyang sumagi sa gunita ko. Ayaw kong humantong ito sa may buhay na naman na mapapahamak o mawawala. Kinakabahan at natatakot ako sa posibleng mangyari kung sakali. Wala naman akong pweding gawin dahil kahit ang mga ito walang alam. Ako lang ang tanging nakakaalam ng lahat--- ang problema lang ay dahil sa nakakalimutan ko ang mga ito. Kung hindi lang sana at kung maayos ko sanang naalala ang mga bagay-bagay hindi na sana aabot to sa pamimilit ko sa aking sarili. Mukhang seryoso yata ang misyon na naka-atang sa akin.
Nagmadali akong tapusin ang pag-aayos ko. Naisip ko na lang na baka gutom na ang mga kasama ko sa bahay nakakahiya naman sa kanila.
NAABUTAN kong nakaupo na sa mesa si Gabay at Juliana. May laman na rin ng pagkain ang mga pinggan ng mga ito.
"Hindi ka na namin hinintay. Baka kasi nakatulog ka na naman," biro sa akin ni Juliana. Hindi ko napigilang ngumiti. Umupo ako paharap sa mga ito.
"Hindi na. Wala naman na akong ibang pangitain pa, kaya okay na ako. Okay lang naman kung kumain na kayo at baka nagugutom na rin kayong dalawa," sabi ko sa kanila. "Masarap tong niluto mo. Salamat sa pag-aalala, Randal. Hindi ko akalain na marunong ka.." sabi nito sa akin.
Bigla akong natigilan at napaisip. Oo nga naman. Paano ako nakapagluto n'on? Hindi ko rin alam kung bakit. Basta pakiramdam ko kanina marunong talaga ako at alam ko naman ang lahat ng proseso ng ginagawa ko. Hindi ko na nga halos namalayan na tapos na pala ako sa ginagawa ko. Nabigla rin ako sa sinabi sa akin ni Juliana.
"Baka magaling ka talaga sa past life mo, Randal, kitam pati si Gabay nagustuhan ang ginawa mo.." sabi pa nito sa akin.
"Tama si kaibigang Juliana, Randal. Masarap nga itong hinanda mo para sa amin," sang-ayon naman nito sa sinabi ni Juliana. Napangiti na lang ako sa kanilang dalawa. Kumuha na rin ako ng pagkain at nilagay sa plato ko. Nagutom ako bigla dahil sa amoy ng pagkaing nasa harap ko.
"Masarap 'no?" sambit ni Juliana. "Binobola mo lang yata ako," sabi ko sa kaniya. Natawa ito sa akin. Sa t'wina hindi mawala ang hiwagang naiisip ko kung bakit ko nakayang ipaghanda ang mga ito.
"Gusto mo ba mamasyal ulit, Randal? May nadaanan kaming kainan sa labasan ng lugar na 'to. Tingin ko masarap din ang mga pagkain d'on at napakaraming taong nakapila kanina pag daan namin ni Gabay. Baka kako gusto mo at makatikim ka naman ng ibang pagkain na sakali pamilyar sa'yo," sabi nito sa akin.
Maganda sa pandinig ko ang mga bagay na 'yon. Bakit hindi ko subukan ang pa-anyaya sa akin ni Juliana. Medyo nag-aalangan lang din ako dahil baka maulit na naman ang mga nangyari kailan lang.
"Huwag kang mag-alala. Ligtas naman siguro ang mga taong makakasalamuha natin. Malay mo, baka hindi naman magkakatotoo yang pangitain mo kung ano man iyon.." "Hindi pa rin natin masasabi, Juliana. Hindi ko rin alam kung bakit nangyari. 'yon noon. Wala rin halos nakakapagsabi na mangyayari 'yon. Natatakot ako para sa mga tao. Paano kung sa pagkakataong 'to may mapahamak na?" "Hindi ko hahayaan," sabat sa akin ni Gabay. Alam ko naman na nasa tabi ko ang mga ito. Ang mahirap lang subukan ay dahil hindi ko nga alam ang maaaring mangyari. Paano kung mas malala pala? Hindi ko magawang ipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Nahihirapan akong mag-isip. Bigla-bigla na naman ang pagsakit ng sentido ko dahil sa mga bagay na pinipilit ko na naman isipin.
Nasabi ko na lang sa sarili kong bahala na. Pagbibigyan ko na lang siguro ang mga ito at pipilitin ko na lang sa sarili ko na iligtas o gampanan ng maayos ang misyon na nakaatang sa akin. This time! Hindi ko hahayaan na may mapapahamak ng tuluyan. Hangga't maaari gagawin ko ang lahat na matigil ang nakatakdang kapahamakan. Bakit ko nasabing kapahamakan? Dahil sa t'wina naiisip ko ang misyon na sinabi sa akin ni Gabay. Nandito ako sa pangalawang pagkakataon upang pigilan ang maaaring mangyaring sakuna na magiging dahilan na malalagay sa panganib ang buhay ng mga mortal na hindi pa naman oras ang mawala sa mundong ibabaw.
"Huwag kang mangamba, Randal. Nandito kami para sa'yo ni Gabay. Tutulungan ka namin matupad ang misyon mo, para sa paraiso sabay-sabay tayong pupunta," ani sa akin ni Juliana.
Ilang beses na ba nito naipangako ang mga 'yon? Maraming beses na rin at sa maraming beses na 'yon wala akong dapat gawin kundi ang panghawakan ang lahat.
Buo ang tiwala ko sa mga ito. Tiwalang hindi ko alam kung mayroon ba ako sa sarili ko.
MAG-ISA akong iniwan ni Gabay at Juliana sa harap ng hapag kainan. Naunang natapos ang mga ito. Nagpaalam na silang dalawa sa akin pumunta ng silid. Alam ko naman na hindi sila matutulog dahil hindi naman yata nagpapahinga ang dalawang 'yon. Madalas ko silang nakikitang seryosong nag-uusap at kung tungkol saan--- hindi ko alam o mas tamang sabihing hindi ko na inaalam pa.
Minsan nga sabi ko sa sarili ko ang daya nilang dalawa. Paano ba naman ako, ang laman ng isip ko nababasa nila, pero ang laman ng isip nila kailanman hindi ko man lang mabasa. Datapwat nakahanda na rin naman ang sarili ko kung sakali magising na lang ako isang araw na wala na sila sa aking tabi. Wala na akong magagawa kundi tanggapin iyon.
Hinanda ko na ang sarili ko, kahit na mahirap maiwan sa ere.
Naalala ko ang lakad na inaalok ni Juliana. Malapit lang naman iyong sinasabi niya at gusto ko rin subukan lumabas ulit basta makakasama silang dalawa. Sa tingin ko kasi sa labas ko nalalaman kung ano talaga ang pakay ko rito sa pagbabalik ko sa lupa.
Tumayo na ako at nagpasyang ayusin ang lahat ng pinagkainan namin. Susundan ko na lang sila sa silid ko para makipag-usap sa kanila. May mga bagay din naman kasi akong natatagpuan sa sarili ko kung kausap ko si Gabay at Juliana.
Nakakatulong din sa akin ang bagay na 'yon. Hindi ko na lang din siguro sasayangin ang mga sandaling kailangan kong kasama sila.
Minadali ko ang ginagawa ko. Pagkatapos kong hugasan ang mga pinggan at kubyertos na kapwa namin ginamit sinundan ko na sila sa munting silid namin.
Nagtataka ako kung bakit wala man lang akong narinig na ingay. Iyon na lamang ang tuwang naramdaman ko dahil naabutan ko silang nakahiga at nakatulog na sa sariling mga kama nito.
Ang akala ko pa naman nagkwe-kwentuhan pa sila, nagkamali lang pala ako. Mabuti naman kako at inuna nila ang magpahinga. Napangiti ako sa ayos ni Gabay, nakayakap ito kay Juliana. Kung hindi ko lang sila kilalang dalawa--- iisipin ko na talaga na baka may kaugnayan sila sa isa't isa. Pero hindi siguro dahil sa matagal na nilang magkasama sa misyon ng bawat naka-atang sa kanila kaya naging malapit na silang dalawa sa isa't isa. Bagay na pinagpapasalamat ko at least walang kahit na anong bangayan ang mayroon sa paligid ko.
Natigilan ako. Bakit ko naman kaya naisip ang bagay na 'yon? Mayroon bang nangyayaring ganoon sa akin? At bakit pinagpapasalamat ko sa ganoong pagkakataon. Baka nga! Baka sa past life ko sadyang maingay ang paligid na mayroon ako--- kaya siguro bumawi ito sa buhay na mayroon ako ngayon; tahimik at parang kalmado lang ang lahat. Natutuwa naman ako at kuntento at dapat din maging masaya. Marami sigurong normal na tao ang may gusto nitong buhay ko ngayon. Pinagpala lang talaga ako sa katahimikan na mayroon ako lalo na kung nagpapapahinga ang dalawang to o wala sila sa tabi ko. But no! Masaya naman ako kung makulit silang dalawa--- nararamdaman ko rin na may pamilya akong nandiyan para sa akin; pamilyang ilang beses ko ng natanong sa sarili ko kung nasaan nga ba.
Nagpasya akong mahiga sa sarili kong kama. Tila hinihila ang talukap ng aking mga mata sa antok na bigla ko na lamang naramdaman.
----
RODRIGO
"DOK, may problema ba?" tanong sa akin ni Rose.
Maaga akong pumasok sa clinic ko. Gusto kong ibigay kay Miranda ang katahimikan na gusto niya sa bahay; isa pa ayaw ko rin ng maraming ingay ngayon sa paligid ko kaya nga mas pinili kong pumasok at kung magising lang si Miranda, alam ko na ang mangyayari.
Magsisigaw na naman ito at away na naman ang hahanapin. Nabalitaan ko rin kasi na talo ito sa laro nitong tong-its nagdaang gabi kasama ang mga kaibigan nito.
Hindi na ako nakipagtalo pa kay Miranda at wala na rin akong balak pang makipagtalo pa sa kaniya. Hahayaan ko na lang siya sa buhay niya--- ang gusto ko lang mangyari ngayon ay walang mangyari sa anak ko at hinding-hindi niya magugustuhan ang pwedi kong gawin sa kaniya kung magkataon.
"Marami lang akong kailangan pag-aralan at wala naman akong ginagawa gaano sa bahay, Rose," sagot ko rito.
Parang nakumbinse ko naman ito sa sagot ko at tumahimik din ito. Wala na maraming tanong.
"Kung may kailangan kayo, Dok, magsabi lang ho kayo. Nandito lang ho ako. Baka kako kailangan mo makausap, Dok. Hindi man ako magaling magpayo pero makikinig ako sa iyo," sabi nito sa akin.
Mataman kong tinitigan si Rose. Halos matanda lang ako ng kaunti sa kaniya. Hindi ko kilala ito maigi, basta ang alam ko may anak itong lalaki. Single parent lang si Rose, kaya bilib ako sa kanya at ang lahat ginagawa niya para sa anak niya. Minsan ko na rin nakita ang bibong batang iyon--- maglilimang taong gulang na ito; madaldal nga iyon nang minsan na dinala siya ni Rose sa hospital noong christmas party nakaraang taon.
"Kamusta na pala ang anak mo?" tanong ko sa kaniyang hindi ko napigilan. Ewan ko ba, naisip ko lang din siguro any anak kong malapit ko ng isilang kaya ko kinamusta ang anak ni Rose. Isa pa wala naman sigurong masama at minsan ko na rin naman ito nakilala.
"Okay naman siya. Bumabait na. Noon kasi medyo sutil pa, pero ngayon mukhang tumitino na at tumatanda na rin naman siguro," sagot nitong natatawa sa akin.
Binalik ni Rose ang ginagawa sa mga files na iniisa-isa niyang ayusin.
"Good namaj kung ganoon. Mabuti ka pa nasilayan mo na ang anak mo, Rose," sabi ko rito.
"Ikaw din naman malapit na. Tiyak na, mararamdan mo rin ang sayang naramdaman ko noon oras na makita mo na siya.."
"Alam ko. Pero iba kasi tayo, hindi ko nga alam kay Miranda kung ano bang pag-aalaga ang ginagawa nya sa bata. Alam mo naman na madalas ko itong hindi nakakasama, kaya hindi ako sigurado kong magiging maayos ba ang anak namin, Rose. Pero alam mo naman na kahit kailan hindi ako nagkukulang magpaalala sa kaniya.." sabi ko rito.
Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla lamang itong natigilan sa mga sinabi ko.
"I'm sorry!"
"No! I'm sorry," agap ko sa mga sasabihin niya.
Pagtataka kasi ang nararamdaman ko kung bakit ito humihingi sa kaniya ng sorry--- wala naman itong kasalanan sa kaniya.
Pambihira si Rose! Oo.