RANDAL
TULAD nga ng usapan namin ni Juliana ganoon din ni Gabay maghahanda kami ngayon dahil sa labas kami maghahapunan. Hindi ko na nagawang ipagpaliban ang araw na iyon at wala naman kaming pagkain na natira sa bahay. Halos naubos din namin ang hinanda kong tinola para sa kanilang dalawa kanina n'ong tanghalian.
Sabi ko pa nga ipagluluto ko pa sila ngayon hapunan, pero huwag na raw ako mag-abala at may lakad nga kaming tatlo.
Sinuot ko ang bigay sa akin ni Juliana; pantalong maong at t-shirt na puti. Halos kapareho ko lang ng damit si Gabay.
Natuwa ako rito at parang normal lang na bata ito kung nakikita lang din siguro ng ibang tao. Pero hindi at tanging ako at si Juliana lang talaga ang nakakakita sa kaniya hanggang ngayon. Minsan ko na rin siya natanong kung bakit wala pa rin pahintulot kay Sundo para makita siya at maging normal na tao halos.
"Makakain din tayo ng pagkaing labas," untag sa akin ni Juliana. Nakabestidang puti naman ito simple lang, pero makikita mo talaga kung gaano ito kaganda. Mas maganda pa siguro ang kaibigan niyang ito kung normal lang na tao. At least d'on magagawa niya ang lahat gaya ng isang normal na dalaga.
"Ano ba gusto niyong pagkain?" tanong ko sila.
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo kanina. Ayaw ko rin masyado kaming gabihin sa daan. Mainam na yong maaga kaming makaalis sa gayon maaga rin kami makabalik ng bahay. Hindi sa gusto ko palaging nandito sa bahay, iba rin kasi iyong nandoon lang kaming tatlo--- pakiramdam ko mas ligtas d'on, mas nababantayan ko silang dalawa. Kahit sabihin pang hindi kami pare-parehong normal na tao, iba pa rin iyong naaalagaan ko sila at hindi nawawala sa tingin ko.
"Gusto ko sinigang. Alam mo ba n'ong nabubuhay pa ako, siguro gustong-gusto ko mula noon ang sinigang," sagot sa akin ni Juliana. Pansin ko ang kislap sa mga mata nito nang banggitin nito sa akin ang bagay na 'yon.
Sa tingin ko nga tama si Juliana. Hindi na ako komontra sa mga sinabi nito at halata naman sa mga mata niya ang bagay na 'yon. Pamilyar naman sa akin ang sinigang na nabanggit niya, baka mas maalala ko pa kung matitikman ko, aniya sa isip ko.
Tumayo na rin si Gabay at tinanggap ang kamay ni Juliana na inabot dito. Mabuti pa ang dalaga walang kahit na anong gabang nararamdaman kung sakaming may makakita sa kaniyang ibang tao na kausap si Gabay, pero hindi nakikita ng mga nasa paligid nito maliban sa akin. Hindi nito inda kung matatawag itong baliw--- ang sabi niya sa akin ang importante maramdaman ni Gabay na hindi ito nag-iisa at may isang Juliana na laging nasa tabi nito.
Napatikhim ako sa mga naiisip. Tumalima na ang mga ito at sabay na lumabas ng bahay. Ako na rin ang nagpresintang magsara ng pinto para sa kanilang dalawa. Hinawakan ko na lang ang susi at sadyang may sukit din naman si Juliana kung sakali. Sa tingin ko hindi naman mawawala ang mga ito kung hindi lang aalis sa tingin ko.
"Salamat, Randal.." ani sa akin ni Juliana. Inalalayan ko kasi silang buksan ang pintuan. Alam ko naman na kaya nila ang bagay na 'yon, gusto ko lang magmagandang loob at napahanga talaga ako ni Juliana sa taglay niyang ganda--- partner pa nito ang amo niyang mukha. Napakabait na tao siguro nito kung nabubuhay lang ito.
"Huwag mo na alamin kung bakit ako namatay," sabi nito sa akin nang lingunin ako siguro nga tulad ko wala rin naman itong alam kung bakit ito namatay. Sayang at wala siya ng mga panahong 'yon, kundi naagapan sana nito ang maagang pagkawala nito sa mundo. Wala lang kasi ako sa tabi nito kaya hindi niya halos nagawa para dito ang misyon ko dapat.
Naisip ko na lang na baka nga oras na ni Juliana talaga para kako magawa rin nito pigilan ang sobrang maaamang mangyari sa tao. Hindi bale, pangako ko sa sarili ko.
Magiging maayos ang lahat, may maalala man ako o wala--- ang mahalaga lang sa akin ngayon ay ang isipin na baka may makakilala sa akin. Mainam na rin ang makilagsapalaran, baka madala ako ng isang tao sa mundo ko talaga. Mahirap kasi tong katayuan ngayon. Hindi ako nag-iisa, pero pakiramdam ko oo. Hindi naman kasi mapapantayan ni Gabay at Kidlat ang totoong mundo talaga na mayroon ako. Kahit sabihin pang hindi na ako normal, may karapatan akong makita at makasama sila. Hindi iyong ganito--- clueless ako.
NAKARATING kami sa sinasabing restaurant ni Juliana at Gabay sa kanto. Sa may 'di kalayuan lamang ito. Naglakad lamang kami at ilang kilometro lamang ito.
Tama si Juliana; maganda nga ang ambiance ng lugar, mukhang marami na ring tao ang nandoon. Mabuti na lamang at may ilan pang bakanteng upuan para sa amin. Hindi kami nagsayang ng sandali at agad nang pumwesto.
Pinaghila ko ng upuan si Juliana. Nagpasalamat naman ito sa akin. Napansin kong may tuwa sa mga mata ni Gabay nang gawin ko ito. Hindi ko na lamang siya pinansin at baka kung ano lang din ang isipin ng bata. Mabuti na lang at tatlo ang kinuha ko para sa amin. Sa gan'ong paraan mayroon para kay Gabay, kahit na mahihirapan yata kami kung paano ba mapapakain ito ng walang sinong makakahalata.
"Ano gusto mo?" tanong sa akin ni Juliana.
Pinagmasdan ko ang menu na binigay nito sa akin. May sinigang nga roon na nabanggit ni Juliana kanina sa akin. Base sa larawang nakikita ko mukha ngang masarap ito. Kung pagmamasdan ko pa lang mukhang maasim na dahil sa ilang sampaloc na nakikita ko sa tabi ng picture.
"Gusto mo ba sinigang din?" tanong sa akin ni Juliana.
Hindi naman siguro nito nahulaan ang isip ko. Hindi ko naman ito gusto, mukhang naeengganyo lang talaga ako.
"Mukhang masarap nga," tugon ko kay Juliana.
"Sinabi mo pa. Promise. Hindi ka talaga magsisisi kung susubukan mo 'yan, Randal. Magtiwala ka sa akin, ilang beses na rin akong nakakatikim niyan at gusto ko talaga ang lasa.." tugon nito.
Ngiti ang naging tugon ko kay Juliana. Mabilis naman akong nakumbinse nito at napa-oo niya ako ganoon din si Gabay nang tanungin nya.
"Sigi. Hati na lang tayo mukhang malaki naman itong mangkok," ani ko.
Sumang-ayon naman sa akin si Juliana.
"Sigi. Ako na ang bahala magpakain kay Gabay. Dating gawi?" sabi nito kay Gabay. Kung para saan man iyong dating gawi na sinasabi nito.. Silang dalawa lang siguro ang nakakaalam.
Hindi ko pa alam kung ano'ng style ang gagawin ni Juliana, para walang kahit na sino ang makakahalata kay Gabay.
"Huwag ka mag-alala kaibigang, Juliana. Okay lang naman kahit na hindi ako makakain dito--- basta ba kasama ko kayong dalawa. Take out nalang siguro 'no?" anito.
Sabagay. Tama naman ang sabi ni Gabay na i-take-out na lang kung sakaling hindi nila ito magawan ng paraan mapakaing magkasama sila. Mas mainam pa kung sa bahay na lang ito makakain, malaya pa ito.
"Ano pa ang gusto mo, Randal?" muling tanong sa akin ni Juliana.
"Ikaw? Ano ba ang gusto mo? Makiki-share na lang ako sa'yo, kung ano ang gusto mo."
"Sigi. Ako na nga ang bahala."
Pinagmasdan ko si Juliana. Pinasadahan nito ng tingin ang menu.
"Gusto mo ba ng sweet rice, Randal? Or ordinary rice na lang?"
"Kahit na ano, Juliana. Gusto ko rin subukan ang mga gusto mo e. Baka sakaling magustuhan ko rin. May tiwala naman ako sa taste mo," sagot ko sa kaniya.
Napangiti lang ito sa akin, alam ko ang iniisip nito. Baka sabihin niyang binobola ko lang siya. Hindi naman, sadyang totoo lang talaga ang mga sinabi ko. Isa pa, nahihiya rin akong um-order ng para sa amin at baka hindi magugustuhan ni Juliana ang gusto ko.
"Bet ko 'tong valenchana nila rito. Gusto mo ba 'to?"
Sinundan ko ng tingin ang tinuro ni Juliana, isa itong kanin na kung hindi ako magkakamali may hipon, manok at atay ng manok ang nandoon sa toppings. Mukhang masarap nga iyon. Dagdag pa ang itlog na nagsisilbing palamuti sa gilid ng plato.
"Mukhang masarap nga," tugon ko rito.
"Sigi. Isa nito sa atin. Share na lang tayo at good for three din naman 'to. Isa na lang gusto mo ba sweets?"
"Kahit na ano, Juliana. Iyong kaya lang natin at sayang naman kung hindi natin mauubos," tugon ko sa kaniya.
"No! Ako ang bahala nandiyan naman si Gabay at matagal pa ang umaga, Randal. Atsaka kung di man natin maubos, mainam din para naman may pagkain na tayo bukas," biro sa akin ni Juliana.
Nagpalitan kami ng ngiti sa isa't isa. Oo nga naman tama naman ito dahil kung sakali di namin maubos nga may Gabay pa naman o hindi kaya bukas. Pwedi namin ito pagsaluhan ulit para naman may pagkain kaming tatlo.
"Sigi. May pera ka ba?"
"Huwag mo akong alalahanin. Good for lifetime yata yong cash ko," mayabang na biro nito. Hindi ko akalain na pati pala mga imortal na tao sadyang mayabang din mag biro.
"Sabagay oo nga naman, Juliana, sinabi mo na pala sa akin 'yon noon parang nakakalimutan ko yata na kaya mo naman talaga," sang-ayon ko rito.
NABALING ang tingin ko sa dingding kung saan may ilang lalaking pumasok. Tatlong lalaki ito na kung titingnan mo parang hanap ay gulo e.
"Ayos ka lang ba kaibigang, Randal?" untag sa akin ni Gabay.
Muli kong pinasadahan ng tingin ang tatlo. Napansin kong tahimik itong nag-uusap sa iisang gilid at nakatingin ang mga maga sa isang babaeng nakaupo sa pandalawang mesa, pero nag-iisa itong kumakain at mukhang wala yatang kasama.
Naisip ko kung makikiupo lang ang mga ito dahil sa punuan ang lahat ng nandoon. Wala naman sigurong masama sa intensiyon ng mga ito--- ang hindi lang din siguro ako komportable ay dahil kaibigan ko si Juliana.
Isang makabuluhang tingin ang pinukol sa akin nito at muking nagplalitan ng tingin ang tatlo.
Sa isip ko biglang sumagi ang pangitain na mayroon ako--- kutselyo na malinaw sa utak niya at ang maraming dugong nakita niya.