RANDAL
HINDI nagtagal at dumating na ang order namin. Nakita ko sa mga mga mata ni Juliana ang saya. Excited talaga ito sa pagkaing labas sa tingin ko. Madalas nga naman kinakaij namin manok lang o di kaya ilang frozen foods na nasa ref. Hindi pa rin naman nakakalabas si Juliana para mamili sana.
Agad ako nitong binigyan ng plato at ganoon din ang gawi ni Gabay. Kahit hindi sila sigurado kung paano ito makakasabay sa kanilang dalawa-- nag-abala pa rin si Juliana na bigyan ito sa harap nito.
"Huwag kang mahihiya. Kain ka lang, in-order ko talaga ang lahat ng 'to para sa atin," sabi pa nito sa akin.
Nawala ang pansin ko sa tatlong lalaking nasa kabilang gawi pa rin namin. Ayaw ko na rin sabihin kay Juliana ang tungkol sa mga ito. Baka mangamba pa ito at mawala pa ang saya nitong nakikita ko ngayon.
Wala naman sigurong gagawin ang tatlo at baka tulad namin kakain lang din sila.
Tinanggap ko ang plato na bigay sa akin ni Juliana. Nilapag niya rin sa harap ko ang isang mangkok ng sinigang na umuusok pa. Napalunok ako dahil sa pananabik na matikman 'to, walang duda at tama nga si Juliana na masarap ito; amoy pa lang siguro na ako.
"Paano ka makakain?" tanong ko kay Gabay at tulad ko at ni Juliana--- nasasabik din ito. Tiningnan nitong may lungkot sa mga mata ang platong nasa harap nito. Kung alam ko lang na mahihirapan si Gabay, pinilit ko na lang sanang sa bahay na lang kumain at i-o-order na lang namin ang pagkain namin. Hindi ko rin kasi alam na ganoon pala karami ang tao sa paligid, ang akala ko nga simpleng kainan lang ito. Pero hindi pala at medyo mag kalakihan din siya.
"Ayos lang ako, sabi naman ni kaibigan Juliana, take-out na lang sa akin, Randal," sagot naman nito sa akin.
Tumingin ako kay Juliana at nakatingin lang din ito sa akin.
"Ako ang bahala kay Gabay. Mag-o-order na lang ako ng panibagong para sa kaniya," anito sa akin.
Nalipat ulit ang tingin ko kay Gabay. May nababasa akong lungkot sa mga mata nito at hindi ko alam kung para saan iyon. Siguro dahil hindi ito makakain kasama kami--- parami na kasi ang mga taong nandoon sa lugar. Weird naman siguro kung may pagkain at may kumakain sa platong nasa harap namin, naisip kong baka pagpyestahan lang kami at maging kapahamakan pa namin ito.
"Tama ang nasa isip mo, Randal," walang pasabing turan sa akin ni Juliana. Hindi na ako umimik pa, hinayaan ko na lamang itong basahin ang mga naisip ko at para lang naman ito kay Gabay.
Ang pinagtataka ko ngayon ay kung bakit hindi man lang nabanggit ni Juliana ang nasa isip ko tungkol sa tatlong lalaking nasa kabilang gawi namin.
Tumingin ako sa kaniya. Napakunot-nuo ako nang iniwas nito ang tingin sa akin at binaling sa pagkaing nasa harap naming tatlo.
Something strange! tumakbo sa diwa ko.
Nagsimula na akong kumain, ganoon din si Juliana. Samantalang si Gabay, nakikita ko sa mga mata nito ang damdaming hindi mapakali. Malayong-malayo ito mula sa batang halos kasama ko araw-araw. Tingin ko iba ang awra ngayon ni Gabay at hindi ko makuha kung bakit.
Nagbaling ako ng tingin kay Juliana, abala rin ito sa kinakain nito. Pinagpatuloy ko na rin ang sa akin. Siguro naman nasa maayos ang lahat at ako lang itong nag-iisip ng kung ano-ano.
For the past few days i've been paranoid. Siguro dahil may kinalaman ang mga bagay na sa gunitang nakikita ko, pero hindi ko rin naman natatandaan pagkatapos.
Pinilit ko na itong niwaglit sa isipan ko at pinagtuunan na lang ng pansin ang pagkaing nasa harap ko.
Tama si Juliana, minsan nga lang naman ito.
NATAPOS na kami kumain. Sobrang nabusog ako at ganoon din ang dalagang nasa harap ko ngayon.
Nasiyahan naman kami pareho, alam ko. Nag-take-out na rin si Juliana para kay Gabay. Napansin ko naman agad ang saya sa mga mata nito.
"Ayan. Makakain ka na," sabi ko pa sa kaniya.
"Oo nga. Uwi na tayo?"
Nauna na akong tumayo nang magsabi si Juliana na uuwi na kami. Ganoon din si Gabay, tumabi ito kay Juliana.
Nagpatiuna ako sa paglalakad. Binigyang pansin ko ang tatlong lalaking nakita ko kanina. Wala na rin ang mga sa kung saan ito nakaupo. Hindi ko man lang halos namalayan 'yon na wala na ang mga ito, baka kako nauna kong umalis sila naisip ko.
Pilit ko na lamang mawala ang mga ito sa isip ko. Dahil hindi ko naman talaga sila dapat pang isipin.
Wala naman sigurong sadya ang mga sa amin, iba lang ang pangambang nararamdaman ko kanina at ngayon wala na ito dahil sa hindi ko na rin sila nakita.
NAKALABAS na kaming tatlo sa restaurant na kung saan kami kumain. Ang sabi sa akin ni Juliana, simpleng karinderya lamang ito, pero dahil sa ganda ng ambiance ng paligid.
Laganap na rin pala ang dilim. Halos alas-otso na rin ng gabi. Ilang oras din pala kaming nasa loob. Medyo enjoy naman kaya ayos lang, nasa isip ko.
"Masarap no?" tanong sa akin ni Juliana.
"Tingin ko, mas masarap pa yata yon kung ikaw ang magluluto," sabi ko sa kaniya.
Natawa ito sa naging sagot ko at hindi ko alam kung bakit.
"Binobola mo naman ako."
"Je dis la vérité, Juliana.."
Napalingon ito sa akin.
"Oui! Ne vous inquiétez pas, Gabay et moi allons cuisiner pour vous deux," sagot naman nito sa akin.
"Aasahan ko yan ha. Sinabi mo yan, walang bawian."
"Walang bawian."
Napangiti kami sa isa't isa. Pinagmasdan ko ang paligid. Maayos ang lugar na 'to, tahimik. Walang gaanong tao--- siguro dahil gabi na kaya wala ng ingay gaano. Nalipat ang tingin ko sa harap ko, may dalawang babae akong napansin d'on. Sa unang tingin siguro nag-aabang lang ito ng masasakyan katulad namin.
Binaba ko ang tingin ko kay Gabay. Nakahawak lang ito sa kamay ni Juliana, nasa mga mata pa rin nito ang lungkot mula pa kanina.
Tiningnan ko si Juliana. Malikot ang mga mata nito sa paligid. Tingin ko may hinahanap lang ito, baka ang sasakyan namin pauwi. Kanina kasi naglakad lang kami at sabi ko nga hindi naman ganoon kalayo--- suhestyon lang ngayon ni Juliana ang sasakay ng tricycle at mayroon naman daw d'on. Mag-aabang lang kami.
"Parang wala na yatang masasakyan," sabi ko sa dalawa.
"Maghintay pa tayo. Mayroon pa yan," sagot naman nito sa akin. Hindi na ako sumagot pa at sa tingin ko naman mayroon nga.
Muling nalipat ang tingin ko sa harap at iyon na lamang ang kabang naramdaman ko nang makita kong nasa tabi ng dalawang babae.
"G-Gabay.." kabang nasabi ko sa sarili ko. Sa may 'di kalayuan nabaling ang tingin ko sa dalawang lalaki. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang kutsilyong tinaas nito sa ere kasabay ang pagsaksak sa dalawang babaeng naroon.
"Hoy! Hoy!" malakas kung sigaw sa mga ito. Liningon kami ng mga ito at mabilis na tumakbo matapos kunin ng biglaan ang dalang bag ng isang babae kung hindi siya magkakamali nasaksak ng mga ito.
Hindi ako nagsayang ng sandali at agad na tumakbo sa kinaroroonan ng mga ito. Sinundan ko ng tingin ang dalawang lalaking, kumaripas ng takbo. Sinubukan pang tawagin ni Randal si Gabay at mabilis nitong sinundan ang dalawa.
"Humingi ka ng tulong, Juliana..Humingi ka ng tulong," sabi ko kay Juliana. Mabilis akong napaluhod sa harap ng mga ito.
Kapwa na ito nakahiga at parehong walang malay, pansin ko ang dugong nagkalat sa paligid. Hindi ako pweding magkamali--- ang dalawang lalaking iyon ay nakita ko na kanina. Hindi lang sa lugar na 'to, kundi pati na rin sa pangitaing mayroon ako.
Tuluyang naging malinaw sa akin ang lahat; kutsilyo, dugo, babae at lalaking nakita ko. Malinaw na--- malinaw na malinaw na.
"J-Julianna..." huling pangyayaring natatandaan ko bago ako natumba sa tabi ng mga ito.
----