LIWANAG

2045 Words
RODRIGO "DOK RODRIGO.." Napalingon ako nang narinig ko ang tawag sa akin ni Rose. Awtomatiko ang ngiting sumilay sa aking labi. Gabi na rin pala ito naka-uwi, ang akala ko ako na lang ang nag-iisang nahuli rito sa Hospital. Heto at nandito pa pala si Rose. Nagpaalam na ito kanina sa akin kaya ang akala ko talaga nakauwi na ito. Hindi na rin naman ito dumaan sa clinic ko kanina. "Napahaba ang kwentuhan namin sa ward," sabi nito sa akin nang makalapit siya sa akin. Hindi pa pala ito nakapagpalit. Halatang tumambay nga ito sa ward kasama ang ibang nurse na kaibigan siguro nito. "Pauwi ka na ba? Akala ko kanina ka pa naka-uwi. Mabuti naman at naabutan kita," sabi pa nito sa akin. Ngumiti ako sa kaniya. Natandaan pala nito ang paalam ko kanina sa kaniya. "Nakaidlip ako sa clinic, kaya hindi agad ako nakaalis. Pag gising ko agad ko rin tiningnan ang mga report," sagot ko sa kaniya. "Ang sipag mo talaga, Dok. Mabuti naman at hindi nagagalit si Miranda kung hindi ka nakakauwi ng maaga. "Sanay naman si Miranda ng oras nang uwi ko. Minsan hindi na siya nagtatanong, tulog na nga rin siya madalas kung umuuwi man ako ng bahay," totoo kong sagot dito. "Taxi lang ako. Sasabay ka ba? Rush hour ngayon baka mahirapan kang maka-uwi.." alok ko sa kaniya. Nag-text na sa akin ang suki kong taxi kung coding ang sasakyang madalas kong dala. "Along the way lang ba ako? Baka mag-ikot lang. Huwag na lang. Mag-aabang na rin ako rito, Sir. Salamat na lang," tanggi nito sa alok ko sa kaniya. "No! Along the way ka lang ang alam ko. Quezon lang ako Caloocan ka, hindi naman siguro ganoon kalayo ang iikutan ng daan para makarating ka ng ligtas sa bahay niyo," pagpupumilit ko. Mabait na tao si Rose lalo na sa akin bilang personal nurse assistant ko. Hindi mo naman maaatim kung mapapahamak ito. Mas gusto ko pa rin na ligtas siya dahil may limang taong gulang na batang naghihintay sa kaniya sa pag-uwi niya. "Salamat ha. Tatanggihan ko rin sana. Iyon nga lang tama ka at baka mahirapan akong makahanap ng sasakyan ko. Mabuti na iyong sasabay na ako sa'yo. Magbabayad na lang ako pamasahe, okay ba 'yon, Sir?" hindi na ako tumanggi sa alok niya. Ito lang kasi ang tatanggi at ipagpipilitan pa rin sa akin ang gusto nito. May katigasan din kasi ng ulo tong si Rose--- kilala ko na ito matagal na. "Sigi. Ikaw ang bahala. Walang problema, pero kung kapos ka na utangin mo na muna sa akin. Okay ba 'yon, Rose?" sabi ko sa kaniya. Bahagya itong tumawa at hindi na nagsalita sa akin. "Matutuwa sana si Johan na makita ka. Kaso alam kong tulog na 'yon kapag ganitong oras," ilang sandaling sabi niya sa akin. Medyo matagal ko na rin hindi halos nakikita ang anak nito. Malapit din sa akin ang bata at ang madalas na tawag nito sa akin ay Tito Dok. Bagay na gusto ko naman. Wala naman kasing ibang tumatawag sa akin n'on kundi ang nag-iisang anak lang ni Rose. Hindi ito kahit kailan nag-kwento sa akin tungkol sa tatay ng bata at hindi rin ako nagtanong ni minsan. Hinahayaan ko na lamang siya dahil kung gusto niya, alam ko naman na magkwekwento ito at hindi maglilihim sa akin. But I respect Rose privacy--- mahalaga pa rin ang pribadong buhay ng mga tao sa paligid ko. "Ito na pala si Mang Dado.." untag ko sa kaniya. Mabilis na huminto sa tabi namin si Mang Dado. Wala pa rin pinagbago ang ginoo--- pansin ko. Masayahin pa rin ang awra nito. "Magandang gabi, Dok Rodrigo," bati mito sa akin nang buksan ang salamin sa kung saan kami nakatayong magkatabi ni Rose. "Coding ho ako, Manong, kaya inabala ko na kayo at wala akong ibang mabala," sabi ko sa kaniya. Ngumiti ito sa akin. Ilang sandali bumaba ito at umikot sa gawi namin ni Rose. Inabot ko ang susing nilahad niya sa harap ko. "Dating gawi ho," sabi ko sa kaniya at bahagyang tinapik ang balikat niya. Singkwenta y'kwatro na si Mang Dado kaya kung ito ang sumusundo sa akin madalas ako ang nagmamaneho ng taxi na dala niya.. Napatingin sa akin si Rose. May pagtataka sa mga mata nito kung bakit siguro. Binuksan ko ang pinto sa front seat patabi sa akin. "I will drive.." "Ikaw? Bakit?" tanong nitong may pagtatakang napatingin kay Manong. "Ganiyan talaga si Dok, Ma'am. Madalas siya naman ang nagmamaneho para sa akin. Tumanggi man ako wala rin kwenta,"untag ni manong. "Pero pagod ka sa maghapon 'diba, Dok?" "It's alright, Rose. I can drive trust me. Wala ka bang tiwala sa akin? Ligtas kayo ni Mang Dado sa mga kamay ko. Gusto ko rin magpahinga si manong kahit papano," sabi ko. Sabay ang lingon na pinakawalan ko kay manong. "Wala na akong sinabi. Nabigla lang ako. Pasensiya na, Manong. Minsan lang kasi ako nakakita ng pasahero na siya ang magmamaneho," kwelang sabi ni Rose sa amin. Sumakay na ito at maayos na umupo patabi sa akin. Pinagbuksan ko rin si Manong Dado sa likuran. Mabilis akong umikot sa driver side. "Saan ho tayo, Maam?" tanong ko kay Rose sa tabi ko. "Caloocan lang, Dok. Alam mo na 'yan," sagot nito sa akin. Napangiti ako at tiningnan si Mang Dado sa likuran. "Okay lang ba tayo diyan, Sir? Wala naman ho problema?" tanong kong nakangiti rito. "Ayos naman, Dok. Magpapahinga lang ako dito, dating gawi ako'y iidlip muna at malayo ang ating byahe.." sabi nito sa akin. Kulang-kulang isang oras din siguro ang magiging byahe namin. Ang masama pa kumg magiging trapik sa daan lalo na sa Edsa. Biyernes ngayon payday pa--- kaya malamang dadagsa ang motorista. Malaking bagay na rin ang makapagpahinga si Manong at baka buong araw na itong nagmamaneho. Mainam din at nandito ako para sa kaniya. Napalingon ako sa gawi ni Rose--- nakangiti lang ito sa akin at sa mga mata nandoon pa rin ang hindi makapaniwalang tingin sa akin. "Ang bait mo talaga, Dok. Bilib talaga ako sa pagiging makatao mo sa lahat ng taong nasa paligid mo," sabi sa akin ni Rose. Nakaramdam ako ng tuwa sa compliment na natanggap ko mula rito. Mabuti pa si Rose at nakikita nito ang halaga ko gayon din si Mang Dado--- pero si Miranda? Himala na lang yata na matatanggap nito kung ano talaga ako. Hindi naman ako nagsisising pinakasalan si Miranda at masaya naman ako sa magiging anak naming dalawa. Hirap lang talaga akong pakisamahan o pakiusapan si Miranda sa lahat ng mga maling gawain niya. -- RANDAL "KAMUSTA ANG TULOG MO?" bungad na tanong sa akin ni Juliana nang magising ako. Heto na naman at hindi ko na naman alam ang nangyari. Wala akong natatandaan sa lahat maging sa aking biglaang pagkawalan ng malay. "Nalagay sa panganib ang buhay nila, Randal.." Napaupo ako bigla nang narinig ko ito mula kay Gabay. Naalala ko na ang lahat may kaugnayan ito sa dalawang babaeng kitang-kita ko kung paano masaksak ng dalawang lalaking nakilala ko. "Wala akong nagawa?" tanong ko sa mga itong halos hindi makapaniwala. Nagtinginan sila sa isa't isa, halata ang lungkot sa mga mata. "Dinala na silang dalawa sa hospital. Pasensiya ka na kung wala rin kaming nagawa para sa'yo, Randal." "Hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo nagagawang basahin ang laman ng isip ko Juliana. Sa isip ko alam mong may mangyayari sa kanila. Pero bakit.. bakit hindi mo man lang napaghandaan ang lahat ng 'yon, Juliana?" hindi ko napigilang itanong kay Juliana. Tama naman ang mga sinabi ko rito. Kung naagapan lang din sana ni Juliana ang lahat na may mangyayaring masama sa dalawang 'yon, mas nailigtas pa siguro sila at hindi na kailangan umabot sa ganoon na may mangyayaring masama sa kanilang dalawa. "Hindi sakop ng kakayahan ko ang misyon na mayroon ka, Randal. Gustuhin ko man wala akong magagawa, nangyari na ang hindi pweding mangyari at patawarin mo ako." Nakaramdam ako ng guilt feelings sa nga sinabi sa akin ni Juliana. Wala nga naman akong karapatan para sisihin siya sa mga bagay na nangyari. Kung iyon ang naka-atang sa responsibilidad nito hindi ko dapat siya sinisisi. Nasasaktan lang ako dahil wala man lang akong nagawa para iligtas sa kapahamakan ang dalawang babaeng iyon. "Ginawa ko ang lahat, Randal at ang tangi ko lang nagawa ay ang mahuli sila ng pulis.." sambit ni Gabay sa akin. Hindi ko akalaing darating sa puntong magiging seryoso ang misyon na mayroon ako. Ang akala kong simpleng bagay lang ay hindi pala dahil sa mga buhay na nalalagay sa panganib, kung maaga ko lang sigurong naagapan ang lahat habang may kutob akong hindi maganda sa mga taong 'yon hindi pa sana umabot na malalagay sa panganib ang buhay ng mga ito. Isang makabuluhang tingin ang pinukol ko kay Juliana. Tumayo ito mula sa pagkakaupo ng kama ko kanina. Nalungkot ako dahil wala akong nagawa at sa pagkwestyon ng kakayahan ngga kasama kong alam kong ginagawa naman ang lahat para sa pare-parehong misyon namin. Naaawa ako sa kanila. Ang simpleng labas sana namin ay nahawaan pa ng isang hindi inaasahang aberya kung bakit ba naman kasi may mga taong walang magawa sa buhay. Hindi ko rin lubos maisip kung bakit pagkatapos ng lahat basta-basta na lamang akong nawawalan ng malay. Kung parte pa rin ito ng aking misyon, pakiramdam ko hindi ko magagawa ng maayos ang lahat dahil nawawalan ng silbe ang lahat. Imbes na nakakatulong ako, palagi na lang akong nakakatulog at may mga ala-ala sa gunita kong pumapasok ngunit wala man lang akong matandaan sa aking pag-gising. Nahihirapan ako habang patagal nang patagal ang lahat ng ito. Gusto ko ng matapos ang lahat ng 'to sa gayon pareho kaming makakapagpahinga na ng tuluyan. Kung malinaw lang sana sa akin ang lahat-lahat, naisip ko. Siguro hindi ganito kahirap ang damdaming nararamdaman ko ngayon dala ng kalungkutan dahil sa aking pagkabigo. "Huwag mo na masyadong isipin ang lahat ng 'yon, Randal. Napakarami mo pang araw para magawa mong matagumpay ang misyon mo. Mananatili kaming nasa likod mo. Sa muling pagkakataon na dumating ito, pinapangako ko wala ng malalagay sa peligro ang buhay. Pangako 'yan, Randal.." Naniniwala naman ako sa lahat ng mga sinasabi sa akin ni Juliana. Alam kong walang liwanag ang lahat hanggang ngayon, pero tulad ng pangako nito 'yon din ang pangako ko sa sarili ko. Wala ng buhay ang malalagay sa panganib 'yon ang sisiguraduhin ko. Nagpaalam sa akin si Juliana at si Gabay, lalabas lang daw muna sila at iiwan ako sandali rito. Sinandal ko ang likod ko sa headboard ng kama ko. Hindi man lang halos mawala sa akin lahat ng iniisip ko. May mga bagay na mananatiling malabo at iyon ang sigurado ako sa lahat. Tumayo ako at tinungo ang bintana sa kaliwang bahagi ng kama ko. Agad kong nasilayan ang sinag na nagmumula sa sikat ng araw sa labas. "Hindi ko alam kung hanggang kailan ako mananatiling ganito. Hindi ko alam kung paano ako magtatagumpay sa hamon mo.." kausap ko sa sarili habang nakatingala sa kalangitan. Sa sarili ko nandoon ang saya pinagbigyan akong mabuhay muli ang ibig sabihin may mga pagkakataon pa akong makita o makasama man lang ang pamilya ko paglipas ng mga araw. "Hanggang kailan 'to? Hanggang kailan?" patuloy kong bulong sa sarili ko. Muli akong bumalik sa pagkakahiga ko kanina. Nagpasya akong hindi lumabas. Ayaw kong harapin si Gabay at Juliana sa ngayon--- dis-appointed ako sa sarili ko sa mga nangyari. Hindi pa rin halos mawala ang lungkot ko para sa dalawang babaeng sabi sa akin ni Juliana na napahamak sila. Nalulungkot ako para sa kanila at hindi mawawala sa akin 'yon. Kahit pa sabihin ni Juliana at Gabay na may mga pagkakataon pa para magtagumpay ako. Iba pa rin sana sa una pa lang may magawa na ako. Ilang buhay pa ba ang mapapahamak dahil hindi ko man lang maaagapan? Ilang buhay pa ba ang ilalagay ko sa panganib dahil sa kutob kong huli ko nang maramdaman. Inis ang nararamdaman ko para sa sarili ko. Kung sana nagawa kong isumbong agad ang dalawang lalaki 'yon sa restaurant pa lang. Hindi na sana umabot sa ganoon ang lahat. Wala sanang akong makikita, wala sanang balitang hindi maganda nang ako ay muling magising.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD