SABADO ng hapon. Masaya kaming nagsalo-salo sa isang tanghalian na hinanda ni Juliana para sa amin ni Gabay. Mula nang mangyari ang hindi inaasahang pangyayari n'on sa palengke, naging mailap na itong mag-ayang lumabas. Siguro dahil ayaw niyang maranasan ulit namin ang mga bagay na 'yon sa pangatlong pagkakataon.
"Masarap tong liempo tikman mo," ang sabi sa akin ni Juliana. Sabay na inabot ang tinutukoy nito. Medyo mainit pa nga ito at kagagaling lang sa electric grill na pinaglutuan niya.
Maayos din ang set-up ng lamisa sa tulong ni Gabay kanina. Bahagya akong nakaramdam ng saya sa sarili ko para sa dalawang taong 'to.
"Mas okay na rin na dito na tayo sa bahay, para naman kahit papano magiging ligtas tayo," sabi ni Juliana.
Nagbigay ito ng pangamba para sa akin. Paano na lang ang misyon ko kung sakaling mananatili na lamang kami rito?
"Nababasa ko ang laman ng isip mo, Randal! Huwag kang mag-alala at hindi naman mawawala ang misyon mo kung sakali. Magiging maayos pa rin naman ang lahat--- sa ngayon dito na muna tayo. Palipasin muna natin ang lahat ng mga nangyari."
"Okay lang kaya sila?" tanong ko sa kaniya. Sinabi rin naman sa akin ni Juliana na maayos na raw ang mga ito. Mas gusto ko lang din siguro na marinig na nakalabas na ang mga ito sa hospital kung nasaan man ito sa ngayon.
"Maayos sila, Randal. Huwag mo na sila masyadong intindihin. Nagbilin naman ako ng phone number ko para kung sakali kailanganin nila tayo, mabilis tayong makapunta," dugtong pa sa akin ni Juliana.
Nagbaba ako ng tingin sa gawi ni Gabay. Napansin ko ang pananahimik nito--- sadyang may problema yata ang batang 'to at hindi ko na nakikita ang sigla sa mga mata niya. Ilang-araw na rin itong hindi nagsasalita gaano. Sa tingin ko talaga may dinaramdam ito.
"Maayos lang siya." Nalipat ang tingin ko kay Juliana--- nang marinig ko sa kaniya iyon. Hindi ko man lang namalayan na pinagmamasdan din pala ako nito habang nakatingin ako kay Gabay.
Nagpatuloy itong tahimik na kumakain. Ngumiti ako kay Juliana. Hindi na ako nagsalita pa at baka isipin lang ni Gabay na pinag-uusapan siya.
NAIWAN kaming dalawa ni Juliana sa lamisa. Nagpaalam na si Gabay na sa kwarto muna siya at manunuod ito ng paborito nitong palabas na cartoon.
"May problema ba si Gabay?" tanong ko kay Juliana. Nilingon ko pa kung saan ang pinto ng silid namin.
"Sabi niya sa akin kanina na-dis-appoint lang siya sa sarili niya at hindi ka niya natulungan."
"Wala naman siyang dapat ipangamba hindi ba? Sabi mo mga maayos naman ang lahat kaya naging maayos din ako, Juliana."
"Huwag mo na intindihin si Gabay. Nalulungkot lang siya sa nangyari."
"Kakausapin ko na lang siguro siya tungkol sa mga nangyari."
"Huwag kang mag-alala. Makakabawi rin si Gabay, hindi lang siguro siya sanay na hindi nagtatagumpay sa ngayon. Darating din naman ang mga araw na maiintindihan niya ang lahat--- na hindi lahat panalo sa kahit na ano'ng laban," sabi nito sa akin.
Natigilan ako sa sinabi sa akin ni Juliana tama nga naman ito. Hindi sa lahat ng laban kailangan panalo at manalo.
Sinundan ko nang tumayo si Juliana. Tinungo nito ang kusina sa lababo nilagay nito ang pinagkainan naming tatlo. Tutulungan ko sana ito pero ito lang mismo ang tumanggi sa akin at kaya na rin naman daw nito ang ginagawa nito.
Nagpaalam na lamang akong puntahan si Gabay para kausapin ito. Medyo nabahala rin kasi ako sa mga sinabi sa akin ni Juliana.
Sapat na ako lang ang madis-appoint sa mga nangyari at hindi na dapat si Gabay. Naiintindihan ko kung bakit nangyari ang lahat ng iyon at wala naman dapat sisihin.
"Pwedi kang makausap?" untag ko sa kaniya.
Naka-upo ito sa paanan ng kama ni Juliana nang pumasok ako sa silid ng mga ito. Malayo ang tingin nito sa kawalan sa labas ng bintana nang abutan ko siya.
Hindi ito tumugon at hindi rin naman tumanggi sa akin. Baka tulad ko at gusto lang din ako nitong kausapin.
"Alam mo bang nalungkot ako dahil hindi ako naging matagumpay sa misyon natin. But I realized that.. It's okay! Tulad nga ng sabi ni Juliana, marami pa naman pagkakataon at panahon na magagawa nating maayos ang lahat. Kaya huwag ka ng maging malungkot ha."
Tumango-tango sa akin si Gabay. Sa ganoong paraan ramdam kong naiintindihan na ako nito at hindi na ito magiging malungkot gaya ng pinapakita nito sa akin at kay Juliana.
"Okay na tayo ha? Hindi ka na magmumuni-muni d'yan. Naiintindihan mo na ako hindi ba?"
Ngumiti ito sa akin kasabay ang ngiting sumilay sa labi nito. Tumayo ako para yakapin ito--- gusto kong bumalik ang Gabay na nakilala ko. Ayaw kong palagi siyang magiging ganito.
"Hindi kita nabigo?" tanong nito.
Kumuwala ako ng yakap sa kaniya at agad na ginulo-gulo ang buhok nito. Kahit kailan hindi ko kailanman naramdaman na binigo ako ng isang tao. That's the reason why I don' wang to expect more from others. Kapag kasi marami kang expectation sa isang tao marami ding nagiging asungot sa buhay mo.
"May tiwala ako sa'yo at kahit kailan hindi nabawasan 'yon. Huwag kang mag-alala kung anuman ang nangyari kalimutan na natin ang lahat ng 'yon. Babawi na lang siguro tayo sa lahat ng misyon na maaaring i-atang sa atin. We will make sure na magtatagumpay na tayo. Teamwork! Okay ba iyon?" ani ko sa kaniya.
Ngiti ang sumilay sa labi ni Gabay.
"Makakaasa ka. Hindi na kita kailanman bibiguin pa--- may tiwala ako sa'yo at magtiwala ka lang sa akin. Sasamahan kita sa lahat ng misyon mo sa mundong 'to, Randal. Hindi ka namin iiwan ni Juliana. Sama-sama tayong tatawid--- pangako."
Tinanggap ko ang kamay nitong nilahad sa harap ko. Buo ang tiwala ko ritong hindi ako kailanman pababayaan nito. Tiwala ako na kahit na anong mangyari nandito lang ito sa tabi ko at si Juliana. Magiging maayos ang lahat sa mga susunod na sasabakan namin--- sa laban na alam kong totohanan na at hindi na alanganin gaya ng mga nangyari noon.
Nagtitiwala ako sa sarili ko at ganoon din sa mga taong labis ang tiwalang binibigay sa akin.