BAGONG BAHAY

2036 Words
RODRIGO "SALAMAT ULIT SA PAGHATID MO SA AKIN KAGABI, RODRIGO," sabi sa akin ni Rose. Kauupo ko lang halos sa sa sarili kong swivel chair sa opisina ko nang pumasok ito. Hindi ko alam kung ano ang siyang hinihingi nito ng salamat. May kaugnayan siguro ito sa ginawa kong paghatid nagdaang gabi sa kaniya. "Kamusta si Mang Dado? Nakauwi naman ba siya ng maayos? Ang galing 'no, ang bigat mong tao, Rodrigo pero ang bait mo." Napangiti ako kay Rose. Gawain ko na rin siguro ang lahat ng 'yon. Isa pa naging mabait din si akin si Mang Dado--- kaya wala akong dapat problemahin at paghinayangan sa mga pabor na ginawa ko para dito. "Alam mo maiintindihan mo rin ang mga bagay-bagay, Rose. Atsaka isa pa masarap maging mabait sa ibang tao," dugtong ko pa sa kaniya. Ngumiti lang sa akin si Rose. Mabait din naman ito, halos wala rin naman akong maipipintas sa ugaling mayroon siya. Ang sabi ko nga noon kung dumating man ang araw na wala na ako sa propesyon ko palagi kong isasama si Rose kahit saan man ako. "Baka may gusto kang kainin. Lalabas ako ngayon at dadaan na rin sa bilihan ng pagkain. Nagugutom na rin kasi ako at ang aga ko lumabas ng bahay. Mayroon ba?" tanong nito sa akin. Nag-isip ako kung mayroon ba. Kumain na rin naman kasi ako bago umalis ng bahay kaya ayos lang siguro kong meryenda na lang din ang ipapabili ko sa kaniya. Ayaw kong bumili ng kahit na ano ngayon at paniguradong maaga rin akong makakauwi pagkatapos nitong rounds ko sa mga pasyente. "Ikaw na lang siguro. Ayos lang ako. Thankyou," sabi ko sa kaniya. Ngumiti ito sa akin at tumayo na. Nagpaalam na itong mag-iikot muna sa ward na hawak nito sa hospital. Sinundan ko ito ng tingin. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami magsasama ni Rose--- sa puso ko nand'on ang saya na may isang tao akong pweding pagkatiwalaan sa kahit na anong panahon habang nasa tabi ko lang ito. --- RANDAL MAAYOS kaming nakalipat ng paupahang apartment sa kabilang kanto lang ng bahay na tinutuluyan namin. Halos kagigising ko lang din sa maghapong paghahakot. Nagdesisyon si Juliana na lumipat kami dahil daw sa hindi magandang kinaharap naming misyon d'on na halos lahat ay nabigo lang ako. "Kain na tayo," masiglang untag sa akin ni Gabay. Dala-dala nito ang isang tray na puno ng pagkain at pinatong sa lamisa ng center table na galing pa sa kabilang bahay. Banana cue, camote cue at orange juice ang dala-dala nito para sa akin. Kung may tao lang sigurong nakakakita alam kong matatakot dahil lumulutang ang tray na hawak nito at wala pa rin kahit na sino ang pweding may makakita kay Gabay. "Si Ate Juliana mo?" tanong ko sa kaniya. Umayos ako ng pagkakaupo at kumuha ng isang stick ng banana cue--- pakiramdam ko matagal ko na itong paborito. Masarap ang meryenda na dala ni Gabay sa akin at malamang si Juliana ang bumili nito. "Nasa kwarto lang at inaayos ang kurtina," sagot nito sa akin. May dalawang silid ang bahay na ito, isang kusina na may kaliitan lang at sala sa may kaunting espasyo nandoon ang dining room na kasya lamang ang tatlong katao. Halos magkatabi lang din ang banyo namin sa kanang bahagi at banyo ang gitna nito. "Kain ka na," alok ko sa batang katabi ko. Umupo ito patabi sa akin at agad na kinuha ang remote control ng TV na dala-dala rin namin. Sa tabi ni Gabay nandoon ang main door double door ito at may screen door pa, para naman hindi gaano nakikita ang tao sa loob. Bilin din sa amin ni Juliana, panatilihin lang namin na sarado ang bintana palagi at may ilan kaming kapitbahay dito na baka may makakita sa amin o makarinig sa pinag-uusapan naming tatlo. "Masarap 'to," kumbinse ko kay Gabay. Mukha kasing wala itong balak kumain ng pagkaing inaalok ko sa kaniya. Nakatuon lang ang mga mata nito sa TV sa cartoon na pinapanuod nito--- minsan akong natawa sa paboritong panuurin ni Gabay. Isa itong casper series o isang kaluluwang iilan lang ang pweding makakita--- tulad nitong kaibigan kong nasa tabi ko lang. "Bakit nga pala hindi ka pwedi makita ng kahit na sino?" tanong kong may pagtataka sa kaniya. "Ang sabi sa akin ni Sundo tunay na raw akong patay, kaya kahit na sino wala ng pweding makakita sa akin at nakatawid na ako sa paraiso," sagot nitong hindi man lang ako nakuhang lingunin. Pagtataka ang napala ko sa sagot sa akin ni Gabay. Tunay na raw itong patay? Ang ibig bang sabihin n'on sila ni Juliana ay hindi pa patay? "Kayo kasi ni Ate Juliana may misyon pa sa lupa para tuluyang makatawid sa paraiso, Randal. May mga kailangan pa kayong harapin tulad nang napag-usapan niyo ni Sundo noon," untag nito sa akin. Pilitin ko man maging malinaw ang lahat nananatili pa ring malabo para sa akin. May hindi pa rin talaga ako maintindihan at iniisip ko na lang na baka sa paglipat namin dito sa lugar na 'to may kasagutan na ang lahat ng tanong sa isip ko. "Magsisimula na tayo sa bagong buhay na ito at sa pagsapit ng maliwanag na bilog na buwan magsisimula na ang pagbibilang ng isang daang araw mo, Kaibigan," sabi nito sa akin. Minsan ng nasabi sa akin iyon ni Juliana. Tinandaan ko ang bagay na 'yon at napakahalaga n'on para sa akin. Hindi ko pweding balewalain at gusto ko ng matapos ang lahat ng 'to. Gusto kong tuluyan ng manahimik sa ikalawang buhay--- natatanggap ko na rin kahit papano ang kapalaran na mayroon ako. Madali lang naman tanggapin ito, siguro nagsimula lang ito n'ong maniwala akong patay na talaga ako. "Kumakain na pala kayo," bungad ni Juliana. Lumabas na ito mula sa silid nilang dalawa ni Gabay--- nagpasya pa rin itong magkatabi sila at ganoon na rin ang batang nasa tabi ko. Maayos naman sana kung sa akin tatabi si Gabay sa pagtulog at pareho naman kaming lalaking dalawa. Iyon nga lang baka nasanay na ang mga ito sa isa't isa kaya hindi na pweding paghiwalayin pa. "Mabuti dito at napakaraming pweding bilhan ng pagkain." Kumuha ito ng isang stick ng camote cue at umupo patabi kay Gabay. "Paborito mo talaga si Casper ah. Palibhasa at wala kayong pinagkaibang dalawa," komento nito kay Gabay. Natawa ito at ganoon din ako. Wala nga naman talaga silang pinagkaiba--- iyon nga lang at lumilipad-lipad lang talaga si Casper at gumagawa ng ilang kalokohang bagay. Mga bagay na hindi naman gawain ni Gabay na kaibigan namin ni Juliana. "S'yempre naman at mas hamak na mas mabait naman ako sa kaniya," totoong pagkakasabi nito sa amin. May point nga naman ito. Kahit minsan hindi naman talaga ito naging pasaway sa kanilang dalawa ni Juliana. Wala nga itong gustong gawin mula noon kung hindi maging maayos lang ang misyon na mayroon sila--- pinanindigan nito ang pangalan na tawag dito dahil si Gabay ay nanatiling gabay nilang dalawa ni Juliana at alam nilang hindi sila iiwan sa mga misyon na dadating pa sa buhay nilang dalawa. "Pakiramdam ko magiging mataba tayo rito," sabi ko naman sa kanilang dalawa. Hindi ko man lang namalayan na nakadalawang stick na pala ako ng kinakain ko. "Okay nga 'yon e. Para sa pagtawid natin ng sama-sama makasalubong man lang tayo ni San Pedro na matataba," natatawang sabi ni Juliana--- nakitawa na rin kami ni Gabay dito. Halos sabay-sabay kami sa pagkuha ng tatlong stick pang natira sa plato. "Feeling ko hindi na ako kakain. Kayo ba? Gusto niyo pa bang magluto ako para sa hapunan natin?" tanong sa amin ni Juliana. Tingin ko naman hindi na rin ako makakain at halos nabusog na rin ako sa kinain namin. Sabagay maaga pa lang naman halos alas cinco pa lang ng hapon. Mahaba pa ang oras bago mag-umaga ulit at baka gutumin lang kami kung hindi kami maghahapunan. "Baka may pagkain naman sa labas na pwedi natin makain. Huwag ka ng mag-abalang magluto at ayos lang naman 'to. Actually! Busog na busog na nga ako," sabi ko sa kaniya. Muli nitong nilipat ang tingin sa harap ng telebisyon. Pagtataka din talaga ang nararamdaman ko at wala man lang akong maisip na dahilan kung bakit hindi nawawalan nf pera si Juliana. Nahuli akong nakatingin dito at agad ko rin iniwas dahil baka mabasa niya na naman ang tinatakbo ng isip ko ngayon. Ayaw kong malaman niya ito at baka sabihin niyang pinag-iisipan ko siya ng mali. Which is not naman dahil siguro matagal na rin naman itong nabubuhay bilang kunwang normal na tao at baka mayaman talaga ito sa real world nito. "Nurse ako n'ong nabubuhay ako.." narinig kong sabi sa akin ni Juliana. Nabasa nga siguro talaga nito ang mga iniisip ko. "Isang malaking hospital siya sa isang malaking lungsod n'on bago ako napunta sa lugar na 'to, Randal," dugtong pa. "Kaya d'on nanggaling ang lahat ng perang mayroon ako ngayon. Hindi mo na kailangan mag-isip pa at we will survive kung 'yon ang iniisip mo," untag nito. Tiwala ako sa lahat ng sinasabi sa akin ni Juliana. Alam ko naman lahat ng 'yon ay totoo--- sa isip at puso ko ramdam kong minsan lang akong magtiwala at alam kong kasama si Juliana dito. Wala na akong pweding pagkatiwalaan ngayon sa mga sandaling 'to. Sapat na sa akin ang lahat ng salitang mayroon si Juliana sa tabi ko--- sa isip ko walang kahit na sino ang makakatulong sa akin at sa kaniya kundi kaming dalawa lang sa isa't isa. "Nababasa ko iniisip mo. Ang dami mong iniisip, Randal," napapailing na napapangiting bulong nito sa akin. Sinasabi ko na nga ba at wala talagang pweding itago dito. Napailing na lang din akong napayuko. Hindi talaga ako pwedi mag-isip hangga't nandito ito sa tabi ko. Mabuti na lang at wala naman sumasaging hindi maganda sa isip ko. Nagbaba ako ng tingin kay Gabay. Napaisip ako at hindi ko man lang namalayang nakatulog na pala ito sa binti ni Juliana. Masyado rin sigurong nabusog ang batang to, hindi na halos namalayan na nakaidlip na pala. "Tulog na siya," sabi ko kay Juliana. "Oo nga. Naramdaman ko rin, akala ko nakahiga lang at nanunuod pa rin--- knock out na pala," sabi nitong natatawa sa akin. Mukhang napasarap yata talaga ang usapan namin at hindi man lang namin namalayang dalawa. Napapailing na lang kami, sabay na sumilay ang ngiti sa labi namin. Tumayo ako at nagpasyang buhatin kunwa si Gabay sa silid nito at ni Juliana--- doon mas makakapagpahinga siya ng mabuti. Agad naman na tumayo si Juliana, para masiguradong sarado lahat ng bintana sa sala. Mahirap na at baka may sumilip na lamang bigla at maisip na weird kaming dalawa. "Sigi na. Ilagay mo na lang siya sa higaan ko at ako na lang ang bahalang magligpit ng pinagkainan natin," turan nito sa akin. Tumalima na ako para ayusin ang pagkakahiga ni Gabay sa higaan nila. Doon mas makakapagpahinga ito at maitutuwid ng maayos ang likod nito--- naisip ko kahit naman kaluluwa lang ito o hindi normal na nilalang sa mundo. Kailangan pa rin nito ng pahinga sa maayos na higaan nilang dalawa. MAINGAT kong nilapag si Gabay. Tulog na tulog talaga ito at himalang hindi man lang nagising, siguro dahil sa pagkaing pinagsaluhan nila. Kahit naman ako biglang nabusog din at sino ba naman ang hindi kong halos tatlong stick ang nilantakan kong kainin, ganoon din si Juliana. Paniguradong nabusog din ang kaibigan kong 'yon. "Nagpapahinga na siya," sabi ko kay Juliana. Naabutan ko itong naghuhugas ng pinagkainan namin. "Kakain ka pa ba?" tanong nito sa akin. Umupo ako sa isang stool na kawayang upuan sa may bandang likuran nito. "Hindi na siguro, baka mag-gatas na lang ako o kakainin ko na lang ang natirang pagkain na mayroon kahapon," sagot ko sa kaniya. "Sigurado ka? Malayo pa ang umaga.." "Sigurado. Nabusog din naman ako sa meryenda at kung sakali mang magutom ako mamaya baka magluto na lamang ako ng noodles na natira natin," nakangiti kong sabi kay Juliana. "Sigi. Ganoon nalang siguro. Gisingin mo na lang ako kung kailangan mo ng tulong para ipaghanda ka at ako ang bahala sa'yo," sabi pa niya sa akin. "Salamat, Juliana.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD