RANDAL
NAGMUNI-MUNI ako ngayon dito sa may terasa ng bahay namin. Magdadapit-hapon na at tulad ng napag-usapan namin ni Juliana hindi na kami maghahapunan, dahil sa kinain namin kami ay halos nabusog din.
Bukas na lang siguro kami kakain, hahayaan ko na lang magpahinga ang dalawa at alam kong napagod din ang mga ito sa ginawang paghahakot kahit na hindi naman kami mismo ang nagbuhat.
Hinayaan din ako ni Juliana dito. Sabi ko sa kaniya gusto ko muna ang mapag-isa.
Hindi sinasadyang napapikit ako sa kawalan habang nakatingin sa maliwanag na buwan. Sa gunita ko hindi ko namamalayan ang mga pangitaing nakikita ko.
May isang bus na puno ng tao ang aking nakikita sa aking balintanaw--- nandoon daw ako kasama si Juliana maging si Gabay, ilang sandali may tatlong lalaking sumakay at walang ano-ano sumigaw na lamang ang mga ito ng hold-up.
Takot sa mga mata sa mga mata ang nakita ko kay Juliana nang mismong tumapat ito sa harapan niya. Pansin ko ang kintab ng kutsilyo na sa ere tinataas nito--- sabay ang sigawa ng 'Huwag kayong kumilos, walang masasaktan sumunod lamang sa gusto namin. Ilabas ang mga cellphone, pera at alahas!'
Narinig ko ang iyakan ng mga bata maging ng mga babaeng nakasakay sa bus na 'yon.
Halos hindi rin makagalaw ang ilang lalaking nandoon dahil sa baril at patalim na mayroon ang dalawang lalaking nasa tabi ko paharap kay Juliana.
Bigla na lamang akong napadilat nang may marinig akong malakas na pagsabog na hindi ko alam kung saan ito galing o kung ano ang pinagmulan.
"Okay ka lang, Randal?"
Napalingon ako sa boses ni Juliana. Hindi ko man lang namalayan ang siyang pagdating nito sa likuran ko.
"May nakita ako," sagot ko sa kaniya.
Habang ang mga mata ko ay nanatili sa kawalan. Pilit kong inaalala ang mga pangyayaring sumilay sa aking isipan.
"Ano ang nakita mo? Maalala mo ba? May naalala ka ba?" tanong sa akin ni Juliana. Umupo ito sa paanan ko. Alam ko kung bakit gusto nitong malaman ang mga pangitain ko. Tulad ko ayaw na mangyari ni Juliana ang mga kabiguang nangyari noon sa misyon na mayroon ako sa mundong 'to. Pero kahit anong pilit ko man alalahanin ang siyang dumalaw sa aking isipan ay hindi ko magawa. Tulad ng dati mabilis ko itong nakalimutan o sabihing hindi ko talaga matandaan.
Siguro kaya ako nabibigo dahil hanggang d'on ang lahat at ako na ang bahalang magtuklas kung ano ito at kung paano ko magagawang maging matagumpay sa mga pangitaing alam kong hindi maganda sa aking gunita'y nasisilayan.
Tumayo si Juliana nang walang makuhang sagot sa akin. Tulad nga ng sabi ko wala akong kahit na anong matandaan--- blangko ang aking isipan. Sumasakit ang lamang ang aking ulo kung aking pipiliting isipin ang mga bagay na iyon.
"Hindi ko alam kung paano matutulungan, pero pinapangako ko, Randal, hindi ka na mabibigo ulit at wala ng masasaktan o dugong masisilayan. Magtatagumpay tayo sa lahat ng kakaharapin mong misyon, para sa gayon mabilis ka ng makatawid at tuluyan ka ng matahimik," ito ang mga salitang narinig ko mula kay Juliana.
Gustuhin ko man isipin na magtatagumpay kami tulad sa mga sinabi nito'y hindi ko magawa. Nandoon pa rin ang takot na baka dugo na naman muli ang aking makikita at ilang buhay na naman ulit ang malalagay sa panganib.
Hindi ko magawang tingnan sa mga mata si Juliana--- ayaw kong mabasa nito ang negatibong laman ng isip ko.
Sa pagkakataong 'to ayaw ko silang mabigo ni Gabay.
"I'm sorry! I'm sorry. Wala akong maalala, hindi ko maalala ang lahat," mga katagang lumabas mula sa akin nang salubungin ko ang mga mata ni Juliana.
"As I said. Huwag mo ng pilitin ang sarili mong mag-isip, Randal. Hayaan mo na, mangyayari ang dapat mangyari ayon sa nakasulat sa tadhana ng misyon mo."
Hindi na ako tumugon pa sa ibang sasabihin sa akin ni Juliana. Hindi ko na dapat pang ipagpilitan ang lahat--- mabibigo lang ako.
"Magpahinga ka na, Randal. Baka pag-gising mo may maalala ka na o baka kailangan mo pang balikan ulit ang mga pangitain mo," sabi nito sa akin.
Tumalima na ako para sundin ang mga sinabi sa akin ni Juliana.
HINDI pa rin ako mapakali hanggang nandito na ako sa silid ko ngayon. Ang isip ko abala sa paghahanap ng paraan kung paano ko ba magagawa ng tama ang parating na tungkuling mayroon ako. Naniniwala akong hindi magtatagal ay darating na ang pangyayaring 'yon. Kailangan ko itong panghandaan sa ngayon, dahil sa sarili ko hindi ko matatanggap kung mabigo pa akong muli.
Tumingin ako sa bintana ng silid ko sa kama kung saan ako nakaupo ngayon. Mula rito nandoon ang kalahating buwan na kung titingnan mo lang ng maigi para lang itong nakamasid sa akin. Pinipigilan kong ipikit ang mga mata ko at baka sa muling pagkakataon mangyari ulit ang bagay na kinatatakot ko.
JULIANA
MULI kong nilingon ang silid ni Randal, pinili ko siyang iwan para muling mapag-isa. Alam ko ang pinagdadaanan niya ngayon, kahit ako pinagdadaanan pa rin ito ngayon. Minsan ko nang nasabi sa kaniya na naaalala ko lang ang nakaraan na bahagi ng buhay ko kung nakakatulog ako at ganoon siguro ang nangyayari ngayon kay Randal nang abutan ko siyang pawis na pawis at tila hinahabol ang sariling hininga nang gumising siya.
Alam kong hindi pa ito makakabalik sa pagtulog kahit sabihin ko man na magpahinga na siya. Mahirap ang sitwasyon ni Randal kaysa sa naging sitwasyon ko noon, ako kahit papano alam ko kung saan ako nagmula--- wala man akong ala-ala sa lugar na 'yon, alam ko kung saan ako pupunta kung sakaling gusto kong balikan ang lahat. Kusang ayaw ko lang gawin 'yon para sa sarili ko at alam kong hindi rin naman makakatulong--- magiging palaisipan pa 'yon sa pamilya ko at mailalagay ko lang sila sa panganib.
Imagine. May kapamilya silang muling nabuhay para sa ilang misyon para sa sariling misyon ng ibang tao na kinakailangan ako. Hindi rin madali sa akin ang bagay na 'to, pero wala na akong magagawa pa kundi tanggapin alang-alang sa katulad ni Randal na kailangan ako.