PANGYAYARI

1151 Words
"Excited na ako sa magiging lakad natin ngayon," masayang sabi ni Gabay. Napagkasunduan kasi namin ni Juliana na ipasyal ito sa isang sikat na pasyalan sa lugar na 'to sa Ilocos. Wala naman kasi kaming gagawin ngayong araw ng linggo kaya nagpasya kaming lumabas naman ng bahay. Pansamantalang kinalimutan ang mga nangyari n'oon. Sabi ko nga kay Juliana wala muna kaming iintindihin ngayon. Ang gusto lang namin ay mag-enjoy. Mabuti naman at pumayag naman sa gusto ko si Juliana. "Wala pa kayong gustong dalhin? Okay lang ba kung magdadala ako ng pagkain natin?" tanong nito sa amin ni Kidlat. Umiling-iling kaming magkasabay sa tanong ni Juliana at maayos lang naman kung wala rin kaming dadalhin sa lakad namin. "May mabibili naman siguro d'on," sabi ko kay Juliana. "Mayroon naman siguro. Hindi naman pweding mawala at malaking lugar yong pasyalan ng Vigan," tugon nito sa akin. "Sigi. Pwedi naman kung hindi na lang at bibili na lang tayo. Hindi naman siguro tayo magugutom d'on. Ako na lang ang bahala--- may ilang lugar akong magandang nakikita r'on na pagdadalhan sa inyo." Matagal na sa lugar na 'to si Juliana. Marami na rin itong lugar na alam sa lugar na 'yon. Minsan na rin ako nagpasalamat na ito ang naging karamay ko sa mga sandaling 'to. "Maliit na bagay.." natatawang sa akin ni Juliana. Nabasa na naman siguro nito ang nilalaman ng isip ko. Natatawa na lamang akong naiiling sa kaibigan kong 'to. Mabilis ko ng inayos ang aking sarili; naka-t-shirt na puti lang ako iyong binigay sa akin ni Juliana n'ong unang namasyal kami kung saan may nangyaring salpukan noon sa palengke at may ilang taong nasaktan, mabuti na lang at naging mabilis ang pagkilos ni Gabay kaya walang gaanong nasaktan. "Handa na ako.." untag sa aming dalawa ni Gabay. Napatingin kami kasabay ang ngiti sa labi na pinagkaloob naming tatlo sa isa't isa. Sabay na kaming tumayo ni Juliana para humanda na sa pag-alis. Sinigurado ko munang sarado na ang lahat ng pinto namin. Mahirap na at baka gabihin din kaming tatlo, safety first 'ika nga. Sa tingin ko wala naman sigurong loko-lokong tao sa lugar na 'to. Iba pa rin syempre ang iniingatan din ang mga sarili maging ang mga dapat ingatan sa bahay kung wala kaming dalawa ni Juliana. Hinintay na ako ng mga ito sa may labasan. I'll make sure too na pati ang lock ng gate namin nakasarado na. Hindi naman ganoon kalakihan ang bahay na kinuha ni Juliana para sa pansamantala naming tinutuluyan. "Let's go?" untag sa akin ni Juliana. Nagbaba ako ng tingin kay Gabay, ngayon ko lang napagtanto na terno lang pala ang suot naming dalawa. "Paano ba yan kung saan tayo makakain hindi ka na naman makakain kung sakali," untag ko rito. Nilingon ako ni Juliana. "No worries. Hahanap tayo ng private resto na may privacy tayong tatlo para kay Gabay.." "Huwag niyo na ako alalahaning dalawa--- ang mahalaga lang naman ay pareho tayong mag-enjoy sa kung saan man tayo pupunta. Iba rin yong masaya sa lugar na pupuntahan na magkasama at kahit hindi man ako makakain, nanatili naman akong busog e," sabi sa kanila ni Gabay. Nagkasya na lamang silang maglakad hanggang sa labasan kung saan may mga pambublikong bus ang siyang dumadaan. Sabi ni Juliana kanina sa akin, baka raw matagalan ang siyang paghihintay namin kung hindi namin aagahan. Mabuti na 'yong maaga pa kami babyahe para naman masulit namin ang mahabang araw at isa pa sa magandang desisyon na ginawa namin ang walang gaanong gamit na dadalhin si Juliana dahil pareho lang din kaming mahihirapan. Hindi naman nabigo at ilang sandali napansin ko rin ang isang pampasaherong bus na may malaking karatulang nakasulat na Vigan. Tumayo na ako at ganoon din si Juliana. Patuloy lang na nasa tabi namin si Gabay. Huminto naman agad ito sa tapat namin at bumukas naman ng agaran ang pinto. "Alalayan na kita," sabi ko kay Juliana. Hinawakan ko ang balikat nito para makasampa ng ligtas sa bus. Agad naman kaming may nakitang tatluhang upuan para sa aming tatlo--- kunwang nagbayad kami ng pwesto para kay Gabay. "Naaantok ako," sabi ko kay Julina. Nasa gilid lang ako ng salamin--- maganda sana ang tanawin ko sa paligid, pero tilang hinihila ang talukap ng mga mata ko sa antok kong nararamdaman. Madaling araw pa lang kasi nang ako'y magising kanina. Wala naman ibang pangitain ang siyang nakita ko sa aking gunita. Hanggang sa ngayon nahihirapan pa rin akong alalahanin ito at baka hindi ko na talaga maalala. Ang gagawin ko na lang siguro ngayon ay magdoble matyag sa paligid. Hindi na ako dapat pang magpabaya at baka malagay lang sa panganib ang buhay ni Juliana o kung hindi man baka may makaalam na mga mortal na tao tungkol sa amin. Magiging malaking problema lang 'yon kung sakali at hindi ko hahayaang mangyari 'yon. Kung si Gabay ginagawa ang lahat para protektahan ako, ako naman gagawin ang lahat para protektahan silang dalawa. "Gusto mo bang umidlip? Malayo pa ang byahe natin. Okay lang naman na magpahinga ka muna," sabi sa akin ni Juliana. Hindi na ako tumugon dito--- basta ko na lamang pinikit ang mga mata ko. Hinayaang tuluyang kuhanin ng antok ang karimlan ko. RODRIGO "Tito Dok.. Tito, Dok.." malakas na tawag ni Johan ang narinig ko. Nakabukas ang bintana ng kotse ko kaya agad kong napansin ito ang pagtakbo papunta sa gawi ko. "Tito, Dok, andito ka na pala. Sabi ni mama, aalis daw tayo?" agad nitong bungad sa akin. Ngumiti ako sa kaniya ganoon din kay Rose na nasa likuran lang nito. "Opo. Niyaya ko kasi ang mommy mo na ipasyal ka naman. Gusto mo ba 'yon?" tanong ko rito. Ngumiti ito ng maluwag sa akin at tumango-tango ng sunod-sunod. Ang ibig sabihin masaya ito sa ideyang aalis nga kami kasama ang mommy nito at ito mismo. "Naghintay ka ba?" tanong sa akin ni Rose nang makalapit na ito ng tuluyan sa aming dalawa ni Johan. Ngayon ko lang nakitang ayos na ayos si Rose; naka-bestida lang ito ng puti at kitang-kita mo talaga kung gaano ito kaganda. "Sabi ko nga sa kaniya huwag na lang kami tutuloy at baka kako kailangan mong magpahinga." "No. It's okay. Ako naman ang nagyaya sa'yo 'diba? Bakit mo naman hindi itutuloy kung para sa bata 'to." "Salamat, Rodrigo.." "Ang mabuti pa mag-bus na lang tayo. Iiwan ko muna ang kotse ko rito sa inyo at hindi ko naalalang coding pala ako," nahihiya kong sabi kay Rose. Tumabi ito nang bumaba ako. Maayos naman ang pwesto ng sasakyan ko kung saan naka-park sa tapat lang ng bahay nila mismo. Gusto ko man gumamit ng kotse wala na akong magagawa--- bukod kasi sa posibleng may makakita sa amin at gamit ko ito magiging problema lang kung makarating kay Minerva. Bagay na sobra kong iniingatan dahil wala naman kaming masamang ginagawa ni Rose kung sakaling pag-isipan niya man kami nito ng mali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD