PAGKAKATAON

1026 Words
RODRIGO PINILI kong sumakay kami sa isang de-aircon na bus. Iniisip ko kasing baka mahilo si Johan kung sa pampubliko lang kami sasakay kung saan iyon ang madalas kong nakikitang dumadaan. Heto nga at may nakita naman kami sa katagalan na paghihintay na halos trenta minuto rin. Pinauna ko si Johan at Rose bago ako sumampa--- napansin agad namin ang pang tatluhang upuan na sapat naman sa aming tatlo. Nauna si Rose, sumunod si Johan sa unahang dulo ko naman piniling umupo. "Okay lang ba kayo d'yan?" tanong ko sa kanilang dalawa. Kapwa naman sila maayos kung titingnan ko. "Okay lang. Ikaw d'yan? Okay ka lang ba? Baka masikip sa'yo, Dok. Pwedi ka naman lumipat ng ibang upuan kung gusto mo," sabi naman sa akin ni Rose. Umiling-iling ako sa kaniya bilang tugon. Kung titingnan maayos naman akong nakaupo at kasya naman ako maluwag pa nga kung tutuusin e. Pwedi bang umupo sa tabi ko kung may maliit na taong sasakay pa. "Mommy, can I sleep?" paalam ni Johan sa nanay nito. Tiningnan kong nakangiti si Rose, gusto kong hayaan niyang magpahinga muna si Johan habang malayo pa ang nilalakbay ng byahe namin sa lugar kung saan kami pupunta ngayon. "It's okay, Honey. Dito lang si mommy sa tabi mo magpahinga ka lang, Anak," tugon naman ni Rose dito. Pinapakinggan ko lang sila at sa t'wina hindi ko halos mapigilan ang mapangiti dahil sa pagmamahal ng dalawa isa't isa. Mag-isa lang si Rose na tinaguyod si Johan, pero hindi pa rin iyon naging hadlang para hindi nito makayang palakihin ang anak nito sa paraang alam kong maibibigay ko ang lahat-lahat na pangangailangan nito para dito. Tuwa ang siyang nararamdaman kobsa puso ko lalo na kapag kasama ko ang dalawang 'to. Iyon nga lang at kailangan kong itago ang lahat ng 'yon kay Minerva--- hindi nga naman magugustuhan ng asawa niya kapag nalaman nito ang tungkol dito. Iba mag-isip si Minerva--- alam niyang kahit wala naman silang ginagawa ni Rose 'yon at yon pa rin ang iisipin ng asawa niya. Buntis si Minerva at ilang buwan na lang isisilang na nito ang anak naming dalawa. Bagay na labis na saya ang binibigay sa puso ko. Hindi rin ako halos makapaghintay na dumating na ang araw na 'yon. Gusto kong ibigay sa magiging anak ko ang lahat ng bagay na makakapagpasaya rito. Ngayon pa lang siguro na ako sa sarili kong hindi ko pababayaan ito. Kahit pa sabihing hindi maganda ang pagsasama na mayroon namin ni Minerva, hindi pa rin ito magiging hadlang para hindi kami maging masaya bilang pamilya. "May iniisip ka ba?" ilang sandali tanong sa akin ni Rose. Umiling-iling ako sa kaniya. Ayaw kong malaman nitong si Minerva ang iniisip ko at baka kung ano lang din ang isipin nito. Gusto ko lang ngayon ay mag-enjoy kami sa kung ano'ng lakad man ang mayroon kaming tatlo ni Johan. Sa puso ko andoon ang isipin ko sa sarili kong sabik si Johan sa isang ama na matatawag. Pansin ko madalas kong gaano ang pinapakita nitong pananabik sa harap ko kapag nagkikita kaming dalawa; tulad na lamang kanina--- ang agarang pagtakbo nito sa akin para yakapin ako. Labis akong natutuwa sa bagay na 'yon. Mas matutuwa pa sana ako ng doble kung anak ko na mismo ang gagawa n'on para sa akin. Pero kahit siguro dumating naman sa buhay ko ang anak namin ni Minerva wala pa rin magbabago kung gaano kahalaga si Johan sa buhay ko. Nasanay na ako rito at alam ko na may attachment na rin naman na nabuo para dito patungkol sa akin. "Ambilis niyang makatulog," sabi ko kay Rose. Nagbaba ako ng tingin sa anak nito at mabilis talaga itong nakatulog sa tabi niya. "Oo nga e. Ganiyan talaga siya kahit saang byahe. Madalas pag umuuwi kami ng Bulacan, lagi rin siyang nakakatulog," turan naman sa akin ni Rose. Taal na taga-Bulacan itong assistant nurse ko, minsan sadyang nahuhuli siya sa pagpasok at pilit kong iniintindi dahil alam ko kung gaano kalala ang traffic d'on. Bilib nga rin ako kay Rose sa pagiging dedicated nito sa trabaho. Hindi ito nagkulang gampanan kung ano tungkulin nito sa opisina ko. Lagi itong nandito para sa akin, wala nga akong natatandaan halos na naging pasaway sa akin 'tong kaibigan kong 'to. Maswerte lang talaga ako at may isang Rose sa trabaho ko--- mapagkakatiwalaan at sa lahat ng bagay talaga lagi mong mapagkakatiwalaan. ROSE ISANG malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko nang pagmasdan ko ng lihim si Rodrigo. Tahimik na ito sa gawi nito, binaba ko ang tingin ko kay Johan na mahimbing na ang tulog sa binti ko. Masaya ako sa araw naming 'to magkasama. Sino ba naman hindi? Ngayon ko lang ulit nakitang masaya si Johan at kasama si Rodrigo--- malaki ang papel na ginagampanan ni Rodrigo sa buhay naming mag-ina kaya ang pasasalamat ko sa lalaking nasa tabi lang ng anak namin ay sobra-sobra. Alam kong marami akong nagiging lihim kay Rodrigo at wala na rin siyang dapat pang malaman dahil ayaw ko rin naman guluhin ang buhay nito. Sa t'wina nandoon ang lihim kong panalangin na sana wag itong mawala sa buhay naming mag-ina kahit sa anak ko na lang. Nalipat ang tingin ko sa unahang bahagi ng sasakyan, gusto kong ibaling ang pansin ko sa ilang bagay. Ayaw ko ng isipin ang nakaraan na may bahagi si Rodrigo, masasaktan lang ako. Sapat na rin naman sa akin ang mayroon kami ngayon, masaya na ako sa mga nakaw na oras nito, kahit pa na magiging madalang na ito pagdating ng araw kalo na kapag isilang na ni Minerva ang magiging anak nilang dalawa. Parang may kung anong karayom ang tumusok sa puso ko nang maalala ang katotohanang 'yon. Oo nga pala. Ilang buwan na lang magkakaanak na ulit si Rodrigo, binaba kong muli ang tingin ko kay Johan. "Okay ka lang?" narinig kong tanong ni Rodrigo. Pilit akong tumango-tango sa kaniya, ngumiti ito sa muling pagkakataon sa akin. Kumalma na naman ang puso ko kahit papano. The best thing about this man, kahit kailan siya ang naging pampakalma ko sa mga panahong nilulukob ang puso ko ng lumbay at mga katanungan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD