Chapter 5

1817 Words
FELICITY'S POV "Goodmorning..." Naalimpungatan na lang ako na may nagsalita malapit sa aking tainga. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at agad nga akong napabangon ng makita ko ang pagmumukha ni Maxx na malapit lang sa mukha ko. "Ano bang ginagawa mo rito? Ang aga-aga nanggugulat ka!" pupungas-pungas na sambit ko. Pinunasan ko ang gilid ng aking labi dahil baka may bakas pa ito ng panis na laway ko. Nakanganga pa naman ako minsan kung matulog. "Ginigising ka." aniya sabay tumayo na ng tuwid sa harapan ko. "Naka-alarm naman ako kaya no need na gisingin mo pa ako." nagtanggal na ako ng kumot at tumayo na mula sa aking pagkakahiga. Wala akong pake kung anong maramdaman niya dyan dahil naka-nighties lang ako kapag natutulog. Kumuha na ako ng tuwalya sa aking cabinet dahil balak ko ng maligo. Batid kong nakasunod lang siya sa akin ng tingin pero hindi ko siya pinapansin. "Kanina pa nag-aalarm ang cp mo kaya ini-off ko na. Alam ko kasing kapag ako ang gumising sa'yo ay magigising ka na kaagad." hindi ko alam kung ano ang gusto niyang palabasin pero nainis ako sa sinabi niya. "Kapal ng mukha mo, Maxx! Huwag mo ngang gayahin sa akin ngayon ang nga bagay na ginagawa mo sa akin noon!" naiinis na sambit ko sabay pasok na sa banyo. Sa totoo lang ay hindi ko gusto ang ikinikilos niya lalo na at kami lang dalawa ang naririto sa bahay. Kilala ko ang sarili ko pero si Maxx ay parang hindi ko na kilala dahil parang ang laki na ng ipinagbago niya. Well, magtataka pa ba ako? People always change naman. Binilisan ko na lang ang paliligo ko at pagkatapos ay lumabas na rin ako. Kinuha ko na ang uniform kong plantsado na at isinuot ko na rin. Binlower ko na rin ang buhok ko para madaling matuyo saka ako nag-apply ng light make up sa aking maliit na mukha. Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko. Mamaya ko na lang pupuyurin kapag nainitan na ako. Kinuha ko na ang susi ng kotse ko. Wala na rin akong time kumain dahil nga hindi ko narinig ang alarm ko kaya tinanghali na akong gumising. Pababa na ako ng hagdan ng sumulpot si Maxx bitbit ang attachecase niya. "Alam mo, hindi ka mukhang professor. Mas mukha kang attorney dahil sa dala mo." pang aasar ko habang pababa ako ng hagdan. "It's okay. If that's what you preffered." aniya sabay kibit balikat. Wow ha! Kahit anong tingin ko talaga sa kanya ay okay lang? Binilisan ko na ang pagbaba ng hagdan at nilampasan ko na siya. "Wait for me!" sambit niya sabay sunod sa likuran ko pero dire-diretso pa rin ako sa paglalakad, "Flat ang gulong ng kotse mo kaya sa akin ka talaga sasabay--" "Ano?" "I said flat ang gulong mo!" napahinto ako sa paglalakad ko kaya bumunggo siya sa likuran ko pero agad rin namang dumistansya. "Sa pagkakaalam ko, okay naman ang gulong nito kahapon! Paano na-flat ang gulong nito gayong hindi ko naman ginamit ulit?" nanggagalaiting sabi ko pero hindi man lang niya ako sinagot at nagkibit balikat na naman! "Let's go. Mala-late na tayo." tanging sinabi niya at naglakad na papunta sa kotse niya. Sumakay na siya sa kotse niya pero iniwanan niyang nakabukas ang pinto sa tabi ng driver seat. Hindi pa ako sumakay at dinoble check ko pa ang gulong ng kotse ko. At tama nga siya. Flat nga! Nasipa ko tuloy ng wala sa oras ang gulong nito. "Kainis!" sambit ko sabay tingin sa kanya ng masama pero patay malisya lang ang mokong! Napilitan akong sumakay sa kotse ni Maxx. No choice ako dahil hindi naman iniwan ni Mommy ang mga susi ng kanyang kotse. Natatakot sigurong baka magasgasan ko kapag ako ang nagmaneho. Byaheng langit pa naman ako palagi! "Nakakapagtaka talaga. Paano kaya na-flat-an ang sasakyan ko?" naisatinig ko. "Baka nakalmot ng pusa kagabi." "Nakalmot? Maxx? Gulong ng kotse tas kakalmutin lang ng pusa? Nagpapatawa ka ba?" talagang iniinis ako ng lalakeng ito agang-aga! Natatawang pinaandar na niya ang kotse palabas ng gate. "Oh, baka naman ikaw ang nagbutas ng gulong ko?" "At bakit ko naman gagawin yun sa'yo?" aba... At talagang ayaw pa umamin! "If I know. Gusto mo lang talaga akong isakay dito sa sasakyan mo!" humarap ako sa kanya at pinagsiklop ko ang braso ko sa ilalim ng aking dibdib. Batid kong napatingin siya sa cleavage ko at napalunok ng malaki. "Ano? Umamin ka na, Maxx!" "f**k! Fel! Can you stop blaming me? Ako na nga ang nag-magandang loob na isabay ka tapos ako pa itong sisisihin mo?" "Mukha mo! Mamaya pag-uwi ko ay ipapaayos ko yun kaagad!" bago ako humarap sa unahan ay nakita ko pa ang lihim niyang pag-ngisi. I knew it! Siya talaga yun! Hindi na ako nagsalita dahil alam kong hindi naman siya aamin. Sino bang hindi magtataka. Dalawa lang kami sa bahay na yun tas biglang na-flat-an ang kotse ko! At biglang sumagi sa isip ko ang cctv kaya napatawa ako. "Anong nakakatawa?" "Mukhang ba akong tumatawa sa paningin mo?" inirapan ko siya. "Tss! I know you're thinking something evil, Felicity. "Buti alam mo!" Sabay bumaba na ako sa kotse niya dahil nakarating na pala kami sa tapat ng gate nitong eskwelahan. Bahala na siya basta mauuna na ako sa room ko. Hindi na nga ako nag-thank you sa kanya dahil kasalanan naman niya kaya nabutas ang gulong ko! Chini-check ko ang bag ko kung wala ba akong nakalimutan pero nagulat ako ng may bumunggo sa akin. "Pahara-hara kasi sa daan!" rinig kong boses ng isang babae. Pinulot ko agad ang nahulog kong wallet sa semento. Nang tingnan ko ang babae ay nakatalikod na. Nakasuot siya ng maikling skirt na itim at crop top na puti. Parang hindi siya estudyante rito o baka naman trasferee pa lang. Napailing na lang ako. Patayo pa lang ako ng marinig ko ang boses ni Eloy sa likuran ko. "Fel? Ang ginagawa mo dyan?" "Huh? Ah-Eh- Wala! Nahulog kasi itong wallet ko. Pinulot ko lang." "Eh, sino yung bumunggo sa'yo?" "Bumunggo? Wala yun. Baka naman hindi sinasadya." "Hindi sinasadya? Nakita ko kaya!" aniya sabay irap. "Sinadya ba niya?" "Oo, kaya!" napakuyom ang kamao ko. Mukhang trip yata ako ng babaeng yun, ah! Makikita niya talaga ang hinahanap niya! Dumiretso na kami sa room. Mabuti na lang at sinabayan ako ni Eloy papasok. Pagpasok namin ay marami ng estudyante sa loob ng classroom. "Tingnan mo nga naman! Kaklase pala natin si Ateng girl!" bulong sa akin ni Eloy malapit sa tainga ko. Hindi ko rin kasi kilala ang mukha niya. Ang natatandaan ko lang ay ang suot niyang damit at color blonde na buhok. May dalawang bakanteng upuan pa sa may likuran kaya dun na lang kami umupo ni Eloy. Mas mabuti na rito at mas malayo dun sa bruha. Ang iba ay busy sa pakikipag-chismisan kaya hindi rin kami napapansin. Inayos ko ang bag ko sa may likuran ko at ang inilabas ko lang ay ang gagamitin ko sa subject na ito. Maya-maya pa ay pumasok na si Professor Alcala. Kilala ko na siya dahil professor ko rin naman siya nung nakarang taon. "Goodmorning, Class!" "Goodmorning, Sir!" greetings from students. "By the way, alam ko yung iba rito ay kilala na ako pero yung iba ay alam kong hindi pa ako kilala lalo na yung mga transferee. Kaya magpapakilala muna ako sa inyo." huminto siya saglit at may kinuhang papel sa kanyang envelope. "I'm Professor Victor Alcala, your teacher in Mathematics. I am supposed to be your adviser pero binago ng dean kaninang umaga." "What do you mean, Sir?" saad ni Eloy. Crush pa naman nito si Sir Victor kaya kilig na kilig rito sa tabi ko. "Oh, He's here!" aniya sabay tingin sa may pintuan kaya napatingin rin kami doon. At nanlaki na lang ang mga mata ko ng mapagsino ko ang tinutukoy na professor ni Sir Victor. "Please welcome, Professor Maxx Saavedra!" Panay naman ang siko sa akin ni Eloy. "O M G! Girl! Mas gwapo pala kay sir Victor!" pigil na sambit ni Eloy sa tabi ko. Hindi naman maitago ang paghanga ng ibang babaeng estudyante kay Maxx dahil halos humaba na ang leeg ng ilan dahil sa pagsunod ng tingin sa kanya. Nang makapwesto sa unahan ay nagtama agad ang paningin namin! "Uy! Girl! Nakatingin sa'yo!" siniko na naman ako ni Eloy. Kanina pa 'to e. Ang sakit na kaya ng tagiliran ko! Nag iwas ako ng tingin. Nagkunwari akong may binubuklat sa libro ko. Ilang sandali pa ay nagpaalam na rin sa amin si Sir Victor at sinabi pa kay Maxx na ito na raw ang bahala sa amin. "I am your Professor Saavedra. You already know me, so I want to know you all. Let's start with... The Girl with the complete uniform." Napatingin pa ang estudyante sa mga sarili nila kahit alam nilang hindi naman sila naka-complete uniform. Saka tumingin sa mga kapwa nila estudyante at ngayon nga ay sa akin na nakatutok ang mga mata nila. At ngayon ko lang napansin na ako lang pala ang naka-complete uniform sa room na ito. "Can you please stand and introduce yourself?" Baliw talaga 'to! Ako pa talaga ang inuna niya! Hindi ba kami magkakilala? "The other students are waiting. This is not for me only, this is for your fellow classmates also. So, please stand and introduce yourself." "Ano ba yan! Pabebe naman!" rinig kong boses ng iba kong kaklase kaya tumayo na ako at nagpakilala. "I'm Felicity Monte Alegria. You guys can call me Fel, for short. Nice to meet you all." saad ko sabay sinamaan ko siya ng tingin. "Okay next!" aniya. Umupo na ako at nagsulat sa likuran ng notebook ko. Isinulat ko kung gaano ako naiinis sa kanya ngayon! Isa-isang nagpakilala ang mga kaklase ko. 15 minutes rin yata ang nasayang na oras dahil sa ginawa niyang introduced yourself na yan. 30 Minutes lecture at 15 minutes na may ipinakopya sa amin. English teacher namin siya kaya naman kapag siya ang teacher ay bawal kaming magsalita ng tagalog! Sa wakas ay natapos rin ang lesson's namin sa kanya. Pakiramdam ko ay nangawit ang aking pwet sa pagkakaupo. Hindi pa ako nag-aalmusal kaya naman tumayo na ako dahil balak kong kumain sa canteen. Bakante ang next subject kaya mahaba-haba pa ang oras ko. Nakaalis na rin ang iba kong mga kaklase at kami na lang ni Eloy ang natitira. Palabas na kami ni Eloy ng pintuan ng biglang magsalita si Maxx. "Fel, come here." Napahinto ako sa paglalakad at ganun din si Eloy. "Bakit po? Sir Maxx?" sambit ko habang nakakunot ang aking noo. "There seems to be something wrong with your record on the index card. Please correct it first while your next subject is still available." saad niya na mas lalong nakapagpakunot ng noo ko dahil never naman ako nagsulat sa index card na sinasabi niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD