FELICITY'S POV "Ahm... Eloy, sige na. Mauna ka na sa canteen. Susunod din ako kaagad pagkaayos ko ng INDEX CARD ko!" Sinadya kong diinan ang salitang index card para ipahalata may Maxx na hindi ko gusto ang atensyong ibinibigay niya rito sa akin sa school. Wala pa rin nakakaalam na asawa siya ng mom ko. Kahit kay Eloy ay hindi ko pa rin naiikwento. "Oh, sige. Bilisan mo, ha? For sure naghihintay na sa atin si Robi." paalala pa niya sa akin pagkatapos ay bumitaw na rin siya sa akin at naglakad na palayo. Naglakad ako palapit kay Maxx. "Who's Robi?" tanong kaagad niya sa akin. "Classmate ko. Dito rin siya. Hindi lang siya naka-attend ng first subject." sagot ko naman. Hindi yata niya natatandaan ang ang pangalan ni Robi kaya naman chineck niya ulit ang mga pangalan ng estudyante

