FELICITY'S POV "What did you do, Maxx!" itinulak ko siya sabay punas sa labi kong hinalikan niya. "Kissing you so you don't leave." dinilaan pa niya ang labi niyang may bahid ng laway ko. "I hate you!" sigaw ko sa kanya sabay balik sa loob ng bahay. Nawala na ako sa mood ko! Umakyat na ako sa kwarto at ini-lock ko na ang pintuan ko. Hindi na lang din ako kakain at matutulog na lang ako. Hindi pa naman siguro ako kukunin ni Lord kung hindi ako kakain ng hapunan ngayon. Pabagsak akong humiga sa kama. Napahawak ako sa aking labi. Ramdam na ramdam ko pa rin ang madiin na paghalik niya sa akin. Ilang sandali akong napatulala. "No. Mali ito..." naisatinig ko. Nasa ganoon akong senaryo ng makarinig ako ng katok. "Fel, come on. Let's eat." si Maxx na naman. "Ayokong kumain.

