FELICITY'S POV "Felicity, anak? Bakit ngayon ka lang umuwi? Saan ka natulog kagabi?" nag-aalalang bungad sa akin ni mommy. Mas pinili kong hindi na lang umuwi kagabi. Kung tutuusin ay kaya ko naman dahil may sasakyan akong dala pero mas ginusto ko na lang na magpalipas ng gabi sa isang hotel malapit lang sa club. "Nagpalipas ako ng gabi sa isang hotel, mom--" "H-hotel? Jusmiyo, Felicity! Bakit hindi ka pa kasi sumama kay Maxx kagabi?" alam ko ang iniisip ni mommy pero tiningnan ko si Maxx ng masama. "Sa susunod mommy, huwag mo na akong ipapasundo sa asawa mo. Hindi ko gustong palagi siyang nakikita at hangga't maaari ay ayaw ko na siyang makita pa." "Felicity? Ano na naman bang nangyayari sa'yo? Akala ko ba ay nagkasundo na kayo ni Maxx?" "Ask your husband, mommy!" saka ako nag

