FELICITY'S POV Sa mga nakalipas na araw ay napapansin ko na palaging umaalis si Maxx at si Mommy at pagdating nila ay tila na hinang-hina si mommy. Hindi maganda ang nasa isip ko kaya iwinaglit ko na lang. Naiisip ko pa lang na ginagawa ni mommy at Maxx ang ginagawa namin ay nanlulumo na ako. Hindi ko akalain na hahantong ako sa ganitong sitwasyon. Kung sa bagay ay kasalanan ko rin naman. Bumigay agad ako kay Maxx at nagpadala sa pagmamahal na ipinapadama niya noon. Hindi ko namalayan na natulo na pala ng kusa ang luha ko. Isa, dalawa, tatlo- hanggang sa naging sunod-sunod na at hindi ko na maawat pa. Nagsisisi ako na nagpaloko ako sa kanya! Sinabi ko na noon na takot akong umalis siya. Na, takot akong mawala siya sa akin. Hindi nga siya umalis pero pakiramdam ko ay nawala na lang s

