FELICITY'S POV Dahil sa puyat at pagod ko ay napasarap ang tulog ko. Tanghali na ako nagising at tirik na tirik na ang sikat ng araw. Kinapa ko agad si Maxx sa tabi ko pero tila ba nagising agad ang diwa ko ng wala na siya dito sa kwarto niya. Bumangon na ako. Nagsuot lang ako ng roba at bumaba na rin ako. Tahimik at malaki itong bahay. Malinis din at hindi kakikitaan ng alikabok sa bawat mwebles nito. Alagang-alaga siguro ng mga caretaker na naririto. Pagbaba ko ng hagdanan ay iginala ko agad ang aking paningin para hanapin si Maxx. Dumiretso agad ako sa kusina dahil baka nagluluto siya roon pero nadismaya ako ng hindi ko siya makita. "Maxx?" malakas na tawag ko sa pangalan niya pero wala namang sumasagot. Naglakad-lakad pa ako sa ibang parte pa ng bahay. May nakita pa akong sili

