FELICITY'S POV Friday evening. Tahimik ako rito sa kwarto ko habang nakikinig ako ng music sa laptop ko ng biglang bumukas ang pintuan ko at pumasok si Maxx. Lumapit siya sa akin at huminto sa harapan ko. "Pack some things." aniya pero hindi sa akin nakatingin at sa laptop ko. "Bakit? Saan tayo pupunta?" medyo nakatingalang tanong ko sa kanya. "Pangasinan." tipid niyang sagot. Napa-isip naman ako kung sino ang pupuntahan namin dun. "Anong gagawin natin dun?" inalis ko ang tingin ko sa kanya at itinuon ko na sa laptop ko. Nangangalay na rin kasi ang leeg ko dahil sa sobrang tangkad niya. Nag-scroll lang ako saglit sa sss ko at napahinto naman ako ng pag-scroll ng makita ko ang picture ni Troy na half-naked. Nagpipicture din pala siya ng ganito? Tss! Akala ko pa naman ay concervative

