FELICITY'S POV Pagkatapos ng klase ay hinila na ako ni Robi palabas ng classroom. Batid kong nakahabol ng tingin sa amin si Maxx. Tinatawag pa ako ni Eloy pero ayaw akong bitawan ni Robi at pilit akong inilayo. "R-Robi, s-sandali. N-nasasaktan ako..." pigil ko sa kanya. At tunay ngang nasasaktan ako dahil hindi pa naman fully recover ang lakas ko. Medyo masakit pa rin ang kalamnan ko hanggang ngayon. Nakinig naman sa akin si Robi dahil bigla siyang huminto at maingat na binitawan ang braso ko. "I'm sorry, Fel, I didn't mean to hurt you," hinaplos pa niya ang braso kong may bakas pa ng pagkakahawak niya. "Ano ba kasing problema? Bakit bigla-bigla ka na lang na nanghihila?" tanong ko habang nakakunot na ang aking noo. "Gusto lang kitang makausap na tayo lang dalawa. Alam ko kasing sus

