FELICITY'S POV Nakatulog na ako sa sofa pero naramdaman ko ang pag-angat ng katawan ko kaya naimulat ko anh aking mga mata. Binuhat pala ako ni Maxx at ngayon nga ay ihahatid na niya ako sa aking silid. Binalutan niya lang ako ng kumot dahil marumi na rin ang mga damit na suot ko kanina. Ibinaba na niya ako sa kama pahiga sa kama pagkatapos ay dumiretso siya sa closet ko at ikinuha ako ng pantulog na damit at siya na rin ang nagsuot nito sa akin. "Thanks, Maxx..." inaantok na sambit ko bago ko tuluyang ipikit ulit ang aking mga mata. "Sleeptight, babe..." aniya at hinalikan pa ako sa noo at ang huling narinig ko na lang ay ang pagsarado ng pintuan ko. Napangiti na lang ako at tuluyan na akong nakatulog. Nang magising ako kinaumagahan ay sobrang sakit ng ulo ko pati na rin ang katawa

