bc

Widowed Mother

book_age18+
27
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
opposites attract
arrogant
stepfather
heir/heiress
drama
bxg
mystery
loser
assistant
like
intro-logo
Blurb

Stella Marie Diaz was married to her first boyfriend but unfortunately her husband died due to car accident. She felt devastated, alone, weak and her world collapsed when the doctor announce the time of death of her husband. However, she needs to stay strong for her children.

chap-preview
Free preview
SIMULA
“Anak kumain ka muna para may lakas ka. Ilang araw ka ng hindi nakakakain.” Pamimilit ng kaniyang ina. Kahit anong gawin nya ay ayaw pumasok ng pagkain sa kaniyang sikmura. Parang walang lasa ang pagkain sa kaniya. “Mama mamaya na lang wala po talaga akong ganang kumain. Dito na lang muna ako sa tabi ni Ray.” malungkot na saad ko kay mama. Hindi ko kaya, hindi ko nakita na darating ang ganitong pagsubok sa buhay namin ng mga anak ko. Hindi ko lubos maisip na mawawala ang asawa ko ng ganun kabilis. “Anak kahit konti lang ang pagkain na ilagay mo sa iyong sikmura, apat na araw ka ng walang kain puro tubig na lang ang laman ng sikmura mo. Ano ang magiging lakas mo tignan mo nga ang sarili mo? Namumutla ka na.” umiiyak ng sabi ni mama dahil nakikita niyang umiiyak ako. “Mama hindi ko kaya ng wala Ray sa buhay namin. Paano na lang ang mga anak namin?” umiiyak kong sabi sa kaniya. “Kakayanin mo yan anak, nandito kami ng papa mo. Tutulungan ka namin sa lahat ng problema na darating sa inyo.” “Mahal bangon kana diyan, diba ayaw mong hindi ako kumakain. Diba gusto mo lagi tayong sabay kumain. Ang kambal tulog na sila, halika na ah sabay na tayo.” umiiyak kong kinakausap ang asawa ko na nasa loob ng kaba*ng. “Anak magpakatatag ka. “ umiiyak na din sabi ni mama at niyakap na ako dahil humahagulgol na ako sa pag-iyak. Ilang araw na lang ay ililibing na ang asawa ko. Hindi ko kaya, hindi ako handa. “Mama hindi ako handa, hindi ko kakayanin ito.” saad ko sa kanya habang sumisingh*t-singh*t pa ako. “Kakayanin mo anak para sa mga anak mo. Isipin mo ang kambal, alam ko masakit pero nandiyan pa ang kambal anak. Nandiyan pa ang mga anak mo. At kung nandito lang si Ray ay hindi niya magugustuhan ang itsura mo. Alam ko matapang ka at kakayanin mo lahat anak.” Madami pang payo sa akin si mama pero parang walang pumapasok na sa utak ko hanggang sa pagtayo ko ay bigla akong nahilo at nawalan ng malay. “A-anak…” ang huling narinig ko na tawag ni mama sa akin at bigla na lang akong nawalan ng malay. * * * Nagising ako na nasa isang kwarto na ako. Masakit ang ulo ko na bumangon at ang bigat ng talukap ng mga mata ko. “Heart I miss you….” nakaupo ako sa gilid ng kama at umiiyak na naman ako dahil naalala ko na naman ang aking asawa. Ilang araw na lang at ililibing na namin siya. Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang mga anak ko. Lumapit sila sa akin at niyakap nila akong dalawa at lalo akong naiyak dahil mag-isa na lang ako na mag-aalaga sa mga anak ko. Hindi na makikita ng asawa ko ang paglaki ng mga anak namin. “Mommy stop crying, daddy will be sad if he saw you crying.” saad ni Nico ang panganay na anak ko at pinunasan ang luha ko. “Mga anak sorry dahil daddy will not be here anymore. Pero alam ko daddy will guide us always. Please pray for daddy’s soul, okay?” sabiko sa mga anak ko. “Yes mommy we will pray for daddy’s soul. We know that he is in heaven now and with God.” saad naman ni Nick. Malambing ang mga anak namin ni Raymond and talagang maalaga ang asawa ko sa kanila noon. Kapag wala siyang trabaho ay siya ang nag-aalaga sa mga bata. “You look pale mom you should eat, lets go to the kitchen and we will eat.” sabi ni Nico. Hinila nila ako sa magkabilang kamay ko at pilit na itinatayo para kumain. Nagpatangay na lang ako sa mga anak ko para kahit papaano ay magkalakas ako. Sinabayan ako ng mga anak ko na kumain at kahit ayaw pumasok ng pagkain sa sikmura ko ay pinilit ko parin. Kailangan ko dahil kung hindi ako kakain ay lalo na akong manghihina. Ngayon feeling ko ay para akong matutumba dahil sa kawalan ng gana kong kumain. Hindi rin ako pinapabayaan ng mga magulang ni Raymond. Kahit si mama Glenda ay iyak din ng iyak dahil hindi niya rin matanggap ang maagang pagkawala ng kaniyang anak. Hindi namin akalain na sa pag-alis niya ng umagang iyon ay iyon na pala ang huling makakasama namin siya. Naaksidente ang asawa ko papunta sa kaniyang trabaho. Nawalan ng preno ang nakasalubong niyang malaking truck at nabangga siya nito. Naitakbo pa ang asawa ko sa hospital pero ang driver ng malaking truck ay dead on arrival. Walang may gusto ang nangyari pero masakit. Masakit ang mawalan ng mahal sa buhay. “Anak magpahinga ka muna, kami na muna ang magbabantay sa asawa mo.” sabi sa akin ni mama Glenda. “Nakatulog po ako kanina mama, kaya pwede na ako magbantay ulit.” “Anak alagaan mong mabuti ang mga apo ko, ah kahit wala na si Raymond ay dumalaw parin kayo sa bahay namin.” Tumango ako sa sinabi niya. Hindi ko naman ipagdadamot ang mga anak ko sa kanila. Sila ang alaala ni Raymond kaya hindi ko sila ipagdadamot. “Mama pwede parin po kayo dumalaw dito sa bahay at pwede rin po ninyo hiramin ang kambal. Pamilya parin po tayo kahit wala na po si Raymond.” “Salamat anak.” saad niya sa akin at nagyakapan kami habang nag-iiyakan. * * * Araw na ngayon ng libing ni Raymond, parang ayaw kong kumilos pero kailangan at naghihintay na sila. Parang ayaw humakbang ng mga paa ko at ayaw din maampat ang mga luha ko. Madami ang taong makikilibing. May mga katrabaho din siyang nakilibing at ang iba ko din na katrabaho. Madaming kamag-anak ang asawa ko na pumunta kahit na ang mga nasa malayong lugar. Lahat sila ay nakidalamhati sa pagkawala ng asawa ko. “Mga anak ito na ang huling kita natin kay daddy.” saad ko sa mga anak ko habang walang tigil ang mga luha ko. “We will miss daddy” saad nilang dalawa. “Yeah we will miss daddy.” sabi ko sa kanila. “Daddy we promise that we will be a good boy and we will protect mommy for you.” sabi nila sa kanilang ama. Lumapit sa akin si mama Glenda at sinabing kailangan na namin magpaalam sa huling sandali sa asawa ko. “Heart paalam hanggang sa muli. Please gabayan mo kami ng mga anak mo.” bulong ko sa kaniya. “Bye daddy rest in peace. Don’t worry about mommy we will protect her.” sabi ni Nico. “Bye daddy rest in peace. We will miss you.” sabi naman ni Nick “We love you and miss you daddy.” sabay nilang sabi. “I love you forever heart, I will miss you.” sabi ko sa kaniya at niyakap pa ako ni mama Glenda at ng mama ko. “Tara na anak kailangan mo ng pakawalan ang asawa mo.” sabi ni mama Glenda. Hindi kami iniwan ng parents ko at ng parents ni Raymond dito sa bahay. Dito narin natulog ang kapatid kong babae na si Shiela at ang kapatid na babae ni Raymond na si Grace. Tinulungan nila kaming magligpit at iayos ang mga dapat ayusin. Kasama ko sa kwarto ang mga anak ko at naglatag ng higaan naman ang kapatid ko at ang kapatid ni Raymond sa kwarto namin. “Anak buksan mo nga ang pinto at dito narin kami matutulog ni kumare. “ sabi ni mama sa labas ng pintuan. Si Shiela ang nagbukas ng pintuan at pinapasok sila mama. “Matulog na kayo alam kong pagod ka anak kaya magpahinga ka na.” sabi ni mama at tinanguan ko lang siya. Humiga na ako at ngayon naramdaman ko na ang pagod ko sa ilang araw na puyat, walang kain at sa pag-iyak. Pero kahit pagod ay heto na naman ang luha ko ayaw tumigil sa pag-agos. “Anak tama na ang pag-iyak.” saway sa akin ni mama “M-ma naalala ko na naman si Ray.” sabi ko sa kaniya at bumangon na ako. Lumapit din sa akin sa mama at niyakap ako. Tulog na ang mga anak ko kaya nagbubulungan na lang kami ni mama. “Ang sakit-sakit mama.” sabi ko sa kaniya habang hinahagod niya ang likod ko. Hinayaan na lang ako ni mama na umiyak hanggang sa mapagod ako. Humiga na ako dahil parang nahihilo na ako sa kakaiyak. “Matulog kana anak, kailangan mo ng pahinga at baka magkasakit ka naman. Isipin mo ang mga anak mo at ikaw lang ang maasahan nila sa araw-araw.” Nagpaiwan si mama sa bahay at siya ang nagbantay muna sa amin kasama niya si Manang Lupe. Isang linggo ng wala ang asawa ko pero mahirap parin tanggapin na wala na siya. Araw-araw parin na mugto ang mga mata ko dahil sa kakaiyak. Minsan din ay natutulala ako, at kung minsan ay parang kasama parin namin siya. Kung minsan ay natatawag ko pa siya kaya nagagalit minsan sa akin si mama. Ang kambal ay balik eskwela narin sila pagkatapos ng libing. Ako hindi pa ako pumapasok at humingi ako ng isang dalawang linggo na pahinga. Alam ko naiintindihan nila ako kaya pinagbigyan nila ang request ko. Pero nung una daw ay ayaw pirmahan ng bagong CEO namin. Kapapasok pa lang daw ng bagong CEO namin at mukhang strikto daw ito sabi ng mga kasamahan ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.4K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.3K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook