CHAPTER 2 I CAN’T ACCEPT THAT HE’S GONE

2134 Words
STELLA POV Maaga pa lang ay bumangon na ako para sa paghahanda sa pagpasok ng mga bata. Kahit hirap ako sa pagbangon ay pinipilit ko parin na kumilos para sa mga anak ko. Paglabas ko ng aming kwarto ay naabutan ko na si mama sa kusina na naglalabas ng ihahanda na agahan namin. “Good morning anak! Bakit bumangon ka na?” “Good morning ma.” ganting bati ko sa kaniya at humalik ako sa kaniyang pisngi. “Naglabas na ako ng hotdog para sa dalawang bata, ikaw anong gusto mong ulam? Gusto mo ba ng daing?” tanong sa akin ni mama. “Kahit ano na lang ma.” sagot ko sa kaniya at kinuha ko na ang takuri para makapagpakulo ako ng tubig dahil gusto ko muna na magkape. “Anak alam kong masakit para sa’yo ang pagkawala ng asawa mo pero kailangan mong tanggapin. Magpakatatag ka. Isipin mo ang mga anak mo.” sabi sa akin ni mama Nanghihina ang aking mga paa dahil sa gusto na naman bumigay ng aking sarili. Namalayan ko na lang na sunud-sunod na naman ang patak ng luha ko. “Ma hindi ko maiwasan na hindi ko siya isipin. HIndi ko matanggap na wala na siya. Bakit siya pa ang nawala ma. Bakit ang bilis naman niyang kuhanin sa akin.” “Ganiyan talaga ang buhay anak. Hindi natin hawak ang panahon kung kailan tayo kukunin ng may kapal. Magdasal lang tayo anak kapit ka lang at alam ko sa paglipas ng panahon ay malalagpasan mo rin ito.” “Salamat ma at nariyan ka lagi sa tabi ko.” “Anak kita kaya alam ko kung gaano kasakit at kabigat ng nararamdaman mo sa ngayon. Magtiwala ka lang sa kaniya at malalagpasan mo rin ito.” payo sa akin ni mama habang nakayakap siya sa akin. Pagkatapos kong magtimpla ng aking kape ay nagpaalam ako kay mama na sa kubo muna ako. At kung magising ang mga bata ay alam na nila kung saan ako hahanapin. Dito muna ako mag-iisip kung paano ako magsisimula. Alam ko mahirap lalo na at mag-isa ko ng itataguyod ang aking mga anak. Ang tanging dalangin ko na lang ay sana makaya kong harapin ang bukas kasama ng aking mga anak. Hindi nagtagal ay naririnig ko na ang aking mga anak na tinatawag ako. Tumatakbo na silang dalawa palapit sa may kubo. “Good morning mommy!” sabay na bati nilang dalawa sa akin. At binigyan nila ako ng halik sa magkabilaang pisngi ko. “Good morning mga anak. Hintayin natin na makaluto si lola ng agahan para makakain na kayo.” sabi ko sa kanilang dalawa. “Yes mommy, gumagawa na din ng milk namin si lola.” saad ni Nick sa akin. “Okay, tara na sa loob para makapagprepare narin kayo at maaga pa kayong papasok.” pag-aya ko sa kanilang dalawa. “Mommy don’t be sad na okay? Everything will be fine.” sabi sa akin ni Nico dahil kita na naman niya ang aking mga mata na galing na naman sa pag-iyak. “I know son but I can’t help it. Lagi kong naaalala ang daddy niyo. I miss him terribly.” saad ko sa kanila habang nakaluhod ako sa harapan nila. “We miss him too mommy but I know that he is with God now.” sagot naman ni Nick Bata pa lang sila ay alam kong nauunawaan nila ang sitwasyon namin ngayon. Alam kong madami ang mababago sa routine ng aming buhay sa ngayon. “I’m going back to work on Monday, I hope you two will behave okay?” saad ko sa kanila habang kumakain kami ng agahan. “Yes mommy we will behave.” sagot sa aking ni Nico at tanging tango lang ang nakuha kong sagot kay Nick. Madaming bagay silang pinagkaiba kahit na magkamukhang magkamukha silang dalawa. Kapag tahimik silang dalawa ay mahihirapan kang malaman kung sino si Nico at Nick sa kanilang dalawa. May mga nagsasabi din sa akin na hindi nila kamukha ang kanilang papa Ray nila. Kahit na lagi nilang sinasabi sa amin yun at naging lihim sa amin ni Raymond ang pagdadalang tao ko. Siya lang ang tanging nakakaalam ng aking sikreto na nabuntis ako ng hindi ko kakilala. Dahil sa isang katangahan ko ay nabuo ang kambal. Pero kahit naging ganun at inako parin ni Ray ang aking pinagbubuntis kahit ito ay bunga ng isang gabing kalasingan ko. Hanggang sa huling hininga niya ay ang kambal parin ang kaniyang binabanggit. Isang mabuting ama si Raymond sa aking mga anak. Pinakasalan niya parin ako kahit na iba ang nakauna sa akin. Inako niya ang mga anak ko kahit na hindi siya ang ama. Noong una ay hindi niya matanggap ang nangyari sa akin pero nung nalaman niya na buntis ako ay walang pagaalinlangan na tinanggap niya ang aking mga anak. Binigay niya ang lahat ng pangangailangan naming mag-iina. Hindi siya nagkulang ng oras para sa amin. “Mom” tawag sa akin ni Nico at niyugyog pa niya ang aking braso. “Yes anak bakit?” sabi ko sa kaniya na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Namalayan ko na lang na may lumalandas na naman na luha sa aking mga mata. “You’re crying again.” saad niya sa akin. “I miss your daddy.” sabi ko sa kaniya sabay yakap sa kanilang dalawa. Kahit anong gawin ko ay hindi ko maiwasan na hindi umiyak. “Stop crying mom, daddy will be sad.” sabi naman sa akin ni NIck. “Yes I will, hindi ko lang talaga maiwasan ang hindi umiyak mga anak. Hala bilisan niyo at baka malate na kayo sa school.” Pagkatapos nilang kumain ay umakyat na sila sa kanilang kwarto at nagprepare na sila para sa pagpasok sa school. Sumunod na din ako sa kanilang dalawa para ihanda narin ang kanilang uniform. Kahit na araw-araw nilang sinasabi sa akin na hayaan ko na silang dalawa na sila na lang ang magbihis ay hindi ko sila hinahayaan. Lalo na si Nico ayaw niyang binebaby. “Mom alam na namin magbihis ni Nick malalaki na po kami. Hindi na kami baby.” sabi sa akin ni Nico na nakasimangot na siya. “Anak baby ko parin kayo kahit na malalaki na kayong dalawa.”saad ko naman habang inaayos ko na ang kaniyang polo. Hindi na siya sumagot sa akin at nagsuot na siya ng sapatos. “Mga anak listen to your teacher and behave kayo sa school, okay?” bilin ko sa kanilang dalawa habang inaayos ko kanilang baon na dadalhin. Ngayon na wala na ang daddy Ray nila ay kumuha na ako ng service nila na maghahatid at sundo sa kanilang school. Pinakiusapan ko muna si mama na mag-stay muna dito sa bahay para may kasama kami. Pumayag din si papa na dito din muna si mama at ang plano ni papa ay dumalaw na lang din sa amin paminsan minsan. Hindi rin maiwan ni papa ang kaniyang negosyo sa probinsya at ang mga tanim niyang gulay at palay. “Anak andiyan na ang sundo ng mga bata.” sigaw na mama. “Opo ma bababa na po kami.” Inayos ko narin ang aking suot at ihahatid ko narin sila sa kanilang school, pero hindi ko na sila hihintayin at may mga gagawin pa ako sa bahay. Isang van ang service ng mga anak ko at may mga kasama sila na mga kaschoolmate din nila. Mabuti na lang at may nag-rekomenda sa akin ng service van para sa mga bata. “Good morning kuya Ramon.” bati nga dalawa kong anak sa driver. “Good morning din kambal at ma’am Stella.” bati niya sa amin. “Good morning din po kuya Ramon. Pwede ho ba ako sumabay sa paghatid sa mga bata?” tanong ko sa kaniya. “Ay opo ma’am maluwag pa naman po ang service.” “Salamat po.” “Walang anuman po ma’am Stella.” sabi niya sa akin at pinagbuksan na niya kami ng pintuan ng sasakyan. Pagkatapos kong ihatid ang mga bata ay dumiretso ako sa grocery store para bumili ng mga kailangan sa bahay. Kailangan kong magstock ngayon dahil wala na akong kasama sa pamimili ng mga kailangan sa bahay. Madalas na si Ray ang bumibili ng mga kailangan namin dahil busy sa company kung saan ako nagtratrabaho. Pagpasok ko pa lang sa grocery ay may tumatawag na sa aking cellphone pero hindi ko muna sinagot dahil alam kong kukulitin na naman ako ng kung sino man ang tumatawag. Dahil sa hindi ako tinitigilan ng kung sino man ang tumatawag sa akin ay sinagot ko na. “Hello?” sagot ko sa tumatawag sa akin. “Hello mo mukha mo bruha kanina pa ako tumatawag sa’yo.” sagot ni Paula sa kabilang linya. “Bakit ka tumatawag?” tanong ko sa kaniya. “Naku may tinatanong si Sir Emil na mga files eh ang alam ko nasayo yun friend.” “Anong mga files ba ang kailangan niya?” “Kailan ka daw ba papasok? Bakit hindi ka pa daw papasok eh nailibing naman na daw ang asawa mo. Grabe kung magalit ang bagong boss natin friendship to the highest level. Ang dami niya hanash sa buhay.” Umismid ako sa sinabi niya sa akin. “Grabe naman siya walang konsiderasyon. Namatayan ako ng asawa sabihin mo sa kaniya. At nagfile ako ng leave for two weeks, anong problema niya dun eh naaprubahan naman ang leave ko ah.” inis na sabi ko sa kaniya. “Madami daw kasi trabaho lalo daw ngayon at madami siyang kailangan ayusin at tignan ang in’s and out na mga pera sa hotel nila.” “Friend maayos ang trabaho natin lahat naman nakaencode at yung ibang copy ng work ko naipasa ko na din kay Ma’am Analyn . Bakit hindi siya ang tanungin niya at ako pa talaga ang pinagdiskitahan niya. Hindi na ba yan makatiis eh dalawang araw na lang at papasok narin naman ako ah.” “Kaya nga friend, everyday ka niya tinatanong sa akin kung kailan ka papasok eh sabi ko naman sa Monday ka na papasok.” “Tanungin mo na lang kay Ma’am Analyn yung mga gusto niyang itanong at may mga kopya siya ng mga ginawa ko.” “Sige friend pasensya na at kinulit kita. See you soon and we miss you here.” Nagpaalam na rin ako sa kaniya at ipinagpatuloy ko na lang ang pamimili. Binilisan ko ang aking pamimili para makauwi ako kaagad. Dahil bigla kong naramdaman ang pagkahilo. Marahil sa sobrang stress, pagod, puyat kaya nakakaramdam ako ng pagkahilo. Pagdating ko sa bahay ay nakita ko si mama na naglilinis sa kusina. Pinunusan niya ang mgacabinet namin. Ang lahat ng sulok dito sa bahay ay malinis na at nasa maayos na ang mga gamit namin na parang binagyo ng ilang araw. “Ma namili po ako ng mga kailangan dito sa bahay.” saad ko sa kaniya. “Anak ang dami pa natin stock dito bakit bumili ka pa?” tanong niya sa akin. “Eh maguumpisa na po ako magtrabaho sa Lunes, baka mahirapan na rin ako sa pamimili.” sagot ko sa kaniya habang pinapatong ko ang plastic na buhat ko sa lamesa. “Oh siya iwanan mo na lang diyan at ako na bahala, tignan mo nga yang itsura mo namumutla ka. Magpahinga ka na muna sa kwarto niyo.” “Salamat ma panhik muna ako sa taas. Gisingin nyo na lang ako pagdating ng mga bata. Half day po sila ngayon dahil Friday.” sabi ko kay mama. “Oh sige na umakyat kana at magpahinga. “ sabi niya sa akin at umakyat narin ako. Pagkahiga ko ay parang hinihila ako ng antok. Kaya mabilis akong nakatulog. Hapon na ng magising ako. At kung hindi pa ako ginigising ni Nico ay hindi pa ako magigising. “Mama hapon na po gumising na daw po kayo sabi ni lola.” bulong sa akin ni Nico. “Uhmm anong oras na ba anak?” tanong ko sa kaniya habang nakapikit pa ako. “Alas singko na po mommy.” sagot niya sa akin at bigla niya akong niyakap. “Ganun ba sige anak baba ka na at susunod ako.” sabi ko sa kaniya at kinintalan ko siya ng halik sa kaniyang noo. Naging maayos na naman ang isang araw para sa akin. Kahit papaano ay kinakaya kong harapin ang bukas na wala na ang pinakamamahal kong Ray. Sana sa mga susunod na mga araw ay magiging matatag ako at makaya ang lahat ng pagsubok na darating sa akin kahit mag-isa ko na lang na kakaharapin ito. Alam ko madami ang nagmamahal sa akin pero iba parin ang asawa ko. Iba parin ang katuwang sa buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD