CHAPTER 3 MEETING HIM

2142 Words
Stella POV Pagsapit ng Lunes ay inagahan kong magising para tumulong kay mama sa pagluto ng agahan. Sasabay ako sa pag-alis ng mga bata dahil medyo malayo ang work place ko. Kailangan kong agahan ang pagpasok dahil ayaw daw ng bago naming boss ang nalelate. “Anak ingat kayo sa pag-alis ng mga bata.” sabi sa akin ni mama. Nagpaalam na ako sa kaniya at ganun din ang mga bata. “Bye lola see you later.” sabi ni Nico sa kaniya. “Ingat kayo mga apo, makinig kayo kay teacher and magbehave kayo ah.” “Opo lola” sabay nilang sagot sa kanilang lola. “Ma alis na po kami.” paalam ko ulit sa kaniya dahil narinig ko na ang busina ng service ng mga anak ko. Sasabay na lang ako sa kanila hanggang sa kanilang school at doon na lang ako maghihintay ng masasakyan ko papuntang opisina. Pagdating namin sa school nila ay hinatid ko muna sila sa kanilang kwarto at nagpaalam narin ako. “Mommy you take care.” saad nilang dalawa. “You two take care also and listen to your teacher. Don’t fight with your classmates okay?” paalala ko sa kanilang dalawa. “Yes mom we know that.” masungit na saad ni Nico. Nagpaalam na ako sa kanilang dalawa. Binilinan ko na hintayin na lang nila ang kanilang service kapag pauwi na silang dalawa. Mabuti na lang at mabait ang service nilang nakuha ko. Nagbilin rin ako sa driver na imessage ako kapag nakuha na niya ang mga anak ko para mapanatag ako na ligtas at maayos silang makakauwi sa aming bahay. Alam na din ni mama ang oras ng uwian ng mga anak ko at kapag nakauwi na sila ay imemessage din niya ako. Gusto kong nakamonitor ako sa aking mga anak. Sila na lang ang natitira sa akin. Maaga akong nakarating sa Golden Empire at binati ako ng guard na nakaduty doon. Lahat ng madaanan ko ay binabati ako ng condolence. Isang malungkot na ngiti ang binibigay ko sa kanila. Nakaupo na ako sa aking cubicle at umuusal ng isang panalangin habang nakapikit ako para maging maayos ang aking trabaho at kahit wala na ang aking asawa ay binati ko parin siya sa aking isipan. Lahat ng gamit niya ay gusto ng alisin ni mama at ilagay sa storage room pero hindi ako pumayag gusto ko parin na maramdaman na nasa tabi ko parin siya. Ayaw kong mawala kaagad ng mabilis ang presensiya niya. Iniisip ko na lang na nakabakasyon siya sa malayo. “Good morning friendship welcome back and condolence ulit. Be strong.” bati sa akin ni Paula at sabay yakap. “Good morning din friend thank you.” saad ko sa kaniya at naiiyak na naman ako dahil naalala ko na naman siya. “Kaya mo yan friend dito lang kami na nagmamahal sayo.” “Salamat.” sabi ko sa kaniya at lumakad na siya patungo sa kaniyang cubicle. May kaniya kaniya kaming cubicle dito sa area namin. Maayos ang kumpaniya na pinasukan ko at isa sa top hotel dito sa Pilipinas. May mga branches sa ibang lugar at ito ang main hotel dito sa Makati. Malaki din ang pasahod at madami din insentives na binibigay kaya tumagal ako dito. May yearly team building din ang company at nagbibigay din sila ng monthly recognition sa mga employees nila na alam nilang deserve nila. “Stel the CEO needs you in his office.” tawag sa akin ni ma’am Paula. “Yes ma’am.” sagot ko sa kaniya at nagtataka akong tumayo dahil ang aga naman niyang pumasok. Paglabas ko ng elevator ay kita ko kaagad ang table ng kaniyang secretary. Isa din siya sa mababait dito sa hotel. At matagal na din dito dahil nga sa maayos na pamamalakad ng ama ng bagong CEO. “Good morning po Ma’am Lani, nandiyan po ba si Sir? Pinapatawag daw po ako.” sabi ko sa kaniya at nabigla ako sa kaniyang pagyakap. “Good morning din iha, condolence at pasensiya ka na at hindi ako nakadalaw sa burol ng asawa mo.” “Okay lang po yun ma’am.” malungkot kong saad sa kaniya. “Kumatok ka na lang at noon ka pa niyan hinahanap. Hindi ko ba alam diyan sa batang yan at araw-araw ka niyang tinatanong sa akin.” Nginitian ko na lang siya bago ako lumakad patungo sa pintuan kwarto ng CEO. Kumatok muna ako bago binuksan ang pintuan dahil expected naman na niya na nandito na ako. Narinig ko na itinawag na ni Ma’am Lani na nandito na ako. “Good morning sir. “ bati ko sa kaniya pero hindi pa siya nag-angat ng kaniyang mukha dahil mayroon pa siyang binabasa at parang hindi pa niya narinig ang aking pagbati kaya tumikhim ako na ikinaangat ng kaniyang mukha. “Yes, I called you because I need you to give me the previous books of the sales and expenses and also the financial statements.” sabi niya na hindi nakatingin sa akin at busy siya sa kaniyang binabasa. “Okay sir from what year po ang kailangan nyo?” tanong ko sa kaniya. “I need 5 years ago.” “Okay sir I will provide the copy or you just need a soft copy of those?” “I need hard copy.” masungit niyang sagot. “Okay , copy sir. Yun lang po ba sir?” tanong ko sa kaniya. “Yeah and I need you here in my office to assist me and explain them everything to me.” “Okay sir just give me time to produce all the documents sir because I’m only keeping the two year documents sir.” “Okay take your time.” masungit parin niyang sagot. Nagpaalam na ako sa kaniya pero hindi siya sumagot sa akin. Umalis na lang ako ng dahan dahan dahil parang mahirap gumawa ng ingay dahil tutok na tutok siya sa kaniyang ginagawa. “Anong sabi niya iha?” tanong sa akin ni Ma’am LAni. “Hinihingi niya po yung mga record namin ng expenses and sales at yun financial statement. Parang ichecheck niya po yung mga nakaraang taon. Baka pag-aaralan niya po kung paano tumaas ang sales ng hotel.” “Ganun ba iha sige para magawa mo na yan. Iha magpakatatag ka sa buhay at huwag mawalan ng pag-asa.” habol pa niyang saad sa akin. Pagbalik ko sa area namin ay tinanong ako kaagad ni Paula kung anong kailangan sa akin ng boss namin. Hindi pa ako nakakaupo ay lumapit na siya kaagad sa akin. “Friendship anong kailangan ni sir sayo?” tanong niya sa akin. “Kailangan daw niya yung mga previouos sales and expenses friend for the past five years.” saad ko sa kaniya. “ay ganun yun lang naman pala ang kailangan niya eh pwede naman niyang itanong yun kay Ma’am Analyn at may mga kopya din naman siya. Ang arte niya ha talagang hinintay ka pa niya.” “Baka gusto lang akong pahirapan ni Sir dahil more than two weeks akong wala.” saad ko sa kaniya. “Ako nga ay tapatin mo magkakilala ba kayo ni Sir?” tanong pa niya sa akin. “Paano ko naman makikilala yun eh ngayon ko lang siya nakita. Ang kakilala ko ay yung isang kapatid niya pero nasa ibang bansa ata yun.” “Talaga kilala mo yung isang kapatid niya?” lumaki pa ang mata niya dahil sa sinabi ko. “Oo classmate ko siya sa ilang subject ko dati.” sagot ko sa kaniya. “Wow magkaklase kayong dalawa?” curius niyang tanong. At talagang umupo pa siya sa harapan ng table ko. “Oo alam mo ang aga aga marites ka na naman. Wala ka bang ginagawa at nandito ko sa table ko.” “Meron naman friendship pero syempre gusto ko lang makichika kung anong pinapagawa sayo ni sir.” “yun pa lang naman, yung iba siguro hingiin ko na lang kay ma’am Analyn.” Inumapisahan ko ng tignan ang mga files namin for the past five years. Hindi ko alam kung ano pa ang gusto niya eh meron naman na siyang mga soft copy na binigay ni Ma’am Analyn sa kaniya. Parang nafifeel ko na may galit siya sa akin at gusto niya akong pahirapan. Hindi ko naman siya kilala para paginitan niya ng ganito. Grabe first meeting namin at ang dami na niyang demand sa department namin. Sana after ng mga review niya sa mga records namin ay maging okay na ang lahat. Siguro kailangan lang niya ng pagbabasehan kung paano pa niya iangat ang sales ng hotel. “Pst, lunch break na friendship. Wala ka pa bang balak kumain? Hindi ka na nga nagmerienda tapos ngayon parang wala ka din balak na maglunch.” nakaismid niyang sabi sa akin habang nakasandal sa gilid ng cubicle ko. “Ang dami naman kasi ng kailangan kong buklatin buti sana kung ang dami lang ng mga nagchecheck-in dito sa hotel ang ibibigay ko sa kaniya pero hindi eh. Lahat daw kailangan niyang ireview.” “Ganun ba, naku hayaan mo siya halika na at tomguts na ako.” sabay hila sa akin ni Paula palabas ng cubicle ko. “Wait lang iligpit ko lang ang iba dahil nakakalat na. Baka mawala ang ibang files.” sabi ko sa kaniya. May sariling kaming pantry dito sa department namin at may mini canteen din dito. Kumpleto din ang mga gamit dito. Pwede din magpainit ng mga baon namin dahil may microwave, water dispenser, coffee maker at may libreng kape pa para sa mga ibang empleyado na gustong magkape. “Wow ang sarap naman ng baon mo na adobo friend.” sabi sa akin ni Paula na nanlaki ang kaniyang mga mata dahil alam kong paborito niya din ang adobo. “Umupo kana para makakain na tayo dahil marami pa akong gagawin.” sabi ko kaniya at inumpisahan ko ng sumubo. “Pahingi ako frienship ah. Uhmm ang sarap naman sino nagluto?” “Si mama yan ang niluto niya kagabi para daw may baon ako ngayon.” “Ang sarap pala magluto ni tita. Pwede kaya magrequest sa kaniya na laging adobo ang ulam mo.” sabi niya sa akin na natatawa dahil nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “Hoy anong magrequest ka diyan ano ka anak ka nya. At kung araw-araw gusto mo bang magsawa ka sa adobo.” “Naku friendship hindi ako magsasawa lalo na kung ganiyan kayummy ang makikita ko araw-araw.” sabi niya na parang natulala na siya sa mga sinasabi niya at nakatingin sa malayo. “Magtigil ka nga at kumain na tayo.” sabi ko sa kaniya at ipinagpatuloy ko na ang pagkain, pero hindi ko pa nalulunok ang pagkain ko ng may umupo na sa bakanteng upuan sa tabi ko. Muntik na akong mabilaukan dahil sa gulat sa kaniya. “are you alright Ms. Reyes?” tanong niya sa akin. “Opo ayos lang po ako” sagot ko sa kaniya pagkatapos kong uminom ng tubig na nasa tumbler ko. “Sir kain po tayo, masarap po ang ulam ni Stel.” aya ni Paula sa boss namin. “Actually I’m here to ask Ms. Reyes to buy me food.” sabi niya kay Paula pero sa akin nakatingin. “Ahm ano po ba ang gusto niyong pagkain Sir?” tanong ni Paula “Anything hindi naman ako picky person.” “Try nyo po ang ulam ni Stel Sir masarap po.” pamimilit pa ni Paula at ang tigre ay nagpapilit naman. Namalayan ko na lang na kinuha niya ang tinidor ko at tumusok ng isang slice ng adobo. “Uhm masarap nga. Can I join you guys?” tanong pa niya na sa akin nakatingin. Nataranta naman ang talandi kong kaibigan at umoo siya sabay kuha ng plate, spoon and fork para kay tigre. Ibinigay niya ito at siya pa talaga ang naglagay ng kanin sa kaniyang plato. “You can eat now Ms? I can manage to get my food.” sabi niya kay Paula na akala mo may ambag sa baon namin. Pwede naman siyang makikain dahil naparami ang lagay ni mama ng kanin at ulan sa baunan ko. “Paula po sir ang name ko.” pakilala ni Paula kay Sir tigre. “Oh okay Paula thanks for inviting me sa lunch.” sabi pa niya kay Paula. “who cook this?” tanong niya sa akin at mahahalata mong nasasarapan din siya sa luto ni mama. “mama ko po sir. Kasama ko po muna pansamantala sa bahay para may magbantay sa kambal ko.” sagot ko sa kaniya. “Okay” sagot niya sa akin at hindi ko alam kung ay nasabi ako na hindi maganda sa kaniya dahil natahimik na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD