CHAPTER 4 PISSED OFF

1346 Words
EMILIO POV Ang tagal ko siyang hinanap simula noong umagang nagising ako at wala na siya sa tabi ko. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin noon pero accidentaly ay nakita ko sa isang picture na nakatag sa kapatid ko sa kaniyang social media account na isang throwback pictures nila. Agad kong tinawagan ang kapatid ko at sinend ko sa kaniya ang pictures na nakatag sa kaniya at tinanong ko kung kakilala niya ang babaeng katabi niya. “Yes kuya I know her, she’s my classmate before. Why?” tanong niya sa akin. “what’s her name?” tanong ko sa kaniya. “Stella Marie Garcia, why? Why are you asking her name?” tanong pa sa akin ng kapatid ko. “Thanks bro.” sabi ko lang at binaba ko na ang tawag ko sa kaniya. Hinanap ko siya sa social media at laking dismayado ko dahil may asawa na pala siya. Tinignan ko din ang kaniyang information kung mayroon nakalagay kung saan siya nagtatrabaho. At laking pasalamat ko dahil may nakalagay kung saan siya nagtatrabaho. Dahil sa nalaman ko na sa kumpanya namin siya nagtratrabaho ay pinilit ko ang aking ama na ako ang pumalit sa kaniya sa pagiging CEO sa main branch. Dahil sa nagbukas ng branch namin sa Cebu ay ako ang nagmanage sa hotel doon at doon narin ako noon tumira pero kahit doon na ako tumira ng halos limang taon ay hindi parin ako tumigil sa pagpapahanap sa kaniya. At ngayon na nakita ko na siya ay wala na siyang kawala sa akin. Araw-araw kong inistalk ang kaniyang social media account para makita ko kung mayroon bago sa kaniya pero wala akong napapala dahil hindi naman siya laging online. Gumawa pa ako ng dummy account ko para maadd ko siya. Siguro isa siyang careless sa pagaadd dahil kahit hindi niya kilala ay inaaccept niya ang mga friend request sa kaniya. Natigilan ako sa pagscroll sa kaniyang profile dahil nakita kong nag-iba ang kaniyang profile picture. Pinalitan niya ito ng kandila at hindi nagtagal ay sunod sunod na ang mga nagkocomment sa kaniya. Pati ang kaniyang cover photo ay pinalitan niya ng picture nila ng kaniyang pamilya. May dalawa na pala silang anak. “Haay ano ba yan Lio your such an asshole pati may asawa gusto mong patulan.” saad ko sa aking sarili. Itinigil ko na ang pagstalk sa kaniyang account at ibinato ko na ang aking cellphone. Sa loob ng halos walong taon ay siya ang pinagpapatasiyahan ko tuwing may ibang babae akong kasama. Hindi mawala sa akin ang maamo niya mukha at mapupungay niyang mga mata dala ng kalasingan. Alam kong nagtake advantage ako sa isang bata noon pero hindi napigilan ang aking sarili dahil sa kaniyang pangaak*t sa akin. Dumating ang araw na pinakilala na ako ng aking ama na ako na ang papalit sa kaniya sa pagiging CEO dahil magreretire na daw siya. Well totoo naman na magreretire na and daddy hindi dahil sa nagpalipat ako ng brach na hahawakan kundi dahil gusto na rin niyang maenjoy ang kaniyang buhay kasama ang mommy. Ilang araw akong inip na inip na makita siya ulit dahil sa halos two weeks siyang leave dahil namatay ang kaniyang asawa. Sa ilang araw na hindi siya pumapasok ay yun din ang araw na kinukulit ko ang mga kasama niya sa department niya at ng aking matandang secretary. Hindi na ako nagpalit ng secretary dahil maayos naman na magtrabaho si Lina. Pagdating ng araw na pagpasok niya ay pumasok ako ng maaga. Dahil gusto ko na siyang makita ulit. Hindi ko maintindihan ang aking sarili dahil gustong gusto ko ng makita siya ulit. “Lina call Analyn and tell her to send Ms. Reyes here in my office.” sabi ko sa kaniya at natigilan pa ata siya dahil maaga akong pumasok ngayong araw. “okay po sir.” sagot niya sa akin at ibinaba ko na ang tawag ko sa kaniya. Hindi nagtagal ay pumasok na ang taong pinakahihintay kong makita ulit pero gusto kong iparamdam sa kaniya na busy ako kaya hindi ako nag-aangat ng aking mukha. Natatakot akong maalala niya ang nangyari sa amin almost eight years ago. Sinabi ko sa kaniya ang mga kailangan kong pag-aralan para alam ko kung ano ang kailangan kong iimproved dito sa main branch. Alam kong malaki narin ang pinagbago ng hotel na ito pero mas marami ang mga nagawa kong pagbabago sa Cebu branch. Mas napalago ko ang sales namin at madami mga promo ang mga ibinibigay namin sa mga client namin doon. Lalo na sa mga turista. Sa tanghalian ay sinadya ko na tignan kung maayos ba ang mga empleyado na nakakakain sa pantry. Kung may mga maayos din ba silang mabibilhan ng kanilang pagkain doon. Tinanong ko din si Lina kanina kung doon din ba siya kumakain at ang sabi nya paminsan minsan ay bumibili din siya sa canteen pero madalas ay nagbabaon din siya ng kaniyang ulam. Pagdating ko sa pantry ay nakita ko siya kaagad na kumakain at naisipan kong maupo sa kaniyang tabi. Wala sana akong balak na makikain sa kanila pero pinilit ako ng kaniyang kasama. Siya ang lagi kong kinukulit noon na tawagan niya si Stel. Tinanong ko siya kung sino ang nagluto sa kaniyang ulam at sinabi niya na ang kaniyang mama. At pansamantala din na naninirahan sa kanila dahil sa walang magbabantay sa kaniyang mga anak. Nainis ako sa katotohanan na may nauna siyang pamilya. Na inasam ko ng halos walong taon na makita siya ngunit may pamilya na pala siya. At ang pinakaworse ay ang namatayan siya ng asawa at naiwan ang kaniyang mga anak sa murang edad. Kita ko sa kaniyang itsura na namayat siya at parang galing siya sa sakit. Ayaw ko sana na pahirapan muna siya pero kailangan kong pagaralan ang ilang dokumento para alam ko kung ano ang mga stratery na kailangan kong gawin. Magana akong kumain kasama siya at ang kaniyang kaibigan. Madaldal ang kasama niyang si Paula at halos ikwento na niya ang kaniyang buhay sa akin. Natapos ang pananghalian ko na parang sobrang busog ko dahil galing sa kaniya ang kinain ko. “I hope I can taste again your adobo.” sabi ko sa kaniya at para sa akin ay may double meaning. “Okay po sir kung magluluto po ulit si mama ay ipaghihiwalay po kita ng ulam.” saad niya sa akin at natawa pa ako dahil nagreklamo din ang kaniyang kaibigan. Gusto din daw niya na baunan din siya ng adobo. “Oo na dalawa na kayo na bibigyan ko ng adobo.” natatawang sagot niya sa kaniyang kaibigan. Hindi nagtagal ay nagpaalam na ako sa kanila na babalik na ako sa aking opisina. At naiiling na lang ako at napapangiti habang naglalakad pabalik sa aking opisin dahil nakausap ko na siya. Sa tagal kong hinanap siya ay ngayon ko lang naramdaman ang ganito pero hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya na ako ang nakasama niya. Nakaupo na ako sa aking opisina ay siya parin ang naiisip ko. Hindi na yata ako maalala ni Stella. Nagmumuni-muni ako ng biglang tumunog ang aking telepono. “Sir, nasa kabilang line po si Sir Enzo gusto daw po kayong makausap.” sabi sa akin ng secretrary ko sa kabilang linya. “Okay put it on the line.” sabi ko sa kaniya. “Bro I’ve been calling you many times in your cellphone but your not answering.” bungad sa akin ni Enzo sa kabilang linya. “Why what’s the matter at tumatawag ka sa akin?” tanong ko sa kaniya. “Kuya Paul is inviting us sa kaniyang bar na magbubukas mamaya. He forgot to invite us earlier dahil sobrang busy daw siya sa pagiging hands on niya sa bubuksan na bar niya.” “What time ba ang opening?” “He said dapat 7pm nandun na daw tayo.” saad niya sa akin. “Okay pupunta ako just send me the address.” sabi ko sa kaniya at nag-paalam na ako sa kaniya dahil madami pa talaga akong gagawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD