"W-wala, Sir," sabi niya.
"Anong wala? Parang aliw na aliw ka, eh. Mabuti naman at natutuwa ka yata sa ginagawa mo. But next time, try not to antagonize my visitors, okay?"
Antagonize ka riyan. Buwisit naman talaga ang babaeng iyon, 'no. Hindi na siya kailangan i-antagonize. Ipinanganak siyang antipatika.
"Since it is your first day on the job, I'll make an exception. Pero sa susunod, umakto ka nang naaayon sa posisyon mo."
"Okay. Hindi kasi nilinaw sa akin ni Mildred na kailangan kong magpakumbaba. Pasensiya na, Sir." wika niya.
Hindi na siya nakapagpigil.
"Walang kasalanan sa akin si Mildred kaya hindi niya kailangang magpakumbaba. Be on your best behavior, Jenna. May kasunduan tayo at ayokong nilalamangan ako. Nagkakaintindihan ba tayo?"
"Yes, Sir," sagot niya.
Mahina lang ang tinig niya. Paano ay parang ayaw lumabas ng mga kataga sa kanyang bibig.
"I didn't hear you," anito.
"Sir, yes, Sir," panggagaya niya sa mga kadete. Kulang na lamang ay sumaludo siya rito.
"Huwag kang magpatawa dahil hindi ka nakaka-tawa. Do your job and do it well. Speaking of job, make a lunch reservation for two at El Pueblo. I want an intimate corner table. And then call the florist and order a bouquet of red American roses."
Saglit siyang natigilan.
Bigla niyang naalala ang bouquet na ibinigay nito sa kanya noon kung saan nakasabit sa isang tangkay ang isang engagement ring.
May hapding gumuhit sa kanyang dibdib sa alaala.
"The card should read like this: To my dearest. Here's to celebrate our love. Have it delivered to this address." May sinabi itong pangalan ng isang boutique.
Si Blaise ang padadalhan nito ng mga bulaklak. Paraan ba nito iyon ng paghingi ng paumanhin dahil sa kabila g katotohanang may relasyon ang mga ito ay patuloy pa rin ito sa pambababae?
"Did you get all that?"' tanong nito kapagkuwan.
"Y-yes, Sir."
"Good. Then do it now." Pagkasabi niyon ay iniwan na siya nito.
Ang mas gusto niyang gawin ay ang isubsob ang ulo niya sa mesa at umiyak. Pero bakit siya iiyak? Wala na silang relasyon ni Polo. Kaya kahit ilang babae pa ang ligawan nito ay hindi siya dapat maapektuhan. Nandoon lamang siya dahil sa itay niya. Inabot niya ang file na naglalaman ng mga index cards. Ayon kay Mildred, doon niya hahanapin ang numero ng mga kainan, salon, spa, gym, at kung anu-ano pang telephone numbers ng mga establisimyento na madalas patawagan dito ni Polo.
Ilang kliyente ang dumating sa opisina nito. Malapit nang sumapit ang lunch break nang bumukas ang pinto ng opisina nito at lumabas ito. Nalanghap agad niya ito. Napakabango nito.
"I'm off to my lunch date. Ikaw na muna ang bahala rito." Pagkasabi niyon ay iniwan na siya nito ng walang lingon-likod.
Natagpuan niya ang sariling sinusundan ito ng tingin. Kung malakas na ang dating nito sa kanya dati, lalo na ngayon. Now, he had an aura of power and confidence it brought an added dimension to his personality. Kung malayo ang agwat nila noon, lalo na ngayong sa tingin niya ay nangangalahati na ito sa pag-abot sa mga pangarap nito.
At siya ay nasaan?
Kahit paano ay nakaungus-ungos na rin siya. Iyon nga lang, palagi siyang nahihila pababa. Hindi niya gusto ang bagong Polo. May bahid na ng dahas ang bagong pagkatao nito. And he had turned into the playboy many people thought he was.
Dati-rati ay akala lamang iyon ng mga nakakakilala rito. Ngayon ay mukhang pinangatawanan na nito iyon. Napahinto siya sa pag-iisip nang tumunog ang bell hudyat na sumapit na ang oras ng tanghalian.
Napapangiti si Polo habang naglalakad siya papunta sa elevator. Ang babaeng nagdulot sa kanya ng napakatinding sama ng loob at muntik nang maging dahilan para malihis siya ng landas ay nasa opisina niya at nagtatrabaho para sa kanya. He could do anything with her whatever he pleased and he could think of a lot of things he would want to do.
Kanina ay naaliw siya sa reaksiyon nito. Parang shocked na shocked ito nang madatnan nitong magkayakap sila ni Lucy. For a moment there he thought he saw a flicker of pain cross her face. Why?
Could it be that for some reason she still cared about him?
Ulol ka ba? Iniwan ka nga niya noon, 'di ba?
Umaasa ka pa rin ba?
Napakadami namang babae diyan pero siya pa rin ba ang gusto mo?
But it would be so much more satisfying for him if she fell in love with him. Sa ganoon ay masasabi niyang an eye for an eye ang pagganti niya rito. Dahil sa totoo lang ay minahal niya ito noon nang buong puso.
It was a love he hadn't felt for anyone before and since then. But she threw that love back at him.
Naikuyom niya ang kanyang mga kamay. Ang akala niya ay nakalimutan na niya ang pait na idinulot niyon sa kanya. Hindi pa pala.
Patunay niyon ang pagpupuyos ng kalooban niya sanhi ng pangit na alaala. Marahil ay mabubura lamang iyon kapag naipadama na niya rito ang sakit na minsan na nitong ipinaramdam sa kanya.
Mukha gang binibigyan siya ng tadhana ng pagkakataong gumanti rito sa pagdadala niyon sa dalaga sa paanan niya. It was her who came to him, he didn't come looking for her. Kaya hindi siguro siya masisisi kung makaisip siya ng kung anu-ano.
Oh yes, he would have his fun.
Inilabas niya ang cell phone niya at nagsimula siyang magtitipa. Ang kausap niyang mag-lunch ang t-in-ext niya.
I'm on my way, he typed.
"This is a first," nakangiting bati sa kanya ni Blaise nang datnan niya ito sa El Pueblo.
Nakaupo na ito sa mesang iniutos niya kay Jenna kanina na ipareserba para sa kanila.
"What is a first?" tanong niya.
"You're late. You meet me always on time. Like you never get late." Tumingin ito sa relo nito.
"It's just by ten minutes but I know you, you're never late."
Natigilan siya. Totoo iyon.
Hindi niya gustong nale-late sa mga appointments niya, personal man iyon o may kinalaman sa trabaho. Pero kanina ay parang nakalimutan niya ang paglipas ng oras. Mabuti sana kung aging productive ang mga sandaling inilagi niya sa opisina pero hindi. Kahit nakikipag-usap siya sa mga kliyente niya ay parang lumulutang ang kanyang isip.
Ang babaeng nasa labas ng opisina niya ang naggugumiit sa isip niya. Tuloy, pati oras ng pag-alis niya ng opisina ay hindi niya natantiya.
The novelty will soon wear off, aniya sa sarili. Katulad siguro niya ang isang batang may bagong laruan. Excited pa siya. Paglipas ng kaunting panahon ay mawawala rin ang fascination niya roon.
"What gives?" tanong ni Blaise.
"Nothing. Just work."
"Really?" Pinagmasdan siya nito na animo nagdududa ito.
"Yes. How's Pollito by the way?"
"Makulit pa rin. Manang-mana sa iyo."
"Hindi ako makulit na bata. Kahit itanong mo pa kay Mama."
"Oh, yes, she would agree. Serious, driven, and ambitious even as a child. That's what you were, weren't you?"
"All right. I guess so. Anyway, I'm glad you're here because there's something I need to speak with you about."
"Ano?"
Saglit lamang siyang nag-atubili bago siya nagsimulang magsalita.