Ganito ba ang nakapila sa death chamber? Naisaloob ni Jenna habang naglalakad siya papunta sa opisina ni Polo.
Unang araw niya ion sa trabaho. Nakapag-training naman siya kahit pano sa ilalim ni Mildred kaya may ideya na siya kung ano ang gagawin niya. Hindi naman ganoon kahirap ang magiging trabaho niya. Ang mas mahirap ay ang sitwasyong susuungin niya. Hindi niya alam kung makakaya niyang araw-araw na makita si Polo.
Bakit hindi? Nakaya mo nga ang mas mahirap pa roon? anang isang malt na tinig sa kanyang isip.
Binilisan niya ang paglakad. Mas maaga kaysa sa oras ng pasok niya ang dating niya sa trabaho kaya nagulat siya nang pagdating niya sa opisina ay may babaeng nakaupo sa harap ng mesa niya. Nakade-kuwatro ito kahit napakaiksi ng damit nito.
"Who are you?" tanong nito pagkakita sa kanya.
"I'm Jenna, Polo's assistant."
"His assistant? What happened to Mildred?"
"Naka-leave siya. Kapalit niya ako. Temporary basis lang."
Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Kanina pa kita hinihintay. Iyong dati kasing assistant ni Polo ay napakaagang dumating. Anyway, will you do me a favor? Please open his office.”
“Ha? Pero…”
"Oh, please, don't give me grief. I had a bummer of a day and it's just starting. I assure you, Polo won't mind."
Ngalingaling sabunutan niya ito. Kung makaasta kasi ito ay animo kung sino ito. Pero kahit gusto niyang makipagtalo rito ay mukhang delikado. Ayaw niya ng gulo. Tahimik na lamang niyang kinuha ang susi ng opisina at binuksan ang pinto ng private office ni Polo. Dumiretso naman agad ito sa executive chair ni Polo.
"Paki-on ang aircon," utos nito sa kanya.
"And then bring me some coffee. I take it without cream and sugar, Make it quick, okay?"
Nagtagis ang mga bagang niya. Antipatika ang dating nito sa kanya. Kaya naman kahit pinagma-madali siya nito ay sinadya niyang bagalan ang pagkilos.
"I said make it quick. Jeez!" nayayamot na wika nito.
Ngumiti lang siya.
Lumapit siya sa aircon at binuksan iyon. Kapagkuwan ay lumabas siya ng opisina.
"I said make it quick. Jeez!" Habang naglalakad siya papunta sa pantry ay ginaya-gaya pa niya ito.
Sino ba ang impaktitang 'yon at kung makakilos! Parang at home na at home ito sa opisina ni Polo?
Tumindi ang pagngingitngit niya nang maisip niya ang posibleng sagot sa sariling tanong. Diyata't girlfriend ito ni Polo? Pero may girlfriend na ang binata. May anak pa nga ito sa babaeng iyon.
Napabuntong-hininga rin siya kapagkuwan.
Napagtanto kasi niyang kailanman ay hindi naging rason iyon para huwag pumatol sa ibang babae ang isang lalaki. Lalong nagtagis ang mga bagang niya. Hindi maganda ang dating sa kanya ng ideyang may ibang babae sa buhay ni Polo. Hindi man dapat ay nasaktan siya.
Sira kaba? Bakit ka masasaktan? Wala na kayo. Matagal na, anang kontrabidang bahagi ng kanyang isip.
"O, Lucy, nandito ka pala."
Mula sa pantry ay naulinigan niya ang tinig ni Polo.
"I waited for you last night." Nahimigan niya ang panunumbat sa tinig ng babaeng 'Lucy' siguro ang ang pangalan.
"Ang sabi mo ay dadaan ka sa condo ko. Hindi mo ako sinipot."
"Nag-text naman ako na hindi ako makakarating, 'di ba? I got tied up in court. And then that stupid witness dropped a bomb on us. Hindi naman pala niya aktuwal na nakita ang payoff na sinasabi niya. Nagpalit kami ng strategy. You know how it is."
"I know. Pero siguro naman mamayang gabi ay hindi na gano'n." Naglalambing na ang tinig ni Lucy.
Nasa labas na siya ng opisina ni Polo noon. Naudlot ang pagpasok niya nang matanaw niyang nakapulupot ang mga braso ni Lucy sa leeg ni Polo.
"I can't promise anything," sabi ni Polo.
Aatras dapat siya pero huli na. Napagawi ang paningin ni Polo sa kanya. Their eyes met for a while. Pero sa halip na lumayo kay Lucy ay ikinulong pa nito sa mga kamay nito ang mukha ng babae at hinalikan nito iyon sa mga labi.
It was a torrid kiss.
Walanghiya! ngalingaling isigaw niya. Ganoon na lamang ang pagkukukot ng kalooban niya. Alam niyang wala na dapat siyang pakialam anuman ang gawin nito. Ano naman sa kanya kahit ilang babae ang halikan nito sa harap niya?
Ang kaso, parang may hapdi pa ring gumuhit sa kanyang dibdib sa tagpong nasaksihan niya. Hindi siya nakatiis na hayaan lamang 'yon na magpatuloy.
Pumasok na siya sa loob ng opisina. "Excuse me. Here's your coffee," wika niya.
Kagyat na naghiwalay ang mga ito. Animo namamangha namang nakatingin sa kanya si Lucy.
"Didn't anyone teach you any manners?" tanong nito.
"Sa susunod, kumatok ka naman!"
"Kahit naman kumatok ako, mukhang hind rin ninyo ako maririnig o papansinin. Anyway, baka lang masabi mo na hindi ako marunong utusan. Ang sabi mo make it quick, hindi ba? Kaya heto nga at binilisan ko na."
Pinigilan lang niya ang sariling pabagsak na ibaba ang kapeng hiningi nito.
"Why, you..." Naningkit ang mga mata nito.
Bumaling ito kay Polo. " Saan mo ba napulot ang babaeng ito, ha?" tanong nito.
"Oh, she sort of fell at my feet," nakangiting sagot ni Polo.
Napakunot-noo siya. Wala siyang makitang nakakatawa sa nangyayari.
"Well, get rid of her. Nakakapikon siya, darling. " Maaligasgas ang dating sa pandinig niya ng salitang darling.
"I'm fraid I can't do that." wika ni Polo.
"Bukod sa mahirap maghanap ng replacement, we have some sort of agreement."
"And what agreement is that?"
"It's complicated and nothing you should worry your pretty little head with."
"But I don't like her."
"It's me she's working for so you don't have to like her. Anyway, hindi naman kayo magkalebel kaya bakit mo siya papatulan?"
Matutuwa na sana siya at siya ang pinaboran nito pero napangiwi naman siya sa huling sinabi nito. Ganoon ba kalaki ang galit nito sa kanya para pagsabihan siya nito ng ganoon na lang?
Ang tindi mong mang-insulto, sa loob-loob niya.
Aminado siyang totoo naman ang sinabi nito. Halatang pagdating sa sophistication ay wala siyang binatbat kay Lucy. Pero kailangan pa ba iyong ipamukha ni Polo sa kanya?
Kunsabagay, ano ba ang dapat niyang asahan na maging trato nito sa kanya? He was out for revenge so she should expect him to make her life miserable during the duration of their stay together.
Lilipas din ito.
Iyon na lamang siguro sa ngayon ang pangha-hawakan niya. Nagkausap na ito at ang itay niya at ayon dito ay may nakita na itong mga butas sa teorya ng mga awtoridad. Bubusisiin din daw nito ang testimony ng itinuturing na primary witness.
Sa sandaling matapos ang kaso ng itay niya--nasana lang ay maipanalo ni Polo--ay matatapos na rin ang pagkakasama nila ng binata.
Kaya niya iyon.
Kakayanin niya.
"You have a point," sabi ni Lucy. "Bakit kasi hindi mo pinipiling mabuti ang mga tinatanggap mong empleyado? Kung saan saan mi na lang pinupulot."
Hindi nga siya mapili sa mga babaeng tina-tanggap niya sa buhay niya, eh, sa loob-loob niya.
"Lalabas na ako, Sir," pagpapaalam niya.
Sinadya niyang si Polo lang ang kausapin pero kahit ito ay hindi niya tiningnan. Tinalikuran na niya ang mga ito. Nagbalik siya sa desk niya. Naipaliwanag na sa kanya ni Mildred ang mga dapat niyang gawin kaya sinimulan na niya ang mga iyon.
Unang inayos niya ang mga dokumentong nasa desk niya. Ipapasok niya iyon mamaya sa opisina ni Polo pagkaalis ng bisita nitong bruha.
Abala siya sa ginagawa nang lumabas si Lucy ng opisina ni Polo. Bago ito tuluyang umalis ay pinukol siya nito ng matalim na tingin.
Bruha ka gang tunay. Madapa ka sana.
Ganoon n lamang ang tuwa niya nang muntik na itong matapilok. Bagay lang iyon dito dahil sa napakapangit na ugali nito.
"Ano ang nakakatuwa?"
Naglaho ang lahat ng kasiyahan niya nang may magsalita sa likuran niya.