Chapter 7

723 Words
Napayuko siya. Matalas ang dila nito pero totoo naman iyon. "Kung isang mahusay na abogado ang hanap mo, you came to the right place. And you're speaking to him now," sabi nito. Napamaang siya rito. "I-ibig sabihin, payag kang hawakan ang kaso ni Itay?" "Ayaw mo?" "G-gusto." Iyon nga ang pakay niya sa pagpunta roon hindi ba? "Kaya lang, ang sabi nga nila, wala nang libre sa mundo ngayon. May kabayaran ang serbisyo ko." Nanlumo siya. "W-wala akong ibabayad." "Meron. Ang sarili mo." Seryoso at walang halong biro ang sinabi nito. "A-Ako?" hindi makapaniwalang wika ni Jenna. "Oo. Ikaw," sagot nito. Labis-labis ang pagkadismayang nadarama niya. Pero kasabay ng kilabot na nadama niya sa ipinagpalagay niyang gusto nitong mangyari ay nahaluan din ng kiliti. Naalala niya ang mga panahong muntik nang may mangyari sa kanila. Nagpigil sila pero hindi iyon naging madali. "H-hindi na lang siguro bale. Salamat," mabilis na tanggi niya. "Paano ang itay mo?" tanong nito. "Bahala na. Maghahanap na lang ako ng ibang abogado. Marami pa namang iba." Iyon nga lang, napakaposibleng hindi kasinghusay nito ang makuha niya. "Go ahead and do that. Pero tiyakin mo lang na magaling siya. Kasinggaling ko o higit pa. Dahil sinisiguro ko sa iyo na iaalok ko ang serbisyo ko sa pamilya ng napaslang para kalabanin ang sinumang abogadong makukuha mo." Daig pa niya ang binigwasan nang ubod lakas. "Bakit mo gagawin iyon?" tanong niya. "Bakit hindi?" Napatitig siya rito. Noon niya nawaring wala na ang dating Polo na kilala niya. Binago na ito ng panahon at marahil ay ng ambisyon nito. Naging matigas na ito, mahusay nang magparusa. May natira pa kaya sa Polo na marunong magmahal at kumalinga? "What is it gonna be?" tanong nito. "Kung puwede, pakibilisan ang pagpapasya. I don't have all day." No! sigaw ng kalooban niya. "Ano kaya ang masasabi ng asawa mo sa binabalak mo?" tanong niya sa pagbabaka-sakaling makonsiyensiya ito. "Asawa ko?" Kumunot ang noo nito. "Huwag mo nang ilihim. Nakasalubong ko kanina ang mag-ina mo," saad niya. "Mag-ina?" Natigilan ito. Tila napaisip kung ano ang tinutukoy niya. "Oh, you must mean Blaise. Well, she's not my wife." "She's not?" Sa kung anong dahilan ay biglang gumaan ang pakiramdam niya. "At least, not yet." Nalaglag sa sahig ang puso niya. "Pero ang laki na ng anak ninyo," nawika niya. "So?" Natameme siya. Mukhang ang laki na nga ng ipinagbago nito. "Anyway, wala siyang kinalaman sa usapan natin. That would be just between me and you. Kaya magdesisyon kana. Is it a 'yes' or a 'no'?" May choice naman siya. Kaya lang ay pawang masasaklap ang mga iyon. "A-ano ba ang magiging kasunduan natin kung sakali?" tanong niya. "You'll be mine for as long as I'm handling the case. Kapag naipanalo ko na iyon ay saka ka magpasya kung ano ang gagawin mo sa buhay mo. Are you working?" "May maliit na negosyo kami ng pinsan ko." Ilang buwan lamang mula nang maghiwalay sila ni Polo noon ay nagsara ang kompanyang pinapasukan niya. Mabuti na lamang at kahit paano ay may compensation package na ipinagkaloob sa mga empleyado. Gamit ang perang iyon at ang natira sa perang ibinigay ng mama ni Polo, nagpasya siya na magnegosyo na lamang. Gumagawa ng kung anu-anong bagay na yari sa recycled materials ang pinsan niya. Nakisosyo siya rito. Sa ngayon ay maganda-ganda na ang kita niyon. Kung hindi nga lang nagkasakit ang inay niya ay baka may maibabayad siya sa abogado. "Then you can set your own schedule?" ani Polo. "Puwede." "Good. Next week ay magli-leave ang assistant ko. She's due to give birth anytime. You will take her place." "H-Ha?" "O, bakit? May problema ba?" "Hindi pa ako pumapayag sa gusto mo." "Hindi pa ba? Hurry up then. 'Oo' ba o 'hindi?'" "Wala akong alam sa trabaho ng isang assistant," katwiran niya. "Next week pa siya magli-leave. Siguro naman ay matututo kana sa loob ng isang linggong pagsa-sanay." "Ano pa ang kakailanganin kong gawin bukod sa pagiging assistant mo?" tanong niya. "A lot more. Depende iyon sa gusto ko." Tinitigan siya nito. May kung anong ningas siyang namalas sa mga mata nito. Mukhang noon pa lamang ay kung anu-ano na ang binabalak nito. "Polo, baka puwedeng..." "Wala ka sa posisyong magdikta kung ano ang puwede at hindi puwede. Sa ngayon, ang pagpipilian mo lang ay ito: 'Oo' o 'hindi.'”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD