Kabanata 6

2665 Words
Kabanata 6 Together As what I've said, everything changed. I thought my anger to him is infinite but I was very wrong. Ngayon hindi ko na alam kung ano nga ba ang rason kung bakit ako galit at nasusuklam sa kanya noon. Naging mannerism na niya ang paghalik sa noo ko everytime we see each other. Pati sa pagsabay papuntang school ay palagi na niyang ginagawa. Hindi ko na alam kung bakit napapangiti nalang ako sa tuwing nakikita ko siyang matyagang naghihintay sa akin sa labas ng bahay. Para bang responsibilidad niya ako at kailangan niyang bantayan at asikasuhin. Sa tuwing lunch, halos hindi na ako magbaon dahil yung kanya nalang ang kinakain namin. At naging favorite spot namin ang acasia, doon kami palagi kumakain. Those days realized me that he was a good person, kaya pala maraming humahanga sa kanya dahil sa kabaitan. Bukod pa doon ay gwapo siya at misteryoso. Oo hindi na ako nagagalit pag nagbibigay compliment sa kanya, parang nawala ang umuusok kong galit sa kanya. Hindi na ako nagpapasundo sa driver namin dahil sa bisekleta na niya ako sumasakay, nagagalit kasi siya sa tuwing hindi ako sumasabay sa kanya. Nakakatakot pa naman siya pag galit, hindi ako pinapansin pero ayaw niyang hindi kami magkasama. Dapat daw kahit galit siya ay magkasama parin kami. Weirdo man darn! Kaya mas minabuti ko nang palaging sumasabay sa kanya sa pag-uwi, sa pagkain. Alam ko ding unti-unti nang nalalaman ng paaralan ang nangyayari sa amin ni Ranniel. We don't fight anymore, sabay kami sa lahat kaya nakakahalata na sila. Well I don't care, I don't f*****g need their reaction and comments about us. It won't help anyway, I just hope they let us of what we are. At isa pa sa nagbibigay saya sa akin ngayon ay ang pag ti-text at tawagan namin tuwing gabi. We spent night talking, texting each other and chat on our socmed. Ayaw niyang hindi ako nagpapaalam pag lumalabas ng bahay, dapat daw lagi niyang alam kung nasaan ako, kung ano ang suot ko at kung sino ang mga kasama ko. He is demanding but f**k it made me happy. Sa simpleng paghihintay niya sa akin sa labas ng bahay para magkasabay kami ay nag-uumapaw na sa tuwa ng puso ko. Sa tuwing hinihintay niya ako sa labas ng library para sabay kami magtanghalian ay iba ang t***k ng puso ko. I feel different, he made me feel special. He is caring and damn I'm falling hard. Hindi ko na maikakailang hulog na ako sa kanya. Na palaging presensya niya ang hinahanap ko, na sa tuwing hindi ko siya makita ay sobra sobra na ang galit at inis ko, na pag nakikita ko siyang may tinutulungang ibang babae ay nag-aalab sa selos ang puso ko. I hate feeling jealous, nagiging madilim ang paningin ko sa mga kababaihang lumalapit sa kanya. Alam ko kung ano ang gusto nila, babae din ako at alam ko ang ginagawa nila. They want to get his attention, they want to fling with him which I don't like. Alam ko ang mga ginagawa ni Ranniel, at alam niya kung paano ako magalit. I remember what happened last day. Masaya akong pumasok sa classroom namin, katatapos ko palang magbanyo gusto sana akong samahan ni Ranniel pero pinigilan ko. Nang makapasok halos pulutin ko ang suot kong sandals para ipukpok sa ulo ng malandi kong classmate. Paano ba naman kasi, halos ilabas na niya ang dibdib sa kay Ranniel na seryosong nagtuturo sa malanding iyon. Nag-iba ang anyo ng mukha ko nang makitang mas lalong idikit ng babae ang dibdib sa braso ni Ranniel. f**k that's mine! Padabog akong naglakad pabalik sa upuan ko, naagaw ko naman agad ang atensyon nilang dalawa, ang mata ni Ranniel ay derektang tumama sa akin. It was serious but I'm mad. Inayos ko ang suot na palda sabay upo, hindi ko siya tinapunan ng tingin na kahit ang mata niya ay nasa akin. "Baby what's wrong?" Bulong niya. Nanindig ang balahibo ko sa klase ng boses niya. Halos mapapikit ako sa husky niyang boses mabuti nalang at mga busy ang classmate ko kaya hindi nila nakita ang ginawa niya. Hindi ko siya tinignan at binalewala ang bulong niya. I told you not to teach girls but you didn't listen. Nakita ko ang pagbigay ng notebook niya sa babaeng malandi. Manigas ka Ranniel Costiño, sabi ko ay wag kang magtuturo sa mga babae tapos sinuway mo ako. Umalis naman ang babae na hinimas pa ang braso ni Ranniel bago tuluyang nawala. f**k kumukulo ang dugo ko dahil sa babaeng yun, how dare her to touch mine. Naramdaman ko naman ang kamay niya na unti-unting lumulusot sa upuan ko papuntang baywang ko. s**t what is he doing? Baka makita kami dahil sa ginagawa niya. Nang tuluyan ko nang maramdaman ang mainit niyang palad sa baywang ko ay halos maubusan ako ng hangin dahil sa kakaibang sensayong binibigay nun. "Baby look at me," He whisper again. No way, sinuway mo ako kaya magdusa ka. Hindi ako nagpadala sa ginagawa niyang paglalambing. Hanggang sa matapos kami sa morning subject namin ay hindi ko siya pinansin, alam kong nauubusan na siya ng pasensya pero masyado akong galit sa kanya. Hanggang sa uwian ay hindi ko siya pinansin, nauna akong lumabas ng room namin at walang lingon lingon na naglakad paalis. Nang makalabas ako ng gate, agad namang may bike na tumambad sa harap ko. Seryoso ang mukha niya habang nakatitig sa akin, hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at nanatiling nakatitig sa kanya. I know he is waiting for me to come over to the bike but I won't. Mas lalong sumeryoso ang mukha niya at sumabay pa ang pag igting ng panga niya. "Sakay Exaltacion Lorella. Don't try me damn," Galit niyang sabi. Napahinga ako ng malalim bago inis na umangkas sa bike niya. Nang makasakay agad siyang nagpidal kaya yumakap na ako sa baywang niya. Mabilis ang pag andar ng bike kaya ilang oras lang ang ginugol namin ng makarating kami sa apartment niya. Wala akong ingay na bumaba sa bike, nang matapos niyang mai-parke ay agad siyang naglakad papunta sa akin. Napaatras pa ako dahil sa matalim at seryoso niyang mata. Agad niyang pinagsiklop ang kamay namin at naglakad papasok ng apartment niya. He turn on the lights, nang lumiwanag ang buong bahay bigla niya akong pinaupo sa couch. Gulat na gulat ako dahil sa biglaan niyang pagpaupo sa akin. Seryoso siyang tumitig sa akin at umupo sa gilid ko. Nilagay niya ang braso sa likod ko pagkatapos ay tumingin ulit sa akin. "What is your problem? Kanina pa ako tanong ng tanong sayo. What now Lorella?" Seryoso niyang tanong. I sighed before looking at him. Nanghina ang katawan ko ng makita ang umiigting niyang panga, ang mata'y seryoso. "Diba ang sabi ko sayo ay wag kang magtuturo sa mga babae, they take advantage Delbrose Ranniel. Are you blind?" Asik ko. Biglang tumaas ang kilay niya sabay sa paglabas ng ngisi sa labi. Heto ang ayaw ko sa tuwing nagagalit ako sa kanya, everytime I told him my reason he just smirked and happy. "I'm sorry baby, bigla lang kasi siyang lumapit sa akin kanina. Damn I'm sorry, it won't happen again," Bulong niya. Inirapan ko lang siya bago ngumuso. Narinig ko ang tawa niya kaya mas lalo akong nainis. Inabot niya ang mukha ko at pinagharap sa kanya, he kissed me on my forehead before hug me tight. "Sorry baby," He whisper. See? He is sweet and gentlemen. Kapag galit ako, nagso-sorry siya at kapag kasalanan ko naman siya parin ang nagpapakumbaba. Ayaw niyang umuwi ako na galit sa kanya, they want us talk about it. Tahimik akong nakatitig sa cellphone ko, kanina pa ako naghihintay sa mensahe niya ngunit wala pang dumadating. Ang sabi niya sa akin kagabi ay hintayin ko daw ang text niya. Sabado ng araw ngayon at nandito lang ako sa kwarto ko kaya sobrang boring na. Asan kaya siya? Bakit hanggang ngayon hindi pa siya nagti-text sa akin? Masyado na akong na-attached sa kanya, ultimo pagsinabi niyang magti-text siya ay hihintayin ko. Is this healthy? Inis akong tumayo ng kama ko at nagpalakad-lakad pabalik sa harap ng salamin. Napahinto lang ako ng biglang tumunog ang cellphone ko hudyat na may dumating na text. Napangiti ako sa tuwa dahil sa wakas ay nagtext na siya. Lumakad ako palapit sa night table ko tsaka inabot na may ngiti ang cellphone ko ngunit agad nawala ang ngiti ko ng bumungad sa akin ang pangalan ni Arvelon. What the f**k? Akala ko si Ranniel na. Napairap ako sa inis dahil sa maling akala. I opened his text. Arvelon: Wanna date with me bebe ko? I'm bored. Napaisip ako sa alok sa akin ng isang to. Kanina pa ako naghihintay sa text ni Ranniel na wala yatang balak na magparamdam. Kanina pa din ako bored dito kaya kung tatanggapin ko ang alok ni Arvelon ay siguradong mawawala ito. Bahala na nga, kasalanan niya naman kung bakit hindi siya nagparamdam sa akin. Nireplayan ko si Arvelon na maghintay nalang siya sa baba, naligo ako pagkatapos ay sinuot ko ang isang crop top na hello Kitty na pinaresan ng short shorts. This perfectly look good at me. I put dark lipstick then light make-up. Dahil maganda naman ako kaya hindi na kailangan ng makakapal na kolorete. Nilagay ko sa bag ang cellphone at lumabas na ng kwarto ko. Mom and Dad isn't home, nasa Palawan sila dahil sa isang business convention. Nagpaalam ako kay Manang pagkatapos ay lumabas na nang bahay. Pagkabukas ko ng gate, akala ko si Arvelon na ang naghihintay sa akin ngunit isang seryoso at pagod na mata ang nakatitig sa akin ngayon. Kinilabutan ako sa klase ng mata niya. s**t! Naka jacket siya na may hood at naka tsinelas lang. Nanginginig din ang katawan niya at hindi ko alam kung bakit. What happened to him? "W-where are you going baby?" Paos ang boses niya. Napatitig ako sa mukha niya, walang kulay ang labi at namumutla pa ang mukha. Sinarado ko ang gate tsaka bumaba para makalapit sa kanya. Agad kong hinimas ang noo niya, mainit at alam kong lagnat iyon. Naramdaman ko ang braso niya na pumulupot sa baywang ko. Nasa akin parin ang pagod niyang mata. "You have flu. Ano bang ginawa mo at bakit ka nagkasakit?" Seryoso kong tanong. Pumikit siya pagkatapos huminga ng malalim. Hindi siya sumagot, kaya hindi ko nalang pinilit. Pumungay ang mata niya tsaka inabot ang noo ko para halikan. Kahit may sakit na talagang hindi niya nakakalimutan ang paghalik sa noo ko. "Let's go to your apartment. Hindi na muna ako makikipag date kay Arvelon." Sabi ko. Nagulat ako ng biglang dumiin ang pagkaka-pulupot ng braso niya sa baywang ko. Para bang nagalit siya sa sinabi ko. Tumingin ako sa mga mata niya, sumilay sa akin ang galit at pagod niyang mata bago nanghihinang yumakap sa akin. Napahinga nalang ako bago sinakay siya sa kotse. Kailangan ko siyang alagaan, hindi na muna ako lalabas. I won't leave this man, never. Nang makarating kami sa apartment niya, bigat na bigat akong tinayo siya at nilagay sa balikat ko ang braso niya. He is heavy! Binuksan ko ang pinto gamit ang susi niya na nasa akin. Binigyan niya kasi ako ng sariling susi ng apartment niya kaya kahit wala siya ay pumupunta ako dito para maghintay sa kanya. Pagod kong hiniga siya sa kama, inalis ko din ang tsinelas niya. I sighed hard. Hindi madali ang magdala ng lalaki. Tinignan ko ang oras sa wall clock niya, alas dos palang ng hapon kaya may oras pa ako para alagaan siya. Lumapit ako sa kanya, I unzipped his jacket. Tinanggal ko iyon para sumingaw ang init mula sa katawan niya. Mabuti nalang at hindi siya mabahong lalaki, kung di baka kanina pa ako tumakbo palayo sa kanya. Nakasuot lang pala siya ng sando kaya nilalamig ang katawan niya.  Kumuha ako ng bimpo sa drawer niya, pinunasan ko mula ulo hanggang balikat niya ang pawis. s**t kahit may lagnat ang hot parin niya, yung biceps niya ang sarap himasin. Pinakatitigan ko ang mukha niya, hindi ko talaga maikakailang gwapo siya. He has this perfectly jaw, a straight and pointed nose and long eyelashes with this mold under his eyes. Ang labi ay mapula na kahit hindi lagyan ng lipstick, ang pisnge ay sumakto lang sa mukha niya. Napapikit ako bago nagpatuloy sa pagpunas sa kanya. Nang matapos ay kumuha ako ng isang t-shirt para palitan ang sando niya. Umupo ako sa kama, dinampi ko ang palad sa pisnge niya para gisingin siya. Unti-unti namang bumukas ang mga mata niya at sa akin ang tingin. "Kailangan mong magpalit ng damit. Ako o ikaw nalang ang maghuhubad ng sando mo?" Tanong ko. He smiled before reaching my hand. I was shocked because of what he did. Damn don't try me Ranniel, marupok ako. "Undress me baby," Husky voice. Napahinga nalang ako bago tumayo. Tinaas ko ang sando papuntang ulo niya nang mahubad ko ay tumambad na naman sa akin ang tatlo niyang nunal sa dibdib. Sakto lang ang abs niya, hindi katulad sa mga nakikita ko sa telebesyon na over na sa abs ang katawan. Nanginginig na kinuha ko ang bimpo tsaka pinahid ang pawis niya sa dibdib pababa sa tyan. I heard his groaned, pag bumaba sa tiyan niya ay napapaungol siya. s**t stop doing it! Pagkatapos kong punasan ang buong katawan niya, sinuot ko na ang t-shirt sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin habang inaayos ang damit niya. "Gagawa lang ako ng lucky me, for sure iyan lang ang meron ka sa cupboard mo." Sabi ko. Napangiti lang siya kaya tumayo na ako. Pag nandito ako, tanging lucky me lang ang nakakain ko dahil iyon lang ang meron siya dito. Well nasanay naman na ako dahil palagi akong dumi-deretso dito sa apartment niya. Pagkatapos kong maluto ang noodles sa mangkok, nilagay ko na ang pampalasa nito. Ilang oras lang ay luto na kaya kumuha ako ng kutsara at bumalik na ako sa kanya. Tahimik lang siya habang hinihintay ang pagbalik ko. Umupo ulit ako, nilagay ko muna sa side table niya ang mangkok bago siya itayo at ipasandig sa board ng kama niya. Sinimulan ko nang pakainin siya. Nung una ayaw niya pero nung makita niya ang mata ko ay napapasubo nalang siya. Nang matapos, kumuha ako ng gamot sa medicine kit niya. Binuksan ko ito at nilagay sa bibig niya. "Wag ka munang humiga, kailangan bumaba ang kinain mo para hindi masuka." Seryoso lang ang boses ko. Inabot niya ang kamay ko bago pinagsiklop. Nasa akin ang mapungay niyang mata,  magulo ang buhok niya kaya kinuha ko ang suklay sa bag ko at sinuklayan ang buhok niya. "Thank you. Sorry hindi kita na-text, hindi ko talaga kayang gumamit ng cellphone pag may lagnat ako." Paos niyang sabi. I nodded then smiled at him. "Okay lang Ranniel..." "Wag ka munang umuwi ngayon, alam ko na pag matapos ka dito lalabas kayo ng lalaki yun." Galit ang tono niya. Napataas ang kilay ko dahil sa demand niya. What's wrong of going out with other man? "Bakit naman hindi pwede Ranniel?" Tanong ko. Dumilim ang mata niya at mas lalong humigpit ang pagkakasiklop ng kamay namin. "Nagseselos ako baby....can you stay with me?" Napatahimik ako, s**t biglang bumilis ang t***k ng puso ko. I can't take his eyes, punong puno iyon ng mensahe. "Bakit ba Ranniel? Ano bang meron sa atin?" Tanong ko ulit. Mas lalong pumantay ang kilay niya. I heard his cursing. "f**k baby mahal kita at ayokong nakikita kang masaya sa iba. I want you to be mine, please akin lang." Mahina niyang sagot. Napangiti ako. This man make me crazy, kahit may lagnat na nagagawa niya paring mapatigil ang mundo ko. I can't believe, I've fall with my enemy. I can't believe, I've fallen hard to him. Mahal na din naman kita baby, kaso mangligaw ka muna. Humiga na ulit siya at tumalikod sa akin. Nagtampo dahil hindi ko nasagot ang sinabi niya. Hot tempered talaga siya, gusto laging may makuhang sagot. "We will together baby..." Bulong ko. He stiffened. Humarap ulit siya sa akin na may gulat sa mata. Hindi makapaniwala sa sinabi ko. Napangiti nalang sabay yakap sa baywang ko.  -- Alexxtott
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD