Friendship Never Dies
"FRIENDSHIP GROWS, TRUE FRIENDS LAST LONG AND MEMORIES ARE FOREVER."
[March 31, 2014]
Kriiing...Kriiing...
.
Inabot ko ang phone ko na nasa table at tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Vane (as in VA-NE not veyn) isa sa kaibigan ko.
.
Me: Hello?
Vane: Uy Demi, bangon ka na. On the way na kami jan ni Mer-mer.
Me: Kanina pa ko gising.
Vane: Sige. Malapit na kami.
.
End call.
.
First day ng Summer break namin ngayon at kata-tapos lang ng pagiging 3rd year college student namin, so graduating na kami this coming next school year.
.
8:30 na ng umaga at may gala kami ng mga bestfriends ko kaya dumiretso na ako sa CR para magtooth brush at maligo pagkatapos ay nagbihis na ako at nag ayos.
.
Beep. Beep.
.
Kotse na ni Vane yan. Andito na sila.
.
---
V&M: Good Morning po tita! ??
Mama: Hello, Good Morning! San gala niyo ngayon?
Vane: Sa mall lang po tita. Magwi-window shopping lang po.
Mer-mer: Magwi-window shopping o magsa-sight seeing? Hahaha
Vane: Uy, hindi ahh Hahaha
Mama: Hmm sige, umuwi ng maaga at laging mag-iingat. Okay?
V&M: Opo tita, ingat rin po kayo ??
.
Lumabas na ako sa kwarto ko pagkatapos kong nag-ayos.
.
Me: Ma, alis kna?
Mama: Oo anak, may pera ka pa ba?
Me: May 1k pa naman ako ma.
Mama: O sige, pasok na ko sa work. Ingat kayo at umuwing maaga.
Me: Sige po ma, ingat ka din.
.
Mer-mer: Oh ano, taralets na ba?
Me: Wait lang, san ba punta natin?
Vane: Sa mall lang tayo, manonood ng movie
Me: Sige tara na
---
(At the Mall)
.
Mer-Mer: Breakfast muna tayo
Me: Sige tara, gutom na rin ako.
Vane: Sa Jollibee na tayo kumain.
Me & M: Sige.
Vane: Ano order niyo?
Mer-mer: Yung dati.
Vane: Sige.
.
Vane:(To cashier) Miss, tatlong Yum burger, tatlong fries at tatlong pineapple juice"
Cashier: Dine in po ba maam?
Vane: opo
Me: Vane hanap lang kami ng mau-upuan
Vane: Sige sige
---
Mer-mer: Yan na ang pagkain, gutom na ko
Me: Hindi rin ba kayo nagbreakfast?
Mer-mer: hay naku, hindi pa, sinundo ako ni vane sa bahay, ng pagka-aga-aga.
Vane: para mas marami tayong magawa, tsaka sulitin na natin ngayon tong bakasyon natin at last summer break na natin to. After graduation natin puro work na lang tayo.
Me: Oo nga noh. 1 year na lang ga-graduate na tayo. Ang bilis ng panahon.
Mer-mer: basta sabay sabay tayo ga-graduate, sabay sabay din tayong magha-hanap ng work. ??
Vane: True! Kaya sulitin na natin tong bakasyon na to.
---
After namin kumain, nag Cr na muna kami at nagretouch. Bakasyon ng mga estudyante ngayon kaya maraming tao sa mall. Medyo mahaba ang pila sa Cr. Pati na rin sa sinehan. Mag 10:30 am na kaya ang pinili na naming movie ay pang 11:30. May 1 hour pa kaming gumala. Pumasok na muna kami sa National Bookstore at nagtingin tingin ng mga libro. Habang nag iikot ako, nahawi ng mga mata ko ang isang libro na may title na...
.
Me: "FAKE LIFE. FAKE DEATH."
Mer-mer: Hmm, parang naka-katakot naman yang basahin.
.
Hindi ko namalayan, nasa tabi ko na pala sina Vane at Mer.
Nakaplastic wrap yung libro kaya hnd ko mabasa kung saan ba tungkol ang libro na yun?
.
Vane: gusto mo ba yan? Bilhin ko para sayo?
.
Si vane nga pala ang pinaka-mayaman saming tatlo. Parehas na nurse ang parents niya sa Canada at may residency na rin sila dun since 10 years na silang nagwo-work dun at ang nagi-isang kapatid niya na si ate Vanesa ay nagwo-work naman sa US at kaka-one year niya lang din dun after niya grumaduate ng college last year. Vanellope Cruz Mendoza, 19 y/o, bunsong anak. Mag-asawang katulong ang kasama niya sa bahay nila, si yaya May at manong Isko na driver din niya. Kaya naka-kalabas siya ng bahay nila kahit anong oras niya gusto. Siya ang matapang at palaban saming tatlo.
.
Mer-mer: Huwag yan! Marami namang love story dito. Tsaka, Title pa lang niyan, nakakatakot na.
.
Si Mer/Mer-mer ang panganay sa kanilang tatlong magka-kapatid, kambal ang bunso nila at incoming 2nd yr college na rin sila Maki at Miko. Mata-talino silang magka-kapatid, lawyer ang tatay at teacher naman ang nanay nila. Dean's lister si mer-mer pero never kaming nangopya ni Vane sa kanya dahil pare-parehas kaming Dean's Lister. Single kami ngayon pero ako lang ang NBSB . By the way, Merida Juan Apostol ang real name niya, 19 y/o. Ang mata-takutin at spokesperson saming tatlo.
.
Vane: Ano, bilhin ko ba?
Me: Wag na. Di ko rin lang yan mababasa at puro gala lang ang gagawin natin ngayon.
Mer-mer: speaking of gala. Gusto niyo sumama samin next week sa Paradise resort, birthday nung kambal.
Vane: Oo naman, kelan naman kami tumanggi ni Demi. Diba.
Me: Oo nga Mer at alam ko namang ina-abangan at gusto lang naman makita ni Vane ung pinsan mong si Carlo.
.
Sabay tawa kami ni Mer. Kaya yung mga malapit lang na tao sa paligid namin napatingin samin at napayuko kaming tatlo dahil sa hiya.
.
Vane: Uy, tumahimik nga kayo. Ang daming nakatingin satin.
Me: Tara, labas na tayo.
.
At lumabas na kami ng bookstore na pigil ang tawa. ??
.
Mer-mer: Ano ba yan! Nakakahiya. Hahaha.
Vane: Kasi kayo. Inaasar niyo ko. Hahaha
Me: Tanong ko lang vane. Naka move on ka na ba sa kanya? Kelan lang nung nasa kotse mo tayo at kinu-kwento mo kung paano ka ligawan ni Carlo na halos mabasag lahat ng salamin sa kotse mo dahil sa kilig mo at paghiyaw-hiyaw mo tapos after 6 months nag away kayo tapos nag break at dun din mismo sa kotse mo binuhos lahat ng sakit na nararamdaman mo.
Vane: Wow! Tandang tanda mo pa ha!
Me: Syempre! Ako pa!
Mer-mer: 1 month and 2 weeks pa lang kayong break kaya hnd ka pa nakaka-move on.
Vane: Wow! Sure na sure ah.
Me: Wow ka ng wow jan! So ano nga ang totoo at nag-aya ka ngayon at sobrang aga mo pa kami sinundo? Para ba maka-move on?
Vane: Oo na! Sige na! Nalaman ko kasi na...
Mer-mer: Na pupunta sina Carlo at mga ka-team mates niya ngayon dto sa Mall.
Me: Huh?
Mer-mer: Tama ako diba?
.
Tumingin ako kay Vane.
.
Mer-mer: Nakita ko kasi sa post ng isang ka-team mate ni Carlo sa f*******: na magpapa-print daw sila ng bagong basketball jersey nila.
.
Alam namin ni Mer-mer na mahal na mahal pa niya si Carlo kahit hindi niya sinasabi samin.
.
Me: Vane?
.
Napa buntong hininga na lang si vane.
.
Vane: Tara na sa sinehan. Bili na rin tayo ng snacks.
.
Nagka-tinginan naman kami ni mer-mer na para bang naguilty kami sa mga nasabi namin.
.
---
After namin manood ng movie.
Dumiretso na kami sa food court para mag lunch. 12:30 na rin. Medyo maraming tao kaya si Vane ang nag order ng pagkain at si Mer naman sa drinks. Ako naman ang naghanap ng mau-upuan. Nakita kong paalis na ung magba-barkada sa isang table, lumapit ako sa kanila at nagtanong kung tapos na sila at sakto naman ang dating ko at paalis na nga sila kaya naupo na ako at siya ring lapit ng crew na nasa tabi lang din para ligpitin ang mga pinagkainan na nasa table. After 20 mins, nandiyan na rin sina vane at mer.
.
Mer-mer: Hays! Grabe sobrang dami ng tao.
Vane: kaya nga! Sobrang gutom na rin ako!
Me: Ako rin!
.
Halos wala kaming kibuan habang kumakain. At maingay din ang paligid sa dami ng tao.
After namin kumain, kanya kanyang hawak at scroll naman sa cellphone.
.
Mer-mer: Vane, Si carlo oh.
.
Sabay turo kay Carlo. Napa tingin kami ni vane sa kung saan tinuturo ni mer-mer.
Nakita namin si Carlo na may kausap na babae at kung hindi ako nagkakamali ay si...
.
Me: diba si Jessa yun, yung classmate ni carlo?
.
Si Jessa na pinagselosan niya noon, at siya ring dahilan kung bakit sila nag-break ni Carlo.
.
Vane: Tara na!
.
Napa tayo na lang kami bigla ni mer-mer at sinundan namin si Vane papuntang CR. Nagma-madaling pumasok si Vane sa loob ng cubicle. Naiwan kami ni Mer-mer sa harap ng salamin. Tahimik lang kaming dalawa, hini-hintay na lumabas si Vane. After 10 mins lumabas na siya na makikita mo sa mga mata niyang katatapos lang umiyak.
.
Me: Vane?
Vane: Grabe ang sakit ng nakita ko.
.
Kitang kita sa mga mata niya ang lungkot na nararamdaman niya. Pangatlong boyfriend ni Vane si Carlo at siya lang ang tanging sineryoso ni Vane kumapara sa dalawang nauna niyang naka-relasyon. Electrical Engineering ang course nila Carlo at Jessa, graduating na din sila this next school year at magka-grupo silang dalawa sa Thesis nila kaya lagi silang magkasamang dalawa at iba pang mga tatlong kagrupo nila. Laging magka usap sa cellphone sina Carlo at Jessa at pag nahuhuli ni Vane silang magka-usap, ang dahilan lagi ni Carlo ay about sa thesis nila pero nakikita daw ni Vane ang sweet messages ni Jessa kay Carlo kaya hindi na maiwasan ni Vane na magselos. Hanggang sa nagBreak na sila the day after ng 6th monthsary nila.
.
Vane: Tara na.
Mer-mer: San tayo?
Vane: sa department store.
.
---
Habang namimili kami ng mga damit, nakita kong papalapit samin si Carlo.
.
Me: Vane, si Carlo.
.
Napatingin naman si Vane kay Carlo na papalapit samin. Tumalikod si Vane kay Carlo at lumayo samin pero sinundan ni Carlo si Vane at hinawakan ang braso niya para pigilan siya. Hindi na kami sumunod ni Mer-mer, pero natatanaw lang namin sila. Ina-abangan namin kung anong susunod na mangyayari.
5 mins lang silang nag usap at tinalikuran na ni Vane si Carlo at hindi na sumunod pa si Carlo kay vane. Kaya sumunod na kami ni Mer-mer kay Vane.
.
---
Nasa isang Milktea Shop kami ngayon para tumambay.
Kitang kita namin ni Mer-mer ang lungkot ng mukha ni Vane.
.
Me: Vane? Gusto mo punta na lang tayo sa ibang Mall?
Vane: Sorry sa inyong dalawa. Sorry kasi imbes na nage-enjoy tayo ngayon kaso...
Me: Ano ka ba Vane. Kaibigan ka namin at hindi ka namin papabayaan.
Vane: Niyaya ko kayo dito kasi gusto kong makita na may magandang dahilan ako para makapag move on at may mapatunayan sa sarili ko na hindi worth it na umasang may isa pang chance na magkabalikan kami.
Mer: Alam mo ba na kasama rin ngayon ni Carlo si Jessa?
.
Kitang kita sa mga mata niya ang mga nangingilid na mga luha na gusto ng kumawala. Tumango lang si Vane bilang sagot sa tanong ni Mer-mer.
.
Vane: Nung nakita ko silang mag-kasama. Alam ko na ngayon na kailangan ko ng tanggapin.
.
At ang kaninang nangingilid na mga luha ay tumulo na ng kusa sa kanyang mga pisngi.
.
Vane: Na wala na talaga kaming chance.
.
At patuloy pa rin siya sa pag iyak.
.
Vane: Na tapos na.
.
Mahigit isang oras din kaming nakatambay sa Milktea Shop. 3pm na rin kaya naisipan naming maglakad lakad sa Mall at nagdecide na mag arcade.
.
---
Isang oras din kami sa arcade at kahit papano tumatawa na si Vane.
.
Me: 4:30 pm na
Mer-mer: Uwi na tayo?
Vane: Tara at baka ma-Traffic pa tayo.
.
Dumiretso na kaming parking area, sumusunod lang kami ni Mer-mer kay Vane ng makita namin ang ka-team mates ni Carlo sa di kalayuan. Nang biglang lumapit sa kanila si Carlo galing sa loob ng Mall at sumusunod din sa kanya si Jessa. Rinig na rinig namin ang kantyawan ng mga ka-team mates ni Carlo ng biglang isa sa kanila ay nakita at tinuro kami. Napalingon samin si Carlo. Umiwas na ng tingin si Vane at patuloy na nagla-lakad na para bang wala siyang nakita at sumakay sa kotse. Sumunod na din kami ni Mer-mer. Sa passenger seat umupo si Mer-mer at sa likod naman ako.
.
Pag sakay ko ng kotse, lumingon ako kina Carlo at kitang kita ko na parang gustong lumapit ni Carlo pero pina-andar na ni Vane ang kotse kaya napa-atras si Carlo. Kitang kita ko rin na sinu-sulyapan ni Vane si Carlo sa side mirror ng kotse pero patuloy pa rin siya sa pagda-Drive hanggang sa makalayo na kami ng mall.
.
Ang bigat sa pakiramdam ng makita silang ganun. Malalaman at makikita mo naman sa dalawang tao kapag mahal na mahal nila ang isa't isa. Pero hindi lang talaga sila para sa isa't isa.
.
Mer-mer: OMG! Traffic!
Vane: Tawagan niyo muna mama niyo para alam nilang male-late kayo ng uwi.
Mer-Mer: Sige.
.
Na-dial ko na number ni mama sa phone ko at habang nagri-ring sa kabilang linya nadaganan ko ang bag ko na nasa tabi ko lang at may narinig ako na parang nag-c***k. Nang buksan ko ang bag ko at hinanap kung anong bagay ang nasira ay siya ring pagsagot ni mama sa tawag ko na ikinabigla ko ng maramdaman kong may tumusok sa daliri ko...
.
Me: Aray!
.
Lumingon sakin sina Vane at Mer-mer.
.
Mer-mer: Halla! Dumudugo daliri mo.
.
Inabot ni Vane sakin ang tissue.
.
Mama: Oh anak, bakit? Anong nangyayari jan?
Me: wala lang to ma, nasugatan lang daliri ko.
.
Nang makita ko ang maliit na salamin ko na nabasag ang siyang dahilan kung bakit ako nasugatan. Nagkalat sa bag ko ang mga maliliit na bubog.
.
Mama: Pano ka nasugat?
Me: Nabasag ung salamin ko ma. Nadaganan ko kasi bag ko kanina.
Mama: Akala ko kung ano na.
Me: Ma, male-late kami ng uwi. Naabutan kasi namin ang traffic.
Mama: Sige sige, pauwi na rin ako. Ingat kayo.
Me: sige po ma. Ba-bye.
.
After namin mag-usap ni mama ay inalis ko na muna ang mga gamit sa bag ko para matanggal ang mga maliliit na bubog sa bag ko at inilagay sa plastic. Pero naramdaman kong kumirot ang puso ko at bigla akong kinabahan.
.
Me: Alam niyo, parang may hindi ata magandang mangyayari ngayon?
Mer-mer: Huh? Bakit naman? Pagabi na tsaka pauwi na tayo. Wag kang nagi-isip ng ganyan Demi.
.
Ayaw na ayaw ni Mer-mer na pinag-uusapan ang mga naka-katakot na bagay. Pero nung oras na yun hindi ko maiwasang kabahan.
.
Vane: Dahil ba sa nabasag yung salamin mo?
Mer-mer: Tama na nga yan!
.
Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko. Kaya nag dasal na lang ako ng tahimik.
.
Vane: Oh ayan, medyo lumuwag na ang traffic.
.
Unti-unti ng guma-galaw ang mga sasakyan at dire-diretso na rin ang andar namin.
.
Habang nasa byahe, hindi ko maiwasan lumingon lingon sa paligid, sa bawat dinaraanan namin.
.
Paliko na kami sa isang kanto at sa kanto na yun ay walang street lights kaya dahan-dahan lang ang pagda-drive ni Vans ng biglang may naaninag kaming ilaw sa harapan namin at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang papalapit na isang truck.....at biglang.....
.
*KA-BLAAAG!!!*
.
---
Pinilit kong minulat ang mga mata ko. Nahihilo ako, sobrang blurred ng paningin ko, ang sakit ng ulo ko, ang sakit ng katawan ko. Ang bilis ng mga pangyayari.
.
Naririnig ko ang mga sigaw ng mga tao sa paligid. Pinilit kong inangat ang ulo ko para tingnan sina Vane at Mer-mer, nakita kong parehas silang naka yuko at bagsak ang ulo sa harapan ng sasakyan. Hindi rin nagtagal ay bumagsak na rin ang ulo ko at napapikit.
.
Narinig kong may bumukas ng pintuan ng kotse.
.
Naririnig kong sumisigaw ang isang lalake....pero hindi ko maintindihan ang kanyang sinasabi dahil para akong nabibingi sa sakit ng ulo ko...gusto kong bumangon at kausapin ang lalaki para humingi ng tulong pero hindi ko kaya...
.
Hindi ko na kayang bumangon pa...at hirap na hirap na rin akong huminga...
.
Ang bilis ng t***k ng puso ko...
.
Sa kalagitnaan ng paghabol ng hininga ko may biglang nag-angat sa aking ulo at...
.
Kusa akong napabangon...
.
Naibangon ko ang katawan ko na para bang walang nangyari...
.
Biglang gumaan ang pakiramdam ko at wala rin akong nararamdaman na kahit anong sakit...
.
Ilang segundo lang akong naka-upo at nang maisipan kong lumabas ng kotse para humingi ng tulong...
.
Pagka-labas ko ng kotse ay may dumating na rin na mga pulis kasunod ang dalawang ambulansya...
.
Gumaan ang pakiramdam ko dahil alam kong may tutulong na samin.
.
Tahimik lang ako ng mga oras na tinitingnan at sinusubaybayan ang bawat kilos ng mga rescuers habang inaalis at binubuhat ang mga kaibigan ko...
.
Nang may sumigaw na isang lalaki at sinabing...
.
"Sir!.. Sir!..
"May isa pa!"
"Dito sa likod!"
.
Laking gulat ko nang marinig ko ang sinigaw ng lalaki.
.
Bumilis ang t***k ng puso ko...Hindi ako makagalaw...
.
Pinilit kong hinakbang ang aking mga paa para lumapit at tingnan kung saan ako naka-upo kanina.
.
Nang biglang bumagal ang takbo ng paligid ko nung nakita kong binubuhat ang katawan ng isang babae...
.
ANG KATAWAN KO!
.
Hindi ko maipaliwanang ang mga nakikita ko pero...BAKIT?....PAANO?
.
Nakalabas ako kanina! Nandito ako nakatayo!
.
Pilit kong ini-isip. Kung anong nangyayari sakin.
.
Biglang bumagsak ang aking katawan at Napa-upo na lang ako sa sahig ng kalsada at napaiyak sa aking nakita.
.
Ilang minuto akong naka upo at umiiyak sa gilid ng kalsada.
.
Diko namalayang naka-alis na pala ang ambulansya.
.
May mga pulis na ring nagsi-datingan.
.
Naririnig ko ang kanilang mga pinag-uusapan.
.
Nalaman kong isang delivery truck ang nakabangga samin nung oras na liliko na kami sa isang madalim na kanto. Nawalan ng preno ang delivery truck kaya bumangga sa kotseng sinasakyan namin. Narinig ko rin kung saang ospital dinala ang aking mga kaibigan. Kaya pinilit kong tinayo ang aking sarili para puntahan ang ospital na tinutukoy nila.
.
Tulala pa rin ako sa mga nangyayari, paisa-isa ang aking pag-hakbang nang biglang...
.
Parang nagi-iba ang aking pakiramdam...para bang ako'y lumulutang...
.
Parang gumaan ang aking katawan...
.
Nang biglang...
.
---