Bumagsak ako sa sahig!
.
Nagtataka ako sa kung anong nangyayari.
.
Tiningnan ko aking paligid.
.
Nasa ibang lugar na ako.
.
Nakita ko ang mga taong palakad lakad.
May mga nurse at doktor.
At kung hindi ako nagkakamali ay nasa isang ospital ako.
Hindi ko maipaliwanang kung paano ako nakarating sa ospital na ito.
.
Tumayo ako para tingnan kung anong ospital ito at laking gulat ko na ito ang tinutukoy ng mga pulis kanina kung saan dinala ang mga kaibigan ko.
.
Lumingon lingon ako sa paligid ko at natanaw ko sa di kalayuan ang mga nurses at mga doktor na aligaga sa paga-asikaso sa mga pasyente.
.
Lumapit ako at nakita ko si Vane.
.
Nakahiga sa kama at walang malay.
.
Nakita ko ang mukha niyang dugu-duguan at may mga bubog na nakabaon sa kanyang mukha.
.
Tumulo na lang bigla ang aking mga luha, bumilis ang t***k ng puso ko.
.
Humakbang pa ako papunta sa kabila at nakita ko si Mer-Mer na may malaking hiwa sa gilid ng kanyang kanang mukha at may mga bubog rin na nakabaon sa kanyang mukha at patuloy na umaagos ng paunti-unti ang mga dugo galing sa kanyang sugat.
.
Hindi ko na napigilang umiyak ng sobra. Sa bawat pag-iyak ko ay siya ring pag habol ko ng hininga ko. Biglang sumikip ang dibdib ko at narinig kong sumigaw ang isang nurse sa kabilang kama na katabi lang ni Mer-mer.
.
Biglang hinawi ng doktor ang kurtina na naghi-hiwalay sa kama ni Mer-mer at ang kama sa kabilang pasyente.
.
At nang makita ko ang suot suot ng pasyenteng nakahiga sa kabilang kama.
.
Ay nakita ko ang pamilyar na sapatos!
.
Ang pantalon na maong!
.
At ang white floral blouse na punong puno ng dugo!
.
At nakita ko rin!
.
Nakita ko ang aking mukha na dugu-duguan...may mga bubog ring nakabaon...pero ang naka-agaw pansin sakin ay ang basag na parte ng salamin na naka tusok sa balat ng kaliwang mata ko.
.
Nakita ko rin na may naka kabit na Neck brace sa leeg ko.
.
Huminto ako sa pag iyak ko.
.
Inalala ang mga oras bago ang aksidente.
.
Natatandaan kong naka-upo ako sa likod at tapat ni Vane na siyang nagda-drive ng kotse.
.
Nakita ko rin na may parte ng salamin na nakabaon sa kanang kamay ko sa bandang pulso na gina-gamot ng isang doktor.
.
Nung makita ko sina Vane at Mer-mer ay sobra akong nalungkot pero nung makita ko ang aking katawan.
.
Ang sarili kong katawan na walang malay.
.
Ay tanging takot lang ang nararamdaman ko.
.
Nata-takot ako na naki-kita ko ang sarili kong katawan.
.
Na walang malay.
.
Lumayo ako.
.
Sobrang bilis pa rin ng t***k ng puso ko.
.
---
Naka tayo lang ako sa gilid.
.
Pinagma-masdan ang katawan naming tatlo.
.
Naisip ko baka hindi lang ako ang nagi-isang ganito. Baka pati rin sina Vane at Mer-mer.
.
Pero bakit nasaan sila? Bakit wala sila? Bakit hindi ko sila kasama?
.
Anong gagawin ko? Kailangan ko ba silang hanapin?
.
Tulala lang ako sa tabi...kusang tumutulo ang mga luha ko...Bakit?....Bakit samin nangyari to?
.
Habang umiiyak ako sa gilid at nakayuko...biglang kumirot ang puso ko...napa-angat ako ng ulo at nakita ko si mama papalapit sa katawan ko.
.
Umiiyak siya...umiiyak ang mama ko!
.
Sobrang sakit sa pakiramdam na nakikitang umiiyak si Mama.
.
Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong sabihin na nandito lang ako sa tabi. Pero paano?.
.
Umiiyak na rin ako. Hindi ko mapigilang umiyak dahil nakikita kong umiiyak ang mama ko.
.
Nakikita ko kung paano siya umiyak.
.
Mahal na mahal kita mama.
.
Sorry kasi hindi ako naka uwi ng bahay.
.
Sorry at kailangan mo pa akong puntahan dito sa hospital.
.
Sorry mama! Sorryy!!!
.
---
Nasa isang room na kami ng hospital na pang anim na pasyente ang kayang i-accomodate, tatlo lang kaming pasyente sa room na yun at nagsidatingan na rin ang family ni Mer-mer, ang yaya at driver ni Vane.
.
Nagu-usap usap sila kasama si mama at dumating na din si tita Dana na kapatid ni mama kasama ang asawa niya.
.
At ako naman ay nasa tabi lang nila, binabantayan si mama at naki-kinig sa pinagu-usapan nila.
.
Labas pasok ang mga nurses at doktor sa room namin. Ina-abangan ko rin sina Vane at Mer-mer kung darating ba sila.
.
Tini-titigan ko lang si mama, pina-panood siya sa mga bawat galaw niya, sa bawat paghaplos niya sa braso ko nang biglang napatingin si mama sa machine na nasa tabi ng katawan ko.
.
Buma-bagal na pala ang heart rate ko...at biglang nag-flatten ang line sa machine.
.
Tinawag ni mama ang nurse, nagpa-panic na rin ang ibang nasa room at...nakikita ko ang katawan ko na nagha-habol hininga.
.
Napa atras si mama nang dumating ang mga nurses at doktor...nakita kong umiiyak na naman siya...Lumapit ako kay mama, sinubukan ko siyang hawakan pero tumatagos lang ang kamay ko sa katawan niya... wala akong magawa kundi umiyak sa tabi niya...nani-nikip na naman ang dibdib ko...patuloy lang ang mga nurses sa pag-CPR sa katawan ko...nasa tabi lang ako ni mama at bina-bantayan siya...dahil baka bigla siyang bumagsak sa kaka-iyak kahit alam kong wala akong kakayahan ngayon para hawakan siya.
.
After 3 minutes...tumunog ulit ang machine sa normal heart rate ko...tiningnan ko si mama...napa-buntong hininga siya habang umiiyak pa rin.
.
---
Pagkatapos ang nangyari kanina. Hindi na umalis si mama sa tabi ng kama ko. Pina-panood ko lang si mama. May oras na bigla na lang siya lumuluha. Pagkatapos ay pupunasan niya ang luha niya. Pipikit na lang siya sa sobrang sakit ng nararamdaman niya sabay hawak sa kamay ko. Habang pinagmamasdan ko siya ay napapa-iyak na rin ako sa sobrang sakit.
.
Sobrang sakit na nakikita kong umiiyak at nasasaktan si mama at ang pinaka masakit pa ay wala akong magawa.
.
Gustong gusto kong sabihin na nandito lang ako sa tabi niya.
.
Lumapit si tita Dana kay mama.
.
Tita Dana: Ate Diana, tubig oh.
Mama: Salamat.
Tita Dana: Ate, nagugutom ka ba?
Mama: Hindi.
Tita Dana: isang oras ka ng nasa tabi ni Demi, magwa-1 o'clock na rin ng madaling araw. Mag pahinga ka muna. Kami na muna ni Joel magba-bantay kay Demi.
Mama: okay lang ako.
.
Hindi ko maiwasang maawa kay mama, pinagmamasdan ko ang malungkot niyang mukha. Pati si Tita Dana ay naga-alala na rin kay mama.
.
Mama: Sabi ng doktor dahil sa Neck injury niya kaya biglang nawalan siya ng heart beat kanina.
.
Umiiyak na naman si mama habang nagsa-salita.
.
Mama: sobrang lakas daw nung pagkaka untog niya sa salamin. Kaya nagkaroon siya ng neck injury.
.
Hina-haplos lang ni Tita Dana ang braso ni mama habang umiiyak siya.
.
Umiiyak na naman ako...kumikirot na naman ang puso ko.
.
Mama: nung nawala ang papa niya. Kinailangan kong patatagin ang loob ko para kay Demi. Kay Demi ako kumukuha ng lakas ng loob ko para magpatuloy sa buhay. P...pe..pero ngayon.....hindi ko na alam k..ku..kung s..sa..saan a..ko huhugot ng lakas ng loob.
.
Tita Dana: Kaya ni Demi to ate. Lalaban siya. Magigising din siya ate. Magtiwala ka lang.
.
Nung narinig ko ang mga sinabi niya, ay para bang gusto kong gumawa ng paraan para makabalik at magising na ulit ako sa loob ng katawan ko.
.
Mama: Mag-isa lang siya na anak namin ni Arnel. Miracle baby namin siya dahil sabi ng doktor namin na malabo daw na magkakaroon kami ng anak. Dalawang beses akong nakunan. Pero nalaman namin ni arnel na 6 weeks na akong buntis pero mahina ang kapit ng bata. Kaya ginawa ko ang lahat ng pagi-ingat para lang mabuhay siya. Nagresign ako sa work ko noon. At nung 7 months na niya sa tiyan ko akala ko magkakaroon na naman ng problema kaya nagdasal kami ni Arnel ng nagdasal. Hanggang sa naipanganak ko siya ng normal delivery. Sobrang laking pasasalamat ko noon at biniyayaan kami ni Arnel ng magandang anak.
.
Nagulat ako sa mga sinabi ni mama. Hindi ko alam na ganun pala ang nangyari sa kanila ni papa.
.
Mama: Tinago namin ni Arnel ang katotohanan kay Demi kasi ayaw na naming balikan ang mga mapapait na nangyari samin. Ang gusto lang namin ni Arnel ay ang mga magagandang alaala para kay Demi. Ang gusto namin ay ang mapalaki siya ng tama.
.
Mama: Naalala ko tuloy si Arnel. Habang nasa ICU siya noon at naghihingalo na. Sinabi niya sakin na, magpakatatag ako at iwasan kong umiyak at malungkot sa harapan ni Demi. P..pe..ro nga..yon hindi ko na natupad yung huling bilin niya sakin. Ang hirap maging malakas kapag anak mo na ang nagdurusa. Ang hirap makita na anak mo na ang nasasaktan.
.
Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon sa mga narinig ko mula kay mama.
.
Nararamdaman kong parang may nakabara sa lalamunan ko at nahihirapan akong huminga. Umiiyak ako habang pinapanood ko rin si mama na umiiyak sa harapan ko.
.
---
Isang linggo na ang nakalipas mula nung maaksidente kami. Sa isang linggo na yun ay pinipilit kong bumalik sa katawan ko pero kusa akong bumabagsak sa sahig. Isang linggo na ring nagbabantay si mama sakin, ganun na din ang mga parents ni Mer-mer. Dumating na rin ang parents at ate ni Vane kahapon. Isang linggo na rin kaming comatose.
.
Nagu-usap usap lang ang mga parents namin nang biglang tinawag ni yaya May si Ate Vanessa.
.
Yaya May: Maam Vanessa! Tingnan niyo gumagalaw ung daliri ni Vane!
.
Lumapit ako pati na rin ang parents ni Vane.
.
Nakita naming gumalaw ang kamay niya.
.
At tinawag na ni yaya May ang nurse para i-check si Vane.
.
Pagkarating ng nurse ay naimulat na ni Vane ang kanyang mga mata.
.
---
Gising na si Vane. Pero hindi pa rin siya makapag salita ng maayos. Umiinom ng tubig pakonti-konti.
.
Unti-unti na niyang naa-alala ang lahat ng mga nangyari. Hagulgol din siya sa pag iyak kanina nang makita niyang walang kaming malay ni Mer-mer. Sorry din siya ng sorry sa Parents ni Mer-mer at kay mama.
.
Pero wala akong nakitang ano mang bakas ng galit sa mga mukha ng parents nila Mer-mer at Kay mama.
.
Masakit rin para sakin na makita si Vane na umiiyak. Naririnig ko rin sa mga bawat bulong niyang mga dasal na sana ay magising na kami ni Mer-mer. Unti-unti na rin niyang nababawi ang lakas mula sa aksidente.
.
---
Tatlong araw mula nung magising si Vane ay nagising na rin si Mer-mer.
.
Pumasok ang dalawang nurse sa room namin para i-check si Mer-mer. Walang ma-alala si Mer-mer sa mga nangyari. Nagkaroon siya ng temporary memory loss dahil sa traumang natamo niya mula sa aksidente.
.
Sa unang araw na nagising si Mer-mer ay hindi muna siya kina-usap ni Vane. Para na rin hindi siya mabigla.
.
Lumipas na rin ang tatlong araw ay unti-unti na ring lumalakas si Mer-mer at nagkaka usap na rin sila ni Vane. Sa bawat pagka usap ni Vane kay Mer-mer ay siya ring unti-unting pagbalik ng nawala niyang ala-ala. Nakita ko rin ang lungkot ni Mer-mer sa kanyang mukha at sa bawat pag iyak niya kasama si Vane. Masakit para sakin na panoorin silang umiiyak. Pero ang hindi nila alam ay nasa tabi lang din nila ako, nakikinig at umiiyak, mag isang nasasaktan.
.
---
1 week na ni Vane simula nung magising siya, araw rin ng paglabas niya. Makaka uwi na siya. Si Mer-mer ay may 4 days pa sa ospital bago makauwi pero ako...
.
Hindi pa nagi-gising...
.
Hindi ko maiwasang maawa sa sarili ko. Naiinggit ako sa kanila at bakit ako lang ang ganito. Gusto ko na rin magising. Gusto ko ng mayakap si mama.
.
Mula ng ma-discharge sa hospital si Vane ay araw araw siyang bumibisita samin ni Mer-mer hanggang sa Lumipas ang tatlong araw at madi-discharge na rin si Mer-mer.
.
Maaga pa lang ay inaayos na ng parents ni Mer-mer ang mga gastusin sa hospital at ang kambal na kapatid naman niya ay naga-ayos ng mga gamit nila para iuwi sa bahay nila. 8am na nang bumukas ang pinto. Pumasok si mama at kasama ang isang Nurse. Ililipat na ako sa isang Private room ng ospital. Sina Tita Dana, parents ni Vane at parents din ni Mer-mer ang may sagot ng kwarto ko sa ospital. At si mama naman sa ibang gastusin. Hindi na rin nakatanggi si mama sa inalok na tulong sa kanya since 18 days na akong comatose.
.
Pagkatapos akong mailipat ng room ay siya ring pagdating ni Vane.
.
Vane: Tita, Good morning po.
Mama: Andiyan ka na pala.
Vane: Tita, ito po mga prutas at biskwit.
Mama: Salamat vane.
.
Lumapit si Vane sa aking katawan, hinawakan niya ang kamay ko at binati ako ng Good Morning.
.
Mama: Vane, pwede bang ikaw muna mag bantay kay Demi ngayong araw? Kailangan na din ako sa office ngayon.
Vane: Sige po tita.
Mama: Text mo ako pag may kailangan ka o kapag may sinabi sayo ang nurse at doktor.
Vane: Sige po tita.
.
Bumukas ulit ang pinto at pumasok si Mer-mer.
.
Mama: Oh mer-mer. Bakit hindi ka pa umuuwi?
Mer-mer: Tita, Nagpa-alam po ako kina mama na magpapa-iwan po muna ako para samahan sina Vane at Demi po.
Mama: Sure ka ba Mer? Kaya mo na ba?
Mer-mer: opo tita.
.
Naghahanda na si mama para sa kanyang pag-pasok sa trabaho.
.
Mama: O sige. Kayo na muna bahala dito.
V&M: Sige po tita. Ingat po.
---