Vane: Kamusta ka mer? Okay ka na ba? Hindi na ba masakit yang sugat mo?
Mer-mer: Hindi naman na, natutuyo na ung sugat.
.
Bumukas ang pinto at pumasok ang nurse para i-check ako.
.
Nurse: Kausapin niyo lang po siya ng kausapin. Kwentuhan o kantahan niyo po siya para mapa-bilis ang pag-gising niya.
Vane: Sige po, salamat po.
Nurse: Sige.
.
Lumabas na ang Nurse. Kinuha ni Vane ang kanyang cellphone.
.
Vane: Mer, mag karaoke tayo gamit tong phone ko.
.
Natuwa naman si Mer-mer sa sinabi ni Vane.
.
Mer-mer: Sige ba.
.
At nagsimula na silang kumanta, nag-duet sila sa kantang "Love story ni Taylor Swift", "Stick with you by PussyCat dolls" "The Show by Lenka". Ang saya saya nilang panoorin. Pati ako nakikisabay.
.
Vane: wait yung kanta ng mga 2ne1 kantahin din natin.
Mer-mer: Huh? Korean kaya yun.
Vane: Eh paborito din yun ni Demi eh.
Mer-mer: Sayawin na lang natin. Hahaha
.
At sumayaw nga ang dalawa...tawang tawa ako habang pinapanood sila. Naka dalawa silang kanta ng 2ne1. Nang biglang napagod si Mer-mer.
.
Nagpatugtog na lang si Vane sa kanyang cellphone. Kinuha ni Mer-mer ang Dalawang Bottled water sa table at binigay ang isa kay Vane at sabay na ininum ang tubig.
.
Mer-mer: Kwentuhan na lang natin si Demi.
Vane: Anong magandang ikwento natin?
Mer-mer: Mag throwback kwentuhan tayo. Yung unang araw na nagkakila-kilala tayo. Nung first day of school natin.
Vane: Sige sige.
.
Napangiti ako habang inaalala ang unang araw na nagka-kilala kaming tatlo.
.
---
(JUNE 06, 2011)
"The most exciting part of being a freshman in college is meeting new friends."
.
Mama: Oh anak. Good Luck sa First day mo.
Me: Thanks ma. Love you.
.
Sabay kiss kay mama.
.
Mama:Love you too.
.
Pagbaba ko ng kotse ni mama nakita ko ang tarpauline sa harap ng university. "Welcome Freshmen. Good Luck to your New Journey". Napangiti at napabulong ako ng "Good Luck to me!"
.
Dumiretso ako sa room 214, Pol Sci Bldg. Pag-pasok ko sa room nakita ko may lima ng naghihintay at tinanong ko ang isang babae na naka upo sa bandang gilid ng room.
.
Me: Hi! Pol Sci student ka rin ba?
.
Umupo ako sa katabing upuan.
.
Mer-mer: Oo, ikaw rin ba?
Me: Oo. Ahm... English 101 dto sa room na to diba?
Mer-mer: Oo. Patingin ng Schedule mo.
Me: sige.
Mer-mer: Uy, same tayo ng Sched for first sem.
Me: Talaga ba? Eh di tayo na lang ang magkasama, wala kasi akong kakilala dto.
Mer-mer: ako rin eh, wala rin akong kakilala.
.
Nag-ngitian kaming dalawa nang biglang may kumalabit sa likod ko at napalingon ako.
.
Vane: Hi! Pol Sci students rin ba kayo?
Me&M: Oo. Ikaw rin ba?
Vane: Oo.
Mer-mer: Patingin sched mo.
Vane: ito oh
Mer-mer: same lang din tayo ng sched.
Me: Oo nga. May kakilala ka ba rito na magiging classmates natin?
Vane: Wala eh. Kayo ba?
Me&M: Wala rin.
Mer-mer: Tayo tayo na lang magkakasama.
Me: Oo nga, halika dto ka na lang sa tabi ko.
Vane: sige.
Mer-mer: Ahm, Merida nga pala. Merida Juan Apostol. Mer or Mer-mer na lang for short.
Me: Deminelle Corpuz Lim, Demi for short.
Vane: Vanellope Cruz Mendoza or Va-ne
.
Unti-unti ng nagsisidatingan ang iba pa naming classmates. Ung iba magkaka kilala na at yung iba pare-parehas na first time nakilala ang isa't isa at nakahanap ng mga kasama. 7:30am na, pumasok na rin ang magiging prof namin.
.
First day, first subject, first prof, first classmates and first meeting. As usual, introduce yourself, expectations about the subjects and profs at since first day pa lang ay wala pa munang formal na lesson. Ganun din nangyari sa 2nd and 3rd subject namin.
.
12 noon na kaya pumunta kaming Canteen para kumain. Labas pa lang ng Canteen, rinig na rinig na namin ang ingay ng mga tao na para bang alam na alam mo ng maraming tao sa loob at hindi nga ako nagka-mali. Pag pasok na pag pasok pa lang namin ay sobrang dami ng estudyante at ang haba ng pila. Halos wala na ring available na table...Bigla akong nahilo sa dami ng tao...bumilis ang t***k ng puso ko...nagpa-panic attack na naman ako...
.
Vane: Demi! Okay ka lang? Namumutla ka?
Me: Wait lang, labas tayo.
Nauuna ako sa kanila maglakad. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko.
Mer-mer: Bakit Demi? Nahihilo ka ba?
Me: Oo nahihilo ako.
Vane: Nahihilo ka ba sa gutom?
Mer-mer: Maraming tao sa canteen. Labas na lang tayo ng university.
Me: Tara.
.
Naghanap hanap kami ng ibang makaka-inan. Medyo marami ding estudyante sa bawat karinderyang napupuntahan namin pati na rin sa mga Fast Food chains since 12 noon na. Kaya sinabi ko na lang sa kanila na mag Dunkin Donuts na lang kami at mamaya na lang mag Lunch pag Vacant time ulit namin.
.
Sakto at dalawang customer lang ang nasa loob at may vacant na isa pang table. Nag order na kami at umupo.
.
Mer-mer: Okay lang ba sayo Demi na hindi muna kumain ng kanin? Diba sabi mo kanina nahihilo ka?
Me: Oo, okay lang. Hindi naman ako nahihilo sa gutom eh. Nahihilo ako sa dami ng tao kanina.
Vane: Bakit? Ayaw mo ba sa mararaming tao?
Me: Oo. Ayokong nakaka-kita at nakikipag siksikan sa maraming tao.
Vane: Bakit? Hindi ka ba sanay?
Me: Oo. Feeling ko kasi nade-drain ako.
Mer-mer: Introvert ka?
Me: Oo.
Mer-mer: sabi na eh.
Vane: kaya pala.
Mer-mer: Teacher mama ko at may estudyante kasi siya dati, sa elementary, laging tahimik at hindi nakiki-halubilo sa iba. Laging nasa gilid lang. Tapos kinausap ni mama ung estudyante niyang yun. Nalaman niyang introvert siya. Tapos bigla na lang kumalat sa school nila na introvert siya kasi narinig ng mga ibang estudyante habang nagu-usap silang dalawa kaya nag transfer siya ng ibang school.
Vane: Nasaan na daw ung estudyante na yun? May balita pa ba sila sa kanya?
.
Habang kinu-kwento ni Mer-mer ang tungkol sa estudyante na introverr ay unti-unti naman gumaan ang pakiramdam ko. Nawala na ang panick attack ko.
.
Vane: Ikaw Demi? May nakaka alam ba na introvert ka? Alam ni mama mo?
Me: Alam ng parents ko, ng mga tita at tito ko. Pati mga ibang friends ko pero konti lang friends ko eh.
Vane: Buti naman at may nakaka-alam. Mas maganda din kasi na alam ng mga kakilala mo para hindi ka nahihirapan.
Mer-mer: Tama! Kasi the more na tinatago mo at nagpapanggap ka, mas lalo kang nade-drain tapos pag fino-force mo yung sarili mo na maging gaya ng iba na extrovert mas lalo kang manghihina.
Vane: buti na lang at nalaman namin agad ni Mer-mer para alam namin gagawin namin sa susunod. Sa totoo lang ayoko rin sa siksikan. Lalo na sa MRT at LRT. Hahaha
Mer-mer: Oo nga. Ako rin ayokong sumasakay sa MRT o LRT pag alam kong siksikan pati sa bus. Pag nakikita kong standing na, mas gusto ko pang maghintay kesa makipag siksikan.
Vane: Sinabi mo pa.
.
Napansin nilang tahimik ako kaya tinanong ako ni Vane kung...
.
Vane: Demi okay ka na?
Me: Oo. Okay na ako.
.
Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko.
.
Me: 1:15pm na, tara na sa school. 1:30 pa naman next class natin.
Mer-mer: Tara!
.
-End of Flashback-
.
---
Vane: 11:15 am na pala Mer. May baon akong rice at ulam. Gutom ka na ba?
Mer-mer: Oo gutom na ako. Ano ba baon mong ulam?
Vane: Kare-kare at Adobong manok. Niluto ni mama. Wait lang at ihahanda ko muna sa table.
Mer-mer: Sige sige.
.
Habang kumakain sila, nasa gilid lang ako ng kama ko, pinapanood silang kumain.
.
Mer-mer: Kelan pala dumating sina mama mo Vane?
Vane: Nung may one week na tayong comatose.
Mer-mer: kelan balik nila?
Vane: Next week na.
.
Tumahimik muna sila sandali...at nang nagsalita muli si Vane.
.
Vane: Gusto na nila mama na kunin ako sa Canada. Pero tumanggi ako. Sabi ko ga-Graduate muna ako rito.
.
Nabigla ako sa sinabi ni Vane...tiningnan ko si Mer-mer at halatang nabigla rin siya...kumirot uli yung puso ko. Ano bang problema ng puso ko at lagi na lang kumikirot. Kung hindi kumikirot ay naninikip naman ang dibdib ko o kaya naman parang may nakabara sa lalamunan ko...Hindi ko namalayang may tumulo na pa lang luha sa kanang mata ko...bigla akong nakaramdam ng lungkot.
.
Vane: Ano ka ba Mer-mer. Hindi ako aalis. Hindi pa sa ngayon.
Mer-mer: Sorry....Nalungkot lang ako...at panigurado ako narinig din ni Demi ung sinabi mo.
.
Napangiti ako ng konti sa sinabi ni Mer-mer. Kilalang kilala talaga niya ako pati na rin si Vane. Sobrang swerte ko at nagkaroon ako ng mga kaibigang katulad nila.
.
---
After nila kumain, nagke-kwentuhan pa rin sila about sa Friendship namin habang nagpapa Music. Pinagu-usapan nila yung mga nakakatawang kalokohan namin, about sa family at pati na rin ung lovelife nilang dalawa.
.
Vane: Naalala mo Mer ung naging Crush ni Demi, si ano....ano na nga bang name nun?.... si.....?
Mer-mer: Si Paulo. Yung heartthrob ng architecture department.
Vane: Oo si Paulo nga. Yung serious mode palagi.
Mer-mer: 3 years din naging Crush ni Demi yun eh diba?
Vane: Oo nga. Paano na nga ba naging crush ni Demi yun?
Mer-mer: Wait lang...nung nasa labas ata tayo ng classroom natin? Hinihintay natin ung prof natin tapos nahulog ni Demi yung Ballpen niya at saktong dumaan si Paulo sa tapat ni Demi at pinulot ni Paulo yung ballpen saka inabot kay Demi.
Vane: Oo nga! Tapos nung nakalayo na nun si Paulo saka lumapit si Demi satin sabay sabing "NaFeel ko yung SlowMo!". Hahahaha
.
Tawang tawa sila sakin. Sabunutan ko kayo diyan eh. Tsk!
.
Mer-mer: Hahahaha. Tapos nalaman niya yung name ni Paulo sa Friend nung Classmate natin.
.
Paulo Jake Marasigan
.
Vane: Halos everyday natin nakikita si Paulo kasi magkakatabi lang ang Building ng Architecture at Pol Sci. Kaya ganun na lang katagal na naging crush niya si Paulo.
Mer-mer: Pero nung natapilok si Demi sa harapan niya...imbes na tulungan siya ni Paulo...pinag tawanan pa niya si Demi.
Vane: At sobrang hiyang hiya naman tong si Demi sa harapan ni Paulo. Hahaha
Mer-mer: Kaya simula nung napahiya si Demi sa kanya. Hindi na niya Crush si Paulo.
Vane: Pero sa tuwing nakakasalubong natin si Paulo sa main building...umiiwas ng tingin si Demi. Pero nakikita at nakikilala na agad ni Paulo si Demi dahil sa nangyari...at napapangiti na ng kusa. Hahaha
Mer-mer: Sabi ni Demi desidido na siya na i-uncrush si Paulo. Hahaha
Vane: Pero sa totoo lang, hindi niya kaya. Hahahaha
.
Talaga ba? ?
.
Vane: 3pm na pala Mer-mer, baka kailangan mo ng umuwi para magpahinga.
Mer-mer: Susunduin ako ng tito ko mamayang 4pm. May isang oras pa naman ako rito.
Vane: Balik ulit ako dito bukas
Mer-mer: Ako rin. Hanggang sa magising si Demi.
.
Napabuntong hininga na lang ako. Gustong gusto ko ng magising. Ayoko ng tumagal pa to.
.
---
3:45 pm bumukas ang pinto ng kwarto ko. Dumating na si mama.
.
Mama: Oh Vane, Mer. May dala akong Dunkin Donuts. Meryenda muna kayo.
Vane: Wow! Thank you po tita.
Mer-mer: Thank you po tita.
Mama: Punta ba kayo ulit dito bukas?
Mer-mer: Opo tita.
Vane: Opo tita. Bakit po?
Mama: Kasi matagal na akong di pumapasok sa office. Kailangan na nila ako. Kaya kung okay lang ba sa inyo na kayong dalawa muna magbantay kay Demi pag nasa office ako.
V& M: Sige po tita.
.
---
8pm na. Katatapos lang kausapin ni mama ang doktor ko. Malungkot siyang pumasok sa kwarto ko at makikita mo sa kanyang mukha na may masamang balita. Tumabi siya sa kama ko. Hinawakan ang kamay ko. Nagsisimula na namang mamuo ang mga luha sa kanyang mga mata.
.
Mama: Anak...
.
Umiiyak na naman siya.
.
Mama: Anak..kamusta ka? Masakit na ba likod mo?
.
Pinapakinggan ko ang bawat salitang sinasabi ni mama. Nalulungkot na naman ako at nararamdaman kong may bumabara na naman sa lalamunan ko.
.
Mama: Anak..papasok na ako bukas...sina Vane at Mer-mer muna magbabantay sayo dito.
.
"Ma-ma"..."so..rry"..dahil sakin nahihirapan ka...naninikip ulit ang dibdib ko.
Umiiyak na naman kami ni mama.
.
Mama: Lagi mong tatandaan na gagawin ko ang lahat para sayo. Hinding hindi ako mapapagod para sayo. Mahal na mahal kita anak.
.
"Mahal na mahal din kita mama"
.
Mama: Please gumising ka na.
.
Hindi na napigilan ni mama na humagulgol sa iyak. Hindi ko siya mahawakan. Hindi ko siya mayakap. Wala akong magawa. Kundi sabayan siyang umiyak.
.
Mama: Ang sak..kit... sa...kit anak.. na naki..kita kang ganyan...
.
Sobrang sakit din mama na nakikita kang umiiyak...sorry mama.
Napayuko na lang si mama habang umiiyak.
Bumukas ang pinto at pumasok si Tita Dana.
.
Tita Dana: Ate!
.
Dali daling lumapit si Tita kay mama.
.
Tita Dana: Ate. Tahan na.
.
Sobrang pasalamat ko kay Tita Dana at andiyan siya parati para kay mama. Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko. Unti-unti na ring tumigil si mama sa pag iyak.
.
Tita Dana: Kumain ka na ba ate? May dala akong pagkain.
Mama: Kumain na ako. Kailangan ko na ring matulog at maaga pa pasok ko bukas.
Tita Dana : Sige ate. Ako muna magbabantay kay Demi.
.
Pumupunta si tita Dana dito sa ospital tuwing gabi para samahan si mama. Online English tutor si Tita Dana at Government employee naman ang kanyang asawa na si Tito Joel. May dalawang silang anak, si Aj na graduating na ng High School at si Jj ay nasa Grade 10 naman. Kaya kahit papaano ay maluwag ang oras ni Tita Dana at kaya niyang samahan si mama dito sa ospital. After 3 hours ng pago-online tutor ni tita ay natulog na rin siya. 11:45 na ng gabi, nasa tabi lang ako ni mama.
.
Naisipan kong subukan ulit na hawakan ang katawan ko, nagbabaka-sakali.
.
Tumayo ako, lumapit sa kama ko. Huminga muna ako ng malalim habang nakatitig ako sa aking katawan.
.
Dahan dahan kong inilapit ang aking kamay sa aking mukha pero tumatagos pa rin ang kamay ko.
.
Napa-pikit na lang ako sa aking pagka-dismaya.
.
Pero gusto ko pang subukan.
.
Tumingin ako sa orasan na nasa ding-ding. 11:55 pm na.
.
Tiningnan ko ulit ang aking katawan, sinubukan kong hawakan ang aking kamay pero tumagos ulit.
.
Sa inis ko....Napa-pikit ako ng madiin... bumilis ang t***k ng puso ko.. at bigla akong napasuntok sa kama.
.
P..pe..pero imbis na tumagos ang suntok ko sa kama....ay naramdaman ko ang lambot ng foam...
.
Nagulat ako sa nangyari, napa atras ako at napatingin sa orasan...alas dose na ng hatinggabi.
.
Dahil sa kagustuhan kong makabalik na sa aking katawan ay sinubukan kong hawakan ang kama at nagulat sa aking nakita...nahahawakan ko ang kama...
.
Hinawakan ko ang kamay ko, ang balikat ko at mukha ko....AT SA WAKAS!!! Nakaka hawak na ako..
.
Dali-dali akong umupo sa kama at humiga sa tapat ng katawan ko pero bakit iba ang pakiramdam ko.
.
Ayaw akong tanggapin ng katawan ko.
.
Pero hindi ako bumangon. Nakahiga lang ako at nagbabaka sakali.
.
Pero makalipas ang ilang minuto ay bumagsak ako sa sahig, sa ilalim ng kama.
.
Nagkaroon ng malakas na kalabog nang bumagsak ako sa sahig. Gulat na gulat din ako sa nangyari at...
.
Nagising si mama at si Tita sa narinig nila.
.
Napatayo sa pagkaka-higa si mama at mabilis na lumapit sa aking kama. Pero nagtaka siya at nakita niyang nakahiga pa rin sa kama ang aking katawan.
.
Mama: Dana? Ano yun?
TitaDana: Narinig mo rin ba yun ate? Grabe ang lakas! At parang galing yung tunog diyan sa malapit sa kama ni Demi!
Mama: Oo nga. Ang akala ko nahulog si Demi sa kama pero hindi naman.
.
Gulat na gulat sina Mama at Tita Dana kaya tiningnan nila ang bawat sulok ng kwarto para hanapin ang bagay na nahulog.
.
Tita Dana: Wala namang nahulog na gamit dito sa kwarto. Baka kaya sa labas yun ate?
Mama: siguro nga.
.
Napahawak na lang si mama sa kanyang dibdib sa kanyang takot. 12:30 na ng madaling araw kaya naisipan nila mama na mag rosary at pagkatapos ay natulog na ulit sila.
.
---