Tulala lang ako sa gilid at iniisip ang mga nangyari. Kung nagawa kong hawakan ang katawan ko ...hindi kaya...malapit na akong magising? Nabuhayan ulit ang loob ko. Susubukan ko ulit mamaya.
.
Bumukas ang pinto ng kwarto. Nandito na sina Vane at Mer-mer.
.
Vane: Good Morning po mga tita. ?
Mer-mer: Good morning po. ?
Tita Dana: Good Morning ?
Mama: Good Morning ?. Ang aga niyo namang pumunta rito.
Vane: Inagahan na po namin tita para iwas traffic.
Tita Dana: Oo nga. Maya-maya lang traffic na naman.
Mer-Mer: Ahm, tita naisip po namin ni Vane na dito na matulog. Sasamahan ka po namin at para hindi na po kami uwi ng uwi ni Vane. Tsaka pinaalam na po namin sa parents namin.
Vane: Opo tita, may dala naman po kaming dalawang folding beds at iba pang mga gamit.
Tita Dana: Huh? Nasaan yung folding beds?
Mer-mer: Bitbit po ng mga kapatid ko. Nasa elevator na po sila ngayon, maya maya po andito na rin po sila.
Tita Dana: Ahh akala ko kayo ang nagbuhat.
Mama: Oh sige. Hindi ko naman kayo matanggihan sa gusto niyo kaya kayo na bahala muna kay Demi. Tawagan niyo ako pag may kailangan kayo.
Vane: Sige po tita. Salamat po.
Mer-mer: Thank you po tita.
.
Sabay na umalis sina mama at Tita Dana ng ospital. Nang dumating sina Maki at Miko dala dala ang Folding beds ay nagsimula na din silang mag ayos ng mga gamit.
.
Vane: Musta ka Demi? Kain tayo donuts bumili kami kanina ni Mer-mer.
.
Niyaya naman ni Mer-mer ang kanyang mga kapatid para mag meryenda.
.
Mer-Mer: Kain tayo Demi. Dito na kami matutulog. Mababantayan kna namin 24/7 ni Vane.
Vane: Pinag usapan namin ito kagabi. Hindi kami mapanatag na alam naman naming andito ka sa ospital tapos kaming dalawa ay nakaka-uwi sa bahay.
Mer-mer: Ayaw namin ni Vane na mag-isa kang nahihirapan. Kaya sasamahan ka namin Demi. Aalagaan ka namin.
.
Nasa gilid lang ako ng marinig ko lahat ng mga sinabi nila. Sobrang swerte ko at nakahanap ako ng mga totoong kaibigan. Gumaan ang pakiramdam ko at nabuhayan ang loob ko na gumawa ng paraan para makabalik sa katawan ko.
.
Vane: Hm! Nga pala Maki at Miko. Kamusta pala yung Birthday Celebration niyo?
Maki: Yun yung 2nd day na nagising ka ate Vane. Nag celebrate naman kami. I mean tayo, naghanda lang sina mama ng konti. Kung natatandaan mo ate nung...
Vane: Ah! Yun time na may binili sila tito at tita na isang bilao na spaghetti at bibingka non?
Maki: Oo ate. Yun nga. Hindi na namin nasabi sa iba na Birthday namin kasi nga sa nangyari.
Vane: Ganun ba?
.
Nalungkot naman si Vane sa nalaman niya, pati na rin si Mer-Mer at syempre maski ako rin ay nalungkot.
.
Vane: Wait lang.
.
Tumayo si Vane at kinuha ang dalawang paper bag sa loob ng kanyang malaking bag. At binigay kina Maki at Miko. Tinanggap naman nila agad saka binuksan ang kanilang regalo.
.
Miko: Wow! Thank you ate Vane! Ang ganda nitong Polo Shirt! ?
Maki: Oo nga ang gaganda! Thank you ate Vane!?
Vane: You're always Welcome! ?
.
Tuwang tuwa ang kambal. Naka tanggap sila ng tig-Dalawang Polo Shirt at tig-isang cap na galing Canada.
.
Vane: Mer. Ito naman sayo.
Mer-mer: Huh? Ako rin? Hindi ko pa naman Birthday.
.
Pero agad ring tinanggap ni Mer-mer ang regalo ni Vane sa kanya at agad naman niyang binuksan.
.
Mer-mer: Halla! CHOCOLATES!! ? Thank you Vane!!
Vane: You're always welcome! ?
.
Miko: Meron din kami ate oh. Nasa ilalim ng paper bag.
.
Masaya silang nagke-kwentuhan at nilalantakan ang chocolates na dala ni Vane. 10 am na at nag paalam na rin ang kambal para umuwi.
.
---
Mer-mer: Vane! May naisip akong gawin para kay Demi.
Vane: Ano yun?
.
Kinuha ni Mer-mer ang isang medium size na paper bag at isa-isa niyang nilabas ang mga laman nito.
.
Mer-mer: Nag print ako sa bahay ng mga pictures natin ni Demi. Mga pictures natin mula nung 1st year college hanggang nung araw bago tayo ma-aksidente. May dala rin akong dalawang gunting, glue, colored papers, bond papers, pentel pens, color pens, stickers at mga iba pang gamit na pang design.
.
Natuwa naman si Vane nang makita niya ang mga nilabas ni Mer-mer.
.
Mer-mer: AT!....Ito pa!...Dalawang photo album. Dito natin ilalagay lahat ng magagawa natin. Para kapag nagising si Demi. May matatanggap siyang regalo galing satin.
.
Bigla akong nakaramdam ng kilig ng marinig ko ang mga sinabi ni Mer-mer. Sobrang saya ko at nagkaroon ako ng mga kaibigang tulad nila. Alam ko kanina ko pa sinasabi ito pero ito talaga ang nararamdaman ko. Ang swerte swerte ko sa kanila.
.
Nag simula na silang gumawa. Ako naman ay parang teacher na palakad lakad lang sa tabi at ino-obserbahan ang kanilang mga ginagawa.
.
Hanggang sa mag Lunch time.
.
Vane: Mer, kain na muna tayo.
Mer-mer: Sige.
.
Habang kumakain sila ay bigla akong nakaramdam ng antok. Simula nung ma-aksidente kami ay hindi na normal ang pakiramdam ko. Hindi na ako gaya ng isang tao na naka-karamdam ng gutom, uhaw, antok at hindi rin ako nasasaktan kapag bumabagsak sa sahig gaya ng pag bagsak ko kagabi.
.
Pero ngayon ay biglang na lang akong nakaramdam ng antok at hilo.
.
---
Vane: Mer ako na ang mag-uurong.
Mer-mer: Okay sige.
Vane: Mer, dala ko yung laptop ko. Gusto mo manood ng movies?
Mer-mer: Sige ba.
Vane: Kunin mo na lang sa bag ko.
Mer-mer: Sige sige.
.
Tumayo si Mer-mer at habang naglalakad siya papalapit sa kinaroroonan ng bag ni Vane ay napatingin siya sa katawan ni Demi at nakita niyang biglang gumalaw ang daliri nito.
.
Kumurap ng mabilisan ng mga mata ni Mer-mer sa pagtataka. Dahil sa gusto niyang siguraduhin ang kanyang nakita ay mabilis siyang lumapit kay Demi at ina-abangan ulit ang pag-galaw ng daliri nito.
.
At hindi nga siya nagkakamali dahil gumalaw ulit ang daliri ni Demi. Hindi lang isa kundi dalawang daliri hanggang sa..
.
Mer-mer: VANE!!!!
.
Nagulat si Vane ng sumigaw si Mer-mer. Kaya lumapit siya agad kay Mer-mer.
.
Vane: Bakit? Anong Nangyari?
.
Mer-mer: Tingnan mo ung kamay ni Demi! Nakita ko gumalaw kanina!
.
Nagulat si Vane sa sinabi ni Mer-mer. Kaya tinitigan ni Vane ang mukha ni Demi at sabay nilang nakita ang dahan dahang pag galaw ng kanyang ulo. Kaya tumakbo palabas si Vane ng kwarto para tawagin ang Nurse.
.
---
Makalipas ang isang oras ay dumating si mama.
.
Mama: Anak. Kamusta ang pakiramdam mo?
Me: Mabuti naman Ma. Masakit lang ang likod at leeg ko.
Mama: Dahil yan sa tagal ng pagkaka-higa mo anak.
.
Nakita kong nangingilid ang mga luha sa mga mata ni mama.
.
Vane: Demiiii.
Mer-Mer: Demi may gusto ka bang kainin? Sabihin mo lang sakin at bibilhin ko.
.
Nakikita kong masayang masaya sina Vane at abot hanggang tenga ang kanilang mga ngiti.
.
Me: Sige. Perooo....tapos na ba mga ginagawa niyo?
Vane: Huh?
Me: Yung mga pictures natin? Yung mga messages niyo sakin na ginagawa niyo.
.
Kitang kita ko sa kanilang mga mukha ang pagtataka.
.
Mer-mer: Teka! Paano mo alam?
.
Saka ko binalik ang aking tingin kay mama.
.
Me: Ma, diba may pasok ka ngayon?
Mama: Oo anak. Meron.
.
Kitang kita ko rin sa mga mata ni mama ang pagtataka.
.
Huminga muna ako ng malalim para bumwelo.
.
Me: Mahirap paniwalaan ang sasabihin ko at hindi ko rin inaasahan na maniniwala kayo sakin.
.
Nakikinig sila saking tatlo at inaabangan ang bawat salitang lumalabas sa aking bibig.
.
Me: Hindi ko ma-explain pero nung na-aksidente tayo. Humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko at hindi ko rin alam kong tama ba ang pagkaka-sabi ko. Pero nakikita ko kayo, natatandaan ko lahat ng mga nangyari mula nung na-aksidente tayo kahit na comatose ako. Nakikita ko ang sarili kong katawan ...at yung kagabi ma.
.
Tumingin ako sa mga mata ni mama.
.
Me: Yung narinig niyo kagabi ni Tita Dana. Yung kumalabog sa sahig na parang may nahulog sa ilalim ng kama ko.
.
Natigilan si mama at naalala ang nangyari kagabi.
.
Me: Ako yun. Ma.
.
Biglang nanlaki ang mga mata ni mama sa kanyang narinig.
.
Me: Ako yung nahulog sa sahig dahil sa sinusubukan kong makabalik sa katawan ko. Pero ayaw akong tanggapin ng katawan ko kaya bumagsak ako.
.
Natahimik silang tatlo. Matapos kong sabihin sa kanila lahat ng mga pinagdaanan ko mula nung aksidente ay napayuko ako at naiyak na lang sa aking kama.
.
Bigla akong nilapitan ni mama, umupo siya sa tabi ko at niyakap ako habang sinasabayan niya akong umiyak. Humahagulgol na akong umiiyak sa mga braso ni mama. Ramdam na ramdam ko ang bawat paghimas ng kamay ni mama sa aking likuran at alam kong totoo ito. Totoong nakabalik na ako sa aking katawan.
.
Hindi ko namalayang yumayakap na rin sakin sina Vane at Mer-mer.
.
Matapos kong sabihin sa kanila lahat lahat ay kasalukuyang kausap nila Vane at Mer-mer ang kanilang mga magulang para sabihing nagising na ako at kausap na rin ni mama si Tita Dana sa cellphone
.
Mama: Anak. Kailangan ko na ring pumasok sa work. Andito naman sina Vane at Mer-mer. Sabihan mo sila pag may kailangan ka ha?
Me: Opo Ma. Ingat ka sa pag pasok Ma.
Mama: Oo anak. I love you.
Me: I love you too ma.
.
Sabay halik ni mama sa aking pisngi.
Nagpaalam na rin si mama kina Vane at Mer-mer.
.
Mer-mer: Demi, ito oh chocolates.
Me: Teka, bigay sayo to ni Vane eh.
Mer-mer: Ano ka ba, hindi ko naman yan mauubos eh.
Vane: Marami pa rito sa bag ko. Uubusin natin to. Hahaha
Me: Huh? Eh di nasira naman mga ngipin natin niyan? Hahaha
Vane: Atleast sabay sabay tayong masisiraan ng ngipin.
.
At rinig na rinig sa buong kwarto aming malalakas na tawanan.
.
Vane: Sobrang saya ko na nagising ka na Demiii..
.
Sabay yakap sakin ni Vane.
.
Mer-mer: Ako riiiin.
.
Sumunod na yumakap sakin si Mer-mer.
.
Me: Alam ko.
.
Napangiti ako sa mga narinig ko. Nginitian ko silang dalawa.
.
Me: Hm... sige na sige na. Tama na yan. Ituloy niyo na ginagawa niyo.
Mer-mer: Alam mo, hanggang ngayon ini-imagine ko pa rin kung nasaan ka banda nung ginagawa namin yung photo album. Kung nasa likod ba kita o nasa likod ni Vane?
Me: Hm...palakad lakad lang ako kanina sa tabi niyo.
Vane: Eh di nabasa at nakita mo na mga pinaggaga-gawa namin?
Me: Parang ganun na nga.
Vane: Ano ba yan. Eh di hindi na surprise kung ganun.
Me: Ano ba kayo. Kahit alam ko na, kahit hindi ko na feel yung surprise eh andun pa rin naman yung excitement at saya kapag bubuklatin ko yung photo album kasi kayo yung gumawa nun eh. Kayo ang nagbigay.
Mer-mer: Aww. Na-touch naman ako sa sinabi mo.
.
At ngumiti sila at sabay yakap sakin.
.
Habang tinutuloy nila ang ginagawa nila ay kumakain naman ako ng Donuts at chocolates sa aking kama. Nararamdaman kong masakit na ang puwetan ko sa tagal na pagkaka-upo kaya naisipan kong tumayo at maglakad lakad. Napatingin naman sakin sila Vane at Mer-mer.
.
Mer-mer:Oh, dahan dahan.
Vane: Kaya mo ba? Gusto mo alalayan kita?
Me: Huwag na. Diyan lang kayo.
.
Habang naglalakad ako ng paisa-isang hakbang ay pinapanood nila akong dalawa. Nakita nilang kaya ko namang maglakad ng maayos kaya napanatag naman ang kanilang loob at tinuloy ang kanilang ginagawa. Lumapit ako sa kanila.
.
Vane: Ikutin mo buong kwarto Demi para ma-exercise ka.
Mer-mer: Gusto niyo mag-order ako sa jollibee? Yung dati?
Me: Oo! Gusto ko! Miss na miss ko na ang fries!
Vane: Sige Mer order ka na.
Mer-mer: Sige sige.
.
Tumawag si Mer-mer sa Hotline ng Jollibee after 30 mins, dumating na rin ang mga order naming pagkain. Sobrang natatakam na ako sa amoy at itsura pa lang.
.
Vane: Oh! Demi! Yung laway mo, tumutulo. Hahaha
Me: Nakakatakam kasi eh.
Mer-mer: Wait picture muna tayo.
Vane: Sige sige.
Mer-mer: 1..2..3..
.
Biglang nag-Flash ang camera at napa-pikit ako sa sobrang liwanag nang biglang....
.
---
Mer-mer: VANEEE!!! MAY TRUCK!!!
.
Bigla kong minulat ang mga mata ko sa sigaw ni Mer-mer nang nakita kong nasa loob kami ng kotse, naka upo ako sa likuran. Nang nahawi ng mga mata ko ang truck sa harapan na papa-lapit at bubunggo sa amin. Nasilaw kami sa liwanag ng ilaw na nangga-galing sa truck at rinig na rinig ko ang malakas na tunog at ramdam na ramdam ko ang malakas na pagbunggo ng truck sa kotse na sinasakyan namin.
.
Dahil sa lakas ng pwersa ng pagbunggo ng truck ay napa yuko kami at narinig ko ang malakas na pagkaka untog ni Vane.
.
Pagkatapos ang malakas na pagbunggo ng truck sa kotseng sinasakyan namin ay pinilit kong bumangon.
.
Nakita kong basag na ang salamin ng harapan ng kotse. Nakita kong nakasubsob ang ulo ni Vane sa manubela kaya pinilit ko siyang hinila para mai-sandal ang kanyang ulo sa upuan at nakita ko ang kanyang mukha na dugu-duguan.
.
Panandalian akong natakot at nanigas sa nakita ko. Naalala ko ang aksidenteng nangyari samin. Naalala kong nangyari na ito. Alam kong tapos na to at nasa ospital kami ng mga kaibigan ko. PERO...bakit nangyayari na naman ngayon?. Parehas na parehas ang nangyari. Pero bakit? Bakit naulit? Anong nangyayari? Bakit kami bumalik? Bakit kami bumalik sa mga oras na to?
.
Biglang gumalaw si Mer-mer at hinawakan niya ang kanyang ulo. Ini-inda ang sakit na pagkaka-untog nang biglang...
.
*KABLAAAGG!!!*
.
---
ANG SAKIT!
.
ANG SAKIT NG ULO KO!!
.
ANG LAKAS NG PAGKAKA-UNTOG KO SA BINTANA!
.
MAY BUMANGGANG SASAKYAN SA KANANG BAHAGI NG KOTSENG SINASAKYAN NAMIN. AT WALA ITO SA NAUNANG AKSIDENTENG NANGYARI SA AMIN.
.
HINDI KO MAIMULAT ANG KALIWANG MATA KO!
.
KINAPA KO ANG MUKHA KO, NARARAMDAMAN KONG PARANG MAY UMAAGOS NA LIKIDO MULA SA KALIWA KONG MATA. NANG NAHAWAKAN AT NAKAPA KO ANG AKING KALIWANG MATA AY, NARAMDAMAN KONG MAY NAKABAON NA BUBOG AT NANG MAKITA KO ANG AKING KAMAY AY PUNO ITO NG DUGO...
.
SOBRANG DAMING DUGO!!!
.
Nang makita ko ang dugo ay unti unting umiikot ang paningin ko. At bumagsak ang katawan ko sa upuan.
.
---
Bakit ang ingay?
Pinilit kong minulat ang mga mata ko pero kanang mata ko lang ang nagawa kong naimulat.
.
Kinapa ako ang kaliwang mata ko. Nahawakan ko ang bandage na nakadikit sa mata ko.
.
Bumilis ang t***k ng puso ko. Bigla akong nakaramdam ng takot.
.
Nurse: Dok! Gising na po ang pasyente!
.
Lumapit si mama sakin.
.
Mama: Anak!
Nurse: Maam! Sa gilid lang pa muna kayo!
.
Nasa ospital na pala ako. Naalala ko ang aksidente kanina. Pero naguguluhan pa rin ako kung bakit nangyari ulit ang aksidente.
.
Naalala ko sina Vane at Mer-mer. Lumingon ako sa kanan ko, wala akong nakitang katabi kong pasyente. Lumingon din ako sa kaliwa ko pero lalaki ang nasa kabilang kama at ina-asikaso ng dalawang nurse.
.
NASAAN SILA?
.
Me: MA! NASAAN SINA VANE AT MER-MER!!
.
Umiiyak na ako dahil wala sa tabi ko sina Vane at Mer-mer.
.
Me: MA! MAMA! NASAAN SILA MA!!!
.
Hagulhol na ako sa pag-iyak.
.
Me: NASAAN SILA VANE MA!!
Nurse: Maam! Kumalma lang po kayo!
.
Me: NASAAN SI MER-MER!!
Nurse: Maam! Tama na po!
.
Naninikip na ang dibdib ko sa kaka-iyak at kaka-sigaw. Hirap na hirap na akong huminga.
.
---