Wala akong magawa kundi ang sundin ang sinasabi sakin ng nurse na kumalma. Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin. Hindi ko alam kung bakit ito nangyayari. Ang dami kong tanong. Pero bakit wala na naman sa tabi ko sina Vane at Mer-mer. Nasaan na sila? Bakit naulit ang mga nangyari?
.
Gusto kong bumangon at hanapin ang mga kaibigan ko pero hindi ko kaya dahil ang sakit ng ulo at katawan ko. Ang alam ko ay hindi ako masyadong nasaktan sa unang pagbangga ng truck sa amin pero nung pangalawang pagbunggo samin ng isa pang sasakyan ay doon na ako napuruhan. Para bang pakiramdam ko ay na-knock out ako sa bubog na natamo ng aking katawan.
.
Nakahiga lang ako habang umiiyak. Matapos kausapin ng doktor ang mama ko ay lumapit siya sakin.
.
Mama: Anak. Kamusta pakiramdam mo? Saan banda ang masakit sayo?
.
Pero hindi ko sinagot ang mga tanong niya.
.
Me: Ma!
.
Umiiyak pa rin ako ng tanungin ko si mama.
.
Me: MA! NASAAN SINA VANE AT MER-MER?
.
Umiiyak rin si mama at nararamdaman kong may mali.
.
Me: MA! PLEASE! SAGUTIN MO TANONG KO! PLEASE MA!
.
Nagmamaka-awa na ako kay mama. Nagagawa ko pa ring umiyak ng umiyak at mag salita sa kabila ng panghihina ng aking katawan.
.
Mama: Anak..kasi.....
.
Napalunok si mama at kinalma niya ang kanyang sarili sa pag iyak.
Tinitigan niya ako sa mata at sinabing...
.
Mama: Hindi nakayanan nila Vane at Mer-mer.
.
Hindi ko naintindihan ang sinabi ni mama.
.
Me: Anong ibig sabihin mo Ma!
Mama: Huwag kang mabibigla anak.
.
Nung narining ko ang mga salitang "HUWAG MABIBIGLA" ay para bang alam ko na ang nangyari sa mga kaibigan ko. Napa-pikit ako at umiyak ng umiyak. Tinuloy ni mama na magsalita pero parang ayaw ko ng pakinggan ang mga susunod niyang sasabihin. Pero...
.
Mama: Anak...wala na sila Vane at Mer-mer.
.
Narinig kong lumakas ang iyak ni mama at bigla akong nabingi sa mga sinabi niya.
.
AYAW KONG MANIWALA!
.
HINDI TOTOO ANG MGA NARINIG KO!
.
AYOKO!!!
.
AYOKONG MAWALA SILA!!!
.
---
May isang oras na rin akong umiiyak. Nasa tabi ko lang si mama pati na rin si Tita Dana at asawa't mga anak niya na hindi ko namalayan ang pag dating nila.
.
Nalaman kong nasa morgue na ng ospital ang mga katawan nila Vane at Mer-mer.
.
Kaya kinalma ko ang sarili ko.
.
Gusto kong makita sina Vane at Mer-mer.
.
Me: Mama.
Mama: Ano yun? Nauuhaw ka ba? May masakit ba sayo?
Me: Gusto kong makita sina Vane at Mer-mer.
.
Nang marinig ni mama ang gusto kong mangyari ay napatayo siya sa kina-uupuan niya at sinabing...
.
Mama: Sige anak. Maghintay ka muna rito at ipa-paalam ko muna sa mga nurse.
.
Tumango lang ako kay mama.
.
Maya maya pa ay dumating na rin si mama at may dala dala ng wheelchair. Inalalayan ako ni mama at Tita Dana sa pagbangon at dahan dahan akong umupo sa wheelchair.
.
Habang papunta kami ni mama sa morgue ay nararamdaman kong naninikip ang dibdib ko. Nagsisimula na namang mamuo ang mga luha ko. Nararamdaman ko ring may bumabara na naman sa lalamunan ko. Nahihirapan na naman akong huminga. At tuluyan ng kumawala ang mga luha ko saking mga mata at di namalayang umiiyak na naman ako habang papalapit na ng papalapit kami sa kung saan naroon sina Vane at Mer-mer.
.
At nang matanaw ko ang mga pamilyar na mga tao, ang mga magulang at kambal na kapatid ni Mer-mer at ang yaya at driver ni Vane.
.
Nakikita ko ang kanilang pag iyak.
.
At nang makita ako ng driver ni Vane ay sunod ding lumingon sakin sina yaya, ang kambal at ang mga magulang ni Mer-mer. Nang makalapit na kami ni mama sa kanila ay pinilit kong tumayo at siya ring pagsalubong at pag-alalay sakin ng papa ni Mer-mer.
.
Me: Tito. Gusto ko po silang makita.
.
Malungkot kong pagkakasabi sa papa ni Mer-mer.
.
Tito Makoy: Sige anak. Aalalayan kita.
.
---
Hinatid kami ng nagbabantay sa katawan nila Vane at Mer-mer. Pag bukas ng pinto ay bigla akong nanlamig. Bigla akong kinabahan. Para bang hindi pa ako handang makita sila sa ganung sitwasyon.
.
Pag pasok namin ay itinuro samin ang katawan nila Vane at Mer-mer. Nagsimulang manigas ang aking tuhod. Hindi ko maihakbang ang aking mga paa. Ang bigat ng pakiramdam ko. Nagsimula na naman akong umiyak. Nasa likod ko lang sila Tito Makoy at si Mama. Lumapit sakin si mama at hinawakan sa magkabilaang braso ko para suportahan ako sa pagkakatayo.
.
Dahan dahan kong tinanggal ang puting tela na nakabalot sa katawan na nasa harap ko. Nang natanggal ko na ang tela ay saka ko nakita ang maamong mukha ng kaibigan kong si Mer-mer.
.
Napapikit ako at sunod sunod ang mga luhang tumutulo sa aking mga mata...napayuko ako at nanghihina...saka ko niyakap si Mer-mer...
.
Hagulgol ako sa pag- iyak...nanlalambot ang mga tuhod ko...mahigpit din ang hawak sakin ni mama para hindi ako matumba...
.
Tinitigan ko ulit ang mukha ni Mer-mer...nakita kong may hiwa ito sa kanang mukha gaya ng naunang aksidente.
.
Napatingin ako bigla sa katawan na nababalutan din ng telang puti na katabi lang ni Mer-mer. Huminga ako ng malalim at tinanong si Tito Makoy.
.
Me: Tito..s..si Va-ne ba yung...nass...ssa kabila?
.
Tumango lang si Tito makoy.
.
Tiningnan ko muna ang mukha ni Mer-mer at nagpaalam na lalapitan ko muna si Vane.
.
Inalalayan ako ni mama palapit sa katawan ni Vane. Sa mga oras na ito ay dahan dahan ko rin tinanggal ang tela sa katawan ni Vane.
.
Nakita ko ang mukha ni Vane.
Muli na naman akong napa-iyak at malalalim ang aking pag-hinga. Naninikip na naman ang aking dibdib.
.
Nakita kong may pasa siya sa kanyang noo. Marahil ay dahil sa pagkaka-untog niya sa manobela ng kotse.
.
Sa mga oras na ito ay hindi ko na maramdaman ang aking katawan..nanlalambot na ang mga tuhod ko...at unti unti na akong bumagsak sa sahig...at napa-pikit.
.
Naririnig ko si mama na sumisigaw at lumapit sakin si Tito Makoy at binuhat ako papalabas.
.
---
Kriiing...kriiing...
.
Nagising ako sa tunog ng cellphone.
.
Nahihilo pa rin ako. Ang sakit ng batok ko. At biglang may sumigaw.
.
DEMIIII!!!!
.
Ano ba yan? Ang ingay! Sino ba yan? At nang minulat ko aking mga mata saka tumambad sa akin ang masayang mukha ni Vane. Nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko.
.
Vane: Gising na Demi!
Mer-mer: Oo nga, bangon na Demi! Maligo ka na! Sa mall na lang tayo mag breakfast.
.
Napa-balikwas ako ng bangon... tiningnan ko ang paligid...Nasa kwarto ako ngayon...KWARTO KO!!..nasa bahay ako ngayon!! Kasama sina Vane at Mer-mer.
.
ANONG NANGYAYARI!!!
.
Naguguluhan na ako.
.
Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko...
.
8:30 am....March 31, 2014...
.
Nanlaki ulit ang mga mata ko...ano na namang nangyayari? ANO TO? ANO NA NAMAN TO!!! PAANO AKO NAKABALIK SA ARAW NA TO!!! MASAMANG PANAGINIP BA LAHAT NG MGA ITO??? BAKIT HINDI AKO MAGISING GISING!!! HINDI KO NA ALAM KUNG ALIN ANG TOTOO!!!!.
.
Vane: UY! DEMI!! ANO NANGYAYARI SAYO?PARA KANG NAKA-KITA NG MULTO!
.
Hindi ako makapag salita sa mga sandaling iyon. Sobrang naguguluhan na ako! Hindi ko na alam ang gagawin ko! At bigla na lang akong napatayo sa kama at...
.
Me: HUWAG NIYO AKO LALAPITAN!
.
Sabay takbo sa banyo at ni-lock ang pinto.
.
Umiyak ako ng umiyak sa loob hanggang sa kinuha ko ang gunting sa maliit na cabinet at... saka ko...
.
Biglang bumukas ang pinto at nakita ko si mama...at gulat na gulat siya ng makita niya akong may hawak na gunting na naka-sentro sa aking pulso.
.
Mama: ANAK! HUWAG!
.
Inagaw agad sakin ni mama ang gunting saka ako hinila ng malakas kaya natumba ako sa gilid ng aking kama.
.
Iyak ako ng iyak. Patuloy pa rin sila sa pagta-tanong sakin kung ano nga ba talagang nangyayari sakin. Na kahit ako mismo ay hindi ko rin alam. Hindi ko alam kung ano nga ba talagang nangyayari sakin. Hindi ko na alam kung anong totoo.
.
Umiiyak pa rin ako. Nakasubsob ang mukha ko sa kama. Iyak ako ng iyak. Hanggang sa biglang tumahimik ang paligid.
.
Ini-angat ko ang aking ulo. Tiningnan ko ang paligid.
.
Wala na sila Mama,Vane at Mer-mer.
.
Mag-isa na lang ako sa kwarto ko.
.
Nasaan na sila?
.
Nagulat ako ng may biglang kumatok sa pinto.
.
Tumayo ako at binuksan ang pinto.
.
Bumungad sakin si Mama.
.
Naka white T-shirt siya at may hawak na mga bulaklak.
.
Nagtataka ako kung para saan ba yun?
.
Me: Ma?
Mama: Bakit hindi ka pa nagbibihis anak?
Me: Bakit ma?
Mama: Nakalimutan mo na ba anak?
Me: Ang alin ma?
Mama: Ngayon ang libing.
Me: LIBING?!
Mama: Nakalimutan mo na naman bang uminom ng gamot mo anak?
Me: Ano?! Gamot? Para saan?
Mama: Anak naman. Paulit-ulit na lang tayo.
.
Nakikita kong parang napapagod na si mama sa lahat ng tanong ko. Kaya nagpanggap na lang muna akong alam ko ang nangyayari sa paligid ko.
.
Me: Sige Ma. Hintayin mo na lang ako sa labas. Maliligo lang ako.
.
Tumango lang si mama at saka niya sinarado ang pinto.
.
Sa kagustuhan kong malaman ang katotohanan ay hinanap ko ang cellphone ko. Binuksan ko ito saka nakita ang oras at petsa na...8:30, March 31, 2014...
.
Pinindot ko ang "Back button". At nagpakita ang Home Screen at ang wallpaper ng cellphone ko na picture namin nila Vane at Mer-mer kung saan ay nasa entrance kami ng Cinema ng Mall bago ang aksidente. Saka ko nalamang, ang kanina ko pang nakikitang oras at petsa ay isa lang palang Screen shot na naka-save sa gallery ng cellphone ko. At nakita ko ang totoong oras at petsa.
.
8:15 am, April 10, 2014
.
Napa-upo ako sa kama at nahagip ng mga mata ko ang gamot na nasa table. Nakita kong ang gamot pala na ito ay para sa pang-hallucination.
.
Gulat na gulat ako sa nakita ko at ngayon ko napagtanto kung ano ba talaga ang nangyayari sakin.
.
Binuksan ko ulit ang cellphone ko at nag Log-in sa f*******:. Biglang tumumbad sakin ang isang post na may Picture ng burol na may dalawang kabaong at sa gilid ng dalawang kabaong ay ang malaking picture nila Vane at Mer-mer. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. At naalala ang sinabi sakin ni mama na "Ngayon ang Libing".
.
Kaya dali dali akong pumunta sa banyo para maligo. Nagmadali ako sa pagkilos ko.
.
---
Nasa kotse na kami ni mama papunta sa Burol nila Vane at Mer-mer.
.
Habang nasa byahe ay bigla akong nakaramdam ng kaba.
.
Hindi ko alam na kanina pa pala ako pinapansin ni mama.
.
Mama: Anak. Okay ka lang ba?
.
Napalingon ako kaya mama. Nakita ko ang nag-aalala niyang mukha.
.
Me: Kinakabahan ako Ma!
Mama: uminom ka ba ng gamot mo kanina?
Me: Hindi.
Mama: Kunin mo yung bag ko sa likod. May gamot akong dala.
.
Agad ko namang sinunod si mama. Matapos kong inumin ang gamot ay narinig ko ang pagbuntong hininga ni mama at bigla siyang nagsalita.
.
Mama: Anak. Alam kong naguguluhan ka sa mga nangyayari dahil sa pagha-hallucination mo.
.
Lumingon ako kay mama para pakinggan ang sasabihin niya.
.
Mama: Nakuha mo yang pagha-hallucination mo dahil sa na-trauma ka sa aksidenteng nangyari sa inyo.
.
Nakikinig pa rin ako kay mama pero nilayo ko na ang tingin ko sa kanya at tumingin sa harapan ng kotse.
.
Mama: Hindi mo tanggap ang pagkamatay nila Vane at Mer-mer.
.
Malayo lang ang tingin ko at ina-abangan ang bawat salitang sasabihin ni mama.
.
Mama: Tulala ka lang nung nasa ospital ka.
Naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari. Kaya...
Me: Ma. Kasi mula nung ma-aksidente kami ay maraming nangyari. Hindi ko maintindihan.
Mama: Ano bang mga nangyari?
Me: Na...na-comatose kaming tatlo pagkatapos ng aksidente.
Mama: Walang na-comatose anak. Dead on the spot si Vane. Dead on arrival naman si Mer-mer at ikaw lang ang naka ligtas.
.
Nagulat ako nang marinig ko ang sinabi ni mama at bigla kong.....naalala ang biglaang pagbalik ko sa oras ng pagka-aksidente namin.
.
Me: Pero naguguluhan pa rin ako ma. Ano ba talagang nangyari sa aksidente?
Mama: Nung pagka-liko niyo sa madilim na kanto ay nabunggo kayo ng Delivery truck at yun ang dahilan ng pagkamatay ni Vane at nung pangalawa...
.
PANGALAWA?
.
Mama: dahil nga sa pagbunggo sa inyo ng delivery truck ay napunta kayo sa gitna ng kalsada at nabunggo kayo ng kotse at yun ang dahilan ng pagka-hiwa ng mukha ni Mer-mer. May pulso pa siya nung nailabas at nabuhat siya papuntang ambulansya pero sa daan pa lang papuntang ospital ay hindi na niya nakayanan at ikaw naman...
.
Napalingon ako kay mama at nagsisimula na namang mamuo ang aking mga luha.
.
IBIG SABIHIN ANG TOTOONG NANGYARI... AY ANG ORAS NA BIGLAANG PAG BALIK KO SA MISMONG AKSIDENTE! AT YUNG NAUNA AY ISANG PANAGINIP LANG?.
.
Nagsalita ulit si mama.
.
Mama: Nawalan ka ng malay nung nabunggo kayo ng kotse. Nung nasa ospital na tayo. Nagising ka at hinahanap mo sina Vane at Mer-mer. Hindi mo matanggap na wala na sila at bigla ka na lang nag-iba. Tulala ka na lang nun anak at minsan iba na ang kinikilos mo. Ang sabi ng doktor ay dahil sa trauma na natamo mo sa aksidente kaya ka nagha-hallucination. Minsan sinasabi mo na nakikita mo sina Vane at Mer-mer at nasa tabi mo sila at kausap. Hindi ko alam kung anong gagawin ko nun anak.
.
Ngayon alam ko na. Alam ko na lahat. Naiintindihan ko na. Isa lang pa lang ilusyon ang naunang aksidente, ang pagka-comatose namin at pagka-hiwalay ng kaluluwa ko sa katawan ko. Napaiyak na lang ako sa mga nalaman ko.
.
Mama: Pagkatapos ng tatlong araw natin sa ospital ay inuwi kita sa bahay. Sa tuwing magi-gising ka ng umaga at pupuntahan kita sa kwarto mo ay lagi kitang nadadatnan na nagsa-salitang mag-isa. Lagi mong sinasabi na kasama mo sa kwarto sina Vane at Mer-mer. Paulit-ulit na ganun ang nangyayari anak. Kaya pinacheck-up kita sa Psychiatrist. Ang sabi ng doktor ay lagi kitang kausapin at ipaliwanang sayo ang mga nangyari dahil nga sa hindi mo matanggap ang pagkawala ng mga kaibigan mo. Naniniwala rin ako anak na temporary lang ang pagha-hallucination mo kaya lagi kitang binabantayan.
.
Me: Pero Ma, simula nung nakalabas ba ako ng ospital ay hindi pa ba ako bumibisita sa burol nila Vane at Mer-mer?
Mama: Hindi pa anak. Kasi sa tuwing yayayain kita ay nagagalit ka sakin at lagi mong sinasabi na buhay pa sila Vane at Mer-mer.
.
Napa-pikit ako at napasandal ang ulo sa upuan ng kotse. Nabuntong hininga na lang ako sa mga sandaling iyon.
.
Mama: Alam rin ng mga parents at relatives nila Vane at Mer-mer ang nangyari sayo. At sinabi ko rin sa kanila na dadalhin kita sa libing kahit na ayaw mo. Pero kanina lang...laking gulat ko nang nakaka usap na kita ng maayos. Hindi ko lang magawang sabihin sayo pero masaya ako anak at unti-unti ka nang bumabalik.
.
Tumingin ako kay mama at nginitian siya at ganun din siya sakin.
.
---