Nakarating na kami sa burol nila Vane at Mer-mer.
.
Sobrang daming tao. Natanaw ko ang kambal at lumingon sila samin ni mama. Nilapitan nila kami.
.
Maki: Ate Demi. Okay ka na?
.
Tumango lang ako at ngumiti.
.
Miko: Tara po sa loob.
.
Sinamahan kami ng kambal papunta sa loob. Nakita ko ang mommy ni Vane at mama ni Mer-mer. Lumapit ako sa kanila saka sila niyakap. Mainit naman ang pagtanggap nila sakin. Lumapit na rin samin ang mga tatay nila Vane at Mer-mer.
.
Mama ni Vane: Kumusta ka Demi?
Me: Okay na po ako tita.
Mama ni Vane: Mabuti naman anak. Ikaw lang ang hinihintay namin. Kaya medyo tumagal ang burol nila Vane at Mer-mer.
.
Tumango lang ako at inalalayan nila ako palapit sa kabaong ni Vane.
.
Nakita ko ang magandang mukha ni Vane. Parang natutulog lang siya. Biglang tumulo ang mga luha ko saking mga mata. Napahawak ako sa kabaong niya at napayuko. Nararamdaman kong naninikip na naman ang dibdib ko. Nanlalambot na naman ang mga tuhod ko.
.
Me: Vane.
Umiiyak na ako ng sobra sa mga oras na yun.
Me: Vane. Bakit di kayo lumaban ni Mer-mer? Bakit niyo ako iniwan agad? Ga-graduate pa tayo diba?
.
Hindi na ako makahinga sa sobrang pag iyak ko.
.
Me: Paano na ako? Wala na akong kasama sa school?
.
Nasa tabi ko lang sina tita pati na rin si mama. Naaalala ko si Mer-mer at pumunta ako agad sa kanya at hinawakan ang kabaong niya. Nang makita ko ang sugat sa kanyang mukha ay napa-pikit na lang ako sa sobrang hinagpis. Ang dating makinis na mukha ni Mer-mer ay ngayo'y may peklat na.
.
Me: Mer! Bakit mo hinayaang masugat ka sa mukha!
.
Umiiyak na naman ako ng sobra habang nagsasalita.
.
Me: Mer!
.
Hindi na naman ako mahinga ng maayos.
.
Me: Sobrang hirap sakin nito Mer. Bakit niyo ko iniwan? Bakit di kayo lumaban? Ang dami dami pa sana natin gustong gawin! Pero wala na kayo. Sino na lang kasama ko!
.
Nahihirapan na akong huminga kaya pumikit ako pilit na kinalma ang aking sarili.
.
Lumapit sakin si ang Mama ni Mer-mer.
.
Mama ni Mer: Demi. Andiyan na ang pari. Kailangan na nating umupo.
Me: Sige po tita.
.
---
Pagkatapos mag-misa ang pari ay tinawag na isa-isa ang mga magsasalita sa harapan.
Nilapitan ako ng mommy ni Vane.
.
Mama ni Vane: Demi. Ikaw na susunod na magsasalita.
Me: Sige po tita.
.
Nang marinig ko na ang pangalan ko ay agad akong tumayo at pumunta sa harapan. Nararamdaman kong bumibilis ang t***k ng puso ko. Huminga muna ako ng malalim at pinilit kong kinalma ang aking sarili. Saka ako nag-umpisang magsalita.
.
Me: Ako po...ang bestfriend...nila Va-ne at Mer-mer.
.
Kinakabahan pa rin ako kaya hindi maayos ang pagsa-salita ko. Huminga ulit ako ng malalim saka tumingin kay mama. Nginitian ako ni mama pati na rin ang family nila Vane at Mer-mer. Unti unti ay kuma-kalma ang aking sarili at ngumiti sa kanila pabalik.
.
Me: Nagka-kilala po kami nila Vane at Mer-mer nung First day of school namin as college student. Una pa lang, nararamdaman ko ng magiging komportable kami sa isa-t isa. Para kaming tinadhana na magka-kila-kilala. Mahiyain po ako, introvert pero kapag kasama ko po sila ay nawawala ang pagka-mahiyain ko. Every summer break or sem-break lagi po kaming namamasyal kung saan saan. Sa mall, sa mga beach at resort, maski sa mga sikat na restaurant ay pinupuntahan namin kahit malayo man o malapit. Sa kanila ko naranasan yung mga hindi ko naranasan nung high school ako. Sila yung nagpapa-lakas ng loob ko kapag kinakabahan ako. Masaya ako kapag kasama sila, masaya kaming tatlo maski sa mga kapalpakan namin sa buhay. Marami rin kaming mga kalokohan. Si Vane ang pinaka-palaban at matapang saming tatlo. Si Mer-mer naman yung matatakutin na kahit biruin mo lang ay matatakot na. At ngayon...
.
Nararamdaman ko ng may nakabara sa lalamunan ko at nangingilid na naman ang mga luha ko.
.
Me: Ngayon po yung....last summer break po namin as college student.
.
Nahihirapan na naman akong maka-hinga kaya napayuko ako at kusang tumulo ang mga luha sa aking mga mata.
.
Huminga ako ng malalim saka ulit nagsalita.
.
Me: Graduating na po kami next school year plano rin po namin na sabay kaming tatlo na magha-hanap ng trabaho. Kaso...
.
Hindi ko na napigilan ang aking iyak. Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking kamay at tuluyan na akong humagulgol sa harap ng maraming tao
.
Pinilit kong kumalma at pinunasan ang aking mga luha para maituloy ang pagsa-salita ko.
.
Me: Hindi ko po alam kung paano magpapa-tuloy sa buhay...sa pagiging buhay estudyante pero...
.
Kailangan kong lumaban.
.
Me: Pina-pangako ko na ga-graduate ako at magkakaroon ng magandang trabaho para sa inyo Vane at Mer-mer! Tutuparin ko lahat ng mga pangako natin. At alam kong nandiyan lang kayo sa tabi naka-suporta. Gusto kong magpasamalat sa inyo dahil sa inyo mas lumakas ako at marunong ng lumaban. Sa mga oras at araw na magkakasama tayo ay mas pinatatag niyo ang aking loob. Sobrang swerte ko at nakilala ko kayo. Hinding hindi ko kayo makakalimutan. Mahal na mahal ko kayo. Vanellope at Merida.
.
---
.
Natapos na ang libing, lahat ay nag- alay ng mga dasal at mga bulaklak.
.
Lumapit sakin ang kambal.
.
Maki: Ate Demi.
Inabot sakin ni Maki ang isang paper bag at agad ko naman itong kinuha.
Miko: Nakita namin yan sa kwarto ni Ate Mer-mer. Binuksan namin ang laman at nakita namin na para sayo yan. Regalo nila Ate Vane at Ate Mer-mer para sayo. Dapat sa mismong Birthday mo pa pero kinuha na namin para ibigay sayo.
Me: Salamat sa inyo Maki at Miko. Lagi niyong tatandaan na pwede niyo akong lapitan pag may kailangan kayo.
Maki & Miko: Opo ate.
.
Nagyakapan na kami kasama ang mga parents at relatives nila Vane at Mer-mer.
.
---
Pagkarating namin ni mama sa bahay ay agad ko namang binuksan ang paper bag.
.
Ang laman ay dalawang Photo album at isang libro...
.
Gulat na gulat ako sa nakita ko dahil ang libro na hawak hawak ko ay ang nakita ko sa Bookstore sa mall kung saan kami pumunta bago ang aksidente. Ang libro na "Fake Life. Fake Death".
.
Paano nangyari to? Paanong nandito ito?
.
Tiningnan ko pa ang laman ng paper bag at may nakita akong isang envelop. Kinuha ko ang mga ito at binuksan saka binasa.
.
Our Dearest Demi,
Hi our Bestieeee, Frenniieee, Demiiii!!! It's your Birthday today and I'm wishing you a good health and happy life. Hoping for a "Jowa" for you!! Charot. Hahaha. Alam naming mahilig kang magbasa ng libro especially novels kaya bumili kami ni Mer-mer AT SYEMPRE YUNG BEST SELLER BOOK ang binili namin kasi para samin THE BEST KA!! WE LOVE YOU DEMI BABY!! MWAAHH.
Love: Va-ne & Mer-mer. ?
.
Naalala ko na kaya pala nung sinabi ni Vane na bibilhin niya ang libro para sakin at tumanggi si Mer-mer, hindi dahil sa takot siya kundi dahil sa nabili na nila at matagal na.
.
Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako habang naka-ngiti.
.
Sinimulan ko ng buklatin at basahin ang messages sa photo album na ginawa nila Vane at Mer-mer.
.
---
1 month na ang nakalipas simula ng nangyari. Tiningnan ko ang oras sa aking cellphone. 3:00 pm, June 09, 2014.
.
Mama: Happy Birthday anak!!
Ngumiti ako saka hinalikan si mama sa pisngi.
Me: Thank you Ma! I love you. Thank you rin sa pa-birthday party mo dito sa bahay Ma!
Mama: You're always welcome anak.
.
Ngayon lang wala sina Vane at Mer-mer sa Birthday ko pero meron naman ang parents at kambal na kapatid ni Mer-mer pati ang Yaya at Driver nila Vane. Nagpadala naman ng regalo ang parents at Ate ni Vane sakin. Andito rin ang mga classmates at ang mga members ng aming University Editorial Board pati na rin si Paulo.
.
Ooppss. Hindi kami ni Paulo. Parehas kaming members ng Univ Editorial Board. Isa si Paulo sa mga Layout Artist at ako naman ay isa rin sa mga Photojournalist.
.
Kung nandito lang sina Vane at Mer-mer ay siguradong kakantyawan ako ng mga yun. Sumali ako sa Editorial Board para mas maging busy ako at mawala ang lungkot ko dahil ito ang in-advice sakin ng doktor para mas bumilis ang recovery ko sa traumang nakuha ko sa aksidente.
.
Paulo: Demi.
.
Bigla akong natigilan sa pagmumuni-muni nang tinawag ako ni Paulo.
.
Me: Ahm...ano yun?
Paulo: Para sayo.
Inabot niya sakin ang isang paper bag saka ko naman kinuha at nginitian siya.
Me: Thank you Paulo.
Habang binubuksan ang regalo niya sakin ay bigla siyang nagsalita.
Paulo: May aaminin sana ako sayo eh.
Natigilan ako sa pagbu-bukas nang....
Me: Ano yun?
Paulo: Hmm...kasi ano...
OMG!! Ano to? Biglang bumilis ang t***k ng puso ko!!
Paulo: Alam ko kasi na Crush mo ako, matagal na.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko at...
Me: HUH?
Ang alam ko ay walang ibang nakaka-alam na Crush ko si Paulo kundi sina Vane at Mer-mer lang. Pero paano?
Paulo: Natatandaan mo ba nung araw na natapilok ka sa harap ko?
OH s**t BAKIT MO PA PINA-ALALA!!!
Paulo: After kasi nun...lumapit sakin sina Vane at Mer-mer at sinabing Crush mo daw ako, matagal na.
ANO!!! ANG DALAWANG YUN TALAGA!!!
Paulo: At dahil dun ay lagi na kitang tinitingnan pag nagka-kasalubong tayo sa school at lagi na rin kitang ina-abangan.
DI NGA??!!! KAYA PALA KAPAG NAGKAKA-SALUBONG TAYO EH LAGING BUMUBULONG SAKIN SINA VANE AT MER-MER NA TUMITINGIN KA SAKIN!!!
Paulo: Pero kahit pa hindi sinabi sakin ni Vane at Mer-mer na crush mo ko eh Crush rin naman kita.
WHAATTT??!! TOTOO?! AAAAAHHHH ANG PUSO KO!!!!!!
Paulo: Buti na lang natapilok ka sa....
NATAPILOK?
Me: Sa harapan mo?!
Paulo: Hindi!
Yumuko siya at lumapit sakin saka bumulong ng...
Paulo: Sa puso ko.
Natigilan ako sa mga sinabi niya kaya lumayo ako ng konti sa kanya dahil sa nakakaramdam na ako ng hiya at bigla ko na lang iniba ang usapan.
Me: Huwag mo na ngang ipa-alala na natapilok ako. Nakakahiya.
Paulo: Hindi ah. Ang cute mo kaya. ?
.
ARRRUUUYY YUNG PUSO KO!!!TUMATALON!!!
.
At simula nung Birthday ko ay naging mas close na kami ni Paulo. Lagi kaming magkasama every vacant sa school. Napag desisyunan namin na mag-concentrate na muna sa studies at school activities dahil sa graduating na kami parehas at after namin maka-graduate ay saka na manliligaw si Paulo sakin. Alam na rin ni mama at pinakilala na rin ako ni Paulo sa parents niya.
.
Lumipas pa ang ilang mga buwan at naging sobrang busy na nga kami sa school. Busy sa Thesis, sa OJT at sa school activities.
.
Nagkakasalubong din kami ni Carlo sa school at nagka-usap na rin kami tungkol kay Vane. Inamin niya sakin na walang namamagitan sa kanila ni Jessa. Sinabi rin niya na may gusto si Jessa sa kanya at alam din ni Jessa na si Vane lang ang mahal niya. Hindi naman daw magawang iwasan ni Carlo si Jessa dahil sa Thesis nila kaya sobrang nagsi-sisi siya dahil sa hindi niya na-ipaglaban si Vane. Araw-araw ay laging naka-bantay si Carlo sa burol nila ni Vane. Mula nung libing ay nag-kulong na lang si Carlo sa kanyang kwarto. Dalawang linggo ang itinagal bago ko matuklasan ang sulat.
.
Ang sulat na ginawa ni Vane para kay Carlo. Naka-ipit yun sa libro na regalo nila sakin. Hindi ko alam kung sinadya ba o nakalimutan lang ni Vane na tanggalin sa libro ung sulat. Kaya agad ko namang binigay kay Carlo ang sulat.
.
Kaya mula nung pasukan at hanggang ngayon ay nakikita ko na ring ngumiti si Carlo. Pag nagkaka-salubong kami ay nagkakamustahan at simpleng ngiti lang sa isa't isa. Mahirap para kay Carlo na mawalan ng minamahal pero ang sabi nga ni Vane sa sulat niya ay "Mas mahirap ang walang Closure" kaya sa tingin ko ay matagal ng pinalaya ni Vane si Carlo simula nung araw bago ang aksidente.
.
Paulo: DEMIII!
Me: AY PUTIK KA!
NAKAKA INIS TALAGA TONG LALAKING TO! Lagi na lang niya akong ginugulat.
Paulo: Hahaha! Tulala ka na naman diyan! Iniisip mo na naman siguro ako noh!
Me: Tsk! HINDI AH!!
Paulo: SWEAR?
Nakita ko ang ngiti ni Paulo na nakakatulala.
Me: TARA NA NGA! UWI NA TAYO!
Paulo: Hahaha. Sabi ko na nga ba eh. Kinikilig ka na naman diyan.
Me: BAHALA KA NGA DIYAN!
At nauna na akong maglakad.
Paulo: WAIT LANG!
.
---
Kriiing....kriiing
.
Mama: Anak! Gising na! Male-late na tayo!
Me: Hmmmm wait lang. Anong oras na ba?
Mama: 7: 30 na!
Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang sinabi ni mama.
Me: HUH? ANO!!
Mama: Hahaha
Me: Oh! Bat ka tumatawa diyan Ma?
Nagtataka kong tanong kay mama at nang tingnan ko ang oras sa cellphone ko ay 5:30 am pa lang.
Me: Ma, naman!
Tawang tawa si mama sakin habang niyayakap niya ako.
Mama: Halika na at mag breakfast na tayo.
Me: Sige. Sunod ako.
.
Tumango lang si mama saka lumabas ng kwarto ko.
.
---
Ngayon ang araw ng pinakahi-hintay ko!
.
April 18, 2015- GRADUATION DAY.
.
Ito ang araw na makikita mong lahat ng estudyante at mga magulang sa School ay nagsama-sama at masaya.
.
Nakatayo kami ni mama sa gilid ng stage kasama ang iba pang estudyante at mga magulang. Hinihintay na tawagin ang pangalan namin pa-akyat ng stage.
.
Deminelle Corpuz Lim,
(c*m Laude & Ched Scholar)
Bachelor of Arts in Political Science
2014-2015
.
Sa buhay, kahit gaano man kasaya at gaano man kasakit ang napagdaraanan ay kailangan pa rin nating lumaban at magpaka-tatag. Para ipag-patuloy ang nasimulan at harapin ang kinabukasan. Maraming maraming salamat sa aking pinaka-mamahal na dalawa kong kaibigan Vane at Mer-mer. Para sa inyo ito.
.
...
"Tuloy lang ang buhay huwag kang susuko." ?