-Kea- “Kea, alam mong kahit ano pa ang mangyari o pinagdaraanan mo ay palaging narito lang kami para tulungan ka, kayo ng anak mo. Alam mo naman kung gaano kayo kahalaga sa buhay ko, diba? Kaya sana kung may dinaramdam ka man ngayon sana ay sabihin mo sa akin ng sa ganoon ay malaman ko at ng matulungan kita.?” Madamdaming salita ni Madam Mila sa akin habang hinihimas ko ang buhok ng aking anak na si Summer na ngayon ay natutulog sa aking kandungan, kanina pa kasi ako walang kibo ng ihatid sa akin si Summer dahil na rin sa napagod na daw itong makipaglaro sa mga kasamahan ko. Napaiwas naman ako ng tingin dito dahil nahihiya akong magsabi dito ng aking mga problema dahil alam kong magagalit ito kay Philip at ayokong pagsalitaan nila ng hindi maganda ang asawa ko, kahit papaano naman ay ayok

