-Kea- Pasado tanghali na rin ng dumating sa bahay namin ang kapatid at kalaguyo ng aking magaling na asawa, ng sa ganon ay mapag-usapan ako man ang dapat tapusin at kung sino ang kailangan umalis sa buhay ng bawat-isa. Sa totoo lang ay alam kong mas may laban ako dahil kasal kami ni Philip ngun’t wala talaga kong makita sa asawa ko na ako ang gusto nitong piliin at kahit pa sabihing isa lamang plano ang lahat ng meron sa aming dalawa. Pero aaminin ko sa aking sarili na nahihirapan akong makita ang mga taong ginawa lang ako laruan ng mahabang panahon. Sabay na dumating sila Philip at ang kalaguyo nitong si Andy, samantalang ang kapatid naman ni Philip at sinasabi nitong Kuya n’ya ay kararating lang din naman na labis ko pang ikinagulat. Dahil ang kapatid ni Philip at si Mr. Peter Ocampo an

