-Mila-
“Maayos naman ang baby ko, at alam mo bang girl ang first baby ko?” Masayang sagot sa akin ni Kea. Sa totoo lang ay kanina pa namin ito sinusundan, may check-up ito ngayon at alam akong nasa five months na rin ang tiyan nito. Actually, hindi ko naman ito makikilala kung hindi ako kinulit ng pinsan kong si Peter ang lalaking nakabuntis dito, walang kalam-alam si Kea na isang set up lang ang pagkikita naming dalawa kaya alam kong kapag nalaman niya ang buong katotohana ay magagalit ito sa aming lahat. Alam kong mali ang ginawa ng pinsan ko pero alam kong may matindi itong dahilan kung bakit niya ito ginagawa, ayoko sana makialam pero nakaramdam ako ng awa kay Kea ng makita kong nanganagilangan nga talaga ito ng tulong.
Mabait si Kea at masipag sa kanyang trabaho hindi ito dumadaing kahit nakikita kong nahihirapan na rin ito sa kanyang kalagayan, nasuntok ko pa nga dati si Peter dahil ayaw niyang magpakalalaki at panagutan ang kanyang ginawa sa isang babae. Subalit may iba pa kasi itong plano ngayon at hindi pa daw ngayon ang tamang panahon para magpakilala siya kay Kea bilang ama ng kanyang magiging anak. Wala na rin naman akong magawa dahil pinsan ko ito at mahalaga din naman ito sa akin, at isa pa ito lang din ang taong unang tumulong sa akin noong nasa isang problema ako na hindi ko kayang lutasin. Alam kong simpleng buhay lang ang gusto ni Kea para sa kanilang mag-ina, pero iba naman ang gustong mangyari ni Peter para sa kanyang mag-ina.
“Hanggang kaylan mo itatago ang totoo sa kanya? Nakikita mong nahihirapan na si Kea, pinalayas siya ng kanyang mga magulang ng dahil sa kanyang pagbubuntis pero ikaw hindi mo man lang siya madamayan. Walang magagawa ang mga bagay na binibigay mo sa kanya dahil sa tingin ko mas kailangan ka niya.” Seryoso kong tanong kay Peter ng makababa na rin si Kea at naihatid namin ito sa kanyang tinitirahan. Alam kong kanina pa rin nito na papansin si Peter sa likuran namin na hindi kumikibo pero hindi na lang din ito pinansin ng dalaga.
“Kahit gustuhin kong samahan at magpakilala sa kanya at hindi ko pwdeng gawin dahil mas kailangan ni Philip ang tulong ko, at alam mong magkakagulo ang pamilya namin kapag nalaman nila ang tungkol sa kapatid ko.” Simpleng sagot nito at parang walang kabuhay-buhay. Napapailing na lang ako dahil nakikita kong mali ang gusto nitong mangyari, subalit anong magagawa ko eh buhay naman nila ang pinag-uusapan at sana lang ay magawa pa nilang maayos ang lahat.
May kapatid ito sa kanyang ama si Philip at ito ang kilala ng lahat, pero sa tuwing magkakaroon ito ng problem ay si Peter ang nag-aayos ng sa ganoon at hindi masira ang pangalan ng kanilang pamilya. Noong nagkaroon ng bagong asawa ang kanyang ama ay mas napalayo ang loob nito sa kanya, namuhay si Peter na malayo sa kanyang ama habang ang kanyang ama ay masayang kasama ang bagong nitong pamilya. Mayaman ang babaeng napangasawa ng kanyang ama kaya naman nagiging sunod-sunuran dito ang kanyang ama, subalit ganon pa man ay lumaking magkasundo sila Peter at Philip, ang kanyang step mother naman ay natanggap na rin siya bilang unang anak ng asawa nito. Pero may kondisyon ang kanyang step mother bago siya tuluyang tanggapin at kilalanin. Kailangan ni Peter na mag-aral na mabuti at ng sa ganoon ay makatulong pagpapaunlad ng kanilang mga negosyo, pinalabas na rin inampon lang siya at si Philip pa rin ang ng iisang Venturero. Ang lahat ng yon ay buong pusong tinanggap ni Peter kinaya niya ang lahat kasama ang masasakit na salita na naririnig niya sa kanyang step mother, hanggang naging tanyag ang negosyo ng mga ito ng dahil sa kanyang pagsusumikap. Tinulungan din niya si Philip kung paano magpalakad ng mga negosyo hanggang sa isa na rin itong magaling na businessman, habang tumatagal ay nakikita ni Peter nag pag-asenso ng kanyang kapatid kaya naman nagdesisyon na rin siyang magkaroon ng sariling negosyo ng sa ganoon ay makalayo sa anino sa pamilya ng kanyang ama.
“Sa tingin ko tigilan mo muna ang pagpunta sa restaurant ko dahil nagmumukha ka lang t*nga doon, tigilan mo na rin muna si Kea dahil baka mahalata na niya kung sino ka nga ba sa buhay niya. Huwag kang mag-alala babalitan na lang kita kapag nakapanganak na siya, gusto mo padalhan kita ng picture ng baby girl mo?” Natatawa ko pang sambit dito ng sa ganoon ay makita ko itong ngumiti. Mula ng malaman nitong nabuntis niya si Kea ay palagi ko na rin itong tulala pero ngumingiti sa kawalan, parang itong baliw na masayang pinagmamasdan ang isang picture ni Kea na hindi ko naman kung kaylna niya na kuha. Isang lumang picture iyon na matagal ko na ring nakikita sa wallet nito, nasa school uniform pa si Kea at maganda ang ngiti nito sa litrato.
“Ok sige basta ibalita mo sa akin ang lahat, tamang-tama dahil aalis ako bukas ng gabi para pumunta ng Singapore para sa bagong hotel na pinatatayo ko. Gusto kong gumawa ng isang palasyo para sa pagdating ng mag-ina ko.” Nakangiti naman nitong sagot sa akin at saka hinaplos ang picture ni Kea na nasa kanyang phone, nagsesend ako dito araw-araw ng mga picture ni Kea dahil gusto nitong malaman kung ano ang ginagawa ng babae, sinunod ko na lang din naman ito dahil sa totoo lang siya ang may-ari ng restaurant na pinamamahalaan ko.
Tumango na lang ako dito at saka nagpatuloy sa pagmamaneho, inihatid ko na lang muna ito ng sa ganoon ay makauwi na rin ako dahil nakakapagod maging driver nito. Pagdating ko sa aking bahay ay pabagsak kong inilapat ang likod sa matambot kong kama, napikit ko rin ang aking labi dahil sa gusto ko na lang muna matulog at bukas ko na lang sasagutin ang mga email sa akin ni Flower. Tiyak na marami naman itong chika sa akin bukas isa pa ang baklang yon napakaraming hanas sa buhay, pero mabait ito at mapagkakatiwalaan. Naaalala ko pa noong pinagpustahan namin si Kea kung buntis nga ba ito o hindi, kahit alam kong akong buntis na noon si Kea ay sinabi ko pa rin hindi ng sa ganoon ay ito ang manalo at ng may maipadala itong pera sa kanyang pamilya sa pinas.
Halos walong taon na rin kaming magkaibigan nito ay marami na rin kaming pinagsamahan na maganda at panget na nakaraan pero ganoon pa man ay sabay kaming bumabangon at sabay din kami lumalaban sa hamon ng aming mga buhay. Panganay kasi Flower at ito lang din ang inaasahan ng kanyang ina at mga kapatid nitong maliliit pa, marami itong pinag-aaral dahil sa walang tigil rin ang kanyang mga magulang sa pagpaparami ng kanilang pamilya kaya naman ang bakla ang sumasalo ng lahat ng mga kailangan ng mga ito. Kaya pati ang pakikipagpustahan sa akin ay pinapatos nito magkapera lang. Sa totoo lang ay magandang lalaki sana ito kung naging isang tunay lang itong lalaki, at baka mainlove pa nga ako dito dahil sa gwapo rin naman ito at boyfriend material. Ang kaso hindi ako ang tipo nitong jowain dahila ng gusto nito may lawit din tulad n’ya, napapahinga na lang ako sa tuwing may mga lalaking matipuno ang pangangatawan at magagandang lalaki pero hanap ay hindi mani kung di katulad din nilang may hotdog.
Kinabukasan ay late na akong pumasok at inabutan ko na ang mga trabahador kong busy sa kanilang mga ginawa, marami kasing customer ngayon kaya talagang nagiging busy silang lahat ngayong araw. Maging si Kea ay busy rin kaya naman hindi ko na lang din inabala pa ito at mukhang hindi rin naman ako nito napnasin dahil sa mya customer itong kinakausap. Paliko na rin ako papuntang office ng harangain ni Flower ang daraanan ko at naninigkit pa ang mata nitong tumingin sa akin hindi ko naman malaman kung ano naman ang dahilan nito o kung bakit ganito ito ngayon sa aking harapan.
“Anong ginagawa mo dito Flower, hindi mo ba nakikita na maraming tao sa baba mabuti pa tumulong ka don ng hindi naman sayang ang pinasasahod ko sayo?” Inis kong salita dito dahil ayoko talagang makita ang ganitong tingin nito sa akin na parang may kasalanan akong ginagawa dito ng hindi ko nalalaman. Pero tumawa lang ito ng malakas at saka naupo sa coach at tinignan ako ng makahulugan nito. Alam ko naman hindi ito mapipikon sa sinabi ko pero sinabi ko pa rin ng sa ganoon malaman nitong may trabaho pa siyang dapat na unahin.
“Ano bang problema mo at ganyan ka makatingin sa akin ha?” Galit kong sambit dito at inirapan ko na rin ito dahil talagang naiinis na ako dito kung hindi ko lang ito kaibigan at matagal ko na rin itong pinaalis sa kanyang trabaho dahil sa pagiging chismosa nito. Tumayo ito at saka lumapit sa akin.
“Ano ang relasyon mo kay Mr. Ocampo?” Tanong nito sa akin at saka tumaas pa ang kilay nito habang nakasalikop ang dalawang braso, para itong abogado kung magtanong sa akin na animoy totoong makasalanan ako. Nabigla naman ako sa tinanong nito pero hindi ako nagpahalata dahil hindi pa nito pwdeng malaman ang ugnayan namin ni Peter. Tinaasan ko rin ito ng kilay at tinignan ko lang din ito sa kung paano ako nito tignan.
“Wala, at bakit?” Baliwanag sagot ko dito at saka inayos nag computer ko dahil marami akong kailangan na basahin na email galing pa sa iba pang mga negosyo ni Peter, ako kasi ang nakafront sa lahat ng business nito dito sa Italy at walang nakakaalam sa kung ano ang meron kaming dalawa maging si Flower ay hindi pwdeng sabihin dito dahil alam kong ikabibigla din nito. Mr. Ocampo ang gamit nito imbis na Venturero ang Ocampo at middle name nito at apelyido nag kanyang ina. Sa totoo lang ay ayaw rin naman niya gamitin ang Venturero dahil na rin sag alit n’ya sa kayang ama kaya naman Mr. Ocampo ang pagkakalilala dito.
“Talaga ba! Eh ano yung nakita kong hinatid mo siya sa condo niya kagabi at parang matagal na rin naman kayong magkakilala, ha?” May pagtataka nitong tanong sa akin na ikinahinto ko sa aking ginagawa, tumingin lang ako dito at saka nagpanggap na walang alam sa mga nangyayari. Kilala ko si Flower alam ko kung kaylan ko pwdeng sabihin ang totoo dito o kaylan hindi, magaling itong magbasa ng tingin ng isang tao kaya alam kong kailangan kong mag-ingat ngayon dito.
“Nadaanan ko siya sa daan dahil nasira ang kotse niya, nagpatawag na siya ng tauhan pero hindi naman agad dumating sa lugar kong nasaan ito. Alam mong regular customer natin siya at para hindi masira nag images natin sa kanya ay nagoffer na rin ako na ihatid siya ng sa ganoon ay makagawa pa siya ng paraan sa kotse niyang nasira. Ok na po Madam Flower” Naiinis kong pagkukuwento dito na ikinatahimik naman nito at ikinaayos ng kanyang tingin sa akin. Madali din naman ito mapaniwala lalo na kung akala nito ay totoo ang aking sinasabi.
“Teka paano mo naman nalaman na magkasama kami ni Mr. Ocampo at hinatid ko siya sa condo niya aber, ha? Siguro may pinuntahan ka don na bagong jowa mo kaya nakita mo kaming magkasama noh? Umamin kang bakla ka kung ayaw mong sabunutan ko yang ibaba mo?” Balik tanong ko dito kaya nakita ko ang takot nito sa kanyang mata at kung paano ito kabahan. Mukhang ito naman ngayon ang hindi makasagot sa akin kaya naman sinamantala ko na rin ang pagkakataon ng sa ganon ay malaman ko kung may bago naman ba itong karelasyon o wala. Mahirap kasi magmahal ang bakla na ito dahil talagang ibinibigay ang lahat at walang ititira sa kanyang sarili, tapos sa huli iiwan at sasaktan lang siya ng mga lalaking kanyang nagiging karelasyon.
“Gaga, anong jowa pinagsasabi mo yan. Naghatid ako ng ipasasabay kong packages na ipapadala ko sa pinas alam mo naman malapit na ang enrollment kaya kailangan ko na rin magpadala ng mga gamit ng mga kapatid ko. Alam mo ikaw kung ano-ano ang pumapasok yan sa kukute mo, makaalis na nga lang dahil mukhang busy ka naman yan.” Salita nito sa akin at saka na ito umalis ng office ko. Hindi ko na lang din ito pinansin pa dahil alam kong hindi rin naman ito nagsasabi ng totoo. Malalaman ko rin naman kung may jowa ito kapag nagpunta ito sa akin na may pasa ang kanyang mukha at iiyak na parang bata dahil iniwan ng kanyang mahal, madalas na ganoon ang nangyayari dito kaya sana na rin naman ako sa kaibigan kong ito.