-Kea-
“Are you pregnant?” Kuno’t na tanong sa akin ni Flower ng makita nitong nagsusuka ako sa loob ng banyo, hindi ko alam na sumunod pala ito sa akin kaya naman labis ang kaba at takot na makikita sa akin. Bigla kasi akong naduwal ng may maamoy akong isang bagay na hindi gusto ng aking ilong, ewan ko ba pero parang ngayon na rin nagsisimula ang paglilihi ko almost three months na rin ang tiyan ko pero hindi pa naman ito halata sa ngayon kaya wala pa ring nakakaalam sa mga kasamahan ko na buntis nga ako. Napatingin ako dito ng makita ko itong nasa likod ko, malaking pagtataka sa mukha nito ang makikita pero napayuko na lang ako at sa tumango dito, napapikit na lang din ako dahil alam kong makakarinig ako ng sermon dito. Wala akong narinig mula dito kaya naman nanalangin na lang ako na sana ay hindi muna nito sabihin kay Madam Mila ang kalagayan ko dahil baka paalisin ako nito sa trabaho.
“Sabi na nga ba at panalo ako sa pustahan namin ni Mila, ako ang panalo kaya kailangan mong sumama ng sa ganon ay ikaw mismo ang magpapatunay ng sinabi mo na pregnant ka.” Masaya pa nitong turan sa akin at saka napalakpak pa ito ng malakas dahil sa sobrang kasiyahan na ipinagtaka ko naman dito. Ibig sabihin nahahalata na nila ang pagbubuntis ko at pinagpustahan pa nila ako, anong klaseng tao ba ang mga ito at nagagawa nila akong perahan. Napapailing ako sa aking isipan dahil ang buong akala ko pa naman ay magagalit ito sa akin yun pala ay matutuwa pa ito nang malamang buntis ako, nakakaloka din pala ang may kasamang baklang sa trabaho at ganito kakulit dahil maaaring mabenta ng hindi mo alam.
“I told you she was pregnant, so I'm the winner between the two of us.” Malandi pang sambit ni Flower ng makapasok kami sa office ni Madam Mila, napataas naman ang tingin nito sa amin mula sa mga binabasa nitong mga dokumento kinakabahan ako sa kung paano ito tumingin sa akin napakagat pa ang aking ibabang labi dahil sa hindi ko na alam ngayon kung paano kikilos. Napayuko na lang ako dahil talagang nahihiya ako sa mga nangyayari. Habang ako ay kinakabahan ang katabi ko namang si Flower ay labis ang saya dahil mukhang malaki ang naging pusta nito. Napahinga naman ako ng malalalim dahil talagang hindi ko na rin maintindihan kung ano nga ba ang dapat kong sabihin sa kanilang dalawa, maaari din kasing magalit ng tuluyan sa akin si Madam Mila dahil sa natalo na nga ito sa kanilang pustahan ay buntis pa ako.
“This is your money and then you leave.” Galit naman na sagot ni Madam Mila kay Flower at saka inilagay sa mesa ang isang bundle na pera masayang kinuha ito ni Flower at saka kinindatan pa ako, pinakita pa nito sa akin na inamoy nito ang pera at masayang ngumiti umalis na rin ito agad pagkatapos makuha ang perang pinanalo nito sa nangyaring pustahan ng dalawa. Wala naman ako nagawa ng sabihin sa akin ni Madam Mila na maupo ako at mag-uusap kaming dalawa tungkol sa pagbubuntis ko, nakayuko lang din ako dito dahil hindi ko magawang tumingin sa mga mata nito dahil alam kong galit ito sa akin ngayon at alam kong ano mang oras ay tatanggalin na ako nito sa kanyang restaurant.
“Ilang buwan na yang tiyan mo Kea?” Walang buhay nitong tanong sa akin na ikinatingin ko na lang dito. Gusto kong umiiyak at magmakaawa na huwag ako nito paalisin sa trabaho dahil kailangan ko ito ngayon, dahil sa alam kong wala na rin akong mapapasukan dahil nalaman kong mahirap pala mag-aapply dito ng mga trabaho lalo na kung wala ka naman talaga kilala sa isang lugar.
“Three months mo Madam Mila.” Mahihiya kong sagot dito na ikinatahimik naman nito pero ramdam ko pa rin ang pagtingin nito sa aking katawan. Nakukurot ko ang palad ko dahil sa kaba at takot na nararamdaman ko ngayon, alam kong ano mang oras ay sasabihin na nito sa akin na aalis na ako. Narinig ko ang buntong hininga nito at saka nito inabot ang phone at may kinausap don, hindi ko naman maintindihan dahil mukhang Italyano ang salita nito. Nanghihintay pa rin ako ng utos nito ng biglang bumukas ang pinto at nagpasukan ang halos limang kalalakihan na may dalang mga gamit na pangbaby, may malaking crib ng baby at iba’t-ibang klase ng mga laruan mero din mga damit at diaper ang naroroon kung titignan ay mukha na itong department store sa damit ng para sa baby.
“Iuwi mo ang lahat ng yan dahil sa tingin ko ay mas kailangan mo yan, may kaibigan akong nagkamali ng bili ng mga gamit na kanyang magiging anak at dahil sa ayaw ng asawa n'ya ang kulay ay pinatapon ang lahat ng yan sa basurahan. Sa totoo lang nakakapanghinayang kung itatapon ang lahat ng yan, kaya naman hiningi ko na lang ng sa ganoon ay magamit kung sakaling may mga tauhan akong mabubuntis at masaya akong ikaw ang gagamit n'yan kaya sige na mamaya ipapadala ko yan sa bahay mo ng sa ganoon ay maiayos mo na rin. At kung inaalala mo ang magiging trabaho mo dito at hindi kita papaalisin dahil kailangan mo ng mga taong maaaring tumulong sayo. Saka kailangan mong mapacheck up bukas ng sa ganoon malaman natin ang kalagayan ng baby mo? Kumain ka rin ng mga pagkaing masusustasya ng sa ganoon ay maging healthy ang baby mo, naiintindihan mo ba Kea?” Seryoso nitong tanong na ikinatulala ko na lang din naman dito. Parang nabingi pa ako sa mga sinabi nito kaya naman hindi ko magawang sumagot dito. Hindi ko na lang din namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko dahil hindi ko lubos akalain na ganito kabait ang boss ko.
“Maraming salamat po Madam Mila, hayaan po ninyo kahit po buntis ako ay magtatrabaho pa rin po ako ng sa ganon ay mabayaran ko ang lahat ng ito Madam Mila. Maraming salamat po talaga malaking tulong po sa akin nakakahiya man po pero malaki ang magiging tipid ko dahil halos kompleto ang lahat ng ito.” Lumuluha kong salita dito at nagawa ko pang lumuhod sa harapan nito. Mabilis naman ako nitong inalalayan para tumayo at muling makaupo ng ayos sa sofa nito.
“Tama na ang pasasalamat at hindi mo kayang lumuhod sa akin, ayos lang at masaya akong ibigay sayo ang tulong para sa inyo ng baby mo. Basta ingatan mo ang sarili mo ng sa ganoon maging healthy kayo ng baby mo oras na ilabas mo na siya ok.” Nakangiti na naman nitong sambit sa akin at niyakap ako para pakalmahin ako dahil talagang napapahagulgol na rin ako sa sobrang pag-iyak ko. Natawa pa ito sa akin ng suminga ako sa laylayan ng aking damit, muli akong nagpasalamat dito at saka umalis para iuwi ang mga bigay nitong mga gamit ng baby.
“Kea, table four daw paki assist naman salamat.” Nakangiting utos sa akin ni Nelly isa na rin sa mga naging kaibigan ko dito. Lumapit ako sa table four para kunin ang order nito, regular customer na rin naman ito at marunong mag English kaya ayos lang nakausapin ko. Pinag-aaralan ko pa kasi ang language nila dito at para naman makasabay na rin ako sa pagsasalita nila, pero sadyang nahihirapan ako kaya English na lang muna ang kaya ko pang sabihin sa ngayon. Mabuti at may mga customer silang mga english ang salita kaya kahit papaano ay kaya kong makipag-usap sa mga ito.
“Good day, Sir, what is your order?” Masaya kong tanong dito, nagbabasa ito ng new paper at halos malaglag naman ang panga ko dahil sa mala adonis nitong mukha. Halos perfect na ito at wala kang maitatapos sa ganda nitong lalaki, sa buong buhay ko ngayon pa lang ako humanga sa isang lalaki at ang mas masakit ay sa isang Hercules pa. Narinig ko ang pag-ehem nito sa akin kaya naman napabalik ako sa aking katinuan, napaayos pa ako ng tayo at saka muli itong tinanong kung ano ang order nito. Sinulat ko ang order nito at saka binigay kay Flower ng sa ganoon ay maiayos na rin nito. Muli akong napatingin sa lalaking kinuhanan ko ng order at hindi ko inaasahan nakatingin din pala ito sa akin kaya naman nag-iwas na lang ako ng tingin dahil baka kung ano pa ang iisipin nito sa akin.
Si Flower na lang ang naghatid ng order ng binata dahil pinatawag ako ni Madam Mila sa kanyang office at may sasabihin daw ito sa akin. Pero ng naroroon na ako ay wala naman itong inutos sa akin at pinagpahinga lang ako nito sa loob ng office sa loob ng isang oras, napapakamot na lang ako ng ulo dahil sa naiinip na rin ako sa loob ng office nito. Hanggang sa isang tawag ang natanggap nito na ikinatawa lang din nito ng malakas at halos malaglag pa ito sa kanyang kinauupuan ng dahil sa kakatawa nito na hindi ko naman alam kung ano ang dahilan ng masaya nitong aura. Nag-usap sila ng nasa kabilang linya pero dahil ibang wika ang gamit ng mga ito at tahimik lang din ako ng sa ganoon ay hindi ako makagulo sa kung ano man ang kanilang pinag-uusapan. After nitong makipag-usap ay lumabas na rin ako dahil sa kailangan ko na daw ulit bumalik sa aking trabaho at baka kung ano na ang isipin ng mga katrabaho ko sa akin.
Nasa hagdan naman ako ng salubungin ako ni Flower at para itong kinikilig na hindi ko naman maintindihan. Masaya ang ngiti nito sa akin at saka ako hinawakan sa braso para alalayan na rin bumaba, pero ramdam ko ang saya nito ngayon na hindi ko na lang din muna pinansin pa dahil nakakaramdam na rin ako ng pagkangalay sa aking paglalakad. Hanggang sa makauwi ako ng gabing yon ay pakiramdam ko ay may nakasunod sa akin na hindi maintindihan, mabilis naman akong nalakad papasok sa apartment ko dahil baka kung sino ang sumusunod sa akin at mapahamak pa kami ng anak ko. Naglock agad ako ng makapasok sa loob ng bahay ko at maging ang mga binata sa loob ay sinigurado kong sarado ng sa ganoon ay walang sino man ang nakakapsok. Hindi naman ako pumasok kinabukasan dahil day-off ko at kailangan ko na rin mag pacheck-up at malapit na rin mag five months ang baby ko, binalita ko na rin kila Mommy at Daddy ang gender ng baby ko at masaya sila dahil baby girl ang una nilang apo sa akin. Nagpadala naman si Daddy ng extra money ng sa ganoon ay makabili ako ng mga pagkain na gusto kong kainin dahil mahirap daw maglihi ang isang buntis, pero sa lagay ko ay hindi naman ako nahirapan sa pagbubuntis sa aking baby siguro alam nitong wala akong kasama at mag-isa lang ako kaya naman hindi ito nagiging pasaway sa akin. Napapangiti pa ako habang palabas ng hospital dahil sa nakikita kong ultrasound record na nasa kamay ko ngayon, pero bigla na lang ako nagulat ng makita ang isang kotse na pumarada sa harapan ko. Nagtaka pa ako kung sino ito pero ng ibaba nito ang window ay nakita kong si Madam Mila ay maganda ang ngiti nito sa akin.
“Kea, hatid na kita?” Salita nito sa akin na ikinatango ko na lang din dito. Nakapasok na ako sa loob ng kotse nito ng makita kong may kasama pala ito na nakaupo sa back set pero naka shade ito at hindi naman ako nito kinibo kaya naman hindi ko na lang din ito binati pa. Muli akong napatingin kay Madam Mila ng magsalita ito sa akin.
“Kamusta ang check-up mo Kea?” Tanong nito sa akin at saka tumingin sa lalaking nasa likuran gamit ang side mirror. Ngumiti naman ako dito at saka inabot dito ang ultrasound at sinabing baby girl ang magiging anak ko, napahinto pa ito sa isang tabi at saka pinagmasdan ang binigay ko ditong papel. Masaya ako nitong niyakap at saka nag congrats din naman ito sa akin, nakangiti kaming nag-uusap pero ang lalaking nasa likod namin ay wala man lang kibo o kahit na anong imik, hinayaan ko na lang din ito dahil hindi ko naman ito kilala pa. Pero parang kilala ko na ang lalaki sa kung paano ko pakiramdama ang aking sarili dito.