-Peter- Nasa loob kami ng isang private bar at masayang nag-iinuman sina Jaime at iba pa rin naming kasama ng lapitan ako ni Lyndon na hindi ko inaasahan. “Kamusta na ang paghahanap mo sa mag-ina mo? May lead ka na ba kung nasaan sila ngayon o kung kahit na yung lugar na kinaroroonan nila?” Tanong nito sa akin na hindi ko rin naman inaasahan. “Wala pa, ang totoo n’yan itinigil ko muna yung paghahanap ng sa ganoon ay matutunan kong aysuin ang buhay na meron ako ngayon. Gusto ko rin na umalis sa anino ni Daddy at ng hindi ako lagi ang nakikita ng asawa n’ya. Aalm kong ayaw ng madrasta ko sa akin pero wala na rin naman s’ya magagawa dahil anak pa rin ako ng aking ama.” Sagot ko dito habang nasa dance floor ang tingin ko. Naramdaman kong tumnago na lang ito sa akin kaya naman napanatag na r

