-Summer- Alam ko ang buong dahilan kung bakit kami umalis ni Mommy sa Italy kung saan din naman ako lumaki at nakilala ang mga taong alam kong nagbigay din kay Mommy ng pasakit. Noong una ay naguguluhan pa ako at ayokong magtanong kay Mommy dahil alam kong masasaktan lang ito lalo kung makikita nitong nahihirapan din ako sa kung anong buhay kami meron dalawa. Alam ko ang storya ng buhay nito at kung paano ako nito ipinanganak sa mundo, nalaman ko ang lahat ng yon ng minsan marinig kong nag-uusap-usap ang mga kasamahan nito sa trabaho, aminado akong matalino akong bata at sa tingin ko ay kaya kong intindihin at unawaain ang lahat, subalit ayaw ng aking ina dahil sa murang edad ay iniiwasan nito na masaktan ako ng ibang tao. At kahit na bata pa lang ako noon ay nakaya kong pagtugma-tugmain

