-Kea-
(flash back)
“Mommy, Daddy good morning?” Masayang bati ko sa mga ito habang pababa ako ng hagdanan at ang aking mga magulang ay nasa loob ng dining area para kumain ng breakfast, first day off school at first year school na rin ako at ganon ako kaexcited dahil ganap na akong high school student. Marami akong kilala na nagsasabi mas masaya ang high school kaysa sa elementary school, ang sabi pa ng ilan ay dito mo mararanasan ang mag cut ng classes at ang mangbully ng kapwa mo student at higit sa lahat ang mainlove sa isang taong maaaring gustuhin rin ng puso mo.
“Kea, diba sinabi ko na sayong huwag kang sisigaw na parang bata yan. Dalaga ka na at high school ka na ngayon kaya ayusin mo yang kilos mo dahil maraming maiinis sayo kung makakahiligan mo ang ganyang pagsigaw.” Sita sa akin ni Mommy habang inaayos nito ang baon kong sandwich, napakamot na lang ako ng ulo at saka nagsorry dito. Humalik naman ako sa mga ito at saka na upo sa tabi ni Daddy na ngayon ay nagbabasa ng new paper, ito nag hilig niyang gawin tuwing umaga at hindi tulad ng iba na phone ang unang hahawakan sa umaga.
“Tama na yan sweetheart, sa tingin ko naman ay hindi na iyan uulitin ni Kea di ba anak?” Pagkakampi naman sa akin ni Daddy. Ito talaga ng gusto ko dito dahil kahit na anong sabihin sa akin ni Mommy ay ito naman ang aking nagiging abogado, napangiti pa sa akin si Daddy at saka sinabing kumain na ako at ihahatid pa nila ako sa bago kong school. Masaya naman akong tumango dito at saka masiglang kumain ng agahan, napahinga na lang sa amin si Mommy dahil halatang nagkakampihan kaming dalawa ni Daddy na hinahayaan naman nito kung minsan.
Simpleng buhay lang kami pero kontento na rin kami sa buhay na meron kami, may mga negosyo ang mga magulang ko pero kahit kailan ay wala silang tinapakan na tao o niloko. Magaling sa pagnenegosyo si Mommy habang si Daddy naman ang nag-iisip ng mga tamang taong pwde nilang makausap para makatulong sa mas lalong lumaki pa ang aming business. Saktong alas-sais ay dumating na kami sa St Catherine High School kung saan dito rin daw nag-aral si Mommy, isang valedictorian si Mommy ng magtapos ng high school dito. Kaya naman kahit papaano ay may pressure para sa akin dahil alam kong kailangan kong pantayan kung ano ang ginawa ni Mommy sa dati nitong school, kahit pa sinabi sa akin ni Mommy na hindi ko naman kailangan gawin na mapantayon sa kung anong meron siya sa school na pinapasukan ko ngayon.
“Wow, Mommy ang ganda po ng school niyo pala?” Masaya kong tanong dito at saka sumabay sa kanilang paglalakad. Malawak ang buong paligid at may malaking opal na may mga ibang student na nagjojogging, habang sa bandang kaliwa naman ay may malawak ring court na pwdeng maglaro ng basketball or volleyball. Ang sabi ni Mommy ay bagong renovated daw ang school na ito dahil sa maraming student na ang nag-aaral dito, maganda daw kasi ang turo dito at tiyak na magiging magaling ang bata kapag nakapagtapos sa kanilang school. Nililibot ko ang paningin ko ng may makita akong isang lalaking nagbabasa sa may ilalim ng puno ng mangga, hindi ko gaanong makita ang mukha nito dahil nakayuko ito at busy sa kanyang binabasa. Pero nagulat ako ng biglang nagtama ang aming mga paningin parang may humaplos sa puso ko ng hindi ko nalalaman kaya naman umiwas na lang ako ng tingin dito at saka humawak sa kamay ni Daddy ng sa ganoon ay mawala ang mabilis na pagtibok ng aking puso ng dahil sa binata na aking nakita.
“Kea, silent ok. After class susunduin ka ni Manong Jaime at huwag na huwag kang aalis kung saan ka niya pupuntahan, tandaan mo ang mga bilin ko sayo dahil alam mo na kung anong mangyayari maliwanag ba?” Pagbibilin ni Mommy sa akin habang inaayos ang buhok kong nagulo ng dahil na rin sa hangin.
“Yes, Mommy I promise hindi po ako gagawa ng isang bagay na ikakagalit mo.” Nakangiti kong sagot dito at saka ko ito hinalikan sa kanyang pisngi maging si Daddy ay ganon din ang aking ginawa, tumango na lang sa akin ang mga ito at saka na ako pumasok sa loob ng classroom ko dahil ilang minute na lang din ay darating na ang teacher namin. Mapabuntong hininga pa ako bago naupo sa isang upuan na nasa bandang dulo iyon na lang kasi ang available na pwdeng upuan dahil may kanya-kanya na ring puwesto ang lahat. Inayos ko ang note ko at ang gagamitin kong ballpen ng biglang naupo sa tabi ko ang isang lalaking parang walang pakialam kung may tinamaan ba ito sa kanyang pag-upo.
Tignan ko ang lalaki at laking gulat ko ng makilala ko ito at saka ito tumingin sa akin na parang wala lang, nag-iwas ako ng tingin ng marinig ko ang pagsalita ng aming teacher. Nagpokus na lang ako sa aking pakikinig ng maramdaman kong nakatingin sa akin ang katabi kong binata, hinayaan ko na lang ito dahil ayokong madistract sa tinuturo ng aming gulo. Subalit sadyang makulit ang isang ito kahit pinahahalata ko na rin dito na ayoko itong makausap.
“Pahiram ng ballpen mo?” Salita nito at saka basta na lang kinuha ang ballpen na hawak ko. Mabilis naman akong napatingin dito at naiinis akong muling nagpokus sa aking ginagawa, naglabas na lang ako ng bagong pen at saka napapailing na lang din ako dahil talagang hindi ko gusto ang aura ng lalaking katabi ko. Hanggang sa matapos ang half classes namin ay patayo na ako para pumunta sa canteen at nagugutom na rin naman ako, ng harangan naman ako nito.
“Canteen ka, sama ko?” Presko nitong tanong sa akin na ikinatingin ko ng masama dito. Close ba kami para maging ganito ito ka cool ito sa akin? Tinignan ko lang ito at saka sumagot sa tanong nito, sa totoo lang ay kanina pa ako nito naiinis dahil sa pagiging pilosopo nito.
“Hindi ko kailangan ng kasama para pumunta ng canteen dahil kaya kong mag-isa.” Mataray kong sambit dito at saka ko ito inalisan, mabilis naman akong nakarating ng canteen dahil madali lang naman ito makita. Pumili ako para sana kumuha ng pagkain ng makita kong nasa likuran ko naman ang lalaking classmate ko, muling napataas ang kilay ko dahil sa pagsunod nito sa akin. Hanggnag sa mesa ay nakasunod pa rin ito na parang aso kaya naman talagang hindi ko na rin mapigilan ang samaan ko ito ng tingin. Pagsasabihan ko na sana ito ng bigla na lang ito tumayo at humarang sa likuran ko, nagtaka pa ako pero nakita kong pinukol ito ng mga student na nasa kabilang mesa ng mineral water na wala namang laman. Parang ako naman talaga ang punterya ng mga ito at humarang lang ang lalaking classmate ko. Pero nakaramdam naman ako ng inis at kahit ayokong masira ang first day of class ay wala na rin ako magawa dahil mukhang maraming bully sa school na ito, at sa tingin ko kailangan ko rin magpakilala sa mga ito ng sa ganoon ay hindi ako mabully ng mga ito. Naglakad ako papalapit sa mesa na ngayon ay malalakas ang tawanan dahil sa ginawa ng mga ito na pangbabato.
“Pag-aaral ang pinunta ko dito pero kung gusto n’yo ng gulo ay pagbibigyan ko kayo.” Galit kong sambit sa mga ito at basta ko na lang din itinaob ang mesang kanilang kinakainan at isa-isa ko sila tinignan ng masasama. Walang nagsalita kahit isa sa kanila kaya naman mukhang natuto na ang mga ito sa akin, umalis ako harap ng mga ito at saka tinignan ang lalaking nagtanggol sa akin kanina, akala kaya nito hindi ko kayang ipagtanggol ang aking sarili. Pero iyon ang malaki nilang pagkakamali dahil isa rin akong reyna ng bully noong elementary kaya naman, kaya kong ipagtanggol ang aking sarili sa mga ganitong klaseng tao. Nasayang lang ang pagkain ko kaya nagpasya na lang akong pumunta sa may ilalim ng puno ng sa ganoon ay mapakalma ang aking sarili. Hanggang isang boses ang narinig ko mula sa aking likuran.
“Ang buong akala ko hindi mo sila kayang labanan, pasensya ka na kung pinangunahan kita kanina ayoko lang talaga may nakikita ng binubully na kahit na sino.” Salita nito sa akin at saka naupo pa sa tabi ko. Tinignan ko ito at aaminin kong napapahanga pa rin ako sa ganda nitong lalaki, sa tingin ko din ay matanda ito sa akin ng ilang taon. Matangkad ito at kahit high school pa lang ito ang matipuno na rin ang katawan nito na unang mapapansin dito, tahimik ito habang nakatingin sa kawalan. Nag-iwas na lang ako ng tingin dahil ayokong isipin nitong hinahangaan ko s’ya.
“Taga saan ka?” Tanong nito sa akin at saka sumandal naman sa may puno na tinatambayan namin. Muli itong tumingin sa akin na ikinalingon ko naman dito, nagtagal pa ang sagot ko dahil nagdadalawang-isip pa ako kung sasagutin ako ang tanong nito subalit natawa lang ito ng pinagtaka ko naman dito.
“Ayos lang kung ayaw mong sabihin sa akin kung saan ka nakatira, pwde naman kitang sundan mamaya eh.” Turan nito sa akin na ikinalaki naman ng mata ko dito. Parang sirang ulo talaga ito kung titignan dahil seryosong usapan pero hahaluan ng kalokohan. Masama ko itong tinignan at saka tatayo na sana ko ng bigla ako nitong hilahin na ikitumba ko naman sa ibabaw nito, halos huminto ang mundo ko dahil sa ginawa nito. Ngayon lang ako may nakasamang ibang lalaki kaya hindi ko alam kung paano ang tamang pakiramdam.
“Sabi na nga ba mas maganda ka sa malapitan?” Nakangisi nitong salita sa akin na ikinabalik naman ng katinuan ko, mabilis akong umalis sa pagkakadagan ko dito at saka ko ito sinipa sa kanyag binte at sinamaan ko ito ng tingin natawa lang ito ng malakas na mas ikinainis ko dito. Kaya naman buong classes masama ang loob ko dito, pero hindi na ito bumalik after ng breaktime, inalis ko na rin naman ito sa aking isipan at nagpokus sa aking pag-aaral.
Hanggang sa ilang buwan na akong pumapasok sa school at kahit papaano ay wala na ring nangbubully sa akin, ang lalaki naman ay palagi ko pa ring nakikita sa ilalim ng puno kung saan ito palaging naroroon. Patuloy pa rin ito sa pang-aasar sa akin pero aaminin kong hinahanap ko naman ito sa tuwing wala ito sa school, hindi ko alam kung bakit ito wala o bakit hindi nakakapasok kung minsan. Gusto ko sana itong tanungin pero ayokong isipin nitong chismosa ako sa buhay nito. Hanggang isang araw ay hindi naman ito pumasok at nakita kong walang nakatambay sa may puno na madalas nito kinauupuan, nagstay muna ako don ng ilang minute dahil maagang natapos ang klase ko at wala pa rin naman ang sundo ko sa labas ng gate.
Habang naroroon ako ay hindi ko sinasadyang makita ang isang notebook na mukhang pag-aari ni Joseph ang binatang classmate ko. Binuksan ko ito at nakita kong maganda ang handwriting nito, nag-eenjoy akong tignan ang notes nito hanggang sa isang love letter ang nahulog mula doon. Pinulot ko ito at saka ibinalik sa pahina ng notebook nito, subalit nagtaka ako ng makita ang pangalan ko sa labas ng sobra. “Para ba ito sa akin?” Tanong ko pa sa aking sarili, subalit naiisip kong baka kapangalan ko lang din yon at hindi para talaga sa akin ang sulat. Pero halos natulos ako sa aking kinauupuan ng marinig ko ang boses ni Joseph sa aking likuran.
“Buksan mo para sayo ang letter na yan, Kea?” Mahina nitong sambit at saka lumapit sa akin para umupo sa tabi ko, mabilis akong napalingon dito at saka inabot ang kanyang notebook. Nahihiya pa akong tumingin dito ng iaabot nitong muli sa akin ang letter na nakita ko.
“Basahin mo, saka iyan na rin ang magiging gift ko para sayo.” Salita nito na ikinakuno’t ng aking noo, at aaminin kong may pagbigat sa akin dib-dib na hindi ko maintindihan.
“Aalis na ako bukas ng gabi, Kea? Sa totoo lang ayoko sanang umalis kasi hindi pa man tayo nagkakaayos at nagiging magkaibigan ay iiwan na kita. Alam kong galit ka sa akin dahil sa pang-aasar ko sayo pero sa totoo lang yun lang ang way ko para magpapansin sayo ng sa ganoon hindi mo makita na gusto kita” Pagtatapat nito na mas ikinagulat ko, wala akong masabi dahil talagang nagugulat ako sa mga naririnig ko mula dito.
“Alagaan mo ang notes kong yan, at pangako kukunin ko ulit sayo yan. Kapag handa na akong harapin ka at iharap sa altar, walang babaeng magpapabago sa nararamdaman ko para sayo. Mag-iingat ka sana palagi at sana ay magawa mong antayin ako kahit pa gaano katagal. Pasensya ka na rin sa pagiging makulit ko sayo pero tandaan mo naging masaya ang high school ko ng dumating ka sa school na ito.” Malambing nitong turan sa akin at dahil sa pagkatulala ay hindi ko na rin namalayan na nahalikan na pala ako nito sa aking labi na mas ikinatigil ng aking mundo. Umalis itong wala man lang ako nasabi, ni wala akong naging sagot o kilos dahil hindi ko maisip na kung paano nito nakuha ng ganon kadali ang first kiss ko na hindi ko rin naman inaasahan.
(end flash back)