Chapter 7

2254 Words
-Kea- “Waaahhh!!!! Waahhhhhh!” Naririnig kong iyak ng baby ko ng isilang ko ito sa mundo, lumuluha ako habnag inilalagay ito sa ibabaw ng aking dib-dib at hinalikan ko ito sa kanyang noo. Sa sobrang kaligayahan ay halos mawala ang sakit na nararamdaman ko ngayon dahil sa nakikita kong ligtas at malusog ang aking princes. Hinaplos ko ang maliit nitong mukha at saka patuloy lang sa pagtulo ang aking luha, ibang saya ang hindi ko maipaliwanag ganito siguro kapag ganap ka ng isang ina. Mas napatula ako dahil hindi man lang nagawa nila Mommy at Daddy na puntahan ako at mukhang mas mahalaga pa sa kanila ang kanilang mga busuniess kaysa makita ang kanilang apo, masakit man ay wala pa rin ako magagawa dahil siguro at sadyang ganito ang aking kapalaran. Ilang sandali pa inaalis na rin sa akin ang aking anak, at kailangan na rin kaming linisin ng mga doctor ng sa ganoon ay mailipat kami sa isang private roon at nang makapagpahinga na ako ng maayos. Hanggang sa tuluyan na rin akong nawalan ng malay ng dahil sa panganganak at bago pa man mangyari yon ay nakita kong kinarga ng isang nurse na lalaki ang aking anak, at hindi ko alam kung dala lang ba ng aking pagkahilo dahil sa panganganak ko o talagang hinalikan nito ang aking anak sa noo at nakita ko sa mata nitong ang kaligayan na parang isang tunay na ama. Hindi ko na rin nakita pa ang sumunod na nangyari dahil tuluyan na akong nilamon ng dilim, subalit panatag ako dahil alam kong mamaya lang ay makakasama ko na ulit ang aking anak at habang buhay ko na itong nasa piling ko. “Good morning, Mommy!” Bati sa akin ng isang nurse na babae at dala na nito ang aking anak na babae. Nakaupo na ako ngayon at kakagising ko lang din, tapos na rin akong kumain dahil ang sabi ni Madam Mila ay kailangan ko ng lakas ng sa ganoon ay may makuhang gatas ang baby ko sa akin. Andito sa tabi ko sina Flower at Madam Mila para alalayan ako sa aking panganganak, mabuti na lang at sa bahay sila nanatili ng ilang araw kaya naman naisugod agad nila ako sa hospital noong sumakit na ang aking tiyan. Nataranta pa nga ang mga ito dahil umiiyak na rin ako dahil talagang masakit na ang aking tiyan, laking pasasalamat ko talaga sa mga ito at hindi ako iniwan hanggang sa maipanganak ko ang aking anak. Masasabi kong mga mabubuti silang kaibigan dahil kahit hindi nila ako ganoon kakilala ay pinagkatiwalaan nila ako at inalagaan maging ang aking anak. “Hoy girl anong name pala ng baby mo?” Masayang tanong sa akin ni Flower at saka nilalaro ang daliri ng aking baby na natutulog naman sa aking tabi, kakatapos lang din nito magd*d* sa akin at natawa pa nga kaming tatlo ng marinig naming dumighay ito ng mahina. Pinagmasdan ko lang sandali ang aking anak at saka nag-isip kung ano nga ba ang magiging name nito, sa totoo lang ay may naisip na ako kaso baka lang kasi hindi babagay sa baby ko. “Sa tingin ko magandang name ni baby ay Samantha Sabina dahil mukha siyang angel.” Dad-dag pa ni Flower na banggit sa akin at saka pa ito nagpost na parang model. Natawa naman dito si Madam Mila at saka pinukol ito ng unan na nahawakan nito, ako naman ay napapailing sa dalawang ito at sa kung paano talaga sila mag-asaran sa isa’t-isa. Mabuti naman ay walang pikon sa kanila dahil siguradong magkakasakitan ang mga ito oras na magkaganoon. Malakas kasing mang-asar si Flower kay Madam Mila kaya naman kung minsan ay naiinis ang amo namin dito. “Tumigil ka yan ang panget ng name na naiisip mo, hayaan mong si Kea ang mag-isip ng pangalan ng anak niya dahil siya ang ina at hindi ikaw bakla, kung gustong magkaanak eh maghanap ka ng babaeng papatol sayo hindi iyong nag-iimagine ka yan na parang t*nga.” Inis na sagot dito ni Madam Mila at saka nahiga sa sofa na naroroon sa loob ng private room ko. Napangiti na lang ako at saka muling nag-isip kung ano nga ba ang magandang panaglan ng baby ko. Sumama naman ang mukha ni Flower dahil mukhang napipikon na rin ito sa kanyang kaibigan subalit ganon pa man ay hindi nito nagawang gantihan ito dahil sa babae pa rin naman ito, inirapan na lang nito ang aming amo at saka muling tumingin sa baby ko. “Summer Nicole, iyon sana ang gusto kong ipangalan sa anak ko. Summer ngayon at ang Nicole naman ay matagal ko na rin gustong name. Sa tingin n’yo ayos lang ba?” Tanong ko sa dalawa at saka nakita kong tumango ang mga ito at nagpapakita ng kanilang pag sang-ayon sa gusto ko. Pumalakpak pa si Flower dahil talagang nagustuhan nito ang naging name ng baby ko. “Perfect ang Summer Nicole, ang galing mo talaga girl. Nga pala hindi mo ba sasabihin sa boyfriend mo na nanganak ka na? At ang parents’ mo hindi ba sila pupunta dito para makita ka at ang anak mo?” Baliwalang tanong sa akin ni Flower at saka kumuha ng isang pirasong mansanas para balatan. Napatingin naman ako kay Madam Mila dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Flower, hindi kasi nito alam ang totoong nangyari sa akin at kay Madam Mila ko pa lang naikukuwento ang lahat. “Flower, alam mo bang nakakabinat sa isang kapapanganak pa lamang ang pagtatanong mo? Tigilan mo muna si Kea at hayaan mo siya kung ano ang gusto niyang gawin dahil sa tingin ko hindi na natin pwdeng pangsimasukan ang pangsarili niyang buhay. Ang pwde lang natin gawin ay tulungan siya sa pag-aalaga sa baby niya at ang personal life niya ay labas na tayo ok?” Pagtatanggol sa akin ni Madam at saka muling pumikit at halatang inaantok pa ito dahil sa puyat noong nakaraang gabi. “Ang sungit mo naman yan akala mo ikaw ung nanganak? Saka masama bang maging concern ako sa kung ano ang gustong isipin ni Kea, natural lang damayan ko siya sa kanyang pinag-dadaanan dahil naging kaibigan ko rin naman siya, alam mo balak ko na rin magbawas ng kaibigan at sa tingin ko ikaw ang uunahin ko.” Mataray naman sagot dito ni Flower at saka inirapan pa ito at pinagpatuloy pagkain na nito ng mansanang kanyang binalatan. “Tumigil na kayong dalawa, ayos lang ako at Flower alam na rin naman ng mga magulang ko ang tungkol sa panganganak ko hindi ko lang alam kung makakarating sila dito dahil alam kong busy ang mga iyon, pero ayos lang naman ako dahil andito kayong dalawa sa tabi ko. At tungkol naman sa lalaking nakabuntis sa akin ay hindi ko alam kung nasaan ito ngayon at wala naman akong pakialam sa kanya. Sa ngayon mas gusto ko na lang muna magpokus sa pagiging ina ko kay Summer at kung paano ko ito mapapalaki ng maayos ng sa ganon ay lumaki itong mabuting tao na kaya n’yong dalawa.” Turan ko na sagot kay Flower at nakita kong nanahimik na lang muna ito, pero kilala ko ito alam kong hindi ito titigil hangga’t hindi nito nalalaman ang totoo. Pero ganon pa man ay alam kong maiintindihan din naman ako nito pagdating ng araw. Ilang araw pa ang lumipas ay nakalabas na rin ako ng hospital, naging madalas din ang pagdalaw sa akin ng dalawa at kung minsan ay dito na sila natutulog at alam kong napupuyat rin ang mga ito sa tuwing magigising ako sa pagtempla ng gatas ng aking anak. Nagpapad*d* naman ako pero kung minsan sa gabi ay mas gusto nitong magd*d* sa bote kaya naman may nakahanda talaga kong bote sa kuwarto ng sa ganoon ay maging ready ako palagi. Ayaw pa ni Madam na bumalik ako kahit pa tapos na rin ang leave ko na almost three months na rin, ang sabi nito ay ayos lang kung hindi muna ako babalik dahil wala pang titingin kay Summer Nicole, kung sakaling bumalik ako ng trabaho. Sa totoo lang ay nag-eenjoy ko ang pag-aalaga sa baby ko dahil sa ang dami kong natutunan at nalalaman sa pagiging isang ina, ngayon ko lang napagtanto ang kahalagaan ng pag-aalala at kung paano mo unawain ang isang baby lalo pa at hindi pa nitong kayang magsabi ng kanyang tunay na nararamdaman. Isang araw ay napagdesisyunan kong bumisita sa restaurant at nagulat pa ang mga kasamahan ko dahil hindi nila inaasahan ang pagdating ko, maging si Madam Mila at Flower ay nanglaki ang mata ng makita akong naroroon sa kanilang harapan. Napagalitan pa nga ako ng mga kasamahan ko dahil bakit ngayon ko lang daw dinala ang baby ko, matagal na pala nilang sinasabi kay Flower na gusto nila akong bisitahin subalit ayaw daw ni Madam Mila dahil siguradong makakaabala lang sa akin ang mga ito. Dahil sadyang makukulit rin ang mga ito at magugulo, maaari daw magulat ang baby sa kaguluhan na meron ang mga kasamahan ko kaya ayaw nitong sabihin kung saan ako nakatira, kaya naman laking pasalamat ng mga ito sa akin at dinala ko sa kanila ang aking anak at nasilayan na rin nila ito. “Grabe Kea, sobrang ganda ng baby mo mukhang may lahi ang father niya?” Manghang tanong sa akin ni Tina habang nakatingin sa baby ko na nasa scroller at natutulog. Natawa naman ako sa sinabi nito dahil sa totoo lang ay marami na rin ang nagsasabi na baka daw may lahi ang ama ng anak ko dahil sa taglay talaga nitong kagandahan. Bata palang ito ay makikita na rin ang katangusan ng ilong nito at kung gaano rin kapula ang labi nito, maliit din ang mukha nito na parang barbie at kapag ngumiti ito at tiyak na mapapahangan kang talaga dahil sa dimples nitong malalim at ang mata nitong bilugan at s’ympre ang kutis nitong maputi. “Umamin ka na Kea, sino nga bang talaga ang ama ng anak mo ha?” Sa tingin kasi namin ay malaki ang hawig niya kay Mr. Ocampo ung binatang billionaires at regular customer dito” Sabat naman ni Lando at isa sa mga cook dito. Nagpakamot pa ako ng aking ulo dahil talagang nahihiya ako sa mga ito, ayoko mang maging bastos pero maging ako ay hindi kilala ang ama ng aking anak. Sa tulad kong walang maalala na kahit na ako ay mahirap para sa akin na malamang kamukha ito ng ibang tao, kaysa sa tunay nitong ama. “Alam n’yo sa tingin ko kailangan na rin ninyong bumalik sa pagtatrabaho ng sa ganoon ay may maipasahod kami sa inyo.” Pang-aasar na sagot naman ni Flower dito at saka naman napanguso pa ang ilan dahil sa mga sinabi ito. Ngumiti naman ako sa lahat ng magpaalam na rin ang mga ito sa akin at muling bumalik sa kanilang trabaho, ako naman ay nagpunta ng office ni Madam Mila at nais daw ako nitong makausap. Subalit pagpasok namin ay hindi ko inaasahan na may bisita pala ito roon at mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan. “Good morning po Madam Mila” Nakangiti kong pagbati dito at saka kinarga ko ang aking anak na ngayon ay nagising na rin. Lumapit naman sa akin si Madam ay saka mabilis na kinuha ang akong anak at ibinigay sa lalaking kausapan nito, nanglaki pa aking mata dahil sa ginawa nito, kaya naman tinignan ko ang lalaking katapat ko at nakita kong nahiya rin ito sa ginawa ng aking among babae. “Relax ka lang Kea, hindi niya kukunin ang anak mo sa totoo lang namimiss lang ni Mr. Ocampo ang anak niya ang kaso hindi naman niya pwdeng makasama ang kanyang mag-ina dahil sa may malaking problema silang hinaharap. Tulad mo kakapanganak palang din ng girlfriend at dahil same ng month ang baby n’yo kay naman naisip kong maaring maibsan ang pangungulila ni Mr. Ocampo sa kanyang anak kung mabubuhat niya ang anak mo. Ayos lang naman sayo iyon diba Kea?” Paliwanag sa akin ni Madam at saka napatingin ako sa binatang naka tingin naman sa aking anak, kung titignan ay para itong isang ama na sabik na mahawakan ang kanyang anak. “Ayos lang naman kung gusto pa ni Mr. Ocampo na makasama niya ang anak ko.” Mahinang sagot ko naman dito at saka muling tumingin sa aking anak na ngayon ay nakikipaglaro na rin dito. Napatulala pa ako dahil sa napapaisip ako kung anong meron sa lalaking ito at bakit hindi magawang makasama ang kanyang anak, gayong mukha naman itong mabait at mabuting tao. Ganon pa man ay ayokong panghimasukan ang buhay nito dahiul sa wala akong pakaialm sa pinagdadaanan nito. Halos ilang oras din muna akong namalagi sa loob ng office ni Madam Mila at nakikita kong masaya silang dalawa ni Mr. Ocampo na nilalaro si Summer Nicole. Lihim din akong napapatingin kay Mr. Ocampo dahil nahuhuli ko rin itong napapatingin sa akin at sa tuwing nagtatama ang aming paninginn ay may nakikita ako dito na dating kakilala na isang taong gusto ko na rin sana makita o makausap. Hanggang na umalis na rin si Mr. Ocampo at may kailangan pa daw itong gawin ngayon. Nagpasalamat pa ito sa akin at nagbilin na pakialagaan ang anak ko, tumango lang ako dito at wala rin lumabas na kahit ano sa bibig ko dahil sa tuwing nasa tabi ko ito ay lumalakas ang t***k ng aking puso na hindi ko mahanap ng tamang kasagutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD