-Peter- Andito ako sa loob ng condo ko at mag-isa lang din naman ako sa buhay, wala rin akong kahit na isang katulong dahil ayokong may gumalaw sa mga gamit ko na andito o maging sa mga personal kong gamit at lalo na sa personal kong buhay. Naging sensitive ako sa maraming bagay mula ng tumira ako dito sa bansang Italy para pag-aralin ng aking tunay na ama. Sumama na lang ako dito dahil alam kong kailangan kong gamitin ang pagkakataon na ibibigay nito sa akin ng sa ganoon ay gumanda ang buhay ko, at sa pagdating ng araw ay maibigay ko sa babaeng mamahalin ko ang lahat ng kailangan nito. Ayokong maging tulad sa naging kapalaran ng aking ina, iniwan ng aking ama dahil sa pagiging mahirap nito at ng makatagpo ng mayaman ay tuluyang iniwanan ang aking inang nahihirapan. Nasaktana ko sa nakiki

