Kea- Naging madalas ang pagpunta ni Mr. Ocampo sa restaurant ni Madam Mila, at sa tuwing andirito ang binata ay sila ni Madam Mila ang nag-aalaga at nagbabantay sa anak ko, ng sa ganoon ay makapagtrabaho daw ako ng ayos at h’wag kong alalahanin si Summer dahil magaling daw mag-alaga ng bata si Mr. Ocampo dahil sa may anak na rin daw ito. Nahihiya na nga ako dahil sa tingin ko ay nakakaabala na rin ako sa aking boss ngunit ang sabi naman nito ay ayos lang at naaaliw naman sila sa aking anak na talagang masayahin at palaging nakangiti, literal itong itong nakakaenjoy lalo pa kung sisimulan mo itong laruin o patawanin. Hinayaan ko na lang din sila kung gusto talaga nilang alagaa ang aking anak, at inisip ko na lang na magiging malaking tulong ito sa akin kaya naman mas ginalingan ko pa sa ak

